Share

Chapter 3

DEDAY'S POV

Pagkatapos ko kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan ko. Lumabas ako sa kusina at pumasok muna sa silid ko. Humarap ako sa salamin. Ang iksi naman ng palda na ito. Kaya naiilang ako kasi hindi ako sanay madalas kasi ang haba ng mga saya na suot ko.

Itinali ko ang buhok ko para hindi mainit sa pakiramdam. Madalas kasi nakalugay lang ang buhok ko. Kaya lalo akong inaasar na manang na sa amin.Hanggang dito ay hindi nakaligtas sa masungit na manong. Sa lahat sa kanila ay siya lang ang bukod tanging tumawag sa akin nang manang.

Lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko si nanay.

"Deday puwede mo bang linisan ang swimming pool?" Tanong niya sa akin.

"Sige po nay," sagot ko naman sa kanya.

"Darating kasi ang mga barkada ni Senyorito Jacob mamayang gabi at may pool party sila. Bagay sayo ang uniform mo siguro naman hindi kana tatawaging manang ni senyorito Kallix," nakangiti na sabi ni Nanay Veda.

"Salamat po pero hindi ako sanay. Mas kumportable pa rin po ang suot kong palda," sabi ko sa kanya.

"Naku! masasanay ka rin. Dapat simulan mo ng makibagay sa mga usong pananamit ngayon," sabi niya sa akin.

"Opo nay, susubukan ko po," sabi ko naman sa kanya.

Nagpaalam na ako kay nanay na pupunta na sa pool area dito sa mansion. Ang init na nang sikat ng araw. Ang mga kasamahan ko ay abala sa pag-aayos ng mga mesa. Ako naman ay naglinis ng pool. Bigla nanayo ang mga balahibo ko ng ako na lang mag isang naiwan dito sa pool area. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin sa kung saan. Nagmadali ako dahil kabado na ako. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nanyari dahil nadulas ako at diretso sa tubig.

Hindi ako marunong lumangoy kaya nahihirapan ako lalo't malalim ang tubig.

"Tu-Tulong! T-Tulungan niyo ak-ako!" Nahihirapang sigaw ko.

Wala parin dumadating hanggang sa lumubog na ako sa tubig at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Napaubo ako.

"Deday okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mira.

Bumangon ako at una kong nakita ang papalayong bulto ni manong masungit.

"Okay lang ako senyorita. Salamat sa pagligtas sa akin," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako ang nagligtas sayo kundi si Kuya Kallix. Nagulat lang din kami kasi nagmamadali itong bumaba sa hagdan kanina. 'Yon pala nalulunod kana dito," sabi niya.

"S-Si Senyorito Ka-Kallix ang nagligtas sa akin?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Oo siya, siya rin nag CPR sa 'yo," sagot niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Anong CPR?" Tanong ko sa kanya.

"Cardio Pulmonary Resuscitation," sagot niya.

Lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya.

"Lalo kong hindi naintindihan senyorita," sabi ko sa kanya.

Napakamot ito sa buhok niya.

"Iniligtas ka ni kuya tinulungan ka niyan makalabas 'yong tubig na nainom mo," sabi niya sa akin.

"Paano niya nailabas yong tubig?" Nagtatakang tanong ko.

"Hayy naku! Deday hayaan muna ang mahalaga nakaligtas ka. Ang swerte mo n*******n mo si kuya," kinikilig na sabi niya.

Manlaki ang mata ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Ho? Anong sinasabi niyo?" Nagulat na tanong ko sa kanya.

"H'wag ka mag-alala wala naman 'yon kay kuya eh. Bakit wala ka pa bang first kiss?" Nang-aasar na tanong niya.

"M-Meron na," pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay! Sige na magbihis kana doon baka ubuhin ka pa," sabi niya sa akin.

"Salamat ulit senyorita," sabi ko sa kanya bago nagmadaling pumunta sa silid ko.

