Dahan-dahan siyang muling lumapit, walang iniiwang espasyo sa pagitan nila. Manipis ang suot niyang na silk na nightgown kaya lalong nagbigay-diin sa lambot ng kanyang katawan. Alam niyang napansin iyon ni Kael nang bumaba ang tingin nito saglit sa kanyang damit bago muling iniangat sa kanyang mukha.
Hindi sumagot si Kael. Tinitigan lang siya nito, ang mga mata’y puno ng init at pigil na pagnanasa. Ngunit nang maramdaman ni Loreen ang muling paghawak nito sa kanyang baywang ay napangiti siya. Kahit hindi sabihin ni Kael, alam na niyang hindi nito kayang itanggi ang nararamdaman.
Bago pa niya namalayan, naramdaman niyang hinila siya nito palapit at muling naglapat ang kanilang mga labi.
Nagsimula itong banayad, waring nag-aalangan kung dapat bang ituloy. Ngunit nang si Loreen na mismo ang humawak sa mukha ni Kael, pinalalim niya ang halik, at doon niya naramdaman ang unti-unting pagsuko nito. Lumalim ang kanilang paghinga, at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Kael na para bang ayaw na siyang pakawalan.
“Loreen…” bulong nito sa pagitan ng kanilang halik, ngunit hindi siya natinag.
“Shh…” hinawakan niya ang batok nito at hinila pa lalo, ramdam ang init na lumalaganap sa buong katawan niya.
Hinila siya ni Kael papalapit sa pinto ng pinakamalapit na bakanteng kwarto, at bago pa niya namalayan, naramdaman niya ang malamig na kahoy sa kanyang likuran. Mas lumapit ito, hanggang sa halos wala nang espasyo sa pagitan nila. Ramdam niya ang tibok ng puso nito laban sa kanya. Mabilis at malakas ito at para bang sumasabay sa nararamdaman niya.
Dahan-dahang bumaba ang mga labi ni Kael sa kanyang leeg habang nag-iiwan ng banayad na halik na nagpapainit sa kanyang buong katawan. Napapikit siya at napakapit nang mahigpit sa balikat nito. “Kael…”
Hinawakan nito ang kanyang bewang habang ang hinlalaki nito ay gumuguhit ng banayad sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan. Isinara ni Loreen ang pinto sa likod nito, at sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay silang dalawa lang ang natitira sa mundo.
Humakbang si Kael papalapit at hinaplos ang kanyang pisngi na para bang pinag-aaralan ang bawat bahagi ng kanyang mukha. “Loreen, sigurado ka ba?” bulong nito.
Ngumiti siya, hinawakan ang kamay nito at idinampi sa kanyang dibdib, kung saan dama nito ang mabilis na tibok ng kanyang puso. “Oo naman. Ikaw ang gusto ko, Kael. Ang gwapo mo lang yata talaga at na-love at first sight ako sayo.”
Natawa nalang si Kael bago muling naglapat ang kanilang mga labi, at ngayon ay mas maalab at mas matindi. Ang mga kamay ni Kael ay gumapang sa kanyang likuran, hinahaplos siya na parang tinatandaan ang bawat kurba ng kanyang katawan.
Isinandal siya nito sa kama, at habang bumabagsak sila sa malambot na kutson, naramdaman ni Loreen ang bigat ng katawan ni Kael sa kanya. Ito ang isang bagay na matagal na niyang inaasam.
Ang init init. Parang sinisilaban ang mga katawan nila habang ginagawa ito.
Dinadama nila ang katawan ng bawat isa na walang nagmamadali. Ang bawat galaw ni Kael ay para bang sinasamba siya. Unti- unti niya nang inalis ang suot na silk gown ni Loreen.
“Bagay na bagay mo to pero sabagal sa gagawin natin.”
Napakagat sa labi si Loreen bago.
Sinalubong niya ang bawat yakap, bawat halik, at isinuko ang sarili sa lalaking matagal na niyang pinapangarap.
Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kwarto, dinama at ninamnam nila ang bawat bahagi ng katawan ng bawat isa. Si Loreen naman ay hinayaan lang ang sarili na madala sa init na dumadaloy sa kanilang pagitan.
“Napakaganda mo, Loreen,” bulong ni Kael habang dinadama ang kanyang buhok at hinahaplos siya.
Napangiti siya at hinila ito palapit. “At ang gwapo mo.,” bulong niya bago muling siniil ng halik ang kanyang labi.
“Sa akin ka lang.”
“Sayong sayo, Mr. Bodyguard ko.”
Sa gabing ito, wala nang mga hadlang, wala nang mga bawal. Sila lang, sa isang mundong pag-aari nilang dalawa.
—-
Nang humupa na ay nanatili silang magkayakap sa ilalim ng mga kumot at ang kanilang mga katawan ay magkadikit pa rin, waring ayaw nilang humiwalay sa isa’t isa. Hinaplos ni Kael ang kanyang buhok habang si Loreen naman ay nakapikit, nakikinig sa mabagal na pintig ng puso nito.
Pagod na pagod silang dalawa.
“Dapat matagal na natin itong ginawa,” bulong niya na nakangiti.
Natawa si Kael at hinawakan ang kanyang kamay. “Pwede pa naman nating ulitin. Madami tayong oras.”
Ngumiti si Loreen, inilibing ang mukha sa dibdib nito, at sa gabing iyon, sa wakas, naramdaman niyang kumpleto na siya.
Hayyy. Inlove na yata talaga siya sa hot na bodyguard niya.
Pagkatapos ng gabing iyon, nagbago ang lahat kay Loreen. Sa bawat umagang nagigising siya, ang presensya ni Kael ay hindi na lang isang paalala ng pagiging bodyguard nito dahil ngayon, ito na rin ang pumupuno sa kanyang isipan, puso, at bawat galaw.
Ngunit kahit na naangkin na nila ang isa’t isa, ramdam ni Loreen ang pagpipigil ni Kael. Kahit pa hindi na ito lumalayo kapag nagkakasalubong sila, nananatili pa rin ang distansyang hindi niya maintindihan. Sa tuwing susubukan niyang lapitan ito, palaging may pumipigil… si Kael mismo.
Isang umaga, habang naglalakad siya sa pasilyo, nakita niyang nag-aayos si Kael sa may sala. Suot nito ang paborito niyang itim na polo na lalong nagpatingkad sa matipuno nitong katawan. Ang itim na baril sa holster nito ay parang paalala na sa kabila ng lahat, trabaho pa rin ang una nitong iniisip.
Napangiti si Loreen habang pinagmamasdan ito. Parang walang bagay na hindi kayang gawin ni Kael.
Hindi niya napigilan ang sarili na lumapit nang dahan-dahan. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa likod nito, marahang hinaplos ang matigas nitong katawan bago siya humilig sa dibdib nito.
“Good morning,” bulong niya, idinidiin ang sarili sa katawan nito.
Napahinto si Kael saglit bago marahang inalis ang kanyang kamay.
“Loreen, wag muna…” tanong nito, halatang pilit pinananatili ang distansya sa pagitan nila. Kita kasi ni Kael ang mga maids na pasikreto ang malisyosong tingin sa kanila.
At walang pakialam si Loreen sa kanila. Bakit? Ano bang mali sa pagkakagusto?
“Bakit ba palagi kang nagtatago?” Hinawakan niya ang braso nito at hinarap sa kanya. “Ano ba talaga tayo, Kael? Dahil para sa akin, hindi na ito laro.”
Nagbuntong-hininga si Kael, halatang nahihirapan sa sitwasyon. “Loreen… hindi ganon kadali ’to. Alam mong trabaho ko ang protektahan ka. Hindi dapat—”
“Ano? Hindi dapat kita mahalin? Ano ako, pang-kama mo lang?” putol ni Loreen, “Dahil pasensya ka na, Kael, pero huli na.”
Napailing si Kael at hinaplos ang kanyang mukha, may halong lungkot at pangamba sa kanyang tingin. “Hindi kita kayang saktan, Loreen.”
