Isang araw, habang nasa isang event si Loreen, hindi niya maiwasang mapansin ang tingin ng mga tao sa kanya. Nakasuot siya ng isang pulang dress na nagpapakita ng kanyang mga balikat at legs. Ramdam niyang lahat ng mata ay nasa kanya, pero isang pares lang ng mata ang hinahanap niya at iyon ang kay Kael.
Nakatayo ito sa gilid, pinagmamasdan siya mula sa malayo. Hindi niya alam kung naiinis ba ito o naaaliw, pero gusto niyang alamin.
Lumapit siya rito at sinabing, “Kael, ano sa tingin mo?”
“Sa alin?” tanong nito, kunwaring walang pakialam.
“Sa suot ko,” aniya, sabay kagat sa labi. “Okay ba?”
Sandaling tinitigan siya ni Kael, pero agad din nitong ibinaling ang tingin. “Kung ayaw mong makakuha ng atensyon, sana hindi mo ‘yan suot.”
Napataas ang kilay niya. “At ano naman ang pakialam mo?”
“Hindi ko gusto ang tingin ng mga tao sa’yo,” malamig nitong sagot.
Nagulat siya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kakaibang tono sa boses ni Kael, parang pag-aalala? Bago pa siya makasagot, hinila na siya nito palayo sa karamihan.
“Uuwi na tayo,” madiin nitong sabi.
Habang nasa sasakyan, hindi mapakali si Loreen. Parang may bumabagabag sa kanya.
Pagdating sa bahay, hindi na siya nakatiis.
“Kael,” tawag niya habang sinusundan ito papasok. “Bakit ba ang sungit mo sa akin?”
Huminto ito at tumingin sa kanya. “Kung ang pagtatrabaho ay pagsusungit na para sa iyo ay hindi ko na problema yon, Loreen. Hindi lahat ng tao ay makukuha mo. ”
“Trabaho lang?” ulit niya. “Sigurado ka?”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Kael. “Oo.”
Napangiti siya at lumapit pa rito. “So, ibig sabihin, wala ka talagang nararamdaman? Kahit kaunti?”
Sandali siyang pinagmasdan ni Kael, at sa loob ng ilang segundo, may kung anong tensyon sa pagitan nila. Pero bago pa siya makapagsalita, umiwas na ito.
“Dapat ka nang magpahinga,” anito saka tinalikuran siya.
Naiwan siyang tulala, pero hindi siya titigil.
“Ayoko!” Sabi ni Loreen.
Lumingon sa kaniya si Kael at tinaasan siya ng kilay.
“Kael, ang lamig lamig pa naman oh. Samahan mo muna ako. Doon muna kayo tayo sa room ko dahil may heater doon?”
“Magkumot ka.” Sabi ni Kael saka nagpatuloy na sa paglalakad at iniwan siyang tulala.
‘Arghhh! Ang lalaking iyon talaga. Tignan nalang natin kung anong magiging reaksyon niya sa gagawin ko.’ Sa isip ni Loreen
Pumunta siya sa loob ng kwarto para magbihis. Naka-suot siya ng isang manipis na satin robe na halos hindi maitago ang kanyang lingerie sa ilalim. Naglalakad siya papunta sa kusina. Alam niyang naroon si Kael sa may sala na nakaupo sa sofa.
Buti nalang talaga at busy ang Daddy niya kaya wala ito sa bahay ngayon. Ang mga maid ay nasa kani-kanilang kwarto kaya malaya siya na gawin ang gusto nya.
Nakangiti siya habang dahan-dahang lumapit dito, sinadya niyang magpabagsak ng isang baso sa mesa upang makuha ang atensyon nito.
Napatayo agad si Kael. “Anong nangyari?”
Kagat-labi si Loreen habang pinulot ang baso. “Sorry, nadulas lang ako.”
Napatingin si Kael sa kanya at kahit madilim ang ilaw, kita niya ang bahagyang pagbabago sa mukha nito. Parang nag-aalangan. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya, at iyon ang lalong nagbigay kay Loreen ng lakas ng loob.
“Lika, Kael,” sabi niya, lumapit nang bahagya. “Samahan mo naman ako saglit. Gamutin natin kasi nasugatan pala ako dahil sa baso.”
“Hindi ko trabaho ‘yan, Loreen. Ipapatawag ko ang family doctor niyo.”
Napangiti siya at humakbang palapit. “Ang OA mo naman. Doctor agad?” Sinadya niyang ilapit ang katawan sa kanya halos dumidikit na ang kanilang balat.
Napansin niyang lumalim ang paghinga ni Kael pero agad nitong iniwas ang tingin. “Bumalik ka na sa kwarto mo.”
Imbes na sumunod, sinadya niyang abutin ang manggas ng suot nitong shirt at hinila ito pababa, sapat para madama ang init ng kanyang palad sa balat nito.
“Ang tigas mo naman,” bulong niya, tumataas ang kilay. “Bawal bang makipagkaibigan?”
Hinawakan ni Kael ang kamay niya at dahan-dahang inilayo mula sa kanya. “Loreen, alam mong hindi ito tama.”
