DEDAY'S POV
Nakahinga ako ng maluwag ng wala na 'yong masungit na 'yon paglabas ko sa banyo. Sinuot ko na lang ang damit na binigay niya sa akin. Ngayon pa ba ako mag-iinarte eh basang basa na 'yong blouse ko. Lalabhan ko na lang pagbalik para hindi naman nakakahiya.Sumapit buong maghapon pero kahit na anino ng masungit na senyorito at hindi ko nakita. Pabor na rin 'yon sa akin dahil nawala bigla ang crush na naramdaman ko kahapon.Dinner time na kaya tumulong ako. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa kusina para dalhin ang juice. Nakatingin sa akin ang masungit na lalaking gwapo na ngayon ay pangit na sa paningin ko.Nakatingin din sa akin iyong isa pang lalaki na ubod ng gwapo. Nakangiti ito sa akin. Ngumiti naman ako dahil ayaw ko rin maging bastos."Manang, what are you waiting for?" Tanong ng masungit na lalaki habang nakatingin sa akin."Yes po senyorito Kallix. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni nanay Vida."I'm not referring to you manang. It's her the new maid," saad niya sabay turo sa akin.Narinig ko naman ang pagtawa no'ng Jacob, pati na si senyorita Mira. Hindi rin nakaligtas sa akin ang munting tawanan ng mga kasama ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya yumuko na lang ako."Stop that Kallix!" Saway sa kanya ni Senyora."She's just eighteen years old. Why are you calling her manang?""She look like manang," sagot niya kay Senyora."You know what kuya Kallix? Deday is a gorgeous manang. Right kuya Jacob?" Tanong ni Mira kay Jacob."Y-yup," tipid na sagot nito na may halong pagka-utal.Hindi ko pa nasasalinan ang baso niya dahil inagaw na sa akin ang pitsel. Nagulat naman ang lahat doon. Siya na mismo ang nagsalin sa baso niya at uminom na siya. Pagkatapos ay tumayo ito at lumabas sa dining-room."Deday, pasensiya kana ganyan talaga ang panganay ko. Ngayon lang ulit 'yan sumabay sa amin magdinner," sabi sa akin ni Senyora."Okay lang po.Totoo naman po ang sinabi niya," sagot ko sa kanya.Ngumiti naman ito sa akin. Sa tingin ko mabait din itong si Mira same age lang kami at ang ganda-ganda rin niya. Pagkatapos nilang kumain ay niligpit na namin ang hapagkainan.Ako na rin ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan. Umalis na ang mga kasama ko at ako na lang mag-isa dito sa kusina.Tahimik ako at maingat sa paghuhugas ng pinggan.Tumayo ang mga balahibo ko. Baka may multo kasi parang may nakatingin sa akin.Nagmadali na ako sa ginagawa ko. Nang matapos ako ay kukuha ako ng pamunas kaya lumingon na ako."Susmaryosep! Ayy gwapong multo!" Biglang bulalas ko."Tssk!" sagot niya sa akin sabay labas sa kusina.Haist! nakakainis naman. May mga trip talaga siya na hindi ko maintindihan, kausap ko sa sarili ko.Pinagpatuloy ko na lang ang pag-pupunas ko nga mga kubyertos. Nang lumabas ako sa kusina ay pababa na ang masungit na manong.Fresh na fresh ang manong niyo tssk! Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko.Humiga ako sa malambot ko na kama. Nakakapagod ang araw na ito.Thank you Lord kasi nakasurvive ako. Bukas po ulit, wika ko sa sarili ko. Hindi ako pagod sa pagtatrabaho pero sa ugali ni manong, oo. Napakasuplado talaga.Siguro natatakot sa kanya mga students niya. Kapag palarin akong makapasok doon sa sinasabi ni Senyora. Sana naman hindi ko siya maging guro. Baka ibagsak niya ako sa klase niya. Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil nakatulog na ako.Nagulat ako madaling araw may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Kumakapa-kapa pa ako dahil pinatay ko ang ilaw.Wala sa sariling binuksan ko ang pinto habang nakapikit pa rin ang mga mata ko."Are you still sleeping manang?" Tanong nang kumatok kaya nagising agad ang diwa ko dahil kilalang-kila ko ang boses na 'yon."May ipag-uutos po ba kayo Senyorito?