Share

Chapter 4

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2025-12-26 19:20:55

"ANAK?"

Marahan na iminulat ni Faith ang namimigat na mga mata. Tila ayaw na ngang umangat ng kanyang talukap katulad ng katawan niya na tuluyan nang iginupo ng panghihina.

Mahigit pitong buwan na rin ang mabilis na lumipas mula nang bigyan siya ng doktor ng taning sa sakit na lung cancer. Stage two pa lamang nang malaman nila iyon. Pero dahil sa hirap ng kanilang buhay ay wala silang ibang nakapitan kundi mga albularyo at ilang herbal.

Paminsan-minsan, nakakabili sila ng mga gamot para maibsan nang kaunti ang sakit na kanyang nararamdaman sa katawan.

Pero tadhana talaga siguro niya ang mamatay nang maaga. Marami nga lang siyang pinanghihinayangan dahil puno siya ng pangarap sa buhay lalo na sa kanyang pamilya.

"Nay," mahinang sambit ni Faith.

Pilit na pinaarko ng ginang ang ngiti sa labi. Gusto nito na itago ang takot at lungkot na nararamdaman na isa sa mga araw ay tuluyan nang lilisan ang pinakamamahal nitong anak. "Oras na para uminom ka ng gamot."

Marahan na umiling ang dalaga. "Hindi na niyan mapapahaba ang buhay ko."

"Huwag kang magsalita nang ganyan. Sinabi ko na sa 'yo nang paulit-ulit na habang humihinga ka pa ay posibleng may mangyaring himala."

"Ang kailangan ko lang ay maniwala," pagtatapos ni Faith sa litanya ng ina na kanya nang memoryado mula pa lang sa unang araw na lumabas ang resulta ng kanyang biopsy noon.

"Tama."

Pinalaki silang mayroong matatag at malakas na pananampalataya sa Diyos. At hindi natinag iyon kahit noong igupo rin sa prostate cancer ang kanyang ama.

Hereditary ang sakit nila mula sa paternal side. At minalas na namana niya iyon. Sa lahat nang puwedeng manahin, sakit pa talaga.

"Lalaban tayo hanggang dulo, anak."

"Masakit na po, 'nay."

Nilabanan ni Nanay Berna ang pagbuhos ng emosyon. "Kaya nga uminom ka na ng gamot. Huwag nang matigas ang ulo mo."

Sumunod na lamang si Faith. Pero hindi pa man nasayad sa kanyang lalamunan ang mga gamot nang umubo siya kaya nailuwa rin niya iyon.

Sa halip na magalit si Nanay Berna ay masuyong hinagod nito ang likod ng anak at payakap na inihilig sa dibdib.

"Sorry, 'nay."

"Makakabili pa tayo ng mga gamot mo kaya hayaan mo na lang 'yon."

"Sorry dahil naranasan mo na naman ang maghirap sa pag-aalaga tulad noon kay Tatay."

"Ssshhhhh," saway nito. "Obligasyon ko 'yon bilang ina at asawa."

Mapait na napangiti si Faith. "Siguro hinihiling mo ngayon na sana ikaw na lamang ang nasa kalagayan ko."

Impit ang naging pagluha ng ginang. "Walang kahit sinong magulang ang hindi hihiling niyon."

Tahimik din ang pag-iyak ni Faith na lalong humalukipkip sa pagkakahilig sa dibdib ng ina. Ang init ng katawan nito ang pinakamabisa sa lahat nang gamot ng iniinom niya.

"Dinala kita sa sinapupunan ko nang siyam na buwan. Kaya ang paghihirap mo ay doble sa nararamdaman ko."

"Nay..."

"Magpahinga ka na."

Binalewala niya ang utos ng ina. Sa halip ay lalo niyang ibinaon ang sarili sa yakap nito. "Nay, maganda po ang pupuntahan kong lugar. Walang sakit. Walang hirap."

Napakagat ng labi si Nanay Berna para pigilan ang paghagulhol.

"At nandoon po si Tatay kaya huwag kang malulungkot."

Tumango-tango ang ginang. Kung ang pagpapalaya ay kapalit ng ginhawa sa anak, ihahanda na nito ang sarili. "Kung talagang pagod ka na, bumitiw ka na."

Humiwalay si Faith sa yakap at luhaan na tiningala ang taong pinaghugutan niya noon ng inspirasyon upang magsikap sa pag-aaral.

She graduated cum laude at the Ateneo de Manila bilang iskolar ng gobyerno. Marami na sana ang mga nakaabang sa kanyang magagandang trabaho, but all goes in vain.

