Share

CHAPTER 8

Author: Flammara
Hindi halos nakatulog si Timothy ng gabing iyon. Sumasakit ang kanyang ulo, at ramdam niya ang sakit at bigat ng kanyang katawan. Umiikot pa ang kanyang tiyan, na parang nag aalburotong bulkan!

Walang laman ang kanyang tiyan, na nagpatindi sa nararamdaman nitong kirot.

Paglingon niya sa kanyang tabi, wala na doon ang kanyang asawa. Nag iisa na siya sa silid na iyon. Bahagya niyang hinimas ang kanyang sentido, saka mahinang tinawag si Diana..

“Diana…”

Bumukas ang pinto ng silid, at si Rima ang iniluwa niyon.

“President Valencia.. Gising na po pala kayo,” lumapit iyon sa kanya.

Agad niyang inalis ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan, “nasaan si Diana?”

“Maaga po siyang umalis patungo sa opisina..” tugon nito.

Bumangon siya,at naligo. Walang nakahandang damit para sa kanya? Ang weird naman.. Laging inaasikaso iyon ng kanyang asawa.

Nagtungo na siya sa dining room. Sa mesa, tinapay at gatas lang ang naroon, dahilan upang siya’y mapakunot-noo.

“Nasaan ang lugaw para sa hang over?”

Yumuko si Rima, halatang nagkasala. “Paumanhin po, President Valencia. Hindi ko po alam kung paano gumawa ng lugaw na iyon. Sabi po ni Madam abala siya sa trabaho ngayon at wala nang oras upang maghanda, kaya sabi po niya kumain na lamang muna kayo ng simpleng almusal.”

Isang di-maipaliwanag na pagkainis ang umakyat sa dibdib ni Timothy. Sa tuwing iinom siya at gigising na lasing, palaging may lugaw na pantanggal ng hang over na naghihintay sa kanya. Kahit gaano pa ito kaabala, kahit gumising pa si Diana ng alas-kuwatro o alas-singko ng umaga, ito mismo ang nagluluto nito para sa kanya.

Ngayon lang unang beses na pagkatapos ng kanyang pag inom kagabi, wala siyang inabutan sa mesa. Ni hindi na niya nakita ang kanyang asawa kinaumagahan.

Muling sumakit ang kanyang tiyan at kusa siyang napayuko, mahigpit na hinahawakan ang kanyang tiyan.

“Ikuha mo na lang ako ng gamot sa tiyan.”

Nagkandarapa si Rima sa paghahanap.

“President Valencia, saan niyo po ba karaniwang inilalagay ang first aid kit?”

Doon lang naalala ni Timothy— na karaniwan, si Diana ang naghahanda ng gamot at inilalagay na ito sa mesa para sa kanya.

Ikinaway niya ang kanyang kamay. “Tawagan mo si Diana, itanong mo kung nasaan.”

Tinawagan ni Rima si Diana, ngunit walang sumagot. Ilang ulit niyang sinubukang kontakin ang kanyang madam, saka niya ibinaba ang telepono.

“President Valencia, hindi po sinasagot ni Madam .”

Lalo lamang siyang nainis, pinagsama ang sakit ng tiyan at ang malamig at walang-lamang kusina.

“Kalimutan mo na. Bumili ka na lang ng gamot at lugaw sa labas.”

“Opo.” agad na tumalima ang babae sa kanyang inutos.

****************

Ngunit walang lugaw mula sa labas ang maihahambing sa luto ni Diana. Hindi niya alam na madalas itong gumising ng alas-tres ng madaling araw upang pakuluan ang karne ng baka at buto buto, para sa oras ng mahabang pagpapakulo ay maging malambot, mabango, malasa ang sabaw na ilalagay sa lugaw.

Kahit ang lugaw na mula sa pinakamahal na restaurant sa ka- Maynilaan ang dala ni Rima, matapos ang dalawang subo, nawala ang gana ni Timothy na kainin iyon.

.

“Ang pangit naman ng lasa nito!”

**************

SAMANTALA, nakaupo si Diana nang kampante sa isang café, humihigop ng kape at kumakain ng agahan. Pagtingin niya sa tumatawag na numero sa kanyang screen, bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi sa malamig na ngiti.

Ang lahat ng pag-aalaga niya kay Timothy ay nakabatay sa kundisyong ito man ay maglalaan ng buong sarili sa kanya.

