MasukCHAPTER 8: ANG UNANG GANTI
Pinihit ko ang hawakan ng p***o ng study room ni Damian. Pumasok ako sa loob at agad kong naamoy ang mamahaling pabangong panlalaki. Pumunta ako sa likod ng malaki niyang desk at umupo. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Alam ko kung paano pumasok sa study room niya, kaya hindi ko na kailangang hintayin pa si Damian para magpaalam at sabihin ang binabalak ko. Kabisado ko ang lugar na ito. Sa nakaraan kong buhay, ako ang nagprisinta na maglinis dito. Nakita ko ang isa sa mga laptop ni Damian, at tulad ng inaasahan ko, iniwan na naman niya ito. Kinuha ko ang laptop at binuksan. Sinubukan kong i-type ang password niya na kagaya ng sa penthouse: 05-16-2019, ang petsa ng debut ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung nagkataon lang bang ang password niya ay ang mismong araw ng debut ko, o may nangyaring napakahalaga sa kanya noong araw na iyon. Bumuntong-hininga ako at muling nag-focus sa pakay ko. Ilang minuto akong nagkalikot sa laptop niya hanggang sa makita ko ang dokumentong may kinalaman sa Greenfield Logistics Hub, ang proyektong ipinagmamalaki ni Adrian sa nakaraan kong buhay. Isa rin ito sa pinakamalaking proyektong maaaring magpatunay sa board of directors na siya ang karapat-dapat na maging susunod na pinuno ng Ashford Corporation. Hinanap ko sa database ang mga nakaraang transaksyon ng kumpanya. Naaalala ko, halos lahat ng gusto ni Adrian ay mabilis niyang nakukuha. Hindi siya sanay na hindi nakukuha ang lahat ng nais niya. Gagamitin niya ang pera ng pamilyang Ashford para lang mapasunod ang lahat ng tao. Sa nakaraan kong buhay, isa sa mga naging biktima niya ang matandang may-ari ng Lot-412. Isa siyang magsasaka na ayaw ibenta ang lupa dahil mula pa ito sa kanyang mga magulang. Ginamit ni Adrian ang lahat ng impluwensya niya para sapilitang papirmahin ang matanda at bigyan ito ng maliit na kabayaran. Huli na nang malaman ko ang ginawa niya. Ngayong nakabalik na ako mula sa nakaraan, hindi ko na papayagang mangyari pa iyon. Mahalaga ang Lot-412 dahil ito ang magdurugtong sa pangunahing access road papunta sa proyekto ng Greenfield Logistics Hub, kaya marami ang nagnanais na makuha ang lupang iyon. Sa paghahanap ko sa laptop ni Damian, nakita ko na rin ang blueprint ng lokasyon. “Gotcha!” Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Damian. Wala pang isang segundo, sinagot na niya ang tawag ko. “Miss me already, wife?” Saglit kong ipinikit ang aking mga mata, pinakikinggan ang baritono niyang boses na para bang laging pagod pero napakasarap sa aking tainga tuwing nagsasalita siya. “Should I say good morning, Tito? I have a favor.” Saglit kong hindi narinig ang boses niya bago siya muling nagsalita. “Hmm... what is it?” “I want you to buy the Lot-412 in Greenfield,” diretso kong sabi, nang hindi nagpapaligoy-ligoy. “Buy it under your personal company, not under Ashford Corporation.” Alam kong bukod sa Ashford Corporation ay mayroon siyang sariling kumpanya na hindi galing sa pamilya niya. Kaya nga, imbes na kay Tito Richard ibigay ang kumpanya kahit siya ang panganay, kay Damian pa rin ito napunta. “Lot-412?” Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakakunot ang kanyang noo. Narinig ko ang mahinang kaluskos ng mga papel. Mukhang nasa kalagitnaan siya ng trabaho. “Give me an explanation, Seraphina, bago kita pagbigyan sa hinihingi mong pabor.” Ipinaliwanag ko sa kanya ang tungkol sa Greenfield Logistics Hub at kung bakit kailangang siya ang mauna sa pagbili ng lupang iyon bago si Adrian. Hindi ko na isinama ang buong detalyeng alam ko mula sa nakaraan kong buhay. “Hmm… bakit gusto mong i-sabotage ang proyekto ni Adrian?” Nahihimigan ko ang kaunting pilyo sa tanong niya. “Ano kayang magandang isagot sa iyo, Tito, para mapapayag kita?” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Iyong ikasasaya ng tainga ko, wife.” “Dahil… spoiled brat ang pamangkin mo, Tito. At higit sa lahat, ayokong makuha niya ang tiwala ng board of directors. Gusto kong makita ang mukha niyang nagmamakaawa sa iyo.” Mukhang nasiyahan siya sa sagot dahil muli siyang natawa. “Mas gusto ko ang sagot na iyan. Wait a minute, wife.” Hindi niya binaba ang tawag, pero wala akong marinig na kahit ano sa paligid. Siguro ay naka-mute siya sa kabilang linya. “Almost done, wife,” narinig kong sabi niya matapos i-unmute ang tawag. “But I have rules.” Kumunot ang noo ko. “What rules?” “Ibibigay ko ang kahit anong pabor mo, basta ibibigay mo rin sa akin ang gusto ko. Walang libre sa akin kahit asawa pa kita.” Nakaramdam ako ng inis sa lalaking ito, kaya hindi ko naiwasang irapan siya kahit hindi niya ako nakikita. Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Damian Ashford? “What do you want?” “Mamaya, ibubulong ko sa tainga mo,” malamig niyang sabi, pero may kung anong init akong naramdaman. Parang kinikiliti ako kahit wala naman siya sa tabi ko. “Magtatanggal na ba ako ng panty dito sa study room mo, Tito?” Sinabayan ko ang trip niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Later, wifey. Wala ka na bang iaalok pa sa akin para madagdagan ang atraso mo? Willing akong gawin, basta kaya mo ring ibigay sa akin ang kapalit.” Hala, may pagkamalandi rin pala itong si Damian. Pero aaminin kong mas naadik ako sa susunod na eksena ng paglalandi niya sa akin. “Willing akong ibigay ang kapalit, Tito. Gusto mo, sa ibabaw mo pa.” “Shit, Seraphina! May meeting ako mamaya. Huwag mo akong pauwiin agad.” Narinig kong umayos siya sa pagkakaupo. Mukhang hindi na naman mapakali ang alaga niya. “Bye, Tito. Balitaan mo ako kapag nabili mo na, para ako naman ang nasa ibabaw mo. Mag-focus ka muna sa trabaho. Kailangan mo iyan para marami kang award sa akin,” sabi ko, bago ko pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya bago pa madagdagan ang kalandian naming dalawa. Pagsapit ng hapon, nasa sala ako ng mansion habang nagbabasa ng libro. Bumukas ang main entrance at iniluwa si Adrian na halos umusok na ang ilong sa galit. Pulang-pula ang mukha niya at hawak ang kanyang iPad. “Seraphina!” sigaw niya pagkakita sa akin. Saka siya lumakad palapit. “Oh? Bakit galit na galit ka sa akin, pamangkin?” “Fuck you! I’m not your nephew! And you will never be my aunt! Alam kong may kinalaman ka sa proyektong hawak ko, dahil ikaw lang ang pinakitaan ko ng blueprint dati kahit hindi pa iyon tapos!” “Ano? Ano na naman ang ibinibintang mo sa akin?” “Huwag ka nang mag-maang-maangan! May bumili ng Lot-412! At personal company ni Tito Damian ang bumili! Paano niya malalaman ang tungkol sa lupang iyon kung hindi mo sinabi?” Halata ang panginginig ng kanyang mukha dahil sa galit. “Ilang buwan kong trinabaho ang proyektong ‘yan! Isang pirasong lupa na lang ang kulang para makuha iyon!” “At bakit ako ang sinisisi mo sa pagiging mabagal mo sa pagkuha ng lupang iyon? Saka hindi ka rin naman tanga, ‘di ba? Baka ipinasa mo ang blueprint sa board of directors kaya naisipan ng tito mong bilhin!” sagot ko sa kanya, na sinikap kong hindi magmukhang defensive. “Huwag mo akong pinagloloko, Seraphina. Alam kong nilalason mo ang isip ng tito ko para mapilitan siyang bilhin ang lupang iyon! Kalat sa buong pamilya namin na ginagamit mo ang katawan mo para mapasunod si Tito!” Humakbang siya palapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. Ramdam ko ang sakit sa sobrang higpit ng hawak niya. Alam kong babakat iyon. Balak pa sanang magsalita si Adrian, pero isang malaking kamay ang humawak sa braso niya, at isang suntok sa panga ang nagpabagsak sa kanya sa sahig. Sinulyapan ko ang taong gumawa niyon kay Adrian. Mabilis