Fate really has no eyes. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na anihin ang tagumpay mula sa katas ng kanyang mga paghihirap at pagsisikap.

"Basta tatandaan mo lang lagi na mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo."

"Mahal na mahal ko rin po kayo, nanay."

Masuyong ginawaran ng halik ni Nanay Berna sa nakakalbo nang ulo ang anak. "Huwag ka ring malulungkot dahil sa tamang panahon ay muli pa tayong magkikita-kita."

Pinaarko ng dalaga ang ngiti sa natutuyo nang labi.

"Halika." Inalalayan nito na makahiga ang anak. "Magpahinga ka na." Tinuyo ng ginang ang basang mga mata ni Faith. "Ayoko na makita kang aalis na umiiyak dahil talagang malulungkot ako."

"Salamat, nanay."

"Sige na. Matulog ka na."

"Nay, hindi ka na po bumalik sa mga Santibañiez, 'di ba?"

Umiling ito. "Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo. Kalimutan mo na sila. Dalhin mo lang sa pag-alis mo ang magaganda at masasayang alaala."

"Nay, sandali lang po. Gusto ko kayong titigan nang matagal."

"Bakit?"

"Ikaw po ang taong ayokong kalimutan. Dahil ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

Buong pagmamahal na hinaplos ni Nanay Berna ang hapis nang pisngi ng anak. "Ikaw ang una kong dinala sa sinapupunan ko kaya ikaw rin ang pinakamaganda at pinakamasayang nangyari sa buhay ko."

"Nay, kapag may ikalawa pa pong buhay, ikaw pa rin ang pipiliin ko na maging ina."

"At ikaw pa rin ang pipiliin kong maging anak."

Ngumiti lang ulit si Faith.

"Sige na. Magpahinga ka na."

Matapos maiayos ang anak sa pagkakahiga ay mabilis nang umalis si Nanay Berna. Pinakawalan lang ulit nito ang mga luha nang makalayo na sa silid.

Masakit sa isang magulang lalo na sa ina na ihatid sa libingan ang kanilang anak. Wala nang sasakit doon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 93

    "YES!"Napapitlag at napamura si Ponce nang bigla na lang tumayo si Fate. "What? Why?" pagtataka nito."Five na. Tapos na ang trabaho ko."Napabuga ito ng hangin sa bibig. "Ginulat mo ako sa pagtayo mo dahil lang oras na nang uwi mo?""Oo.""Late ka na ngang laging pumasok, pero kahit isang segundo hindi ka pahuhuli sa pag-uwi.""Magkaiba 'yon." Iniligpit na niya ang mga gamit sa mesa. "I have to go somewhere.""It's a date?""Ano naman kung mag-date ako? Single naman ako." Ibinaling niya ang tingin kay Ponce at saka nanunudyo itong nginitian. "Nagseselos ka ba?""Dream on. Not a slightest. I just asked you dahil may date rin ako ngayon with Trixie.""And so?"Pigil na pigil ulit ni Fate ang nararamdaman niyang selos. She's been like that for three executive days dahil walang ibang bukambibig si Ponce kundi si Trixie."Baka gusto mo nang double date para makatipid ako sa gastos.""Jeez! Makikipag-date ka nang short ka sa budget? Puro ka lang talaga yabang!"Napansin ni Fate ang pagtit

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 92

    NASA harap na ng pinto ng opisina ni Ponce si Fate nang bumalik ito sa mga kasama. Abala na ang lahat sa kanilang mga trabaho."Hhmmm!" tikhim nito."Miss Fate, may kailangan ka pa?""Well, you know, after a heavy meal, mas maganda siguro if we can have a tea. What do you think?""Miss Fate, working time na po. At masyado mo nang pinaghihintay ng matagal si Sir Ponce. Baka tanggalin ka niya sa trabaho.""He can't do that. Malakas kaya ang backer ko."Nagkatawanan ang lahat."Anyway, dahil siya pa rin ang boss ko rito, I'll comply with it. Pero sa labas, he's just a mere commoner.""Naku, mukhang hindi na talaga siya ang type mo.""Jeez! Masyado akong maganda at perpekto para sa kanya!" sabay hawi nito sa mahabang buhok na muli namang nagpatawa sa mga kausap nito. "Let's grab our lunch together, okay? May malapit dito na resto na bagong bukas lang. It's my treat."Naghiyawan ang lahat."See you later," paalam nito na may kasama pang pagkindat.Nang makatalikod si Fate sa mga kausap ay

