Share

Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart
Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart
Author: Flammara

CHAPTER 1

Author: Flammara
“Miss Beredo, kapag pinili mo ang desisyong ito, hindi ka na makakabalik pa dito sa loob ng limang taon—o baka mas matagal pa. Sa paningin ng iba, itatago namin ang iyong pagkakakilanlan. Sa panahong iyon, wala ni isang makakahanap sa’yo. Dahil sa espesyal na katangian ng mga produktong ginagawa ng aming kumpanya, umaasa kaming maiintindihan mo ang lahat ng panuntunan namin.”

“Naiintindihan ko ang lahat.”

Sandaling natahimik si Diana, bago niya nilagdaan ang dokumentong iniabot ng doctor.

“Kung gayon, dapat matapos ang lahat na kakailanganin bago mag October 20. Ipapaalam namin sa’yo kapag maayos at handa na ang lahat.”

Muling tumingin si Diana sa kanyang telepono. October 1 pa lamang—may dalawampung araw pa siya bago ang itinakdang oras.

***************

Habang dumaraan sa harap ng malaking screen sa mall, napatigil siya sandali. Ipinapalabas doon ang isang press conference isang linggo na ang nakalipas.

Ang presidente ng Valencia Group na si Timothy Valencia, ay gumugol ng tatlong taon upang personal na idisenyo ang isang napakamahal na wedding gown para sa kanyang asawa—isang pagbawi sa pagkukulang na hindi ito nakapagsuot ng damit-pangkasal noong unang ikasal sila.

Nang ibunyag ang gown, agad itong naging sentro ng usapan. Lahat ay naiinggit kay Diana dahil naging asawa niya ang isang lalaking hindi lamang mayaman kundi mapagmahal din.

Ang mga dalagang dumaraan ay hindi mapigilang sumulyap sa screen nang may paghanga.

“Alam mo ba? Sila ang itinuturing na perfect couple! Narinig ko pa nga na si President Valencia ay natatandaan ang lahat ng bagay na gusto ng kanyang asawa—kahit gaano kaliit o walang halaga iyon, alam niya.”

“Noon, nang maaksidente ang kanyang asawa, kinailangan ng cornea donation. Ni hindi siya nag-atubiling lumagda sa papeles para sa operasyon. Mabuti na lang at nailigtas ang paningin ng kanyang asawa.”

“Kahit gaano siya kaabala—tuwing holiday o espesyal na okasyon—lagi siyang nagbibigay ng regalo sa kanya. At dahil doon, nahigitan niya ang 99 percent na mga lalaki sa mundo sa pagiging mapagmahal na asawa, grabe!”

Bahagyang ngumisi si Diana na may halong panunuya. Sa sandaling iyon, hiniling niyang sana hindi na bumalik ang kanyang pandinig—dahil ang mga bagay na iyon ay lalo lamang nagpapasuka sa kanya.

Ilang taon na ang nakalipas, dahil sa gulo sa pagitan ni Timothy at ng kanyang mga kamag-aaral, tinangkang ihampas sa kanya ang isang upuan. Si Diana ang sumalo nito, dahilan upang tuluyang mawala ang kanyang pandinig.

Simula noon, naging tampulan siya ng panlilibak at pangungutya. Tinawag siyang “bingi,” itinaboy at nilalait.

Ngunit dumating si Timothy, parang liwanag sa kanyang dilim, mahigpit siyang niyakap.

“Diana, hindi ka bingi. Mula ngayon, ako ang magiging tainga mo. Hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit na sino! Sinumang magtatangkang manakit sa’yo, makikipaglaban ako hanggang kamatayan!”

Ang akala niyang walang hanggang kaligayahan ay naglaho na lamang, parang kislap ng paputok kapag may fiesta.

Ilang araw pa lamang ang nakalipas nang balak pa niyang ibahagi ang magandang balitang bumalik na ang kanyang pandinig—ngunit natuklasan niyang ang babaeng muntik nang maging dahilan ng pagkawala ng kanyang buhay… ay muling nagbalik.

Mariing pinisil ni Diana ang kanyang mga kamay hanggang mamutla ang kanyang mga daliri.

Dahil ang kanilang pagmamahalan ay pawang sa pangalan na lamang, hindi na niya ipipilit ang kanyang sarili. Mula sa araw na ito, maglalaho na siya sa kanyang mundo.

Inyuko niya ang ulo at inilagay sa isang kahon ang divorce agreement na matagal na niyang inihanda.

Pinunasan ang luha sa sulok ng kanyang mata, at papara na sana ng taxi nang tumigil ang isang pamilyar na sasakyan sa kanyang tabi.