Pero imbes na umatras ay lalo pang lumapit si Loreen. “Bakit? Dahil ba sa trabaho mo? O dahil natatakot kang may maramdaman?”
Tahimik si Kael. Hindi ito umuurong pero hindi rin ito lumalapit.
Kahit ganoon, may nakita si Loreen sa mata nito na bahagyang pag-aalinlangan.
“Kahit isang beses lang, Kael,” bulong niya habang inilalapit ang mukha sa kanya.
Napasinghap si Kael nang dumampi ang malambot niyang labi sa leeg nito. Sa isang iglap, naramdaman niyang humigpit ang hawak nito sa kanyang braso, hindi na kasing gentle gaya kanina.
“Loreen, tama na.”
Ngunit sa halip na makinig, hinawakan ni Loreen ang batok nito at marahang hinila papalapit. “Kung gusto mong itigil, itulak mo ako,” hamon niya habang nakatitig sa labi nito.
Alam niyang kaya siyang pigilan ni Kael anumang oras, pero hindi ito gumalaw. Tinitigan lang siya nito nang matagal, at doon niya napatunayan na may kung anong pinipigilan si Kael.
Isang segundo pa, naramdaman niya ang marahas na paghawak nito sa bewang niya, at sa isang iglap, isinandal siya nito sa dingding.
“Alam mong mali ito, Loreen,” bulong nito, ang boses ay mababa at puno ng babala.
Ngunit imbes na matakot, lalo lamang siyang naintriga. “Pero gusto mo rin,” sagot niya habang idinidiin ang sarili sa matigas nitong katawan.
Napapikit si Kael, hinigpitan ang hawak sa kanya, at sa wakas, bumigay.
Naramdaman ni Loreen ang init ng hininga nito sa kanyang balat bago tuluyang lumapat ang labi ni Kael sa kanya. Hinalikan siya nito ng mainit, marahas, at puno ng matagal nang pinipigilang pagnanasa.
Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nito na gumapang sa kanyang baywang at hinihila siya palapit habang ang halik nito ay lalong nagiging mapusok.
Ngunit bago pa siya tuluyang matangay, bigla siyang binitiwan ni Kael at lumayo.
“Hindi ko dapat ginagawa ‘to,” bulong nito, nakayuko at pilit na kinakalma ang sarili.
Humakbang si Loreen palapit at hinawakan ang mukha nito. “Ginagawa mo na,” sabi niya, nakangiti. “At gusto mong ulitin.”
Napatingin si Kael sa kanya, at kahit hindi ito sumagot, alam niyang tama siya.
“Ano na, Kael? Ituloy na natin. Init na init na ako. Wag mong sabihin na kaya mo pa akong tiisin,” Bumaba ang tingin ni Loreen sa pantalon ni Kael at ngumisi, “Eh readyng-ready na lumaban ang alaga mo.”
Ngunit ang hindi alam ni Kael ay, sa kabila ng lahat ng kanyang pangamba, si Loreen ay hindi na natatakot. Napagdesisyunan niya na hindi niya pababayaan si Kael. Ang pagmamahal niya kay Kael ay kayang higit ang takot at kahit anong sabihin ng kanyang ama ay ipiaglalaban niya ito.“Loreen, hindi ko kayang hayaang maging pabigat si Kael sa pamilya natin.” Panimula ni Don Emilio dahil hindi nila namalayang bumaba na pala ito, “Alam mo kung gaano kahalaga ang ating pangalan at ang ating lugar. Kung magkakaroon tayo ng problema dahil sa relasyon niyo, hindi ko ito kayang tanggapin. Mabait si Kael pero para lng maging bodyguard mo. Ano nalang sasabihin ng tao kung malaman nilang ang unica hija ko ay nakapag-asawa ng bodyguard lang? Ang dami pa namang nirereto sa iyo ng mga Auntie mo na mayayamang business man.”Tinitigan niya ang ama at nagsalita ng may lakas ng loob. “Hindi ko kayang iwan si Kael, Dad. Mahal ko siya. Wala akong pake sa sasabihin ng iba.”“Loreen, hindi mo alam ang pinapa
Hanggang isang gabi, hindi na niya napigilan ang sarili.Kumatok siya sa kwarto ni Kael at hindi na naghintay ng sagot bago pumasok. Nakatayo ito sa tabi ng kama, waring nagulat sa pagdating niya.“Loreen, anong ginagawa mo dito?” tanong nito, napakunot-noo, halatang hindi handa sa pagpasok niya.“Alam kong natatakot ka. Alam kong iniisip mo kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng lahat…” Lumunok siya at marahang hinawakan ang kamay nito. “Pero ayokong matakot, Kael. Gusto kong sumugal.”“Loreen—” nagsimulang magsalita si Kael ngunit agad niyang pinutol ito.“Sabihin mong ayaw mo,” bulong niya, halos hindi na lumalabas ang tinig. “Sabihin mong wala kang nararamdaman. Sabihin mong pagnanasa lang to.”Sa loob ng ilang segundo, tahimik lang silang nakatinginan, at doon niya nakita ang pag-aalangan sa mga mata ni Kael. Parang may tinutulak itong emosyon, pero hindi nito kayang itanggi.At sa isang iglap, naglaho ang natitirang pagpipigil.Hinila siya ni Kael papalapit, at nagtagpo ang ka
