LOGINISINUOT ni Faith ang bonnet sa halos nakakalbo na niyang buhok dulot nang chemotherapy na dalawang session na nga niyang itinigil sa kabila ng protesta ng kanyang ina. Naggagamot na lang siya at umiinom ng mga herbal.
"Ate, saan ka pupunta?" Nilagpasan niya ang kapatid matapos maibalabal sa sarili ang nadampot na cardigan sa kabinet. "Ate..." "Pupuntahan ko lang si Nanay." Napatigil siya sa paghakbang nang humarang sa daraanan niya si Thea. "Ate, ako na lang ang pupunta sa kanya. Gusto mo ba siyang pauwiin? Ako na ang magsasabi." "Hanggang kailan niyo ililihim sa akin ni Nanay ang totoo?" Napipilan si Thea. "At bakit hinahayaan niyong saktan nila kayo?" sigaw ni Faith na hindi na napigil ang pagtulo ng mga luha. Isang larawan ang ipinadala sa kanya ng isang anonymous sender, magkayakap doon sina Kiel at Laliene. "Ate -" "Umalis ka riyan. Hayaan mo ako." "Ate, makinig ka sa akin. Huwag ka nang pumunta roon." Hinawi niya ang kapatid na nakaharang sa kanyang harapan at itinuloy niya ang paghakbang. "Kasal na sina Kuya Kiel at Ate Laliene." Biglang napapreno ang kanyang mga paa. Napakapit din siya sa tagaliran ng pinto nang maramdaman niyang umikot ang kanyang paningin. "Halos kalahating taon na silang kasal." Dahan-dahan siyang napalingon sa kapatid na tuluyan nang humagulhol. "Anong ibig mong sabihin?" "Noong araw na lumabas ang resulta ng biopsy mo, saka lang ipinagtapat ni Kuya Kiel kay Nanay ang tungkol sa relasyon nila ni Ate Laliene. Gusto ka na niyang hiwalayan, pero nakiusap si Nanay." Napapikit siya. Hindi niya uli napigil ang pagpatak ng mga luha. "Ate, wala rin akong alam. Sinabi lang sa akin ni Nanay ang totoo nang sinabi ko sa kanya na nakita ko sina Kuya Kiel at Ate Laliene na naghahalikan." Parang nang mga oras na iyon ay gusto niyang maglaho na lang sa kinatatayuan at isipin na isa lang panaginip ang mga narinig niya. "Ate, huwag ka sanang magalit sa amin ni Nanay. Ayaw lang namin na dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo." Napatutop si Faith sa dibdib nang bumilis ang paghinga at tibok ng puso niya. "Ate..." "Kasal na siya habang bumibisita siya sa akin mula nang magkasakit ako. Tama ba ang pagkakaintindi ko, Althea?" "O-Oo, Ate. Pero wala kang kasalanan. Hindi mo alam ang totoo." "Narinig ko nang sinabi mo kay Kiel na nakita mo silang naghahalikan ni Laliene. Hindi lang ako naniwala. Dahil malakas ang paniniwala ko na hindi nila magagawa na saktan ako o lokohin." "Pero nagawa nila. Ginawa nila." "Saan sila nakatira?" Hindi sumagot si Thea. Pero nakikita niya sa luhaang mga mata nito ang pagsusumamo na tila nagsasabi na makakabuting huwag na lang niyang alamin ang tungkol doon. "Sa bahay ba ni Laliene?" "Ate -" "Sa bahay ba nila?" sigaw niya. "Oo, Ate." Napakuyom siya ng kamao. "At nandoon pa rin nagtatrabaho si Nanay?" "Ate, tinitiis ni Nanay ang sakit dahil kailangan niya ng pera na pampagamot mo." "Hindi lang ako ang sinaktan nila kundi pati ang pamilya ko!" "Ate, kumalma ka. Baka kung ano ang mangyari sa iyo." Huminahon naman si Faith. "Gusto ko silang makita." "Pero, Ate..." "Gusto kong makita mismo ng mga mata ko ang katotohanan." "Ate -" "Kung ayaw mong sumama, maiwan ka rito." Sumunod din naman agad si Thea nang kunin nito ang bag sa pagkakasabit sa dingding. Nag-taxi sila. "Ate, okay lang ba sa iyo ang gagawin mo?" "Hindi ako gagawa ng iskandalo. Kung mamamatay ako, gusto kong sila ang huling makita ko." "Ano bang sinasabi mo?" "Iuukit ko sa isip ko at dadalhin ko hanggang hukay ang ginawa nilang panloloko sa akin!" Hindi na umimik pa si Thea maging si Faith hanggang makarating sila sa mansiyon ng mga Santibañiez. Kilala na sila ng guwardiya kaya pinapasok na sila. Pero hindi sila dumaan sa main door. Sa likod sila pumunta dahil malapit iyon sa laundry area. Labandera roon ang kanilang ina. "Nanay Berna!" Hinatak ni Faith patago si Thea nang marinig niya ang pasigaw na pagtawag ni Laliene. "Señorita?" "Anong nangyari rito sa damit ko? Bakit ganito na ito?" "Pasensiya na po. Sinubukan ko kasing alisin ang mantsa. Kaya lang sa sobra ko yatang pagkuskos, nag-iba ang kulay." "Alam niyo ba kung magkano 'to, ha? Katumbas lang naman ito ng buong taon na gamutan ng anak mo!" "Pasensiya na po, Señorita." "Babe, ano ba 'yan?" Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Thea na pumigil sa akto sana niyang paglabas sa kanilang pinagtataguan nang marinig niya ang boses ni Kiel. Parang tumaas kasi ang presyon ng dugo niya sa katawagan nito kay Laliene. "Ito kasing nanay ng ex mo, sinira ang paborito kong damit." "Hayaan mo na. Bibili na lang tayo ng bago." "Paborito ko nga ito!" "Sinong paborito mo? Ako o ang damit na iyan?" Napapikit si Faith habang kuyom niya ang mga kamao habang naririnig ang harutan ng dalawa. Hindi lang siya ang nasasaktan sa mga oras na iyon. Alam niyang higit na nasasaktan ang nanay niya na nakikita ang hantarang panloloko ng lalaking pinakamamahal ng anak nito. "Halika na," pagyaya ko kay Thea. "Umuwi na tayo." "Sige, ate." Mula sa kinatatayuan ni Berna sa gilid ng malapad na binata ng laundry area ay nakita nito ang papalayong mga anak. At nag-alala ito sa puwedeng mangyayari ngayong nalaman na ni Faith ang totoo.NATAWA ang mga bisita na nakarinig sa sinabi ni Faith. At hindi na niya iyon mababawi pa. Kaya patay-malisya na lang siya."Mahal mo si Ponce? Wake up, girl! Kahit anak ka pa nang pinakamayaman sa buong mundo o ikaw pa ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, hindi mo siya mapipilit na mahalin ka!"Napataas siya ng kilay sa nang-uuyam na babae. "Hindi ko sinasabi na mahalin niya rin ako. Because I know that true love can't be forced. So, hahayaan ko na lang siya. Mas gusto kong mahalin na lang ang sarili ko.""What do you mean? Ang taong katulad mo na walang puso, hindi marunong magmahal.""Kung wala akong puso, bakit ako humihinga? Kailangan mo ba ng logic explanation?""B*tch! You're still the same even though you fell into a coma for months. At kahit yata ilang karayom o gamot ang iturok sa 'yo, wala nang magbabago sa ugali mo.""Hindi ako pumunta rito para makipag-away, okay? Nagbabagong-buhay na ako."Muling umugong ang nakakainsultong malakas na tawanan sa paligid."Bakit?" p
NAPAPAILING si Faith habang nakatingin sa hawak na cellphone. Noong una niya iyong mahawakan ay hindi na talaga siya makapaniwala sa pagiging obsess ni Fate kay Ponce.And up until now, she still can't believe it. Ngayon lang siya nakakita at nakakilala nang ganitong tao."Tsk! Ibang klase rin siyang main-love. Bukod sa pagiging stalker, fanatic din siya na medyo weird. May tama talaga siya sa ulo."PONSY.Those five letters in bold and big font size were the names on all Fate's social media accounts. It is a combination of Ponce and the surname Sy."She really marked him as her own property."Gusto sana niya iyong palitan, pero hindi niya alam ang password ng ginamit nitong email account. She was thinking of just creating a new one, but she couldn't decide kung pangalan ba niya o ni Fate ang gagamitin niya.Kahit nasa katawan siya ng iba, totoo man iyon o panaginip, gusto pa rin niyang makibalita sa kanyang pamilya lalo na sa ina niya. Dahil alam niyang ito ang labis na nasaktan sa
"NAY.""Uhm.""Ang aga niyo po yata ngayon?"Naupo muna si Nanay Berna. "Walang gaanong mga labahin kaya pinauwi na ako."Iniwan ni Theo ang ginagawang mga takdang-aralin sa mesa at nagsalin siya ng tubig sa isang baso saka iyon iniabot sa ina. "Magpahinga ka lang po riyan. Bumili lang po si Ate Thea ng ulam sa labasan.""Hindi ko siya nakita.""Baka po naubusan na kina Aling Elsa at naghanap sa ibang tindahan.""Iniwan ba ng ate mo ang cellphone niya?""Sandali po at titingnan ko."Tumungo si Theo sa silid ng kapatid. Wala siya roong nakitang cellphone. Hinanap din niya iyon sa kusina. "Ah, heto." Binalikan niya ang ina. "Nay, oh.""Hindi ako marunong gumamit niyan.""Ano po bang gagawin niyo rito? May tatawagan po ba kayo?""Wala. Pero ang alam ko, puwedeng mahanap diyan ang taong gusto kong hanapin.""Opo. Sino pong hahanapin niyo?""Hindi ko alam ang tamang bigkas, pero katunog siya ng pangalan ng Ate Faith mo.""Faith?""Subukan mong hanapin.""Marami pong may pangalan na Faith.