Ang malinis na pantalon ay bahagyang umangat nang bumaba ang sakay doon, at ang makinang na sapatos na Derby ay kuminang sa liwanag. Ang matikas at matalim na mukha ng lalaki ay puno ng pag-aalala habang papalapit sa kanya.

Mabilis nitong ginamit ang sign language.

“Diana, hindi ba’t sinabi kong hintayin mo ako sa loob ng mall? Ang lamig—paano kung magkasakit ka?” sita ni Timothy.

Hinawakan niya ang mga kamay nito at marahang hinaplos, bakas sa kanyang malalim na mga mata ang pagkahabag, bago hinila ang babae patungo sa kotse.

Bahagyang ngumiti si Diana nang mapait. Para bang may mahigpit na kumakapit sa kanyang puso, halos hindi siya makahinga sa sakit.

‘Kita mo? Maaari palang magpanggap ng pagmamahal.’ bulong niya sa sarili.

Ikinabit ni Timothy ang seatbelt niya, at napansin ang isang magandang kahon na nasa kanyang tabi.

Itinuro iyon ng lalaki.

“Ano ito?”

Ibinaba ni Diana ang tingin, itinatago ang bagyong gumugulo sa kanyang mga mata.

“Regalo para sa anibersaryo natin.”

Lumambot ang mga mata ni Timothy at ngumiti, sabay abot upang buksan iyon.

Mabilis niyang pinigil ang kamay nito.

“Hintayin mong dumating ang araw ng ating aniversary bago mo ito buksan.”

Bagaman nagtataka, hindi na ito nagpumilit pa nang sabihin niya iyon.

Bahagya pang pinisil ng lalaki ang ilong niya na may lambing.

“Sige, ikaw ang masusunod. Pero ngayon, mag-re-shoot tayo ng wedding photos natin.”

Nais ni Timothy na maisuot ni Diana ang wedding dress na siya mismo ang nagdisenyo, upang kapag dumating ang kanilang golden anniversary sa hinaharap, may alaala silang babalikan.

Ngunit tanging si Diana lamang ang nakakaalam—wala nang “hinaharap” na naghihintay para sa kanila.

‘Timothy, gusto ko talagang makita—sa araw na iyon, anong uri ng ekspresyon ang ipapakita mo kapag nasilayan mo ang regalong ito?’ usal ni Diana sa sarili.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 100

    Sa dami ng taong nagdaraan, hindi nakaligtas sa mga mata ng iba ang kakaibang ekspresyon ni Lander. Marami ang napatingin, nagtataka, kaya’t dahan-dahang lumapit siya kay Diana at mababang bumulong sa tainga nito:“Tulungan mo muna akong mabalik sa kwarto.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Diana. Kung biglang umepekto ang gamot kay Lander sa ganitong pampublikong lugar, tiyak na bukas ay magiging headline ito. At kapag nangyari iyon, baka pati ang pangalan ng pamilya Beredo ay madamay. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalalang si Amanda ang nangahas na lagyan ng gamot ang inumin ni Lander.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki. Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng hotel room, agad niyang tinanong ito:“Nasaan ang room card mo?”“Nasa bulsa ng pantalon ko.”“Okay.” Wala na siyang iniisip pa, ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon ng lalaki. Malalim ang bulsa ng suit pants, kaya habang sinusuportahan ang katawan ni Lander, pinipilit din niyang kapain ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 99

    “Diana.” Malalim at malamig ang tinig ni Lander, may bahid ng nanlalamig na galit.“Ha?” Napasinghap si Diana, at kusa siyang nakasagot nang hindi namamalayan.Mainit ang mga daliri ni Lander habang marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Tinitigan siya ng mga matang matalim na parang mata ng lawin, saka malamig na nagtanong: “Hindi ko naman ibinunyag ang sikreto mo. Bakit sa isang iglap, ipinagkanulo mo na ako? Ano bang ibinigay sa’yo ng mga Beredo kapalit nito?”Alam ni Diana na wala siyang maitatago kay Lander. Ang lalaking ito ay may pambihirang pakiramdam at talas ng obserbasyon. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, siguradong mabubunyag pa rin ang kanyang ginawa. At kapag nalaman nito na sinadya niyang linlangin ito, lalo lang siyang mapapahamak.Kaya’t nagpasya siyang magsabi na lang ng totoo.Tahimik na tumango si Lander, tila nag-iisip, bago siya mapait na ngumisi. “Ano ako, pag-aari mo? Bakit mo naisip na dahil lang sa ipinainom mo sa akin, agad kong magugustuhan ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 98