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 91

    "MANONG, just stay there."Napatigil naman sa akto na sanang paglabas sa sasakyan ang driver na naghatid kay Fate sa kompanya ng Boston. "H-Ho?""I can manage. May mga kamay naman ako.""Uhm, sige po."Nagtatakang sinundan ng tingin ng driver ang paglabas ni Fate nang hindi na pinagbuksan ng pinto ng kotse."Anong nangyari sa kanya? Kahapon lang ay para siyang dragon at tigre. Ngayon naman parang maamong tupa. Animal lover na ba siya? Tsk!" sabay iling nito. "Malabo. Baka bukas ibang hayop na naman siya."Tuluy-tuloy na si Fate sa entrada ng gusali ng Boston. Masaya niya pa na binati ang guwardiya na nagbukas sa kanya ng pinto. Nagpasalamat din siya rito."Haist!" mahina niyang sambit sa sarili. "Hindi naman pala masyadong mahirap magpanggap. I think papasa agad ako sa audition kung sakali na mag-artista ako. But wait..." Tumigil siya sa paghalalakad nang may maisip, "Hindi ko na kailangan na mag-audition pa. My family has lots of connections in the entertainment industry. I can even

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 90

    "GET out! Get out!"Nakasalubong ni Lanie ang pagtakbuhan ng mga katulong palabas ng silid ng anak."Anong nangyayari rito?""Sorry po, Madam. Hindi na po talaga namin kaya ang ginagawa niya.""Aalis na po kami rito.""No, no. Let's talk about this later. Okay?""Madam -""Tataasan ko ang sahod niyo," maagap na saad ni Lanie. "Just stay. Kakausapin kong mabuti ang anak ko. I'll make sure na hindi na ito mangyayari pa."Nagpalitan ng tingin ang mga katulong na ang iba ay makikita sa mukha na gusto na talagang umalis."I promised. Okay? This won't happen again."Sa loob ng isang linggo ay ilang beses na silang nagpapalit-palit ng mga katulong. May datihan pa naman na natira. At ang mga ito ang gusto niyang ingatan na huwag umalis dahil kabisado na ng mga ito ang trabaho. Hindi tulad ng mga baguhan na kailangan uling turuan.Lanie even settled some compensation as there are maids complaining about abuse. Ang isa nga rito ay naospital pa matapos matamaan ng gamit sa noo na ibinalibag ng k

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 89

    "I WAS at the middle of the meeting kaya hindi ko masagot ang tawag mo. May problema ba? Ang dami mong miss call sa akin.""Hindi ko maalala, pero alam kong pamilyar sila sa akin...""Sino?" usisa ni Matthew sa kabilang linya habang kausap si Ponce."Laliene and Kiel. Kilala mo ba sila?""Yes."Naghanap muna si Ponce nang puwedeng pagtigilan niya ng kotse para mas malinaw niyang marinig ang sasabihin ng kaibigan."Why do you ask about them?""Who are they?""Well, Laliene's father is our distant relative. We are not that close to them before, but eventually, they come to us.""Asawa niya si Kiel?""Yes. I think you met him once or twice. Hindi ko lang matandaan ang okasyon. But it's a family gathering.""Right. Their name just ring a bell to me. Pero hindi ko maalala ang hitsura nila.""Bakit mo nga pala naitanong?""It's nothing. May nagbanggit lang sa akin," pagsisinungaling niya. "Anyway, after Fate's coma, nagkita na ba sila nina Laliene at Kiel?""Uhm, yes. Once. Ate Lanie invite

  • REBORN AS A HEIRESS    Chapter 88

    "WAIT. Gusto ko lang linawin. Baka kasi nagkamali lang ako nang pagkakadinig. Do you want me to file a leave for you?""Okay lang ba ang verbal agreement? Or we could record this conversation.""No. It's not allowed. There must be a physical document.""Kaya nga nakikisuyo ako sa iyo na ikaw na ang gumawa niyan.""You must filed a leave a month before. Alam mo iyan.""Unless it's urgent, right?""What's the urgency?""It's personal. So, can you do it for me?""No.""Why not?""BECAUSE I AM THE CEO!"Bahagyang inilayo ni Ponce ang cellphone sa tainga nang sumigaw si Matthew sa kabilang linya. "Do you need to boast it now?""Pumasok ka! Ngayon na! Alam mong marami tayong trabaho! We're at the peak season!""I just really need a week to sort things out.""If it's not urgent -""It is. Nakasalalay rito ang buhay ng isang tao lalo na kaligayahan ko.""Are you pursuing Trixie now? I thought you two agreed for space and time?""It's not her.""What? May bago ka na ba? Bakit hindi ko yata ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status