"Mira na lang magkaedad lang naman tayo eh," naka ngusong sabi niya.

"Okay Mira bye," paalam ko sa kanya.

Naligo na lang ako.Habang naliligo ako ay hindi maiwasang mainis sa sarili ko.

"Kasalanan talaga ng kung sino mang nakatingin sa akin ang lahat at kasalanan din ng pool. Bakit kasi ang lalim ng tubig doon nakakainis naman?!" Kausap ko sa sarili ko.

Bakit kasi hindi ako marunong lumangoy ayan tuloy nawala ang first kiss ko at ang masama pa si manong na masungit pa ang kumuha.

Pero hindi naman siguro yon counted kasi wala naman akong malay.Pero naiisip ko pa lang na dumikit sa akin ang labi niya naiinis na ako.

Hindi naman sa nag-iinarte ako pero syempre gusto ko na sa taong gusto ko gawin ang first kiss ko.

Oo! naging crush ko siya pero ngayon hindi na.Kairita talaga siya.Kinuskus ko ang labi ko para alisin ang bakas niya. Pagkatapos ko maligo ay nag-ayos ako ng sarili bago lumabas sa silid ko. Dumiretso ako sa kusina para tumulong dahil pagabi na.

Pagpasok ko ay palabas na si Manong masungit. Hindi ko alam ang gagawin ko kung babatiin ko ba siya o hindi. Pero kabastusan rin kung hindi ako magpapasalamat sa kanya.

"Senyorito Kallix," tawag ko sa kanya.

Tumigil naman ito habang hindi ako nililingon.

Kabado man ay pinilit kong maging normal ang boses ko.

"Gusto ko lang po magthank you sa pagligtas mo po sa akin kanina. Thank you po talaga. Hindi po kasi ako marunong lumangoy," saad ko sa kanya.

Naglakad lang ito at hindi man lang sumagot. Kahit kailan talaga napakasungit niya.

Tumuloy na ako sa kusina at tumulong sa kanila. Mamayang alas siyete ay darating na ang mga kaibigan ni senyorito Jacob.

Habang naghuhugas ako ng mga hugasin ay dumating si manong masungit.

"Manang...!" Tawag niya sa akin.

"Yes po Senyorito Kallix. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Nanay Vida.

"It's not you po manang. 'Yong bago nating maid ang tinatawag ko," mahinahon na sagot niya kay manang.

Wow magalang naman pala pero bakit manang pa rin ang tawag niya sa akin. Kahit na naiinis ay sinarili ko lang muna at dahil iniligtas niya ako ay magpapakabait muna ako ngayon.

"Deday iwan mo na cyan diyan at may ipag-uutos sayo si senyorito Kallix," tawag sa akin ni nanay.

"Bakit po senyorito Kallix?" Magalang na tanong ko habang pilit na ngumingiti.

"Clean my room. May bisita ako mamaya kaya kailangan na malinis ang kwarto ko," utos niya at sabay labas sa kusina.

Kakalinis ko lang kanina pero maglilinis na naman. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Isipin mo na lang niligtas ka niya kahit na ninakaw niya ang first kiss mo, kausap ko sa sarili ko.

Simula ng mapadpad ako dito ay lagi ko na lang kinakausap ang sarili ko. Nakakatakot na dahil baka hindi ko na mamalayan ay maging sinto-sinto na ako dahil sa masungit na 'yon.

Hindi ako makapaglinis ng maayos dahil nandito lang naman si manong na nakabantay sa akin. Kahit na naiilang ako ay ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Ang masungit na manong ay nakaupo lang sa kama niya. Abala ito sa pag-babasa ng libro.

Siguro sobrang talino niya. Kasi professor na siya. Ilan taon na kaya si manong.

"What are you thinking manang?" Tanong niya sa akin.

"Wala po senyorito," sagot ko sa kanya.

"Can you please make it fast. Anytime darating na ang bisita ko pero hindi ka'pa tapos," naiinis na sabi niya sa akin.