"ANG layo yata ng iniisip mo?"Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay bumaling ng tingin si Laliene kay Kiel na nagmamaneho. Pauwi na sila mula sa bahay ng pamilya Sy."Anong iniisip mo?""Para kasing kakaiba ngayon si Fate.""Hindi ba't sinabi naman ni Tita Lanie na unti-unti na nga raw siyang nagbabago. Baka iyon ang napapansin mo.""Hindi. Hindi iyon ang nakikita ko. Her attitude is the same. Sarcastic pa rin siya sa akin.""So, you're not close to her?""Hindi siya nakikipagkaibigan sa mga mahihirap. Walang-wala kami noon kaya ang tingin niya sa amin ay nakakadiri na mga hampas-lupa.""Pero ikaw lang daw ang naaalala niya.""Maybe she's just taunting me.""Dumalo siya sa kasal natin, 'di ba?""Because I told her na darating si Ponce. And when she found out that I lied to her, sinabi niya sa akin na pagbabayaran ko iyon.""Bakit mo siya inimbitahan kung ayaw naman niyang pumunta?""Sinabi ni Papa na makipag-close ako sa kanya. Although malayo silang magkamag-anak ng kanyang Mama,
"SHE will never change!""They can still hear you. Sumakay ka muna."Inis na binuksan at isinara ni Ella ang pinto ng sasakyan. Inukupa na rin ni Matthew ang driver's seat."Darn! You're all delusional thinking na magbabago pa siya. She will never be. Ganoon na siyang klaseng tao. Arrogant and mighty."Hindi umimik si Matthew. Binuhay na lang nito ang makina at pinaandar na ang sasakyan."The nerve of her na banggitin ang ginawa niyang pagsira sa engagement party nina Ponce at Trixie. She doesn't have a slight remorse. Nakita mo naman, 'di ba? She smiled and laughed. But I feel the same aura from her. Evilish.""Please be mindful with your words. Kahit na baliktarin mo man ang mundo, kadugo at pamilya ko siya."Umismid lang si Ella."Bata pa si Fate. Marami pa siyang dapat na malaman at pagdadaanan sa buhay.""You keep on saying that!" asik nito. "Bata pa! Bata pa! Eighteen na siya!"Eighteen is still young.""I really hate you sa tuwing ipinagtatanggol mo siya. She always gets into m
ITINULOS sa kinatatayuan si Faith habang walang kurap na nakatitig kina Laliene at Kiel na parehong nakangiti sa kanya.She thought she was brought back to her old life. Akala niya nagising na siya sa panaginip. And that the reality is in front of her.But, no.For an insane seconds, nakalimutan niyang nasa ibang katawan siya. Nakaramdam siya nang magkahalong takot at pangamba."Hi, Fate." Tumayo si Laliene at nakangiti nang sinalubong ng yakap ang nakatulos na dalaga. "Masaya akong nakita ka ulit."Gusto sana niya itong itulak at sampalin. She's still enraged because of their betrayal. But she controls herself. Hindi siya puwedeng mabuking nang dahil sa dalawang traydor."By the way, this is my husband..."Natuon ang tingin niya sa paglapit din ni Kiel na inilahad pa ang palad sa kanyang harapan. Sandali muna niya iyong tinitigan bago napilit ang sarili na abutin iyon."Sa wakas, nakilala na rin kita. Madalas kang ibida sa akin ni Laliene. At tama nga siya. Mas maganda ka sa personal







