공유

Chapter 3

작가: EL Nopre
last update 게시일: 2025-12-26 19:01:15

"FAITH?!"

Ngumiti siya sa pagkagulat ni Laliene nang makita siya nito. "Hi."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Hindi ka na kasi bumibisita sa akin kaya ako na ang pumunta rito. Hindi ba kita naabala?"

"Hindi naman. Pero, teka. Kaya mo pa ba?"

Binalewala ni Faith ang pagsuyod sa kanya ng baba-taas na tingin ni Laliene mula sa kinauupuan niyang wheelchair, "Kasama ko si Thea. Pinuntahan lang niya si Nanay."

"Tara. Doon tayo sa gazebo."

"Hindi na ako makakalakad nang malayo."

"May wheelchair ka naman. Ako na ang magtutulak."

"Okay lang ba na sa loob na lang tayo nang bahay niyo? Malapit na rin naman tayo rito."

Napalingon muna si Laliene sa nilabasan nito na pinto. Paalis sana ito. "Ah, o-okay. Halika sa loob."

"Salamat."

Pinigil ni Faith ang sarili nang hawakan at alalayan siya ni Laliene. Gusto sana niyang hawiin ang kamay nito.

"Hindi ba puwedeng ipasok ang wheelchair?"

"Pasensiya na. Kalilinis lang kasi sa sahig ng katulong."

"Oo nga. Marumi pa naman ang gulong ng wheelchair ko. Huwag na tayong pumasok."

"Halika. Doon tayo," sabay turo nito sa mesa at mga upuan na nasa veranda.

Tumango si Faith. Hinayaan niya na si Laliene na ang magtulak ng wheelchair niya. At hindi man lang ito nag-alinlangan na mag-spray nang ilang beses ng alcohol sa mga kamay nito na tila ba diring-diri ito sa nahawakan.

"Gusto mo ba nang maiinom o makakain?"

"Huwag na. Salamat."

Napatitig siya kay Laliene na napakaamo ng mukha habang nakangiti ito sa kanya. Kahit kailan ay hindi man lang pumasok sa isip niyang magagawa siya nitong lokohin at saktan.

Mula nang magtrabaho ang nanay niya sa mga Santibañiez bilang labandera, naging magkaibigan na sila nito. That was two decades ago. Dalawang dekada silang naging magkaibigan kahit malayo ang agwat ng buhay nila sa isa't isa.

"Bakit ka nga ba nandito? Ang ibig kong sabihin, halata nang hindi na kaya ng katawan mo na lumabas pa ng bahay. You should just stay there and rest."

Bumaba naman ang tingin ni Faith sa tinukoy ni Laliene. At tama ang sinabi nito. Bukod sa malaki ang ipinayat niya ay tuyo na rin ang kanyang balat na tila sa isang matandang malapit nang mamatay.

"Gusto kasi kitang makita. Baka mawala ako nang hindi ko man lang nakikita ang taong isa sa naging mahalaga sa buhay ko."

"I feel guilty for not giving time na bisitahin ka. Sobrang busy kasi ako these past few weeks."

"Huwag kang mag-alala, kahit naman hindi mo ako puntahan, alam kong kaibigan mo pa rin ako."

"Of course. We're besties, right?"

Inabot niya ang kamay ni Laliene. She really has no intention para sabihin sa kanya ang totoo. She acted fine and innocent. Pareho sila ni Kiel na magaling umarte.

"Masaya ako na naging kaibigan ka. Hindi ko makakalimutan ang lahat nang ginawa mo."

"Hey, nagpapaalam ka na ba?"

"Nararamdaman ko nang malapit na."

"Don't say that."

"Tanggap ko na. Nag-aalala lang ako sa mga taong maiiwan ko."

"We will take care of your family. Alam mo namang pamilya na ang turing namin sa inyo."

Lihim na nagngitngit si Faith sa pagkakaalala niya sa narinig at nasaksihang eksena sa laundry area. Hindi pamilya ang trato nito sa kanyang ina kundi isa lang utusan. "Salamat. Pero tungkol kay Kiel..."

"Ako na rin ang bahala sa kanya."

Hindi niya alam kung ngingiti siya o panlilisikan niya ng mga mata si Laliene. Hindi man lang nito pinatapos ang iba pa niyang sasabihin.