Dahan-dahan siyang muling lumapit, walang iniiwang espasyo sa pagitan nila. Manipis ang suot niyang na silk na nightgown kaya lalong nagbigay-diin sa lambot ng kanyang katawan. Alam niyang napansin iyon ni Kael nang bumaba ang tingin nito saglit sa kanyang damit bago muling iniangat sa kanyang mukha.Hindi sumagot si Kael. Tinitigan lang siya nito, ang mga mata’y puno ng init at pigil na pagnanasa. Ngunit nang maramdaman ni Loreen ang muling paghawak nito sa kanyang baywang ay napangiti siya. Kahit hindi sabihin ni Kael, alam na niyang hindi nito kayang itanggi ang nararamdaman.Bago pa niya namalayan, naramdaman niyang hinila siya nito palapit at muling naglapat ang kanilang mga labi.Nagsimula itong banayad, waring nag-aalangan kung dapat bang ituloy. Ngunit nang si Loreen na mismo ang humawak sa mukha ni Kael, pinalalim niya ang halik, at doon niya naramdaman ang unti-unting pagsuko nito. Lumalim ang kanilang paghinga, at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Kael na para bang
Isang araw, habang nasa isang event si Loreen, hindi niya maiwasang mapansin ang tingin ng mga tao sa kanya. Nakasuot siya ng isang pulang dress na nagpapakita ng kanyang mga balikat at legs. Ramdam niyang lahat ng mata ay nasa kanya, pero isang pares lang ng mata ang hinahanap niya at iyon ang kay Kael.Nakatayo ito sa gilid, pinagmamasdan siya mula sa malayo. Hindi niya alam kung naiinis ba ito o naaaliw, pero gusto niyang alamin.Lumapit siya rito at sinabing, “Kael, ano sa tingin mo?”“Sa alin?” tanong nito, kunwaring walang pakialam.“Sa suot ko,” aniya, sabay kagat sa labi. “Okay ba?”Sandaling tinitigan siya ni Kael, pero agad din nitong ibinaling ang tingin. “Kung ayaw mong makakuha ng atensyon, sana hindi mo ‘yan suot.”Napataas ang kilay niya. “At ano naman ang pakialam mo?”“Hindi ko gusto ang tingin ng mga tao sa’yo,” malamig nitong sagot.Nagulat siya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kakaibang tono sa boses ni Kael, parang pag-aalala? Bago pa siya makasagot, hin
Pagdating nila sa bahay, agad siyang bumaba at dumiretso sa kanyang kwarto. Ngunit kahit na gusto niyang matulog, hindi niya maiwasang isipin ang si Kael.Ugh, ano bang meron sa lalaking iyon at masyado niyang ginagambala ang isip ko! Oo pogi siya pero duh?! Sa tanang buhay niya ay napapaligiran siya ng mga magagandang lalaki at sila p ang nagkakandarapa para sa kaniya kaya hindi na ito dapat bago!Tumingin siya sa bintana at nakita niya itong naka-duty pa rin sa labas. Ito ay nakatayo sa gilid ng kanilang gate na parang isang estatwa. “Bakit kaya ang suplado nun?” bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin dito. Hindi niya namalayang nakangiti na siya.Humiga siya sa kama at pumikit, subalit may kakaibang excitement siyang nararamdaman.Para sa kanya, si Kael ay isang bagong challenge at gusto niyang malaman kung paano ito masusubok.Sa mga sumunod na araw, walang ginawa si Loreen kundi asarin si Kael. Sanay siyang ang mga bodyguard niya ay madaling kausapin, madaling utuin, mad
“Loreen, ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na ayusin ang sarili mo! Napaka-pasaway mo! Para sayo rin naman ang sinasabi ko, para sa kaligtasan mo!”Napairap si Loreen habang nakasandal sa pintuan ng kanyang silid. Pinagmamasdan niya ang ama niyang si Don Emilio na halatang iritado na naman sa kanya. Nakakunot na naman ang noo nito kaya naman litaw na litaw ang wrinkles dahil sa edad niya.Kadarating lang niya mula sa isang party kagabi at tulad ng dati, napagalitan na naman siya. Hindi na ito bago sa kanya.Ang sabi kasi ng Daddy niya ay umuwi ng maaga, eh mali yata ang pagkakarinig ni Loreen kaya umuwi siya ng umaga.“Dad, ang OA mo naman,” sagot niya sabay tapon ng bag sa kama. “Umuwi naman ako nang maayos, ‘di ba?”Huminga nang malalim si Don Emilio at tinitigan siya nang matalim. “Loreen, hindi mo naiintindihan kung gaano ka delikado ang buhay mo. Ang buhay natin. Alam mo naman tumatakbo ako para Mayor! Marami tayong kaaway at hindi kita kayang bantayan palagi.”Napataa