Share

Chapter 26: Fight

Allison.

Siya ang sumagot ng tawag ko. Nasa kanya ang cellphone ni Evander. Nasa resort siya.

Magkasama silang dalawa.

Kaya hindi ako sinipot ng boyfriend ko dahil may iba na pala siyang kasamang kumain.

Hindi ba ang sabi niya noon sa akin ay ayaw niya roon? Pero bakit si Allison ang kasama niyang kumain? Bakit niya ako kinalimutan?

Naguguluhan na ako.

"Ineng, paubos na ang ulam namin. Itong bistek na lang at ginisang pechay ang may natira. Pang isahang tao na lang ito. Hindi na ito kakasya sa inyo n'ong…kasama mo," sambit ng tindera.

Kilala na niya ako bilang suki rito, o baka nakilala lang ako dahil si Evander ang kasama ko rito palagi.

"Magaala-una na kasi. Sa 'yo na lang ito. Mukhang…hindi na rin naman kasi dadating iyong hinihintay mo," nahimigan ko ng concern ang boses niya.

"Salamat po. Hindi na po ako kakain. Bibili na lang po ako ng tinapay sa iny
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status