"Nangako siya sa akin na hindi muna siya maghahanap nang kapalit ko kapag nawala ako."

"What?"

"Bakit parang nagulat ka? Normal lang naman sa mga magkasintahan na magkaroon sila nang pangako sa isa't isa."

"That jerk!"

"Ha?"

"Bakit wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa bagay na iyan?"

"Anong ibig mong sabihin? Bakit niya sasabihin sa iyo ang tungkol sa napag-usapan namin?"

"Forget what I said."

Kaya niya pinilit na makapunta roon dahil may motibo siya. At hindi siya aalis doon nang hindi iyon nagagawa.

"Hindi niya ako araw-araw na napupuntahan sa bahay dahil busy siya sa kanyang bagong trabaho. Pero maya't maya rin naman ang tawag at text niya. Kung minsan nga nagpapadala pa siya ng flowers at love letters katulad noong ligawan niya ako. Sweet na sweet pa rin siya sa akin."

"Darn!"

Hindi niya pinansin ang pagbabago ng aura sa mukha ng kaharap o maging ang pagmumura nito.

"Akala ko naaawa lang siya sa kalagayan ko. Pero ipinaparamdam niya sa akin araw-araw na mahal na mahal niya pa rin ako."

"Will you stop!"

"Ha? Bakit? May masama ba akong nasabi?"

"Mamamatay ka na rin lang, nag-iwan ka pa talaga nang rason na pag-aawayan namin."

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"If you don't keep your mouth shut, baka makasuhan kita nang adultery."

"Adultery?"

"Babe..."

Parehong natuon ang tingin ng dalawa sa pagdating ni Kiel na nakatapis lang ng roba.

"F-Faith?" bulalas ng lalaki nang makita roon ang nobya.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Dito ka ba nakatira?"

"Yes."

Nadako ang tingin ni Faith kay Laliene na tumayo at iniangkla ang mga kamay sa braso ni Kiel.

"Did you hear me what I said earlier, right? About adultery. Kapag hindi mo pa pinutol ang ugnayan mo sa asawa ko, I will see to it na makakasuhan kita."

Napangisi siya na napapailing. "Hindi ko akalain na ganito ang ipapabaon niyo sa pag-alis ko. Sana hinintay niyo man lang muna ang kamatayan ko."

"Faith -"

Pinigil ni Laliene ang akto sanang pagbitiw ni Kiel sa pagkakahawak nito. "Anong gagawin mo? Will you console her? Totoo talaga ang sinabi niyang araw-araw ka pa ring nakikipag-communicate sa kanya?"

"Sinabi niya iyon?"

Hindi na nakasagot pa si Laliene nang lumabas na ng bahay sina Thea at Nanay Berna. Lumapit agad ang mga ito kay Faith.

"Umalis na tayo."

"Tapos na ba ang trabaho mo?" asik ni Laliene kay Nanay Berna.

"Huling araw na niya rito. Hindi mo na siya utusan." Ginagap ni Faith ang kamay ng ina. "Umalis na po tayo."

"Hindi ka man lang ba magagalit sa amin?"

Itinigil ni Thea ang pagtulak sa wheelchair at saka bahagyang itinagilid iyon para malinaw na makita ni Faith ang hitsura ng dalawa.

"Naniniwala ba kayo sa karma? Ako, oo. Hindi man ako ang maging dahilan niyon, malay niyo, baka ibang tao ang maghatid no'n sa inyo. Maghintay lang kayo."

"Balak mo ba kaming multuhin?" asik ni Laliene.

Sinenyasan ni Faith si Thea na itulak na ang wheelchair niya. Hindi na niya pinansin pa ang pagsigaw ni Laliene sa kanya.

