Share

CHAPTER 7

Author: Flammara
Walang malinaw na dahilan, ngunit bigla na lamang nadamay si Lander Sales at Diana sa tensyon, at tila humigpit ang dibdib ni Diana dahil doon.

Alam ng lahat sa industriya na matinding magkaribal ang Lide at LS. Sa buong Luzon, tanging ang dalawang kompanyang iyon lamang ang tunay na naglalabanan sa lakas.

At ngayon, lumalabas na malapit siya sa kalaban—tiyak na maghihinala ang lahat.

Ngunit basta’t kapanipaniwala ang kanyang pag-arte, hindi ito magiging problema.

Kalma niyang sagot,

“Kanina’y naapakan ko nang hindi sinasadya ang sapatos ni President Sales. Bilang paggalang, dapat humingi ako ng paumanhin. Hindi naman labis na hiling iyon, hindi ba?”

Magaan ang tugon ni Lander sa kanila.

“Oo, si Mrs. Valencia ay humihingi pa lang ng paumanhin sa akin, nang sa kasamaang-palad ay dumating si President Valencia, kaya naudlot iyon.”

Pinukol ang matalim na titig ni Timothy kay Lander, nakakunot nang husto ang mga kilay, madilim ang mukha.

“Mr—”

“President Valencia, ngayong narito ka na, bakit hindi na lang ikaw ang humingi ng paumanhin sa ngalan ng asawa mo? Hindi naman ako ang tipo ng lalaking nagpapahirap sa mga babae.” Hindi pa nakapagsasalita si Tomothy, pinutol na agad ni Lander ang kanyang sasabihin.

Natigilan si Diana. ‘May mas kapal pa ba ang mukha kaysa sa lalaking ito?’ Kanina lang ay halos pinabayaan siyang bumagsak ng lalaki, ngayon ay buong tapang nitong sinasabing hindi siya nananakit ng kababaihan. Napakatindi pala ng ugali nito. Talagang halimaw!

Nanatiling tahimik si Timothy, anino ang bumalot sa kanyang mga mata.

Hindi maintindihan ni Diana, ngunit dama niyang tila kakaiba si Timothy ngayong gabi—lalo na matapos nilang makaharap si Lander Sales. May hindi mapakaling kaba na gumugulo sa kanya.

Maya-maya, hinilot ni Lander ang kanyang sentido, halatang nainip, at mariing nagsalita,

“Ang sabi ng lahat, iniingatan ni President Valencia ang kanyang asawa na parang sariling buhay. Baka naman tsismis lang pala iyon? Wala naman atang katotohanan doon.”

Magaan ang pagkakasabi, ngunit dahil sa bibig ni Lander nanggaling, naging mabigat at nakakasakal.

Noong araw, agad sanang ipagtatanggol ni Diana si Timothy. Buo ang loob niyang protektahan ito—pwedeng siya ang apihin, pero hindi ang taong mahal niya.

Ngunit ngayon, gusto niyang makita kung ano ang pipiliin ni Timothy.

Kilala niya ang lalaki—napakalaki ng kanyang pride. Isang henyo na kinikilala ng lahat, paano siya magbababang-loob at hihingi ng tawad sa isang karibal? Lalo pa’t napakaraming matang nakatingin sa kanila. Kapag kumalat ang balitang ito, tiyak na bukas ay headline scandal na ito.

Lalong bumigat at sumikip ang tensyon sa paligid.

Maingat na sumingit si Jenny,

“President Sales, hindi naman kalakihan ang bagay na ito. Sapatos lang naman iyon. Bakit hindi na lang namin bayaran?”

Bahagyang iniangat ni Lander ang kanyang magandang mga mata, puno ng panunukso ang tinig.

“Ang dalagang ito ba ang magiging asawa ni President Valencia sa hinaharap?”

Napatigil si Jenny, nanigas ang mukha, pangit ang naging ekspresyon nito.

Hinila siya ni Timothy palikod.

“Nakalimutan kong ipakilala siya sayo—siya ang bagong empleyado ng aming kompanya, si Jenny Suarez..”

Napatingin si Lander sa kanyang relo, maluwag na nilaro niya ito, walang pakialam na tumugon,

“Ah. Hindi ko siya kilala.”

Namula ang mga mata ni Jenny, wari’y takot na pusa na puno ng hinanakit. Mahigpit siyang kumapit sa manggas ni Timothy, nanginginig ang tinig.

“Timmy…”

Tumigas ang panga ni Timothy, mariing isinarado at ibinuka muli ang kamao bago huminga nang malalim at pinilit na magsalita.

