登入Chapter 12- ANG KAIBIGAN NI GABRIEL VALESeraphina’s POV“May problema ba dito?”Nakataas ang kilay ni Damian. Ang tono ng kanyang pagsasalita ay hindi pasigaw, pero napakalamig. Kahit sinong makakarinig ay makakaramdam ng kakaibang kilabot. Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang inilayo sa dalawa.“Wala naman, Sir Damian.” Mabilis na sagot ni Elena. Bumalik ang ngiti sa mga labi niya na para bang may naiisip na naman na kalokohan. Akala mo talaga santo kung ngumiti, halos kanina, gusto nang lumabas ng mga ugat niya sa leeg sa pagmumura sa akin. “May pinag-uusapan lang kami ni Seraphina.”Tumingin sa akin si Damian. “Is that true?”Ngumiti ako kay Elena. Ipinapakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa presensya niya. “Yes, my dear husband. Pinag-uusapan kasi namin, iyong tungkol sa diary ko daw.”Kumunot ang noo ni Damian, “Diary? What diary?”Napatingin ako kay Elena na bahagyang naging malikot ang kanyang mga mata. Halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa nang mabanggit ko ang
CHAPTER 11: ANG PEKENG DIARYSERAPHINA’S POVNapaatras ako mula sa bintana. Humawak ako sa dibdib ko at saka ko lang napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga nang maayos. Hindi mawala sa isip ko ang ngisi ni Elena Vancamp, pati ang notebook na sadya niyang itinaas para makita ko mula sa backseat ng kotse niya.Paano napunta sa kaniya ang diary ko?Nandoon ang lahat ng pangarap ko noong bata pa ako. Nasa huling mga pahina rin ang pirma ni Papa bago siya pumanaw, mga pirmang nakaipit doon at nagpapatunay na akin ang mga iniwan niyang ari-arian. Kung hawak ‘yon ni Elena, sino ang nagbigay sa kaniya? Sinong hayop ang nangahas na iabot ‘yon sa babaeng ‘yon?Paikot-ikot ako sa sala habang kagat-kagat ang hinlalaki ko. Bigla akong napahinto dahil alam kong may mali.I was reborn. Natatandaan ko pa kung saan ko iniwan ang totoong diary bago ako pinatay ni Adrian noon. Itinago ko ‘yon sa isa sa mga lihim na vault sa opisina ni Papa, na pag-aari na ngayon ng mga Ashford. Hindi ‘yon basta
CHAPTER 10: TRANSMIGRATOR OR REBORN?SERAPHINA’S POVNabitawan ko ang cellphone ko sa kama. Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa screen nito. Sa totoo lang, naguguluhan ako.‘…baka nakalimutan mo na kung paano ka namatay noon?’Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling salita ng unknown sender. Paano nalaman ng kung sinumang nag-text na nagbago ang takbo ng buhay ko? Paano niya nalaman na inunahan ko si Adrian sa Greenfield Project gamit ang mga alam ko mula sa dati kong buhay? Sa mundong ito, ako lang dapat ang nakakaalam na muli akong isinilang o bumalik mula sa nakaraan.Ngunit ang taong ito… siya ang nagpadala ng message sa akin. Parang alam na alam niya ang mga mangyayari o gagawin ko. Nababasa kaya niya ang nasa isip ko?Teka, may nabasa ako dati, bukod sa reborn, may tinatawag pang transmigrator. Hindi kaya ang nagpadala sa akin ng message ay isang transmigrator—pumasok siya sa mundong ito kaya alam niya ang nangyayari?Naguguluhan na talaga ako. Halo-halong
Chapter 9: Ang Pagkawala ng Greenfield Project kay AdrianSERAPHINA’S POV“Gagawin mo talaga iyon, Tito?” hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.“Oo,” madiin na sagot ni Damian.“Tito! Kumpanya natin ang pinag-uusapan dito!” sigaw ni Adrian. Alam kong pilit niyang itinatago ang kaba. Bakas sa mukha niya ang takot na baka hindi na siya pakinggan ng tiyuhin. “Sa akin ang Greenfield Project! Kinabukasan ng Ashford Corporation ang nakasalalay dito! Alam kong sinabotahe ako ng babaeng ‘yan! Ginamit niya ang mga pribado kong dokumento!”“Hindi sa iyo ang Greenfield Project. Pag-aari ito ng kumpanya,” mariing sagot ni Damian, sabay hakbang palapit sa kaniya.Awtomatikong napaatras si Adrian. Unti-unting naglaho ang tapang niya habang nakatingin sa tiyuhin.“Mula sa araw na ito, wala ka nang karapatan sa Greenfield Logistics Hub. May ibang manager na hahawak sa operasyon. At ang limang porsyento mong share sa Ashford Corporation, kukunin ko rin bilang kabayaran sa pambabastos mo sa asawa ko,”
CHAPTER 8: ANG UNANG GANTIPinihit ko ang hawakan ng pinto ng study room ni Damian. Pumasok ako sa loob at agad kong naamoy ang mamahaling pabangong panlalaki. Pumunta ako sa likod ng malaki niyang desk at umupo. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Alam ko kung paano pumasok sa study room niya, kaya hindi ko na kailangang hintayin pa si Damian para magpaalam at sabihin ang binabalak ko. Kabisado ko ang lugar na ito. Sa nakaraan kong buhay, ako ang nagprisinta na maglinis dito. Nakita ko ang isa sa mga laptop ni Damian, at tulad ng inaasahan ko, iniwan na naman niya ito.Kinuha ko ang laptop at binuksan. Sinubukan kong i-type ang password niya na kagaya ng sa penthouse: 05-16-2019, ang petsa ng debut ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung nagkataon lang bang ang password niya ay ang mismong araw ng debut ko, o may nangyaring napakahalaga sa kanya noong araw na iyon.Bumuntong-hininga ako at muling nag-focus sa pakay ko. Ilang minuto akong nagkalikot sa laptop niya hanggang sa makit
Chapter 7 - Ang Pagtuklas sa Lihim na Pagnanasa ni TitoKinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na roon si Damian. Bumangon ako at hinawakan ang balakang kong sumasakit dahil sa walang sawang pag-angkin sa akin ng lalaki. Pambihira ang stamina niya. Halos hindi niya ako pinatulog. Kahit sinabi ko nang pagod na ako at alas-tres na ng madaling-araw, hindi pa rin niya ako tinigilan. Pakiramdam ko, tuloy, ginamit niya nang husto ang katawan ko. Ang ‘trip to heaven’ na ginawa namin ay literal na nakakapagod.Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message mula sa isang ‘unknown’ number. Kumunot ang noo ko nang makitang galing kay Damian ang message. Nakakapagtaka, paano niya nalaman ang bago kong number? Iniisip ko, pinakialaman kaya niya ang cellphone ko habang tulog ako? Eh, ang tanong, natutulog ba ang lalaking iyon?‘Maaga akong umalis. May mga papeles lang akong kailangang ayusin sa kumpanya. Magpahinga ka muna sa ng