“At sa palagay mo ba, hindi ako masasaktan kung lalayo ka?” Napakagat-labi si Loreen, pinipigilan ang luhang gustong pumatak. “Alam mo bang mas mahirap ang wala ka?”
Muling yumakap si Kael sa kanya, mahigpit ito at pinipilit na ipaalam dito ang mga salitang hindi niya kayang sabihin. “Kailangan mong magtiwala sa akin.”
Pero kahit pa sinabi iyon ni Kael, hindi maialis ni Loreen ang lungkot na nararamdaman niya. Alam niyang pilit nitong nilalabanan ang nararamdaman nito, at hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakapaghintay.
Sa mga sumunod na araw, ramdam ni Loreen ang pagbabago sa kilos ni Kael. Mas naging mailap ito. Madalang na ang mga sandali kung saan lumalambot ang titig nito at tuwing lalapitan niya ito, nagiging malamig at propesyonal ang kilos nito.
Napansin niya rin ang pagiging alerto nito sa paligid, lalo na tuwing may lalapit sa kanya. Parang nagiging mas mapagbantay ito kaysa dati, na para bang may pinoprotektahan ito.
Malamig ang hangin nang lumabas si Elle mula sa opisina. Ito na ang huling beses na tatahakin niya ang hallway na ito. Matagal niyang pinag-isipan ang desisyong ito, pero sa huli, alam niyang ito lang ang tamang gawin. Hindi niya kayang manatili sa kumpanyang ito kung araw-araw ay makikita niya si Noah at kung patuloy siyang maaakit sa isang lalaking hindi niya kailanman maaaring mahalin.Bitbit ang kahon ng kanyang gamit, naglakad siya papunta sa elevator. Wala siyang balak magpaalam kay Noah. Wala siyang balak ipaalam dito na siya mismo ang sumusuko.Ngunit hindi siya nakalayo.Mabilis na sumulpot si Noah sa harapan niya, hinarangan ang dadaanan niya. Nakasuot pa ito ng itim na dress shirt, bahagyang nakabukas ang ilang butones sa may leeg. Mukhang kakarating lang nito mula sa meeting pero sa ekspresyon nitong puno ng emosyon, alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagmamadali nito.“Elle,” malamig pero nanginginig ang boses nito. “Anong ibig sabihin nito?”Hindi siya sumagot. Lalo ni
Habang lumilipas ang mga linggo, hindi maitatangging nagiging mas possessive si Noah.Nagsimula ito sa maliliit na bagay. Halatang-halata kasi ang mga matatalim na titig nito sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya o kaya naman ay bigla na lang siyang hihilahin palayo sa isang usapan para lang mapag-isa sila.Pero nang makita niya itong halos magalit nang may kasamahan silang nag-ayang lumabas siya para mag-dinner, alam niyang lumalampas na sa boundary nila si Noah.“Hindi mo kailangang sumama sa kanya,” malamig na sabi nito habang nakasandal sa desk niya, nakatitig sa kanya.Napailing si Elle, pilit na pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Noah, kasamahan natin siya sa trabaho. Wala kang karapatan na pakialaman kung sino ang gusto kong makasama.”Bahagyang tumingala si Noah, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah, gano’n?”Tumayo ito, lumapit sa kanya, hanggang sa halos magdikit ang kanilang katawan.“Hindi kita pag-aari, Elle,” bulong nito at mariing hinawakan ang ka
Hinila niya ang kuwelyo ni Noah at siniil ito ng halik. Saglit lang siyang nagpatumpik-tumpik pero nang maramdaman niya ang labi at dila nitong gumalaw rin ay lalo siyang nadarang. Mabilis siyang isinandal ni Noah sa pinto ng kotse habang ang kamay nito bumalot sa baywang niya para ihapit siya palapit. Ramdam niya ang tigas ng katawan nito at ang init na tila lumalabas sa damit nila.Mabilis na binuksan ni Noah ang pinto at bago pa siya makapagtanong, iginiya siya nito papasok.Nang makapasok sila sa loob ng kotse ay hindi na talaga nila kayang pigilan. Hindi na nila kayang magpanggap.Hinila siya ni Noah paupo sa kandungan nito habang kamay niya mahigpit na nakahawak sa bewang ni Elle. “Tingnan natin kung kaya mo pa akong artehan ngayon. Hirap na hirap akong di mo ko pinapansin.”Napasinghap si Elle nang maramdaman ang maiinit na labi ni Noah na gumapang sa kanyang panga, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa kanyang collarbone. “Noah…” Hindi niya alam kung pagtutol o pag-halinghing