    Nagulat si Amanda, halos mapaatras sa kinatatayuan, at agad na napalingon kay Diana.“Anong nangyayari dito? Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang isyu sa oryentasyon? Huwag mong sabihing… hindi siya tunay na lalaki?”Namutla si Diana, hindi agad nakapagsalita. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—kung hindi niya ito maayos, tiyak na aabot sa kanyang lolo ang balitang ito. Pero hindi rin niya inaasahan na basta na lang ipinahayag ni Lander na gusto nito ng lalaki.Napilitan siyang humarap dito, halatang naguguluhan. “Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki, Lander? Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?”Nakatuwid ang likod ni Lander, magkalapat ang mga daliri na para bang nagtatago ng sariling kahihiyan. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, at ang matalim na panga’y lalo pang umigting. Ang malamig niyang mga mata ay nakatuon kay Diana, puno ng pang-aasar..“Paano? Mas kilala mo pa ba kaysa sa akin ang sarili kong gusto? Nasubukan mo na ba ako?”Namula si Diana, napalunok ng wala s

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 97

    Wala siyang magagawa; kung hindi pipirmahan ang kontrata, hindi siya makakaalis. Ramdam niya ang matalim na tingin nina Jenny at Timothy kahit hindi niya sila tinitingnan—parang tinutusok ng karayom ang kanyang balat.Ganyan si Lander. Kung ipinasa nito sa kanya ang kontrata, malinaw ang ibig sabihin—ipinapakita nitong magkaalyado sila. Kung hindi, bakit ipababasa sa kanya ang ganito kahalagang dokumento?Matapos ang konting pag-aalinlangan, inabot niya ang kontrata at pinilit na basahin. Pagkaraan, mahina niyang sinabi kay Lander.. “Mr. Sales, natapos ko na pong basahin. Wala pong problema.”Iwinagayway lang ni Lander ang kamay. “Okay, pumirma ka na.”Pagkapirma ng kontrata, hindi na nakapagpigil si Jenny at bumulong.. “Mag-usap lang kayo. Lalabas muna ako sandali para huminga.”Kinuha ni Timothy ang dokumento at tumingin kay Diana. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin—hindi siya puwedeng maunang lumapit, baka pagtawanan sila ni Amanda. Kaya maingat niyang sinabi.. “Puntahan

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 96

    Sinusubukang kumbinsihin ni Lander si Jenny, may bahagyang panlilinlang sa tingin.. “Ano sa tingin mo? Isipin mo muna.”Kinagat ni Jenny ang kanyang labi, malalim ang iniisip. Kung tatanggapin niya ang alok ni Lander, mas magiging maayos ang kanyang pag-usad sa LS, dahil ngayon, hindi na kayang makipag kumpetensiya ni Lide kay Lander.Ngunit sa Lide, may proteksyon siya mula kay Timothy, kaya mas madali ang lahat.Ngunit mas kaakit-akit si Lander, at narinig niya rin na malakas ang background nito—subalit misteryoso, wala pa ring nakakaalam kung saan talaga ito nanggaling.Mahalaga rin: kung mapansin siya ni Lander…Maingat na lumingon si Jenny kay Timothy, para bang humihingi ng kanyang opinyon. “Timothy, puwede ba akong sumubok muna kay Mr. Sales? Kung matututo ako ng mas marami roon, baka pagbalik ko, mas maayos kitang masuportahan at matulungan.”Nakangiti pa si Timothy nang una, pero agad din iyong napalitan ng pagsimangot.. “Tatargetin mo talaga ang LS?”Alam ng lahat na kapa

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 95

    Naabala si Amanda sa eksena at napabuntong-hininga, saka lihim na kinumpirma sa sarili.. “Talaga, magaling itong babae, Diana. Siguradong hindi mo siya matatalo. Baka pati sa proyektong ito, mapalitan ka pa. Ang mga lalaki, hindi matiis kapag may babaeng nagpapa awa—at mukhang hindi mo kaya ang ganitong estilo.”Hindi talaga makapagsalita si Diana. Sino ba ang makakapag akala na kayang ibaba ni Jenny ang kanyang pride at umiyak pa sa harap ni Lander?At ang pag-iyak niya’y parang luha ng isang bulaklak—malambing, halos kaawa-awa—isang eksenang mahirap tabunan ng anumang panunukso.Nilingon niya si Lander. Hindi ito agad nag-react, at doon niya nakita ang pagkakataon.Hindi napigilan ni Diana ang pisilin ang sariling palad habang matalim na naka-focus ang malamig at malinaw niyang mga mata kay Lander. Kung bigla nitong babaguhin ang isip, mawawala nang lahat ang pinaghirapan niya noon.Mataas ang kilay ni Lander, matalim ang mata, malinaw ang mga linya ng mukha—isang hitsura na nakaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status