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko.Hindi ito sumagot at umalis na lang. 'Yon na ba 'yon? Pagkatapos niya akong gisingin aalis na lang siya. Sa inis ko pumasok na ako at sinara ang pintuan ko. Sinimulan talaga niya ang araw ko. Nakahiga lang ako sa kama ko. Ang sosyal talaga dito kasi ang mga kutson dito ang lambot. Hindi ako makatulog wala naman akong naisip gawin kasi 'yong phone ko hindi naman android.Bibili na lang ako kapag nakaluwag-luwag ako. Bumangon na ako ng ala sais nang umaga.Kagaya ng ginawa ko kahapon ay naglinis ulit ako sa hagdanan. 'Yon din ang iniatas sa akin ni nanay Vida dahil ako daw ang pinakabata at kong okay lang daw sa akin. 'Yong iba kasi may mga edad na rito at may mga asawa na. Sumasakit na raw kasi ang mga tuhod nila.Wala namang problema sa akin.Dahil mali ang ginawa ko kahapon ngayon ay magsisimula ako sa taas."Good morning Deday," bati sa akin ni senyorito Jacob. Ang gwapo niya sobra tapos palangiti pa."Good morning din po senyorito," nakangiting sabi ko."Nakakahiya namang dumaan Deday," pagbibiro niya."Naku! senyorito 'wag po kayong ganyan. Pwede ko naman linisin ulit tska saan ka dadaan kong hindi rito," saad ko sa kanya."I can use elevator," sagot niya."Wow! may ganoon pala rito," manghang sabi ko.Bumaba ito at ginulo ang buhok ko."Ang cute mo talaga be careful sa paglilinis dito baka mahulog ka sa puso ko," sabi niya sa akin."Po?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi mawari kong biro ba niya 'yon.Tawa lang ang naging sagot niya sa akin. Nagulat na lang kami ng dumaan sa tabi namin si manong Kallix.'Yong mukha niya para na namang pinagsakluban ng langit at lupa. Nabigla ako ng tumawa si senyorito Jacob."Don't mind him. Masasanay ka din sa kanya," paalala niya sa akin."Mauna na ako sayo Deday baka malate na ako sa office," paalam niya sa akin."Ingat po kayo senyorito," sabi ko sa kanya.Umalis na ito kaya tinapos ko na ang ginagawa ko."Deday," tawag sa akin ni nanay Veda."Bakit po nanay?" Tanong ko sa kanya."Simula ngayon ikaw na ang maglilinis ng silid ni senyorito Kallix," aniya sa 'kin."Sige po nanay. Tapusin ko lang po ito," saad ko sa kanya."Ito pala uniform mo. Ngayon ko lang kasi naasikaso. Pasensya kana kong napagkatuwaan ka kagabi anak," aniya sa'kin."Okay lang po 'yon nanay. Totoo naman ang sinabi niya hahhaa," tumatawang sabi ko."Mabuti naman kong ganun," nakangiting sabi ni Nanay Vida.Nagpaalam na ito para pumunta sa kusina .Ako naman ay tinapos ng gawa ko dahil aakyat pa ako sa silid ni manong.Sana naman wala ito mamaya. Stress pa naman ako sa kasungitan niya.Pagkatapos ko sa hagdanan ay umakyat na ako sa kwarto niya. Nagsimula na rin akong maglinis. Ewan ko ba eh malinis pa naman pero kailangan ba na araw-araw maglilinis.Pero ganoon siguro talaga kapag mayaman. Nakita ko ang damit na binigay ni nanay.Pumasok ako sa banyo para maglinis pero dinala ko ang damit. Hinubad ko ang damit ko na pang manang at isinuot ko ang uniform.Kasyang kasya sa akin ang damit. Eighteen pa lang ako pero dalagang dalaga na ako. Hindi siya umabot sa tuhod ko.Maiksi sa akin kahit na hindi naman ako katangkaran. Pagkatapos ko sa banyo maglinis ay lumabas na ako. Nagulat pa ako dahil nakatayo lang naman ang masungit na manong sa tapat ng pinto. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulay."Ayy manong ka na masungit!" Cdi ko mapigilang sabihin.Kumuno't ang noo niya sa sinabi ko."Sorry po Sir nagulat lang po," kabadong sabi ko."Tsk! I don't care," sabi niya."What are you wearing?" Tanong niya sa akin."Damit po," sagot ko sa kanya."Alam ko na damit 'yan.Pero bakit ganyan ang suot mo? Are you seducing me?" Tanong niya sa akin."Ho? Anong seducing me ang sinasabi niyo Sir? Ito kasi ang binigay ni manang na uniform ko daw po," paliwanag ko sa kanya.Hindi ito sumagot at inirapan lang ako. Ang sungit talaga. Sana dumating 'yong araw na makakapagtaray din ako sa 'yo. Inayos ko na ang mga damit at balak ko ng lumabas dahil tapos na ako maglinis."Where do you think you're going?" Biglang tanong sa akin ni Kallix este manong."Lalabas na po tapos na po kasi ako maglinis," magalang na sagot ko sa kanya."You're not done yet because you need to arrange my closet," walang kangiti ngiti niyang sabi.Para hindi madagdagan ang inis ko sa kanya ay sumunod na lang ako. Grabe ang laki ng closet niya. Kung namangha ako sa banyo niya dahil malaki.Mas malaki ito dahil punong-puno ng mga gamit niya."You want to stand there all day? Pukaw niya sa atensyon ko."Ano po ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kanya kasi nakita ko na maayos naman ang lahat ng gamit."I don't like the arrangements, so do whatever you want but make sure na hindi ako mahihirapang maghanap ng mga kailangan ko," sabi niya."Sigurado po ba talaga kayo diyan?" Nag-aalangan na tanong ko."Hindi ko iuutos sa 'yo kong hindi ako sigurado," masungit na sagot niya."Wow! nagtatagalog naman po pala kayo. Sana ganyan kayo palagi para hindi ako mahirapan na makipag-usap sa inyo," wala sa sariling sabi ko."When you're in college you have to learn english. Kaya dapat ngayon pa lang masanay kana," sabi niya sa akin."Hindi naman po sigurado kung makakapag kolehiyo ako," malungkot na sabi ko."I gotta go bahala kana diyan," paalam niya sa akin.Kita mo panira siya sa moment ko. Magdadrama na ako eh, kainis naman makapag_ayos na nga, kausap ko sa sarili ko.Natutuwa akong mag-ayos ng gamit niya ang bango ng mga damit niya. Inayos ko na lang ayon sa kulay para hindi siya mahirapan. Masaya akong nagliligpit may pakanta-kanta na ako. Para tuloy akong nagcoconcert dito sa loob ng walk-in closet niya. Nagulat ako ng may pumapalakpak."Wow! Ang galing mo naman kumanta Deday," sabi sa akin ni Senyorita Mira."Nakakahiya naman po, pasensya po hindi ko po alam na nandiyan kayo," sabi ko sa kanya."Ano ka ba! Okay lang hinanap talaga kita kasi gusto kitang makakwentuhan. Magkasing edad lang pala tayo," sabi niya sa akin."Naku senyorita baka hindi po tayo magkaintindihan. Hindi po ako sanay mag-english," saad ko sa kanya.Tumawa naman ito sa sinabi ko."E di mag tagalog ako. Marunong naman ako eh," nakangusong sabi niya."Ayos lang ba sa 'yo na kausapin ang katulong na kagaya ko?" Nahihiyang tanong ko sa kanya."Oo naman mas gusto ko kasi wala akong friends. Lahat sila ayaw sa akin," malungkot na sabi niya."Ha? Bakit naman eh mabait ka naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Basta ayaw nila sa akin. Kaya simula ngayon tayo na lang ang magkaibigan ha. By the way ano pa lang course kukunin mo?" Tanong niya sa akin."Hindi ko pa alam kong mag-aaral ba ako eh," sagot ko sa kanya."Mag-aaral ka malay mo may sponsor ka," nakangiting sabi niya sa akin."Sana nga," saad ko naman sa kanya."Sana mag-kaklase tayo para may kasabay ako lagi," sabi pa nito sa akin. Hindi mo aakalain na mabait siya at kakausapin ako.Madalas kasi kapag mayayaman hindi sila nakikisalamuha sa mga mahirap at kasambahay pero siya iba. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan hindi ko na nga namalayan ang oras na tanghali na. Hindi pa naman ako nag-umagahan.Binilisan ko na ang kilos ko at nahiya pa nga ako dahil tinutulungan ako ni Mira. Iba ang pakiramdam ko. Parang may nakatingin sa akin.Nang lumingon ako nagulat ako dahil nakatayo si manong sa pintuan."Hindi ka pa tapos? Two hours na akong nawala," sabi niya."So—""Sorry kuya ako ang dahilan makipag kwentuhan kasi ako sa kanya," sabi ni Mira kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.Hindi ko alam pero nakita ko siyang lumunok habang nakatingin sa akin. Nang tumingin ako sa sarili ko nanlaki ang mata ko dahil nakatupi ang palda ko at kitang-kita ang legs ko.Mabilis ko namang binaba ito. Pasalamat na lang ako dahil hindi napansin ni Mira.Tumalikod ako para bilisan ang ginagawa ko nanginginig pa ang kamay ko habang sinasalansan ang mga sando niya."Deday okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mira."O-Oo okay lang ako.Tapusin ko muna ito ha pasensya na," sabi ko sa kanya."Sorry ha, Sige lalabas na ako 'wag kang mag-alala kahit ganyan si kuya harmless naman 'yan. Gusto niyan :yong mga babaeng malandi hahaha!" Pabulong niyang sabi sa akin.Natawa naman ako sa sinabi niya."What's funny?" Tanong ni manong Kallix."Wala po," sagot ko habang nakatalikod sa kanya."Bye Deday mamaya na lang ulit," paalam sa akin ni Mira."Bye senyorita," sabi ko rin sa kanya habang busy sa ginagawa ko kaya hindi na ako lumingon.Nanigas ako ng sumagi ang balat niya sa akin. Kinilabutan ako bigla, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Akala ko kung ano ang dudukutin niya sa harapan ko. 'Yon pala kukuha lang siya ng sando. Nakahinga naman ako ng maluwag ng lumayo siya kaunti sa akin. Nang matapos ako ay mabilis akong lumabas sa silid niya ng hindi na nagpapaalam.Bumaba na ako at sakto tanghalian na kaya kumain na rin ako. Nauna na sila nanay kaya ako na lang mag-isa ang nandito sa kusina. Naparami ang kain ko dahil sa nakalimutan kong kumain ng agahan. Kaya hindi ko na namalayan na may matagal ng nakamasid sa akin.DEDAY'S POV Pagkatapos ko kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan ko. Lumabas ako sa kusina at pumasok muna sa silid ko. Humarap ako sa salamin. Ang iksi naman ng palda na ito. Kaya naiilang ako kasi hindi ako sanay madalas kasi ang haba ng mga saya na suot ko.Itinali ko ang buhok ko para hindi mainit sa pakiramdam. Madalas kasi nakalugay lang ang buhok ko. Kaya lalo akong inaasar na manang na sa amin.Hanggang dito ay hindi nakaligtas sa masungit na manong. Sa lahat sa kanila ay siya lang ang bukod tanging tumawag sa akin nang manang.Lumabas ako sa kwarto ko. Nakita ko si nanay."Deday puwede mo bang linisan ang swimming pool?" Tanong niya sa akin."Sige po nay," sagot ko naman sa kanya."Darating kasi ang mga barkada ni Senyorito Jacob mamayang gabi at may pool party sila. Bagay sayo ang uniform mo siguro naman hindi kana tatawaging manang ni senyorito Kallix," nakangiti na sabi ni Nanay Veda."Salamat po pero hindi ako sanay. Mas kumportable pa rin po ang suot kong palda," sabi