Nasasaktan siya. Mas masakit pa sa nararamdaman ng kanyang katawan.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 110

    MAAYOS naman ang naging daloy ng araw sa trabaho nila. Busy si Ponce kaya hindi siya nito gaanong pinagtuunan ng pansin na kausapin o asarin.Hindi rin sila nag-overtime. At mabuti iyon. May mahalagang lakad kasi siya pagkatapos na maihatid siya nito sa bahay."What are your plans today?"Napatingin siya kay Ponce. Mukhang nababasa nito ang kanyang iniisip. "Wala. Gusto ko na lang umuwi," she lied."Good. We're going somewhere.""Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga."Kaya nga nagsinungaling na siya dahil ayaw niyang maging sagabal ito sa kanyang lakad. "You'll have enough rest dahil Sabado naman bukas.""Bakit ba pala-desisyon ka?""We're meeting Daisy."Biglang nagliwanag ang mukha ni Faith. "Talaga?""Excited ka ba?"Plinantsa niya ang ekspresyon sa mukha. "Well, gusto ko rin siyang makita dahil hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya for saving my life.""You need to comfort her.""Huh? Bakit? May nangyari ba sa kanya?" pag-aalala ni Faith."Sinisisi niya pa rin hanggang ngay

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 109

    PIKIT-MATANG inabot ni Faith ang nag-iingay na alarm clock sa ibabaw ng kanyang bedside table at pinatay iyon. Natulog ulit siya. Pero pagkatapos lang ng sampung minuto ay tumunog naman ang cellphone niya. It chimes again and again every ten minutes."Inaantok pa ako," reklamo niya.She is usually an early-riser. It's been her habit even on her past life. Inabot lang siya hanggang madaling-araw kagabi sa pag-iisip kung paano siya makakaiwas kay Ponce.But it brings her no result. Dahil magkatrabaho sila. Araw-araw silang magkikita. During week days lang, pero mahaba-haba na ring pagtitiis iyon. Posible na marami ring mangyari sa kanila sa eight hours working time. Hindi pa kasama roon ang overtime kapag may hinahabol na deadline ang binata."Bakit ba ang ingay mo?" Inis siyang bumangon. Ibinato niya sa may paanan ng higaan ang cellphone matapos niya uli iyong patayin. "Nakakatamad."Pero wala siyang pagpipilian. Kaya kahit na namimigat pa ang mga mata niya ay pinilit na niya iyong imi

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 108

    "ANO pa bang ginagawa niya? Bakit hindi pa siya umalis?"Mahigit sampung minuto nang kausap ni Ponce ang dalawang guwardiya. Nagyo-yosi pa ang mga ito habang nagkukuwentuhan."Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Siguradong tungkol lang sa babae. Ganoon ang mga lalaki kapag nagkakatipon-tipon."Lumipat ng puwesto si Faith. Pero kahit ukupahin pa niya ang lahat nang bintana, hindi naman niya maririnig ang tatlo. Malayo ang bahay sa guard house. Natatanaw lang niya ang mga ito."May pasok pa bukas. Paano kung ma-late siya sa pagsundo sa akin? And so? Hindi ko na problema 'yon." Napaisip siya, "No. Sa oras na mahuli ako sa trabaho ay hindi ko na makukuha ang pagiging most punctual."Natigilan si Faith. Bigla kasi siyang napatitig kay Ponce nang tumawa ito habang kausap pa rin ang mga guwardiya. Malayo siya, pero parang nag-automatic zoom in ang kanyang mga mata. 100% magnified.Hindi na nga niya namalayan na napangiti na siya. As if he likes the sight of him."He's hot and handsome..."Nasis

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 107

    NAPADIGHAY si Faith. Gusto sana niya iyong pigilan, pero nailabas na niya."No need to be ashamed," wika ni Ponce na kinu-kontrol ang pagtawa. "Natural lang iyan kapag busog.""Kasalanan mo!" asik niya. "Bakit nag-order ka nang marami? Masasayang iyon kung hindi mauubos.""Oh, I see. Dapat pala ay magpasalamat pa ako.""You're welcome."Hindi nito pinansin ang sinabi ni Faith. "Almost all restaurants has takeaway boxes. Kung mayroon mang leftovers ang mga kumakain, they can bring it home.""Nakakahiya sa pamilya mo kung mag-uuwi ka sa kanila nang mga tira-tira.""They would love it. Basta galing sa akin. Siguradong matutuwa pa sila.""So, nag-order ka nang marami para may maiuwi ka?""That was my plan. Pero inubos mo lahat.""Sana hindi mo na inihantad sa harapan ko. Bakit kailangan na naka-display pa sa mesa?""Dahil gusto ko munang tikman bago ko i-takeout. Paano kung hindi pala nila magustuhan ang lasa? Mas nakakasayang iyon.""Haist!" Pasimpleng itinago ni Faith ang namumula nang

