Share

Chapter 7

last update publish date: 2026-10-28 03:50:42

Chapter 7 - Ang Pagtuklas sa Lihim na Pagnanasa ni Tito

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na roon si Damian. Bumangon ako at hinawakan ang balakang kong sumasakit dahil sa walang sawang pag-angkin sa akin ng lalaki. Pambihira ang stamina niya. Halos hindi niya ako pinatulog. Kahit sinabi ko nang pagod na ako at alas-tres na ng madaling-araw, hindi pa rin niya ako tinigilan. Pakiramdam ko, tuloy, ginamit niya nang husto ang katawan ko. Ang ‘trip to heaven’ na ginawa namin ay literal na nakakapagod.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message mula sa isang ‘unknown’ number. Kumunot ang noo ko nang makitang galing kay Damian ang message. Nakakapagtaka, paano niya nalaman ang bago kong number? Iniisip ko, pinakialaman kaya niya ang cellphone ko habang tulog ako? Eh, ang tanong, natutulog ba ang lalaking iyon?

‘Maaga akong umalis. May mga papeles lang akong kailangang ayusin sa kumpanya. Magpahinga ka muna sa ngayon, dahil pagbalik ko, papagurin pa kita ulit—tito mo.’

Natawa ako sa huling salita sa chat niya. Talagang binigyang-diin niya ang salitang ‘tito’. Pinilit kong bumangon kahit sobrang sakit ng katawan ko. Nagsuot ako ng pormal na asul na bestida at nag-ayos ng sarili. Oras na para simulan ko ang araw bilang bagong matriarch.

Pumunta ako sa dining area at nandoon si Adrian. Mag-isa siyang nagkakape. Nang makita niya ako, agad siyang sumandal sa upuan niya. Tumingin siya sa akin nang may halong galit at panghuhusga.

“Masaya ka na ba sa sitwasyon mo ngayon, Seraphina?” wika niya, puno ng sarkasmo ang boses. “Ang bilis ng pag-akyat mo, ah. Mula sa pagiging fiancée ko, tita na kita ngayon.”

Umupo ako sa kabilang dulo ng lamesa—ang upuan para sa matriarch ng pamilya. Tiningnan ko ang katulong na nasa gilid lang.

“Thina, puwede mo ba akong bigyan ng kape?” Nagulat ang batang katulong nang tawagin ko siya sa pangalan niya.

Pero saglit lang at tumango siya sa akin. Pumasok siya sa isang p***o papunta sa kabilang kusina. Ang patakaran sa mga katulong: bawal silang tawagin sa pangalan. Tatawagin mo sila bilang ‘yaya’, at tanging ang mayordoma lang ang puwedeng tawagin sa pangalan. Pero iba ako dahil sa nakaraan kong buhay; ginawa akong alipin ng pamilya ni Adrian. Hindi ako nakakasabay sa kanila sa almusal, tanghalian, at hapunan. Kapag nasa mansyon lang si Damian, nagsasama-sama ang buong pamilya sa hapag. Puno ang lamesa kapag nasa bahay siya, at tanging ang upuan lang ng matriarch ang bakante, dahil sa nakaraan kong buhay, hindi nag-asawa si Damian.

Tumingin ako kay Adrian. “Alam mo, pamangkin, kung ako sa iyo, aayusin ko ang pananalita ko. Nakakalimutan mo yata, I’m your uncle’s wife. Ang hawak mong tasa, asawa ko ang bumili. Alam mo naman siguro na isang salita ko lang sa kanya, mawawalan ka na ng lahat. Kawawa ka naman kapag nangyari iyon, di ba?”

“Drop the act, you fucking bitch! I’m not your nephew!” Tumayo siya at hinampas ang lamesa. “Hindi mo ako makukuha sa ganyan! Akala mo rin yata, seryoso sa iyo si Tito Damian. For God’s sake, Seraphina! Ten years ang age gap ninyo ni Tito! Para sa kanya, laruan ka lang! Makikita mo, kapag nagsawa na siya sa katawan mo, itatapon ka na lang niya na parang basura!”

Inirapan ko siya. “Tingnan natin,” malamig kong sagot.