ang pangyayari, kaya nagulat ako nang makita sa harapan ko si Damian. Hindi ko narinig ang pagdating ng kotse na sinasakyan niya. Madilim ang anyo ni Damian. Nakakuyom ang kanyang kamao at kita sa mukha niya ang tinitimping galit. “T-Tito…” nanginginig na sabi ni Adrian habang hawak ang pisnging may pasa na. Lumapit sa akin si Damian, hinawakan ang balikat ko, at tinitigan ang pasa sa braso ko. Mabilis kasi akong magkapasa. “Masakit ba?” Mahinahon ang kanyang boses. Umiling ako. “Hindi.” “Tito, let me explain—” Hindi na natapos ni Adrian ang sasabihin dahil tumingin na sa kanya si Damian. Ang bilugan niyang mga mata ay puno ng pagtitimpi ng galit. “I heard everything, Adrian. I don’t need your explanation! Binalaan na kita noon, ‘di ba? Don’t you ever hurt Seraphina and don’t you ever insult her. Wala ka nang karapatang saktan ang asawa ko! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” malamig na sabi ni Damian. “Mula sa araw na ito, tinatanggal na kita sa Greenfield project.” Kita ko ang pagkagulat ni Adrian at ang paglaki ng kanyang mga mata. “Hindi mo puwedeng gawin sa akin iyon, Tito. Ako ang may hawak sa proyektong iyon! Ako ang gumawa ng blueprint, at alam mong pinagtrabahuhan ko iyon nang sobrang tagal!” “No, I have the power to terminate the contract, whether you like it or not! I’m the boss here!” Habang pinagmamasdan ko si Damian, may pumasok sa isip ko at nagkaroon ng kaba sa dibdib ko. Tama nga ba na sa kanya ako lumapit? O dapat ba akong kabahan sa makapangyarihang taong ito?Chapter 12- ANG KAIBIGAN NI GABRIEL VALESeraphina’s POV“May problema ba dito?”Nakataas ang kilay ni Damian. Ang tono ng kanyang pagsasalita ay hindi pasigaw, pero napakalamig. Kahit sinong makakarinig ay makakaramdam ng kakaibang kilabot. Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang inilayo sa dalawa.“Wala naman, Sir Damian.” Mabilis na sagot ni Elena. Bumalik ang ngiti sa mga labi niya na para bang may naiisip na naman na kalokohan. Akala mo talaga santo kung ngumiti, halos kanina, gusto nang lumabas ng mga ugat niya sa leeg sa pagmumura sa akin. “May pinag-uusapan lang kami ni Seraphina.”Tumingin sa akin si Damian. “Is that true?”Ngumiti ako kay Elena. Ipinapakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa presensya niya. “Yes, my dear husband. Pinag-uusapan kasi namin, iyong tungkol sa diary ko daw.”Kumunot ang noo ni Damian, “Diary? What diary?”Napatingin ako kay Elena na bahagyang naging malikot ang kanyang mga mata. Halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa nang mabanggit ko ang
CHAPTER 11: ANG PEKENG DIARYSERAPHINA’S POVNapaatras ako mula sa bintana. Humawak ako sa dibdib ko at saka ko lang napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga nang maayos. Hindi mawala sa isip ko ang ngisi ni Elena Vancamp, pati ang notebook na sadya niyang itinaas para makita ko mula sa backseat ng kotse niya.Paano napunta sa kaniya ang diary ko?Nandoon ang lahat ng pangarap ko noong bata pa ako. Nasa huling mga pahina rin ang pirma ni Papa bago siya pumanaw, mga pirmang nakaipit doon at nagpapatunay na akin ang mga iniwan niyang ari-arian. Kung hawak ‘yon ni Elena, sino ang nagbigay sa kaniya? Sinong hayop ang nangahas na iabot ‘yon sa babaeng ‘yon?Paikot-ikot ako sa sala habang kagat-kagat ang hinlalaki ko. Bigla akong napahinto dahil alam kong may mali.I was reborn. Natatandaan ko pa kung saan ko iniwan ang totoong diary bago ako pinatay ni Adrian noon. Itinago ko ‘yon sa isa sa mga lihim na vault sa opisina ni Papa, na pag-aari na ngayon ng mga Ashford. Hindi ‘yon basta
