Share

Chapter 28: Sanction

Mabuti na lang ay lumabas ang istrikto naming propesor kaya nakapasok ako sa room nang hindi nahuhuli. Umupo ako sa tabing upuan ni Pearl.

“You're late. Mabuti na lang ay kapag matatapos na ang klase nag-a-attendance si Sir. Akala ko ay hindi ka na papa— bakit ka may mga kakalmutan?” gulat na bulalas ni Pearl nang makita ang kamay ko. 

Hindi ko iyon maitatago lalo na’t magkatabi lang kami. Mamaya pag-uwi sa bahay ay tiyak na hindi rin ito makakalagpas sa mga mata ni Tita Melinda. Tiyak na magagalit iyon lalo na pag nalaman niyang pinagtulungan ako. Kahit na nauuto-uto ko siya minsan sa mga palusot ko, pagdating sa kapakanan ko ay hinding-hindi ko siya maloloko. 

Ikinwento ko kay Pearl ang nangyari kanina. Napupuyos siya sa galit at kung hindi lang bumalik ang propesor namin ay sumugod na siya sa buildin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status