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 106

    ''SAAN ka pupunta?''Napatigil naman si Faith sa paghakbang matapos nitong bitbitin ang bag at aquarium.''Hindi pa ako tapos dito.''''Tapos na ako. At wala akong balak mag-overtime.''''Bakit dala mo iyan?''Napasulyap naman muna si Faith sa tangan nitong aquarium. ''Dahil naisip ko na bakit ako magtitiyaga na makipag-carpool sa iyo kung puwede ko naman pala na iuwi ng bahay sina Ping at Pong?''''You can't.''''Why?''Tiniklop ni Ponce ang kaharap niyang laptop. ''Mukhang mahilig ka lang sa mga hayop, pero walang kang alam sa nature nila.''''At ano naman ang ibig mong sabihin?''''Ang mga tortoise, once inalis mo sila sa original habitat nila, they will be attach to the next place na paglilipatan sa kanila. If you'll relocated them again...'' Sinabayan na ni Ponce ang pagsasalita ng pagliligpit ng mga gamit at kalat sa mesa na dapat sana trabaho na iyon ng kanyang assistant, ''they'll feel weak and eventually will die.''''Hindi ko naman sila aalisin sa aquarium nila.''''You real

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 105

    NAPAANGAT ang mukha ni Ponce mula sa ginagawa at saka natuon ang tingin niya sa nagbukas na pinto."Good morning, sir."Para bang hindi sila nagkita at nagkasagutan kanina. Her greetings is formal and professional."You're late."Napasulyap si Faith sa suot na relo maging sa nakasabit na wall clock. Dalawang minuto lang naman itong nahuli. "Alam mo ang dahilan, sir.""Hindi ko alam. Feed me."Napatirik ng mga mata si Faith na lihim namang nagpangiti kay Ponce. When he first saw it at the MRT station ay lalong pinabilis niyon ang tibok ng kanyang puso. Fate sometimes roll her eyes. Pero iba ang paraan at istilo nito."Minalas ako all the way from home, sir. Dahil iyon sa lalaking may balát yata sa puwët.""Oh. And who is it?"Nagmaang-maangan man si Ponce, pero alam niya na siya ang tinutukoy ng dalaga. And he finds it amusing to see her annoyed at him."Isang sarkastiko at preskong lalaki na ang taas ng tingin sa sarili.""Baka naman may maipagmamalaki at maipagyayabang talaga.""Mala

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 75

    "SA totoo lang..."Sinulyapan lang ni Faith ang kaharap na si Daisy. Tinawagan siya nito at ibinalita nito sa kanya na natanggap na ito sa isa sa mga kompanya ng Sy Empire. At gusto raw siya nitong i-treat as a way of appreciation dahil sa kanyang tulong."Parang nakikita ko talaga sa 'yo ang kaibi

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 76

    "ANAK?"Namimigat pa ang kanyang mga mata, pero unti-unti niyang iminulat iyon. She feels excited as she hears the familiar voice."Hija, anak?"Muli siyang pumikit dahil nag-uulap pa ang kanyang paningin sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa pagdilat niya.She's been in a darkness for so long

    last update최신 업데이트 : 2026-04-01
  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 72

    "NATATANDAAN mo pa ba 'yon?" "Oo naman po. Muntikan pa nga noong mabalian ng likod si Nanay Fe nang dahil sa paglambitin ko sa kanyang likod."Napakunot ng noo si Ponce habang nakikinig sa usapan."At hindi ka umalis sa pagkakakapit sa kanya hanggang hindi napapatay ang ipis," patuloy na pag-alala

    last update최신 업데이트 : 2026-03-31
  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 73

    "YOU have to tell her na huwag na niya ulit iyong gagawin. Ayokong siya ang maging dahilan nang pag-aaway at paghihiwalay namin ni Alia. She's too much. Muntik na rin siyang mag-iskandalo. Hey!"Napapitlag si Ponce sa marahan na tapik sa braso niya na nakapatong sa mesa. At mula sa pakikipagtitigan

    last update최신 업데이트 : 2026-03-31
더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status