Binilisan ko ang kilos ko pinapunta din niya ako sa banyo para ihanda ang bathtub. Ang bango ng sabon na ginagamit nila halatang pangmayaman.

"Bakit ba ang bagal mo manang? Hindi ka parin ba tapos?" Tanong niya ulit sa akin.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Sa totoo lang ngayon ko lang siya natitigan. Ang sungit talaga ng awra niya. Sayang ang kagwapuhan niya. Pero alam ko naman na maraming babaeng naghahabol sa kanya. At ayoko ng dumagdag sa haba ng pila.Turn off ako sa mga kagaya niyang masungit pero naisip ko lang uratin ko kaya siya. Ito na naman ang isip ko may mga binabalak na hindi maganda.

Mas lalo kong binagalan ang kilos ko. Hindi porket sinagip mo ako ay pwede ka ng magsungit sa 'kin.

Nagulat kami pareho ng bumukas ang pinto at pumasok ang magandang babae.

"Kallix! I missed you so much," sigaw niya habang nagmamadaling lumapit kay manong.

Mabilis itong sumampa kay manong kaya naman mabilis din itong binuhat ni manong na masungit.

Ang sumunod na nanyari ang hindi ko napaghandaan.Hinalikan niya bigla si manong. Si manong naman ay hinahalikan din 'yong magandang babae.

Napatakip tuloy ako sa mata ko dahil sa nakita ko. Unti-unti kong sinimulang ihakbang ang paa ko para makaalis.

Hindi maganda sa paningin ko ang ginagawa nila at bigit sa lahat .Bakit pa ako mananatili doon? Maabala ko lang sila sa dapat nilang gawin. Sumilip ako ng huling beses sa kanila at nakita kong nakatingin sa akin si manong kaya nabilis akong lumabas.

"Nakakahinga pa kaya sila? Eh halos lunukin na nila ang labi ng isa't isa," wala sa sariling sabi ko ng makalabas ako sa silid.

Mabilis akong bumaba sa kusina.Inabot na kasi ako ng alas otso. Sakto kumakain sila pagpasok ko.

"Kain na tayo Deds," saad sa akin ni Chen-chen. Isa sa mga kasamahan namin dito. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon.

"Salamat ate Chen, gutom na rin talaga ako," sagot ko sa kanya.

Lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay. Balak ko kasi kumain ng nakakamay lang. Mas gusto ko at tsaka wala naman sabaw ang ulam kaya ayos lang.

Umupo na ako para magsimula ng kumain. Kakasubo ko lang nang bigla akong tawagin ni nanay Vida.

"Deday, pasensya na kung aabalahin ko ang pagkain mo. Nagpapadala si senyorito Kallix ng alak sa kwarto niya.

"Sige po nay. Saan po ba ako kukuha ng alak na dadalhin ko doon?" Tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang pagkain ko dahil balak kong balikan mamaya.

"Sasamahan na kita," sabi niya sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya.

"Dito nakalagay ang mga alak. Kumuha kana at dalhin mo sa kanila," utos ni nanay sa akin.

Ako naman ay kumuha ng isa at umakyat sa kwarto ni manong. Kumatok ako pero hindi naman ako naririnig. Kumatok ako ng kumatok kasi naman nagugutom na ako.

"Senyorito! Senyorito andito na po ang alak na pinapadala niyo!" Sigaw ko sa kanya.

Kinalampag ko na 'yong pinto sa inis ko. Umabot lang naman ako ng kalahating oras sa paghihintay ko sa kanya. Sa inis ko ay bumaba na ako. Ako kayang ginagawa nila at hindi man lang nila ako naririnig.

"Arrgh, kainis siya! Kung hindi niya ako inabala sana ngayon nagsisimula ng madesolve ang kinain ko," padabog akong bumaba sa hagdan.

Nakasalubong ko si senyorito Jacob nanggaling siya sa kusina.