“Kasalanan ng asawa ko. Bilang kanyang asawa, nararapat lamang na akuin ko ang pananagutan. Ano ba ang naismong kabayaran, President Sales?”

Eksaktong dumaan ang isang waiter. Kaswal na itinaas ni Lander ang kamay.

“Ang boteng ito ng champagne—inumin mo na lang ito, at tapos na ang usapan.”

Mabilis na pinigilan ni Jenny iyon.

“Hindi pwede! Hindi kayang uminom ni Timmy ng ganoon karami. President Sales, hayaan niyo na ako na lang ang uminom para sa kanya.”

Inabot na niya ang champagne, ngunit mabilis itong inagaw ni Timothy, mahigpit ang pagkakunot ng mga kilay.

“May allergy ka sa alak. Huwag kang magpadalos-dalos!”

Pagkarinig noon, umatras ng dalawang hakbang si Diana, tila nabulunan.

Naalala ni Timothy ang allergy ni Jenny—pero hindi nito naalala ang allergic din siya sa alikabok.

Namuti ang mga daliri niya habang mahigpit na kumapit sa sandalan ng upuan.

Itinaas ni Timothy ang bote at uminom nang malalaking lagok, sunod-sunod, habang si Jenny ay nakatingin sa kanya na puno ng pag-aalala.

Samantala, nakasandal lamang si Lander sa isang upuan, wari’y nanonood ng palabas, habang pinagmamasdan ang pag-inom ni Timothy ng champagne. Nang maubos ang bote, dahan-dahan siyang pumalakpak, puno ng pang-aasar.

“Talagang mahusay uminom si President Valencia.”

Pagkasabi noon, kaswal na kumaway si Lander, ibinalik ang mga kamay sa bulsa, at iniwan ang bulwagan ng auction.

Sumama ang tiyan ni Timothy, pero pinilit niyang tingnan ang maputlang mukha ni Diana. Napatumba siya ng bahagya, ngunit naabot pa rin ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan.

“Delikado si Lander Sales. Iwasan mo siya mula ngayon.”

Nakita niyang hirap nang tumayo si Timothy kaya inalalayan siya ni Diana.

“Umuwi na tayo. Ipagluluto kita ng pagkain para sa hangover.”

Humarap si Timothy kay Jenny.

“Umuwi ka na lang at magtaxi. I-message mo ako pag nakauwi ka na.”

Ngumiti ng may lambing si Jenny. “Mm.”

Pagkatapos ay lumingon siya kay Diana, gamit ang mga senyas,

“Diana, alagaan mong mabuti siTimmy. Mahina talaga ang tolerance niya sa alak—kapag sobra siyang nakainom, sumasakit ang tiyan niya kinabukasan. Paki-gawan mo siya ng lugaw.”

Natigil ang paghinga ni Diana, ngunit hindi niya iyon sinagot ng direkta. Sa halip, kalmadong sinabi niya,

“Miss Suarez, mag-ingat ka sa daan. At sa susunod, kapag nasa publiko kayo, mas mabuti sigurong tawagin mo siyang President Valencia. Baka kasi magkamali ng akala ang mga tao at isipin na isa kang kabit—hindi iyon maganda.”

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jenny. Inalalayan niya si Timothy palabas.

Habang papalayo ang dalawa, mariing kinagat ni Jenny ang kanyang labi, puno ng mapait na pagkadismaya ang mga mata.

Nang mailalabas na ni Diana si Timothy, napansin niya sa gilid ng kanyang paningin si Lander Sales—nakasandal sa isang Bugatti, may sigarilyo sa labi, at abala sa cellphone.

Sa pagkakataong iyon, nagkataon na lumingon ito, at nagtagpo ang malamig, madidilim nilang mga mata.

Tumigil ang pintig ng puso niya, bago siya mabilis na umiwas ng tingin, binuksan ang pinto ng sasakyan, at inalalayan si Timothy papasok ng kotse.

Nang paalis na sila, bahagyang dumaan ang kanilang sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Lander.

Nakaupo si Diana sa likod, at biglang nakaramdam ng kakaibang kaba, tila ba nanlamig ang kanyang likod at pinagpawisan siya ng malamig.

Bakit ganoon ang naging asal ni Lander kay Timothy?

Sino man ang tumingin ay makikitang sadyang may poot at paghamon doon.

Sa lahat ng taon sa negosyo, ngayon lamang niya nakita si Timothy na ganoon kaapektado sa harap ng isang tao—posible bang may nakatagong kasaysayan sina Timothy at Lander na hindi niya alam?

Hindi maganda ang kalagayan ng kanyang asawa. Isang buong bote ng champagne ang naubos nito, at ngayon ay naroon na ang epekto.

