Share

CHAPTER 10

Pucha kailan pa 'ko lumandi ng husto? At bakit ba naisipan kong sabihin ang mga salitang iyon sa lalaking ito?

Kasalukuyan pa rin akong nakasakay sa black BMW na si Nico pa rin ang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang... nadala ako sa pahawak kamay keme niya!

"What are you thinking?" he asks curiously then smirks at me.

Lumingon ako sa kanya. No scratch that! Dahil nang lumingon ako sa kanya'y hindi ko na magawang utusan ang mga mata ko na bumaling sa iba, ibig sabihin titig ang tawag doon diba?

Bakit ba ngayon ko lang napansin na guwapo si, Nico? Lalo na kapag mapapatitig ka sa mga mata niya, para bang hindi mo na nanaising lumayo ng tingin sa kanya. Bumagay rin sa mukha niya ang pinong buhok na nakapalibot mula sa kaliwang patilya niya patungo sa kanan. Nagmukha siyang maginoo pero medyo gago, charot lang!

"Pumasa ba ako sa pamantayan mo?" Nakangiting tanong niya. At kumindat pa nga talaga!

Baka hindi ako makapag pigil mahalikan ko na lang si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status