Share

CHAPTER 2

Author: Flammara
Pagdating nila sa bridal shop, magiliw na sinalubong sina Timothy at Diana ng mga staff at inanyayahan silang pumasok upang makapagsukat na ng damit.

Nang lumabas si Timothy, napako ang tingin ng mga clerk sa kanya. Matangkad at marangal ang pangangatawan niya, at dahil sa regular na pag-eehersisyo, wala ni bakas ng sobrang taba—para siyang buhay na manikin, katulad ng partner ni Barbie- si Ken.

Nang lumabas naman si Diana suot ang kanyang wedding gown, nadatnan niya si Timothy na nakaupo sa silya, nakatutok sa cellphone. Malinis at maayos ang pagkaka-press ng kanyang suit, at maingat na nakatali ang kanyang necktie. Ang ginupit na sukat ng tela ay eksaktong nagbigay-diin sa kanyang perpektong proporsyon, at ang matingkad na itim na tela ay lalong nagtatampok sa kanyang malakas na karisma.

Tahimik siyang tumayo sa likuran nito at aksidenteng nasulyapan ang mensaheng bagong lumitaw sa screen ng lalaki.

—Timmy, medyo sumasakit ang tiyan ko ngayon, maaari mo ba akong sunduin?

Hindi pa nakareply si Timothy nang isa pang mensahe ang dumating:

—Naalala ko, may photo shoot nga pala kayo ni Diana ngayon. Sige, uuwi na lang akong mag-isa. Huwag ka nang mag-alala sa akin. Kaya ko naman.

Pagkaraan ng ilang sandali, bigla itong binawi. Napangisi si Diana. Sino nga ba ang nag-dedelete ng message matapos i-sent iyon ng ilang minuto?

Sandaling nag-alinlangan si Timothy bago sumagot:

—Titingnan ko kung makakaya ko mamaya. I-send mo na lang ang location mo.

Mahigpit na hinawakan ni Diana ang laylayan ng kanyang gown, hanggang sa mamutla ang kanyang mga kamao. Para bang tinanggalan ng laman ang kanyang puso—napakasakit. Kusa niyang hinawakan ang kanyang dibdib, hirap huminga. Sa huli, hindi pa rin nito kayang tanggihan ang babaeng iyon.

Dahan-dahan siyang napaluhod. Noon lamang napansin ni Timothy angkanyang presensiya, kaya agad siyang napalingon at nakita ang maputlang mukha niya. Nagulat ito at dali-daling lumapit.

“Diana, anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo? Dadalhin kita agad sa ospital.”

Nang makita niya ang sobrang pag-aalala nito, gaya ng nakasanayan, hindi napigilan ni Diana ang mapangisi sa loob-loob niya. Talaga bang nag-aalala ito sa kalusugan niya—o sabik lang na makaalis para puntahan ang babaeng iyon?

Pinilit niyang magpakatatag.

“Wala ito, hindi lang ako nakapagpahinga nitong mga nakaraang araw. Ihatid mo na lang ako pauwi.”

“Sige, umuwi muna tayo.” Maikling nagbilin si Timothy sa mga staff, saka inalalayan palabas si Diana mula sa bridal shop.

Sakto namang tumunog muli ang cellphone ni Timothy. Sandali siyang tumingin sa screen, mahigpit ang pagkakunot ng noo. Pagkasilid ng telepono sa bulsa, nilingon niya si Diana na may bahagyang pagmamadali sa ekspresyon.

“Diana, may biglang nangyari sa kumpanya. Baka hindi muna ako makasama sayo sa bahay. Ihahatid ba muna kita?”

Nang makita ni Diana ang mapagpaimbabaw na mukha nito, wala na siyang naramdaman kundi pagkainis. Pinilit niyang ngumiti.

“Mauna ka na. Magta-taxi na lang ako pauwi. Mas maayos na rin ang pakiramdam ko ngayon.”

Inabot ni Timothy ang kanyang kamay, at ang malalim nitong mga mata ay puno ng tila tapat na pag-ibig—parang siya lang ang iniibig nito.