DEDAY'S POV Ngayon ang araw na lilipat ako. Sabi ni senyora doon daw ako tutuloy habang nag-aaral ako. Masaya naman ako dahil binigyan nila ako ng chance na bumalik sa pag-aaral. Sabi nila ay ako ang gagawa ng gawaing bahay doon sa lilipatan ko.Malayo kasi sa City ang mansion kaya si Mira ay may sarili din condo. Mas gusto ko sana na kay Mira na lang pero mayroon na siyang kasama. Hinatid din ako ni Mang Tommy para hindi na raw ako mahirapan sa pag commute. Kaunti lang ang dala kong damit. Karamihan ay 'yong mga saya ko na pangmanang ang dala ko.Hindi na raw kailangan magsuot ng uniform doon. Pagdating namin sa building ay namangha talaga ako."Deday, kaya mo na 'yan second floor room 21," sabi sa akin ni Mang Tommy."Opo, Mang Tommy, maraming salamat po," paalam ko sa kanya bago ako pumasok sa loob.Pagpasok ko ay hinanap ko kaagad ang elevator. Sumakay ako at pinindot ko ang second floor. Mabilis lang akong nakarating.Naglakad ako at hinanap ko ang room 21. Nang mahanap ko ay na
DEDAY'S POV Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Kahit puyat ako sa nanyari kagabi ay sinikap kong agahan ang gising ko. Sa totoo lang hindi ako magaling magluto. Sa probinsya namin ay si nanay lagi ang nagluluto at sa mansiyon naman ay si Nanay Veda.Binuksan ko ang ref para maghanap ng puwede kong iluto. Marami naman akong nakita kaya kumuha na lang ako ng bacon, hotdog at egg. Nagsaing na rin ako.Nagsimula na akong magprito ng bacon."Ayy..!" Nagulat na sabi ko dahil natalsikan ako ng mantika sa kamay ko.Malakas ang apoy at hindi ako makalapit dahil nagsitalsikan ang mantika. Nasusunog na ngayon ang bacon na piniprito ko."What the hell is going on here?!" Galit na sigaw ni Senyorito sa akin. Mabilis din siyang lumapit sa kalan at pinatay ito.Ako naman ay tulala ay hawak ang kamay ko na napaso. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Pinipigilan ko ang luha ko dahil natakot ako sa lakas ng sigaw niya.Muntikan ko pang masunog ang kusina kung hindi siya lumabas. "Sorry po
Kallix POVHindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin. Simula kasi ng dumating sa mansiyon ang manang namin na katulong ay napansin ko na maraming nagbago sa akin. 'Yong mga bagay na madalas kong hindi ginagawa ay nagawa ko. Kahit na may lakad ako ay pinili ko na bantayan siya sa paglilinis.Ngayon lang ako naging concern sa babaeng basa 'yong damit kaya binigay ko ang T-shirt ko sa kanya.Madalas akong naiirita kapag ibang tao ang kausap ko pero siya parang musika ang boses niya sa pandinig ko.Isang hapon habang nasa terrace ako ay natatanaw ko siya sa baba habang naglilinis ng pool. Nagulat ako nang bigla na lang siyang nahulog at humihingi ng tulong. Hindi naman ako makatalon dahil mataas ang terrace kaya nagmadali akong bumaba para puntahan siya.Nagtaka pa ang kapatid ko dahil nagmamadali akong bumaba."May problema ba kuya? Bakit nagmamadali ka?" Tanong niya sa akin.Hindi na ako sumagot dahil dumiretso ako sa pool area namin.Mabilis akong tumalon sa tubig at binuhat ko siya.
DEDAY'S POVPagkatapos namin kumain ako ang nagligpit at naghugas dahil trabaho ko din talaga 'yon. Wala naman lakad si senyorito ngayon kaya naisip ko na magpapaturo na lang ako sa kanya kung paano gamitin ang phone niya.Naligo muna ako pagkatapos ay lumabas ako. Dahan-dahan pa ang paglapit ko sa kanya kasi nanunuod ito ng tv ngayon. Para akong ballerina kung maglakad dahil nakatingkayad ako.Umupo ako sa sahig at siya naman ay sa sofa.Tahimik lang ako nahihiya rin kasi akong makipag-usap sa kanya. Nakafocus lang ako sa movie na pinapanood namin. Shocks nagulat ako dahil may kissing scene.Yumuko na lang ako dahil ayaw ko na panuorin. Alam ko naman na sanay na senyorito kasi kagabi nga may kahalikan siya.Nabigla ako ng binabangga ni senyorito ang balikat ko.'Yon pala inaabot niya sa akin ang phone niya.Napalunok pa ako dahil hindi ako makapagsalita nahihiya rin ako. Nang hindi ko pa kinukuha sa kanya ay umupo ito sa tabi ko. Nalalanghap ko ang pabango niya na alam kong mamahalin.