“Pero habang hindi pa nangyayari iyon… ako pa rin ang susunod na magiging batas sa mansyon na ito! At kung hindi mo kayang tanggapin iyon, napakaluwag ng p***o ng mansyon. Alam mong puwede kang lumayas.”

Natigilan si Adrian. Hindi niya siguro inaasahan na ganito na ako katapang ngayon. Ang dating Seraphina na sunod-sunuran at mahinhin, na akala mo ay hindi makabasag-pinggan, ay isa nang wild at palaban na babae. Matagal nang ibinaon sa hukay ang babaeng iyon sa nakaraan kong buhay.

“You!” Ibinagsak ni Adrian ang hawak na tasa, nanginginig sa galit. “Hindi pa tayo tapos, Seraphina. Hindi ka pa nagpapaliwanag kung bakit tayo humantong sa ganito! Sa dami-dami ng tao, bakit ang tito ko pa! Fuck!”

Dumating na si Thina. Hawak niya ang isang tray na may lamang tasa ng kape at isang cheese bread. Nagulat ako. Paano nalaman ni Thina na gusto ko ang cheese bread?

“Madam Seraphina, ito na po ang almusal na inihanda ni Sir Damian. Nakahanda na rin po ang hardin kung doon n’yo raw po gustong kumain.” Hindi ibinigay ni Thina sa akin ang hawak niyang tray. Hinihintay siguro niya ang pagpunta ko sa hardin.

Nakakapagtaka na alam na alam ni Damian ang paborito kong kainin tuwing gigising ako, na hindi man lang nagawang alamin ng hudas na si Adrian. Kaya siguro sa nakaraan kong buhay, laging may cheese bread sa almusal kapag nasa bahay siya.

Tumayo ako at naglakad palabas ng dining area, para na rin hindi mangawit si Thina. Naririnig ko pa rin ang pagtawag sa akin ni Adrian. Palihim akong ngumiti at bumulong sa isip ko. Hindi ko sasayangin ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa akin ng panahon.

‘Simula pa lang ito, my dear ex.’

Nagulat ako nang pagmasdan ang hardin. Inilapag ni Thina ang dalang tray sa puting lamesa. May malaking maze sa hardin, at una kong napansin ang mga rosas, tulip, at daisy sa paligid. Iba’t ibang klase ng bulaklak ang gusto ko.

“Alam n’yo po, Madam, kahapon lang po ito ipinaayos ni Sir Damian. Isa lang po itong malungkot na espasyo dito sa mansyon. Pero kahapon, nagulat kami nang may nag-aayos. Hindi po namin alam na may bago na pala kaming matriarch.”

Umupo ako sa upuan sa tapat ng tray. “Talaga? Ipinaayos niya ito?”

“Opo,” magalang niyang sagot. “Nagkaroon din po ng baker dito sa bahay, isang sikat na panadero. Pero on call lang daw po siya, kasi may expiration date raw ang mga tinapay. Kaya kapag nag-expire na sa cold room ang mga cheese bread, pupunta siya.”

Kumagat ako sa tinapay. Ang lasa nito ay kalasa ng tinapay mula sa isang sikat na bakeshop. Sigurado ako dahil ang mga sangkap na ito ay nagmula pa sa mama ko. Si Uncle Ben ba ang pumupunta rito? Siya lang ang naging apprentice ni Mama, at siya rin ang bunsong kapatid niya, na tito ko. Sa nakaraan kong buhay, simula nang mag-asawa kami ni Adrian, hindi ko na nakita si Uncle Ben.

“Thina, si Uncle Ben ba ang tinutukoy mong panadero?”

Saglit na nag-isip ang batang katulong. Sa nakaraan kong buhay, siya talaga ang pinakamadaldal. “Opo, madam.”

Napangiti ako. Sabi ko na nga ba. Tumingin ako sa maze, at maraming tanong sa isip ko kung paano nalaman ni Damian ang tungkol sa cheese bread, sa gusto kong lasa nito, na hindi ako kumakain ng ibang cheese bread na hindi galing sa bakeshop namin, at maging ang pinapangarap kong set-up ng hardin.

Bigla kong naalala ang password ni Damian sa penthouse. May 16, 2019? Teka, parang natatandaan ko ang araw na iyan. Birthday ko? Tama!

Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-scroll. Doon ko nakita ang picture niya kasama si Papa. Parehong may hawak na wine glass ang dalawa, habang nakatingin si Damian sa isang babaeng mukhang bored sa upuan niya. Nakasuot ang babae ng pastel lavender na gown, may maamong mukha, at nakaupo sa upuang parang trono ng isang prinsesa. Iyon ang araw ng debut niya.

At ang babaeng tinitingnan ni Damian ay walang iba kundi ako. Ang larawang nakita ko sa F******k ay kuha noong araw na nag-eighteen ako.

Ibig sabihin, matagal na akong kilala ni Damian? Ang password niya sa penthouse, ang cheese bread, ang maze sa hardin? Ano ang ibig sabihin nito? Isa ba itong klase ng obsession, o mali lang ako ng iniisip?

Gulong-gulo ang isip ko, pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon. Saka ko na iisipin ang mga bagay na gumugulo sa akin, at saka ko na tatanungin si Damian. Muli kong naalala na malapit na ang project na hinihintay ni Adrian. Tumayo ako para puntahan ang study room ni Damian sa mansyon. May gagawin akong makakasira sa pangarap ng ex ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   CHAPTER 12

    Chapter 12- ANG KAIBIGAN NI GABRIEL VALESeraphina’s POV“May problema ba dito?”Nakataas ang kilay ni Damian. Ang tono ng kanyang pagsasalita ay hindi pasigaw, pero napakalamig. Kahit sinong makakarinig ay makakaramdam ng kakaibang kilabot. Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang inilayo sa dalawa.“Wala naman, Sir Damian.” Mabilis na sagot ni Elena. Bumalik ang ngiti sa mga labi niya na para bang may naiisip na naman na kalokohan. Akala mo talaga santo kung ngumiti, halos kanina, gusto nang lumabas ng mga ugat niya sa leeg sa pagmumura sa akin. “May pinag-uusapan lang kami ni Seraphina.”Tumingin sa akin si Damian. “Is that true?”Ngumiti ako kay Elena. Ipinapakita ko sa kanya na hindi ako apektado sa presensya niya. “Yes, my dear husband. Pinag-uusapan kasi namin, iyong tungkol sa diary ko daw.”Kumunot ang noo ni Damian, “Diary? What diary?”Napatingin ako kay Elena na bahagyang naging malikot ang kanyang mga mata. Halata sa kanyang mukha ang pagkabalisa nang mabanggit ko ang

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 11

    CHAPTER 11: ANG PEKENG DIARYSERAPHINA’S POVNapaatras ako mula sa bintana. Humawak ako sa dibdib ko at saka ko lang napansin na kanina pa pala ako hindi humihinga nang maayos. Hindi mawala sa isip ko ang ngisi ni Elena Vancamp, pati ang notebook na sadya niyang itinaas para makita ko mula sa backseat ng kotse niya.Paano napunta sa kaniya ang diary ko?Nandoon ang lahat ng pangarap ko noong bata pa ako. Nasa huling mga pahina rin ang pirma ni Papa bago siya pumanaw, mga pirmang nakaipit doon at nagpapatunay na akin ang mga iniwan niyang ari-arian. Kung hawak ‘yon ni Elena, sino ang nagbigay sa kaniya? Sinong hayop ang nangahas na iabot ‘yon sa babaeng ‘yon?Paikot-ikot ako sa sala habang kagat-kagat ang hinlalaki ko. Bigla akong napahinto dahil alam kong may mali.I was reborn. Natatandaan ko pa kung saan ko iniwan ang totoong diary bago ako pinatay ni Adrian noon. Itinago ko ‘yon sa isa sa mga lihim na vault sa opisina ni Papa, na pag-aari na ngayon ng mga Ashford. Hindi ‘yon basta