Ngunit malinaw na hindi na iyon ang kaso. Hindi lamang katawan nito ang napunta sa iba, pati puso nito ay matagal nang lumipad palayo. Hindi siya hangal upang patuloy na ipahiya ang sarili at umasa sa lalaking may ibang minamahal.

Sa loob ng wala pang sampung araw, tuluyan na niyang mapuputol ang bulok na relasyong ito.

Ang tanging nakakaabala lang sa kanya ay kung paano niya mapapapayag si Lander Sales. Ang lalaking iyon ay mas matigas pa kaysa sa kongkreto.

Isang purong negosyante si Lander—wala siyang pakialam sa emosyon, resulta lamang ang mahalaga. Hindi kailanman papayagan ng taong iyon na maimpluwensyahan ng damdamin ang kanyang paghatol. Ang tanging paraan upang makuha siya ay ang mag-alok ng kasunduang makakakuntento sa kanya.

Kahit ano pa man, hanggang sa huling sandali, hindi siya susuko.

Pagtingin sa relo, inubos ni Diana ang kanyang kape at nagtungo sa kompanya.

Pagdating niya, agad niyang nakita ang ilang kasamahan na nakapalibot kay Jenny, ang mga mukha ay puno ng pagkainggit.

“Jenny, ang ganda ng kwintas mo! Hindi ba iyan yung eksklusibong piraso mula sa auction? Siguradong napakamahal niyan.”

Napapalibutan ng mga tao, kumikislap ang maputla’t maselang mukha ni Jenny sa tuwa—na para bang nawala na ang kahihiyang ipinakita niya kagabi.

Mahinhing hinaplos niya ang kwintas na nakasukbit sa kanyang leeg.

“Mmmm, binili ito ng boyfriend ko para sa akin. Sabi niya, kung meron ang iba, dapat mayroon din ang munting prinsesa niya.”

Agad na napuno ng hiyawan at paghanga ang paligid.

“Wow, talagang mahal ka ng boyfriend mo.”

Sa pagbabanggit ng kanyang boyfriend, naging malambot at mahinhin ang mga mata ni Jenny. Parang isang babaeng hindi makabasag pinggan.

“Sabi niya, kapag nabuntis daw ako, mas malaking regalo pa ang ibibigay niya.”

Hindi kalayuan, natigilan si Diana, nanigas ang kanyang katawan na para bang kinakalawang.

May isang nakapansin agad at dali-daling bumati:

“Magandang umaga, Director Diana.”

Nabalik siya sa ulirat, kalmadong tumugon si Diana sa empleyado.

“Magandang umaga.”

May isang kasamahan na lumapit at itinuro si Jenny.

“Director Diana, tingnan niyo ang kwintas ni Jenny—ang ganda, hindi ba?”

Napatitig siya sa pilak na kwintas. Banayad na kumurba ang kanyang mga labi.

Hindi ba iyon ang Eternal Heart mula sa auction?

Kaya pala—si Timothy ay talagang sinusubukang timplahin ang magkabilang panig, nagbibigay ng oras at alaga sa pareho, habang pinamamahalaan pa rin ang lahat ng gawain ng Lide. Hindi ba siya napapagod?

“Maganda nga,” pantay na wika niDiana. “Pero kahapon sa auction, hindi naman natin nakita ang boyfriend ni Miss Jenny. Dapat ay ipakilala mo rin siya minsan para makilala namin.”

Agad na nagliwanag ang mga mata ni Jenny,parang nagniningning iyon at walang pagdidlan ng tuwa..

“Siyempre, kapag dumating ang tamang oras, ipakikilala ko siya sa inyo, Director Diana.”

Nananatiling nakatutok ang tingin ni Diana sa Eternal Heart na nakahimlay sa leeg nito. Inabot niya at marahang idinampi ang kanyang mga daliri sa malamig na kadena.

“Medyo mahalaga itong kwintas. Iniisip ko, baka taga-industriya rin ang boyfriend mo. Maaari mo bang sabihin ang apelyido niya? Baka kilala ko siya.”

Nag-usisa ang mga kasamahan.

“Oo nga, kung taga-industriya, siguradong kilala siya ni Director Diana. Sabihin mo na, bilis!”

“Oo nga, sabihin mo!”