Kallix POVUmalis ako at hindi na nagpaalam sa kanya. Masaya kaming nag-inuman ng mga kaibigan ko.Si Luke, Rico, Rafa at Tristan ang kasama ko na nagparty sa bar. Normal na sa akin na may mga babaeng lumalapit sa akin. Sa amin ay kami na lang na tatlo ang hindi nagseseryoso pagdating sa babae."Iba talaga kapag gwapo," pang-aasar sa akin ni Luke."Of course," mayabang pa na sagot ko sa kanya.Ako si Rafa at Tristan kami ang mga walang sineseryoso takot kasi kami sa commitment. May lumapit sa akin na babae. "I want you," bulong sa akin ng babae."Be ready honey. You will scream tonight," bulong ko rin sa kanya."I'm born ready prof," malanding sabi niya.Siyempre pinagbigyan ko. Sa kotse pa lang ay nakaisa na kami."Ahhh! Prof you're so huge," saad ng babae habang gumigiling sa kandungan ko."I'll take that as a compliment honey," sabi ko naman dito.Patuloy siya sa ginagawa niya hanggang sa nilabasan na ito. Ako naman ay pinaalis na siya sa kandungan ko at agad na nagsuot ng proteksy
DEDAY'S POV Hindi ako makapaniwala na bumigay ako. Pagpasok ko sa kwarto ay sinabunutan ko ang sarili ko sa kalandian ko. Kakasabi ko lang kanina na ayaw kong matulad sa mga babae niya pero ako naman itong bigay na bigay sa kanya.Paano na bukas anong gagawin ko? Nakakainis pa dahil napaihi pa ata ako. Dahil basang-basa ang panty ko ngayon. Mabilis akong pumunta sa banyo para magbihis ng panty ko. Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin.Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nakikipaghalikan. Bakit ang sarap niyang humalik?Ang lambot ng labi niya. Hanggang ngayon pakiramdam ko magkadikit pa rin nag labi namin."Deday tumigil kana kalimutan mo 'yon. Huwag kang magtitiwala sa mga pahalik-halik niya. Galawang babaero 'yon. Hindi ka niya type dahil isa kang manang," kumbinse ko sa sarili ko."Hoy, puso tumigil kana kanina pa mabilis ang tibok mo baka magkasakit na ako niyan," saway ko sa puso ko na hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog.Sumampa a
Kallix POVPumunta ako sa condo ni Max pero wala naman nanyari sa amin."So, pumunta ka dito para matulog? Really Kallix?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin."Please Max, I want to sleep can you please shut up," inis na sabi ko sa kanya."You're unbelievable!" Sigaw niya sa akin.Hindi ko siya inintindi. Hanggang ngayon kasi ay pakiramdam ko magkadikit pa rin ang labi namin ni manang. Na kahit nakapikit na ako ay mukha niya pa rin ang nakikita ko. Ang maganda niyang mukha, matangos na ilong at mapupula niyang labi.Na kahit badoy ang porma niya ay naakit niya ako. Buong gabi ko pinag-isipan ang dapat kong gawin."Sh*t! Nahihibang na ako."Simula bukas ay iiwasan ko na siya. Para din 'yon sa kanya. In two weeks magsisimula na ang pasukan kaya hindi maganda na maging malapit ako sa kanya. Magiging isa ako sa magiging guro niya. Mahigpit na ipinagbabawal ang relasyon ng guro at estudyante.Nakaidlip ako pero nagising ako ng maramdaman kung may humahalik sa akin. Nang idilat ko an