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 10

    CHAPTER 10: TRANSMIGRATOR OR REBORN?SERAPHINA’S POVNabitawan ko ang cellphone ko sa kama. Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa screen nito. Sa totoo lang, naguguluhan ako.‘…baka nakalimutan mo na kung paano ka namatay noon?’Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling salita ng unknown sender. Paano nalaman ng kung sinumang nag-text na nagbago ang takbo ng buhay ko? Paano niya nalaman na inunahan ko si Adrian sa Greenfield Project gamit ang mga alam ko mula sa dati kong buhay? Sa mundong ito, ako lang dapat ang nakakaalam na muli akong isinilang o bumalik mula sa nakaraan.Ngunit ang taong ito… siya ang nagpadala ng message sa akin. Parang alam na alam niya ang mga mangyayari o gagawin ko. Nababasa kaya niya ang nasa isip ko?Teka, may nabasa ako dati, bukod sa reborn, may tinatawag pang transmigrator. Hindi kaya ang nagpadala sa akin ng message ay isang transmigrator—pumasok siya sa mundong ito kaya alam niya ang nangyayari?Naguguluhan na talaga ako. Halo-halong

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 9

    Chapter 9: Ang Pagkawala ng Greenfield Project kay AdrianSERAPHINA’S POV“Gagawin mo talaga iyon, Tito?” hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.“Oo,” madiin na sagot ni Damian.“Tito! Kumpanya natin ang pinag-uusapan dito!” sigaw ni Adrian. Alam kong pilit niyang itinatago ang kaba. Bakas sa mukha niya ang takot na baka hindi na siya pakinggan ng tiyuhin. “Sa akin ang Greenfield Project! Kinabukasan ng Ashford Corporation ang nakasalalay dito! Alam kong sinabotahe ako ng babaeng ‘yan! Ginamit niya ang mga pribado kong dokumento!”“Hindi sa iyo ang Greenfield Project. Pag-aari ito ng kumpanya,” mariing sagot ni Damian, sabay hakbang palapit sa kaniya.Awtomatikong napaatras si Adrian. Unti-unting naglaho ang tapang niya habang nakatingin sa tiyuhin.“Mula sa araw na ito, wala ka nang karapatan sa Greenfield Logistics Hub. May ibang manager na hahawak sa operasyon. At ang limang porsyento mong share sa Ashford Corporation, kukunin ko rin bilang kabayaran sa pambabastos mo sa asawa ko,”

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 8

    CHAPTER 8: ANG UNANG GANTIPinihit ko ang hawakan ng pinto ng study room ni Damian. Pumasok ako sa loob at agad kong naamoy ang mamahaling pabangong panlalaki. Pumunta ako sa likod ng malaki niyang desk at umupo. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Alam ko kung paano pumasok sa study room niya, kaya hindi ko na kailangang hintayin pa si Damian para magpaalam at sabihin ang binabalak ko. Kabisado ko ang lugar na ito. Sa nakaraan kong buhay, ako ang nagprisinta na maglinis dito. Nakita ko ang isa sa mga laptop ni Damian, at tulad ng inaasahan ko, iniwan na naman niya ito.Kinuha ko ang laptop at binuksan. Sinubukan kong i-type ang password niya na kagaya ng sa penthouse: 05-16-2019, ang petsa ng debut ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung nagkataon lang bang ang password niya ay ang mismong araw ng debut ko, o may nangyaring napakahalaga sa kanya noong araw na iyon.Bumuntong-hininga ako at muling nag-focus sa pakay ko. Ilang minuto akong nagkalikot sa laptop niya hanggang sa makit

  • REBORN: THE OBSESSION OF MY EX-HUSBAND’S UNCLE (SSPG)   Chapter 7

    Chapter 7 - Ang Pagtuklas sa Lihim na Pagnanasa ni TitoKinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na roon si Damian. Bumangon ako at hinawakan ang balakang kong sumasakit dahil sa walang sawang pag-angkin sa akin ng lalaki. Pambihira ang stamina niya. Halos hindi niya ako pinatulog. Kahit sinabi ko nang pagod na ako at alas-tres na ng madaling-araw, hindi pa rin niya ako tinigilan. Pakiramdam ko, tuloy, ginamit niya nang husto ang katawan ko. Ang ‘trip to heaven’ na ginawa namin ay literal na nakakapagod.Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang message mula sa isang ‘unknown’ number. Kumunot ang noo ko nang makitang galing kay Damian ang message. Nakakapagtaka, paano niya nalaman ang bago kong number? Iniisip ko, pinakialaman kaya niya ang cellphone ko habang tulog ako? Eh, ang tanong, natutulog ba ang lalaking iyon?‘Maaga akong umalis. May mga papeles lang akong kailangang ayusin sa kumpanya. Magpahinga ka muna sa ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status