“Walang problema, pwede kong ipagpaliban ang nasa kumpanya. Mas mahalaga ang kalusugan mo.”

Parang nais pang sabihin ng lalaki sa kanya, na kaya nitong ipagpaliban ang lahat para sa kanya, kahit hindi naman iyon ang katotohanan.

Ngumiti si Diana nang may maputla mukha.

“Talaga, wala ito. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon. Asikasuhin mo na ang trabaho mo.”

Nang mapansin ni Timothy na bumalik na ang kaunting kulay sa mukha nito, tumango siya “Magpahinga ka nang mabuti sa bahay. Uuwi agad ako kapag natapos ko na ito.”

Tumango lamang si Diana at pinanood na umalis ang lalaki sakay ng kotse. Agad niyang itinaas ang kamay upang magpahinto ng taxi.

“Manong, sundan niyo po ang sasakyan na iyon sa unahan.”

***************

Hapon na at nagsisimula nang lumubog ang araw. Nasilip ni Diana si Timothy na bumaba ng kotse—at isang magandang babae ang agad na yumakap dito. Mabilis naningkit ang kanyang mga mata nang makilala ang mukha.

Si Jenny Suarez! Ang first love ni Timothy—kilala noon bilang magkasintahang baliw sa isa’t isa, at laging pinag-uusapan sa kanilang school. Bigla na lang itong lumipad papunta sa ibang bansa, at tuluyang nawala ang kanilang komunikasyon.

‘Ha! Bumalik na pala ang kanyang pinakamamahal!’

Si Jenny, nakangiti nang maliwanag,habang nakayakap kay Timothy. Ang kanyang mga mata, na tila bulaklak ng peach blossom, ay kumikislap sa luha, mukhang marupok ngunit kaakit-akit.

“Timmy, alam ko namang darating ka. Matagal na kitang hinihintay.”

Hawak siya ni Timothy, mula ulo hanggang paa ay pinagmamasdan. Ang tindi ng kanyang titig ay para bang nakakatunaw.

“Hindi ba masakit ang tiyan mo?”

Umiling iling naman ang ulo ni Jenny na parang naglalaro, at ang mga labi’y nakangiti.

“Nawala naman agad nang makita kita.”

Biglang nawala ang kunot sa noo ni Timothy. Ang malalim niyang mga mata, dati matalim, ay lumambot, at ang ngiti niya’y naging kaakit-akit. Para siyang nakatingin sa isang baul ng ginto.

“Nagsinungaling ka. Huwag mo na akong lokohin ng ganyan—natitense ako sa ganyang biro..”

Nagtampo si Jenny at hinila ang kanyang kamay na parang bata.

“Sige na nga. Sobrang namiss lang talaga kita. Pasensya na. Pati iyong wedding photos ninyo ni Diana, na-delay ko pa.”

Dahan-dahang hinaplos ng lalaki ang kanyang rosas na mga labi gamit ang hinlalaki.

“Basta alam mong mali iyon. Huwag mo ng ulitin.”

Hinawakan ni Jenny ang kamay ng lalaki, saka tinitigan ito ng mapanukso, “halika, may surprise talaga ako sayo..”

Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad sa tabing-dagat patungo sa isang kahoy na kubo sa baybayin.

Nakatago sa likod ng mga puno, kinukutkot ni Diana ang kanyang mga kuko sa kanyang mga palad hanggang sa hindi na niya maramdaman ang sakit. Ang naglalagablab na luha ay dumadaloy sa kanyang mukha.

Akala niya kaya niyang harapin ito nang kalmado, pero nang makita niya ito, parang pinunit-punit ang kanyang puso. Mula sa simula, minahal siya ni Timothy na para bang siya ang kanyang buhay—pinapahalagahan ang damdamin niya, palaging binibigyan ng emosyonal na kapanatagan.