Dumating ang isang malaking company event sa isang hotel. Parehong dumalo sina Elle at Noah, parehong alam na ang promosyon ay halos abot-kamay na. Walang humpay ang pagpapakitang-gilas nila sa mga boss na nandoon lalo na’t parehas naman silang magaling sa pakikisalamuha. Busyng- busy sila na dalhin ang kani-kanilang mga bangko.Pero kahit anong gawin nila, hindi nila kayang hindi magkasalubong.Magkasamang nakatayo sina Elle at isang senior executive nang lumapit si Noah na may hawak na inumin.“Sir, gusto niyo po bang marinig ang opinyon ko tungkol sa project natin?” sabi ni Noah habang nakatingin sa kausap ni Elle.Nagpanting ang tenga ni Elle. Mabilis niyang inexcuse ang kanyang sarili bago hinila si Noah papalayo doon. Nakakainis na dahil nanlalamang ito! “Ano ba! Oras ko yun ng pakikipag-usap eh! Takot na takot ka ba na malaman nilang kaya kitang talunin sa kahit anong laban?”Bahagyang lumapit si Noah at bumaba ang boses. “Mas gusto mo ba kung ibang klase ng laban ang subukan
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Noah habang nakasandal sa pinto at nakatiklop ang mga braso. Ang suot nitong puting polo ay bahagyang nakabukas ang itaas na butones at kahit ayaw niyang aminin, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito ka-distracting tingnan.“Dami pang kailangang tapusin,” sagot niya, hindi tumitingin. “Baka gusto mong sabay na tayong umuwi,” ani Noah hbang lumalapit nang dahan-dahan. “Alam mo namang delikado na kapag gabi. Baka may magtangka pang masama sa’yo.”Ano?! Tama ba ng narinig si Elle?! Si Noah, inalok sya na sabay na silang uuwi?!Napataas ang kilay ni Elle at sa wakas ay tumingin sa kanya. “Ikaw siguro ang may balak.”Napangisi si Noah. “Ako ang huling kasama mo, kargo ko pa pag may nangyari sayo. Tsaka ano bang balak ang sa tingin mo mayron ako sayo? Hmm?”Tumaas ang temperatura sa loob ng silid. Lalong bumibigat ang tensyon sa pagitan nila. Ilang hakbang na lang at halos magkalapit na ang kanilang mga katawan. Naririnig ni Elle ang sariling paghinga a
Mainit ang panahon nang pumasok si Elle sa opisina. Ang suot niyang fitted white blouse at high-waist pencil skirt ay lalong nagpatingkad sa kanyang mataray na aura. Rinig na rinig ang takong niya habang naglalakad siya. Ngumiti lang siya nang makita ang mga ulong napapasunod niya sa bawat hakbang niya.Hmmm. Mukhang magiging maganda ang araw ko.Ngunit sa kanyang pag-upo sa desk, isang pamilyar na boses ang sumira sa kanyang umaga.“Maaga ka yata ngayon, Elle.”Napakurap siya at dahan-dahang inangat ang tingin. Nasa tapat ng cubicle niya si Noah na nakasandal sa gilid, nakataas ang isang kilay, at may pilyong ngiti sa labi. Naka-roll up ang manggas ng navy blue dress shirt nito na kaya naman lalong naging obvious ang matikas nitong bisig.“At ikaw, late ka pa rin gaya ng dati,” mataray niyang sagot. “Paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang dumating sa oras?”“At paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang pakisamahan ang mga katrabaho mo?” ganting sagot ni Noah habang lumalapit pa