Share

Chapter 25: Call

Medyo marami ang nakakakilala sa akin sa Marinae, pero mas dumami simula nang araw na nabunyag ang tungkol sa amin ni Evander. Kung hindi ko naririnig na pinag-uusapan nila ako, wala namang araw na hindi dumadako ang mga mata ng mga babaeng estudyante sa akin

Nakakailang lang kapag naririnig ko na bukambibig nila na naiinggit sila sa akin...dahil girlfriend ako ni Evander. Madalas ang nagsasabi niyon ay sincere talaga. Iyong iba kasi, mas gustong husgahan ako. Siguradong kung anu-ano nang panghuhusga ang naisip nila sa akin.

Isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin. Wala akong pakialam.

Pagkalabas ko ng kwarto ay inabutan ako ni Tita Melinda ng baon ko.

"Wala pa ba si Jaime, Tita?" tanong ko nang mapansing wala pa rin ang maingay na unggoy.

"Wala pa. Isang linggo nang hindi kayo nagsasabay ah? Baka mamaya ay hindi na pumapasok ang batang iyon. Malilintikan talaga iyon sa akin!"

"Baka naman po late lang o baka mas maagang pumupunta sa BSC. Nakita ko naman po siya noong isang araw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status