CHAPTER 10: TRANSMIGRATOR OR REBORN?SERAPHINA’S POVNabitawan ko ang cellphone ko sa kama. Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa screen nito. Sa totoo lang, naguguluhan ako.‘…baka nakalimutan mo na kung paano ka namatay noon?’Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling salita ng unknown sender. Paano nalaman ng kung sinumang nag-text na nagbago ang takbo ng buhay ko? Paano niya nalaman na inunahan ko si Adrian sa Greenfield Project gamit ang mga alam ko mula sa dati kong buhay? Sa mundong ito, ako lang dapat ang nakakaalam na muli akong isinilang o bumalik mula sa nakaraan.Ngunit ang taong ito… siya ang nagpadala ng message sa akin. Parang alam na alam niya ang mga mangyayari o gagawin ko. Nababasa kaya niya ang nasa isip ko?Teka, may nabasa ako dati, bukod sa reborn, may tinatawag pang transmigrator. Hindi kaya ang nagpadala sa akin ng message ay isang transmigrator—pumasok siya sa mundong ito kaya alam niya ang nangyayari?Naguguluhan na talaga ako. Halo-halong
Chapter 9: Ang Pagkawala ng Greenfield Project kay AdrianSERAPHINA’S POV“Gagawin mo talaga iyon, Tito?” hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.“Oo,” madiin na sagot ni Damian.“Tito! Kumpanya natin ang pinag-uusapan dito!” sigaw ni Adrian. Alam kong pilit niyang itinatago ang kaba. Bakas sa mukha niya ang takot na baka hindi na siya pakinggan ng tiyuhin. “Sa akin ang Greenfield Project! Kinabukasan ng Ashford Corporation ang nakasalalay dito! Alam kong sinabotahe ako ng babaeng ‘yan! Ginamit niya ang mga pribado kong dokumento!”“Hindi sa iyo ang Greenfield Project. Pag-aari ito ng kumpanya,” mariing sagot ni Damian, sabay hakbang palapit sa kaniya.Awtomatikong napaatras si Adrian. Unti-unting naglaho ang tapang niya habang nakatingin sa tiyuhin.“Mula sa araw na ito, wala ka nang karapatan sa Greenfield Logistics Hub. May ibang manager na hahawak sa operasyon. At ang limang porsyento mong share sa Ashford Corporation, kukunin ko rin bilang kabayaran sa pambabastos mo sa asawa ko,”
CHAPTER 8: ANG UNANG GANTIPinihit ko ang hawakan ng pinto ng study room ni Damian. Pumasok ako sa loob at agad kong naamoy ang mamahaling pabangong panlalaki. Pumunta ako sa likod ng malaki niyang desk at umupo. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Alam ko kung paano pumasok sa study room niya, kaya hindi ko na kailangang hintayin pa si Damian para magpaalam at sabihin ang binabalak ko. Kabisado ko ang lugar na ito. Sa nakaraan kong buhay, ako ang nagprisinta na maglinis dito. Nakita ko ang isa sa mga laptop ni Damian, at tulad ng inaasahan ko, iniwan na naman niya ito.Kinuha ko ang laptop at binuksan. Sinubukan kong i-type ang password niya na kagaya ng sa penthouse: 05-16-2019, ang petsa ng debut ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung nagkataon lang bang ang password niya ay ang mismong araw ng debut ko, o may nangyaring napakahalaga sa kanya noong araw na iyon.Bumuntong-hininga ako at muling nag-focus sa pakay ko. Ilang minuto akong nagkalikot sa laptop niya hanggang sa makit
Chapter 7 - Ang Pagtuklas sa Lihim na Pagnanasa ni TitoKinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na roon si Damian. Bumangon ako at hinawakan ang balakang kong sumasakit dahil sa walang sawang pag-angkin sa akin ng lalaki. Pambihira ang stamina niya. Halos hindi niya ako pinatulog. Kahit sinabi ko nang pagod na ako at alas-tres na ng madaling-araw, hindi pa rin niya ako tinigilan. Pakiramdam ko, tuloy, ginamit niya nang husto ang katawan ko. Ang ‘trip to heaven’ na ginawa namin ay literal na nakakapagod.Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message mula sa isang ‘unknown’ number. Kumunot ang noo ko nang makitang galing kay Damian ang message. Nakakapagtaka, paano niya nalaman ang bago kong number? Iniisip ko, pinakialaman kaya niya ang cellphone ko habang tulog ako? Eh, ang tanong, natutulog ba ang lalaking iyon?‘Maaga akong umalis. May mga papeles lang akong kailangang ayusin sa kumpanya. Magpahinga ka muna sa ng