Napuno ng matapang na amoy ng alak ang loob ng sasakyan, dahilan para mapakunot ang noo ni Diana at mapaduwal.

Dali-dali niyang ibinaba ang bintana upang makahinga ng sariwang hangin hanggang sa unti-unting humupa ang hilo niya.

Pagdating nila sa bahay, tinulungan nilang mag-asikaso si Rima at dinala si Timothy sa kanilang silid.

“Madam, ipaghahanda ko ng sopas si siri. Pakibantayan n’yo muna siya,” sabi ni Rima sa kanya.

“Sige, gawin mo na lang ang kailangan. Ako na ang bahala dito,” tugon ni Diana.

Napansin niya ang tuyot at bitak-bitak na labi ni Timothy, kaya tumayo siya upang magbuhos ng tubig. Ngunit bago pa siya makaalis, bigla itong napaungol,

“Huwag kang umalis… huwag mo akong iwan. Yayaman ako, pakakasalan kita, Jenny…”

Sa mismong sandaling iyon, tila bumulusok ang puso ni Diana pababa sa kailaliman.

Akala niya, ang pagsusumikap ni Timothy na makuha ang kompanya at ang paghangad nitong mapasaya ang kanyang lolo ay para bigyan siya ng mas maayos na buhay, para mapawi ang mga sugat ng kanyang mapait na kabataan.

Nandiyan siya sa lahat ng mahirap na yugto—kasama itong nagpupuyat, dumadalo sa mga piging ng negosyo, tiniis pa nga ang mga gabing nalalasing ito hanggang dumugo ang sikmura—ngunit ni minsan ay hindi siya nagreklamo.

Ngunit ngayon, narinig niyang para kay Jenny pala ang lahat ng iyon.

Kung ganoon… ano siya? Ano siya sa paningin ni Timothy?
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 100

    Sa dami ng taong nagdaraan, hindi nakaligtas sa mga mata ng iba ang kakaibang ekspresyon ni Lander. Marami ang napatingin, nagtataka, kaya’t dahan-dahang lumapit siya kay Diana at mababang bumulong sa tainga nito:“Tulungan mo muna akong mabalik sa kwarto.”Hindi na nag-aksaya ng oras si Diana. Kung biglang umepekto ang gamot kay Lander sa ganitong pampublikong lugar, tiyak na bukas ay magiging headline ito. At kapag nangyari iyon, baka pati ang pangalan ng pamilya Beredo ay madamay. Lalong kumulo ang dugo niya nang maalalang si Amanda ang nangahas na lagyan ng gamot ang inumin ni Lander.Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ng lalaki. Nang makarating sila sa harap ng pintuan ng hotel room, agad niyang tinanong ito:“Nasaan ang room card mo?”“Nasa bulsa ng pantalon ko.”“Okay.” Wala na siyang iniisip pa, ipinasok niya ang kamay sa bulsa ng pantalon ng lalaki. Malalim ang bulsa ng suit pants, kaya habang sinusuportahan ang katawan ni Lander, pinipilit din niyang kapain ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 99

    “Diana.” Malalim at malamig ang tinig ni Lander, may bahid ng nanlalamig na galit.“Ha?” Napasinghap si Diana, at kusa siyang nakasagot nang hindi namamalayan.Mainit ang mga daliri ni Lander habang marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Tinitigan siya ng mga matang matalim na parang mata ng lawin, saka malamig na nagtanong: “Hindi ko naman ibinunyag ang sikreto mo. Bakit sa isang iglap, ipinagkanulo mo na ako? Ano bang ibinigay sa’yo ng mga Beredo kapalit nito?”Alam ni Diana na wala siyang maitatago kay Lander. Ang lalaking ito ay may pambihirang pakiramdam at talas ng obserbasyon. Kahit anong pagtatago ang gawin niya, siguradong mabubunyag pa rin ang kanyang ginawa. At kapag nalaman nito na sinadya niyang linlangin ito, lalo lang siyang mapapahamak.Kaya’t nagpasya siyang magsabi na lang ng totoo.Tahimik na tumango si Lander, tila nag-iisip, bago siya mapait na ngumisi. “Ano ako, pag-aari mo? Bakit mo naisip na dahil lang sa ipinainom mo sa akin, agad kong magugustuhan ang