Kahit sa kanilang pinaka-intimate na sandali, pinipigilan nito ang sarili nang labis sa tuksong nararamdaman. Kapag ‘iyon’ ay lumambot, hinahawakan lang siya nito at mahina na bumubulong:

“Gusto kong i-save ang pinakamahalagang sandali para sa ating wedding night. Para sa’yo, kaya kong tiisin muna ang tukso.”

Kahit sa kanilang first night bilang mag asawa, ito ay maingat at mapagpasensya, step by step lang ang ginagawa nito.

Matapos iyon, bumulong si Timothy sa kanya na may kasamang sign language:

“Diana, ipangako mo sa akin—hindi mo ako iiwan. Mahal kita.”

Noong sandaling iyon, inisip niyang sulit na mawalan ng pandinig para salalaki, dahil karapat-dapat ito sa kanyang sakripisyo.

At ngayon, nilabag ni Timothy ang pangako sa kanya—nahulog ito sa ibang babae, winasak ang kanilang sumpaan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 100

    Sa dami ng taong nagdaraan, hindi nakaligtas sa mga mata ng iba ang kakaibang ekspresyon ni Lander. Marami ang napatingin, nagtataka, kaya’t dahan-dahang lumapit siya kay Diana at mababang bumulong sa tainga nito:“Tulungan mo muna akong mabalik sa kwarto.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Diana. Kung biglang umepekto ang gamot kay Lander sa ganitong pampublikong lugar, tiyak na bukas ay magiging headline ito. At kapag nangyari iyon, baka pati ang pangalan ng pamilya Beredo ay madamay. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalalang si Amanda ang nangahas na lagyan ng gamot ang inumin ni Lander.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki. Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng hotel room, agad niyang tinanong ito:“Nasaan ang room card mo?”“Nasa bulsa ng pantalon ko.”“Okay.” Wala na siyang iniisip pa, ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon ng lalaki. Malalim ang bulsa ng suit pants, kaya habang sinusuportahan ang katawan ni Lander, pinipilit din niyang kapain ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 99

    “Diana.” Malalim at malamig ang tinig ni Lander, may bahid ng nanlalamig na galit.“Ha?” Napasinghap si Diana, at kusa siyang nakasagot nang hindi namamalayan.Mainit ang mga daliri ni Lander habang marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Tinitigan siya ng mga matang matalim na parang mata ng lawin, saka malamig na nagtanong: “Hindi ko naman ibinunyag ang sikreto mo. Bakit sa isang iglap, ipinagkanulo mo na ako? Ano bang ibinigay sa’yo ng mga Beredo kapalit nito?”Alam ni Diana na wala siyang maitatago kay Lander. Ang lalaking ito ay may pambihirang pakiramdam at talas ng obserbasyon. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, siguradong mabubunyag pa rin ang kanyang ginawa. At kapag nalaman nito na sinadya niyang linlangin ito, lalo lang siyang mapapahamak.Kaya’t nagpasya siyang magsabi na lang ng totoo.Tahimik na tumango si Lander, tila nag-iisip, bago siya mapait na ngumisi. “Ano ako, pag-aari mo? Bakit mo naisip na dahil lang sa ipinainom mo sa akin, agad kong magugustuhan ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 98

    Nagulat si Amanda, halos mapaatras sa kinatatayuan, at agad na napalingon kay Diana.“Anong nangyayari dito? Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang isyu sa oryentasyon? Huwag mong sabihing… hindi siya tunay na lalaki?”Namutla si Diana, hindi agad nakapagsalita. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—kung hindi niya ito maayos, tiyak na aabot sa kanyang lolo ang balitang ito. Pero hindi rin niya inaasahan na basta na lang ipinahayag ni Lander na gusto nito ng lalaki.Napilitan siyang humarap dito, halatang naguguluhan. “Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki, Lander? Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?”Nakatuwid ang likod ni Lander, magkalapat ang mga daliri na para bang nagtatago ng sariling kahihiyan. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, at ang matalim na panga’y lalo pang umigting. Ang malamig niyang mga mata ay nakatuon kay Diana, puno ng pang-aasar..“Paano? Mas kilala mo pa ba kaysa sa akin ang sarili kong gusto? Nasubukan mo na ba ako?”Namula si Diana, napalunok ng wala s