Kanina’y nakangiti pa si Jenny, ngunit sa tanong ni Diana, unti-unting nanigas ang kanyang ngiti.

Matalim na nakatitig si Diana sa kanyang kabadong ekspresyon.

“Bakit? Hindi ba maaaring sabihin? O… may ibang sikreto sa likod nito?”

Agad na kumulo ang imahinasyon ng lahat.

Kung talagang matagumpay at makapangyarihan ang kanyang boyfriend ni Jenny, bakit siya mag-aatubiling banggitin ang pangalan nito—maliban na lang kung may tinatago nga siya?

Hindi naman tanga ang lahat ng naroroon; natural lamang na may hinala na silang lahat.

Bigla, isang malamig at may awtoridad na tinig ng lalaki ang umalingawngaw mula sa likuran.

“Maaga pa lang, pero lahat nagkukumpulan at tsismisan? Wala ba kayong trabaho?”

“President Valencia…”

Mabilis na nagsibalikan ang lahat sa kani-kanilang mesa.

Pumasok si Timothy na nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Kahit halata pa ang pagod mula sa magdamagang pag-inom, hindi maitatago ang matalim at makisig niyang anyo. Ang kanyang tingin ay parang agilang nakamasid.

Huminto siya sa harap ng dalawang babae, at nakatuon ang mga mata kay Diana. Itinaas niya ang telepono.

“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”

Napatingin si Diana kay Jenny, saka malamig na sumagot:

“Hindi ko napansin. Pinagmamasdan lang namin ang Eternal Heart necklace ni Miss Jenny, na sabi niya’y galing daw sa kanyang boyfriend. Kilala mo ba siya?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 100

    Sa dami ng taong nagdaraan, hindi nakaligtas sa mga mata ng iba ang kakaibang ekspresyon ni Lander. Marami ang napatingin, nagtataka, kaya’t dahan-dahang lumapit siya kay Diana at mababang bumulong sa tainga nito:“Tulungan mo muna akong mabalik sa kwarto.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Diana. Kung biglang umepekto ang gamot kay Lander sa ganitong pampublikong lugar, tiyak na bukas ay magiging headline ito. At kapag nangyari iyon, baka pati ang pangalan ng pamilya Beredo ay madamay. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalalang si Amanda ang nangahas na lagyan ng gamot ang inumin ni Lander.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki. Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng hotel room, agad niyang tinanong ito:“Nasaan ang room card mo?”“Nasa bulsa ng pantalon ko.”“Okay.” Wala na siyang iniisip pa, ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon ng lalaki. Malalim ang bulsa ng suit pants, kaya habang sinusuportahan ang katawan ni Lander, pinipilit din niyang kapain ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 99

    “Diana.” Malalim at malamig ang tinig ni Lander, may bahid ng nanlalamig na galit.“Ha?” Napasinghap si Diana, at kusa siyang nakasagot nang hindi namamalayan.Mainit ang mga daliri ni Lander habang marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Tinitigan siya ng mga matang matalim na parang mata ng lawin, saka malamig na nagtanong: “Hindi ko naman ibinunyag ang sikreto mo. Bakit sa isang iglap, ipinagkanulo mo na ako? Ano bang ibinigay sa’yo ng mga Beredo kapalit nito?”Alam ni Diana na wala siyang maitatago kay Lander. Ang lalaking ito ay may pambihirang pakiramdam at talas ng obserbasyon. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, siguradong mabubunyag pa rin ang kanyang ginawa. At kapag nalaman nito na sinadya niyang linlangin ito, lalo lang siyang mapapahamak.Kaya’t nagpasya siyang magsabi na lang ng totoo.Tahimik na tumango si Lander, tila nag-iisip, bago siya mapait na ngumisi. “Ano ako, pag-aari mo? Bakit mo naisip na dahil lang sa ipinainom mo sa akin, agad kong magugustuhan ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 98