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 98

    Nagulat si Amanda, halos mapaatras sa kinatatayuan, at agad na napalingon kay Diana.“Anong nangyayari dito? Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito siyang isyu sa oryentasyon? Huwag mong sabihing… hindi siya tunay na lalaki?”Namutla si Diana, hindi agad nakapagsalita. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon—kung hindi niya ito maayos, tiyak na aabot sa kanyang lolo ang balitang ito. Pero hindi rin niya inaasahan na basta na lang ipinahayag ni Lander na gusto nito ng lalaki.Napilitan siyang humarap dito, halatang naguguluhan. “Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki, Lander? Ano ba talaga ang pinagsasabi mo?”Nakatuwid ang likod ni Lander, magkalapat ang mga daliri na para bang nagtatago ng sariling kahihiyan. May bahagyang ngiti sa kanyang labi, at ang matalim na panga’y lalo pang umigting. Ang malamig niyang mga mata ay nakatuon kay Diana, puno ng pang-aasar..“Paano? Mas kilala mo pa ba kaysa sa akin ang sarili kong gusto? Nasubukan mo na ba ako?”Namula si Diana, napalunok ng wala s

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 97

    Wala siyang magagawa; kung hindi pipirmahan ang kontrata, hindi siya makakaalis. Ramdam niya ang matalim na tingin nina Jenny at Timothy kahit hindi niya sila tinitingnan—parang tinutusok ng karayom ang kanyang balat.Ganyan si Lander. Kung ipinasa nito sa kanya ang kontrata, malinaw ang ibig sabihin—ipinapakita nitong magkaalyado sila. Kung hindi, bakit ipababasa sa kanya ang ganito kahalagang dokumento?Matapos ang konting pag-aalinlangan, inabot niya ang kontrata at pinilit na basahin. Pagkaraan, mahina niyang sinabi kay Lander.. “Mr. Sales, natapos ko na pong basahin. Wala pong problema.”Iwinagayway lang ni Lander ang kamay. “Okay, pumirma ka na.”Pagkapirma ng kontrata, hindi na nakapagpigil si Jenny at bumulong.. “Mag-usap lang kayo. Lalabas muna ako sandali para huminga.”Kinuha ni Timothy ang dokumento at tumingin kay Diana. Agad niyang naintindihan ang ibig sabihin—hindi siya puwedeng maunang lumapit, baka pagtawanan sila ni Amanda. Kaya maingat niyang sinabi.. “Puntahan

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 96

    Sinusubukang kumbinsihin ni Lander si Jenny, may bahagyang panlilinlang sa tingin.. “Ano sa tingin mo? Isipin mo muna.”Kinagat ni Jenny ang kanyang labi, malalim ang iniisip. Kung tatanggapin niya ang alok ni Lander, mas magiging maayos ang kanyang pag-usad sa LS, dahil ngayon, hindi na kayang makipag kumpetensiya ni Lide kay Lander.Ngunit sa Lide, may proteksyon siya mula kay Timothy, kaya mas madali ang lahat.Ngunit mas kaakit-akit si Lander, at narinig niya rin na malakas ang background nito—subalit misteryoso, wala pa ring nakakaalam kung saan talaga ito nanggaling.Mahalaga rin: kung mapansin siya ni Lander…Maingat na lumingon si Jenny kay Timothy, para bang humihingi ng kanyang opinyon. “Timothy, puwede ba akong sumubok muna kay Mr. Sales? Kung matututo ako ng mas marami roon, baka pagbalik ko, mas maayos kitang masuportahan at matulungan.”Nakangiti pa si Timothy nang una, pero agad din iyong napalitan ng pagsimangot.. “Tatargetin mo talaga ang LS?”Alam ng lahat na kapa

  • Promises Turned to Ashes: The Billionaire Who Shattered my Heart   CHAPTER 95

    Naabala si Amanda sa eksena at napabuntong-hininga, saka lihim na kinumpirma sa sarili.. “Talaga, magaling itong babae, Diana. Siguradong hindi mo siya matatalo. Baka pati sa proyektong ito, mapalitan ka pa. Ang mga lalaki, hindi matiis kapag may babaeng nagpapa awa—at mukhang hindi mo kaya ang ganitong estilo.”Hindi talaga makapagsalita si Diana. Sino ba ang makakapag akala na kayang ibaba ni Jenny ang kanyang pride at umiyak pa sa harap ni Lander?At ang pag-iyak niya’y parang luha ng isang bulaklak—malambing, halos kaawa-awa—isang eksenang mahirap tabunan ng anumang panunukso.Nilingon niya si Lander. Hindi ito agad nag-react, at doon niya nakita ang pagkakataon.Hindi napigilan ni Diana ang pisilin ang sariling palad habang matalim na naka-focus ang malamig at malinaw niyang mga mata kay Lander. Kung bigla nitong babaguhin ang isip, mawawala nang lahat ang pinaghirapan niya noon.Mataas ang kilay ni Lander, matalim ang mata, malinaw ang mga linya ng mukha—isang hitsura na nakaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status