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 97

    Wala siyang magagawa; kung hindi pipirmahan ang kontrata, hindi siya makakaalis. Ramdam niya ang matalim na tingin nina Jenny at Timothy kahit hindi niya sila tinitingnan—parang tinutusok ng karayom ang kanyang balat.Ganyan si Lander. Kung ipinasa nito sa kanya ang kontrata, malinaw ang ibig sabihin—ipinapakita nitong magkaalyado sila. Kung hindi, bakit ipababasa sa kanya ang ganito kahalagang dokumento?Matapos ang konting pag-aalinlangan, inabot niya ang kontrata at pinilit na basahin. Pagkaraan, mahina niyang sinabi kay Lander.. “Mr. Sales, natapos ko na pong basahin. Wala pong problema.”Iwinagayway lang ni Lander ang kamay. “Okay, pumirma ka na.”Pagkapirma ng kontrata, hindi na nakapagpigil si Jenny at bumulong.. “Mag-usap lang kayo. Lalabas muna ako sandali para huminga.”Kinuha ni Timothy ang dokumento at tumingin kay Diana. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin—hindi siya puwedeng maunang lumapit, baka pagtawanan sila ni Amanda. Kaya maingat niyang sinabi.. “Puntahan

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 96

    Sinusubukang kumbinsihin ni Lander si Jenny, may bahagyang panlilinlang sa tingin.. “Ano sa tingin mo? Isipin mo muna.”Kinagat ni Jenny ang kanyang labi, malalim ang iniisip. Kung tatanggapin niya ang alok ni Lander, mas magiging maayos ang kanyang pag-usad sa LS, dahil ngayon, hindi na kayang makipag kumpetensiya ni Lide kay Lander.Ngunit sa Lide, may proteksyon siya mula kay Timothy, kaya mas madali ang lahat.Ngunit mas kaakit-akit si Lander, at narinig niya rin na malakas ang background nito—subalit misteryoso, wala pa ring nakakaalam kung saan talaga ito nanggaling.Mahalaga rin: kung mapansin siya ni Lander…Maingat na lumingon si Jenny kay Timothy, para bang humihingi ng kanyang opinyon. “Timothy, puwede ba akong sumubok muna kay Mr. Sales? Kung matututo ako ng mas marami roon, baka pagbalik ko, mas maayos kitang masuportahan at matulungan.”Nakangiti pa si Timothy nang una, pero agad din iyong napalitan ng pagsimangot.. “Tatargetin mo talaga ang LS?”Alam ng lahat na kapa

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 95

    Naabala si Amanda sa eksena at napabuntong-hininga, saka lihim na kinumpirma sa sarili.. “Talaga, magaling itong babae, Diana. Siguradong hindi mo siya matatalo. Baka pati sa proyektong ito, mapalitan ka pa. Ang mga lalaki, hindi matiis kapag may babaeng nagpapa awa—at mukhang hindi mo kaya ang ganitong estilo.”Hindi talaga makapagsalita si Diana. Sino ba ang makakapag akala na kayang ibaba ni Jenny ang kanyang pride at umiyak pa sa harap ni Lander?At ang pag-iyak niya’y parang luha ng isang bulaklak—malambing, halos kaawa-awa—isang eksenang mahirap tabunan ng anumang panunukso.Nilingon niya si Lander. Hindi ito agad nag-react, at doon niya nakita ang pagkakataon.Hindi napigilan ni Diana ang pisilin ang sariling palad habang matalim na naka-focus ang malamig at malinaw niyang mga mata kay Lander. Kung bigla nitong babaguhin ang isip, mawawala nang lahat ang pinaghirapan niya noon.Mataas ang kilay ni Lander, matalim ang mata, malinaw ang mga linya ng mukha—isang hitsura na nakaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status