"Hi Deday," bati niya sa akin.

"Hi din po Senyorito Jacob," matamlay na sagot ko dahil gutom na ako.

"What happened? Why are sad?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman po ako malungkot, gutom lang po ako," sagot ko sa kanya.

"Bakit hindi kapa ba kumakain?" Nag-aalalang tanong niya.

"Mayroon po kasing manong na inantala ang ako habang kumakain.Tapos ngayon hindi naman ako pinagbuksan ng pinto," inis na sabi ko.

Nagulat ako dahil tumawa ito ng malakas kaya napakunot naman ang noo ko sa kanya.

"Sorry Deday pero natatawa ako. Si kuya ata ang tinatawag mo na manong," sabi niya.

Napayuko naman ako dahil nahihiya ako.

"It's fine, that's are secret pero twenty five pa lang si kuya kaya hindi pa siya manong hahaha," sabi niya.

"Sorry po, kasi naman nakakainis lang po eh," sabi ko sa kanya.

"Don't mind them they doing their exercise," sabi niya sa akin.

"Exercise po?" Nagtatakang tanong ko.

"Hahaha sorry naaabala na kita. Sige na kumain kana doon at pagkatapos balikan mo na lang si manong mamaya," tumatawang paalam niya sa akin bago pumunta sa pool kung saan sila nagpaparty.

Pumasok na lang ako sa kusina. Nagsimula na akong kumain. Habang patapos na ako ay dumating si manong kasama ng jowa niya.

"Where's the wine manang? Kanina pa namin hinihintay ang wine," galit na sabi niya.

Hindi ko siya inintindi. Tumayo ako at pumunta sa lababo para hugasan ang kinainan ko.

"Are deaf? Manang!" Galit na tawag niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at dahil inis na inis na ako hindi ko na nakontrol ang sarili ko.

"Hindi po ako bingi senyorito. At katunayan po kalahating oras na akong kumakatok sa pinto. Sobrang sakit na nga ng kamay ko sa kaka-katok doon pero hindi niyo naman naririnig. Tapos ngayon nagagalit ka dahil wala pa 'yung wine. Kumain lang ako kasi gutom na talaga ako pero balak ko namang bumalik doon pagkatapos kong kumain. At nandito kana rin naman ikaw na ang magdala ng wine niyo," tuloy-tuloy na lintaya ko sa kanya. Habang hindi iniisip ang mga lumabas sa bibig ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Huminga ito ng malalim at tinapunan ako ng masamang tingin. Sinalubong ko naman ito. Pero hindi ko alam cyong matalim niyang tingin ay napalitan ng kalmadong ekspresyon.

"You're rude! Your just a maid here," sabi sa akin ng babae.

"Let's go Max don't mind her," sabi ni manong sa babae. Max pala ang pangalan nito.

"But she's disrespecting you," sabi pa nito.

Hindi siya pinansin ni manong at hinila na siya palabas sa kusina. Tama naman siya naging bastos ako at isa lang akong maid.

May pumatak na luha sa mata ko mabilis ko itong pinunasan at nilisan ko ang kusina. Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko binuhos ang sama ng loob ko. Dumaan ang ilang linggo at hindi ko na nakita si manong. Inaabangan ko siya lagi dahil gusto ko humingi ng sorry sa ginawa ko.

Isang buwan na ako dito at sa susunod na linggo ay magpapaenroll na ako. Ipinasok akong scholar ni Senyora sa foundation kaya laking pasasalamat ko na makakapasok na ako sa paaralan.

"Nasaan na kaya siya?" Wala sa sariling tanong ko.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganyan nga deday lumaban ka para hindi ka kinakaya kaya lang
goodnovel comment avatar
Lny AV
hehehe nakakatuwa c deday
goodnovel comment avatar
Gene Darden
pangalawa ko nang basa ito pero natatawa pa rin ako hahaha go Deday para sa econamiya♡♡♡
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status