    Nagulat si Amanda, halos mapaatras sa kinatatayuan, at agad na napalingon kay Diana.“Anong nangyayari dito? Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang isyu sa oryentasyon? Huwag mong sabihing… hindi siya tunay na lalaki?”Namutla si Diana, hindi agad nakapagsalita. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—kung hindi niya ito maayos, tiyak na aabot sa kanyang lolo ang balitang ito. Pero hindi rin niya inaasahan na basta na lang ipinahayag ni Lander na gusto nito ng lalaki.Napilitan siyang humarap dito, halatang naguguluhan. “Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki, Lander? Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?”Nakatuwid ang likod ni Lander, magkalapat ang mga daliri na para bang nagtatago ng sariling kahihiyan. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, at ang matalim na panga’y lalo pang umigting. Ang malamig niyang mga mata ay nakatuon kay Diana, puno ng pang-aasar..“Paano? Mas kilala mo pa ba kaysa sa akin ang sarili kong gusto? Nasubukan mo na ba ako?”Namula si Diana, napalunok ng wala s

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 97

    Wala siyang magagawa; kung hindi pipirmahan ang kontrata, hindi siya makakaalis. Ramdam niya ang matalim na tingin nina Jenny at Timothy kahit hindi niya sila tinitingnan—parang tinutusok ng karayom ang kanyang balat.Ganyan si Lander. Kung ipinasa nito sa kanya ang kontrata, malinaw ang ibig sabihin—ipinapakita nitong magkaalyado sila. Kung hindi, bakit ipababasa sa kanya ang ganito kahalagang dokumento?Matapos ang konting pag-aalinlangan, inabot niya ang kontrata at pinilit na basahin. Pagkaraan, mahina niyang sinabi kay Lander.. “Mr. Sales, natapos ko na pong basahin. Wala pong problema.”Iwinagayway lang ni Lander ang kamay. “Okay, pumirma ka na.”Pagkapirma ng kontrata, hindi na nakapagpigil si Jenny at bumulong.. “Mag-usap lang kayo. Lalabas muna ako sandali para huminga.”Kinuha ni Timothy ang dokumento at tumingin kay Diana. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin—hindi siya puwedeng maunang lumapit, baka pagtawanan sila ni Amanda. Kaya maingat niyang sinabi.. “Puntahan

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 96

    Sinusubukang kumbinsihin ni Lander si Jenny, may bahagyang panlilinlang sa tingin.. “Ano sa tingin mo? Isipin mo muna.”Kinagat ni Jenny ang kanyang labi, malalim ang iniisip. Kung tatanggapin niya ang alok ni Lander, mas magiging maayos ang kanyang pag-usad sa LS, dahil ngayon, hindi na kayang makipag kumpetensiya ni Lide kay Lander.Ngunit sa Lide, may proteksyon siya mula kay Timothy, kaya mas madali ang lahat.Ngunit mas kaakit-akit si Lander, at narinig niya rin na malakas ang background nito—subalit misteryoso, wala pa ring nakakaalam kung saan talaga ito nanggaling.Mahalaga rin: kung mapansin siya ni Lander…Maingat na lumingon si Jenny kay Timothy, para bang humihingi ng kanyang opinyon. “Timothy, puwede ba akong sumubok muna kay Mr. Sales? Kung matututo ako ng mas marami roon, baka pagbalik ko, mas maayos kitang masuportahan at matulungan.”Nakangiti pa si Timothy nang una, pero agad din iyong napalitan ng pagsimangot.. “Tatargetin mo talaga ang LS?”Alam ng lahat na kapa

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 95

    Naabala si Amanda sa eksena at napabuntong-hininga, saka lihim na kinumpirma sa sarili.. “Talaga, magaling itong babae, Diana. Siguradong hindi mo siya matatalo. Baka pati sa proyektong ito, mapalitan ka pa. Ang mga lalaki, hindi matiis kapag may babaeng nagpapa awa—at mukhang hindi mo kaya ang ganitong estilo.”Hindi talaga makapagsalita si Diana. Sino ba ang makakapag akala na kayang ibaba ni Jenny ang kanyang pride at umiyak pa sa harap ni Lander?At ang pag-iyak niya’y parang luha ng isang bulaklak—malambing, halos kaawa-awa—isang eksenang mahirap tabunan ng anumang panunukso.Nilingon niya si Lander. Hindi ito agad nag-react, at doon niya nakita ang pagkakataon.Hindi napigilan ni Diana ang pisilin ang sariling palad habang matalim na naka-focus ang malamig at malinaw niyang mga mata kay Lander. Kung bigla nitong babaguhin ang isip, mawawala nang lahat ang pinaghirapan niya noon.Mataas ang kilay ni Lander, matalim ang mata, malinaw ang mga linya ng mukha—isang hitsura na nakaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status