Share

HOT NA BODYGUARD - V

Author: Lathala
last update Last Updated: 2025-08-25 00:01:43

Hanggang isang gabi, hindi na niya napigilan ang sarili.

Kumatok siya sa kwarto ni Kael at hindi na naghintay ng sagot bago pumasok. Nakatayo ito sa tabi ng kama, waring nagulat sa pagdating niya.

“Loreen, anong ginagawa mo dito?” tanong nito, napakunot-noo, halatang hindi handa sa pagpasok niya.

“Alam kong natatakot ka. Alam kong iniisip mo kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng lahat…” Lumunok siya at marahang hinawakan ang kamay nito. “Pero ayokong matakot, Kael. Gusto kong sumugal.”

“Loreen—” nagsimulang magsalita si Kael ngunit agad niyang pinutol ito.

“Sabihin mong ayaw mo,” bulong niya, halos hindi na lumalabas ang tinig. “Sabihin mong wala kang nararamdaman. Sabihin mong pagnanasa lang to.”

Sa loob ng ilang segundo, tahimik lang silang nakatinginan, at doon niya nakita ang pag-aalangan sa mga mata ni Kael. Parang may tinutulak itong emosyon, pero hindi nito kayang itanggi.

At sa isang iglap, naglaho ang natitirang pagpipigil.

Hinila siya ni Kael papalapit, at nagtagpo ang kanilang labi sa isang halik na puno ng pananabik at pagnanasa. Mas mapusok ito kaysa noong una, mas malalim, at mas totoo. Ramdam ni Loreen ang init ng katawan nito na humahalo sa kanya.

Dahan-dahan siyang isinandal ni Kael sa pinto, ang kamay nito ay mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang habang patuloy silang naghalikan. 

Hinawakan niya ang mukha nito at marahang nagtanong, “Bakit mo pinipigilan ang sarili mo?”

Huminto si Kael at tinitigan siya nang malalim. “Dahil kapag bumigay ako, wala nang balikan, Loreen.”

Ngumiti siya, hinila ito papalapit, at buong tapang na sinagot, “Wala na talagang balikan.”

Hinawakan ni Kael ang kanyang mukha, hinaplos ito nang buong pag-iingat, na para bang isa siyang bagay na babasagin at kailangan laging ingatan. Muli siyang siniil nito ng halik, ngunit sa pagkakataong ito, mas malambing at mas puno ng emosyon.

Habang gumapang ang kanilang mga labi sa isa’t isa, naramdaman niyang wala nang atrasan. Buo na ang loob niyang lumaban para sa kanilang dalawa, anuman ang kaharapin nila bukas.

Bumagsak sila sa kama, at sa pagitan ng mga bulong at haplos, ramdam niya ang init ng pagmamahal na pilit nilang nilabanan noon. 

“Pasensya ka na dahil iniwasan kita. Napag-alaman kong minamatyagan din ako ng mga kaaway ng Dad mo. Kapag nalaman nilng ikaw ang kahinaan ko, baka ikaw pa ang targetin. Pinoprotektahan lang kita.

Tumango-tango si Loreen. “Naiintindihan ko. Salamat… at pasensya na rin kung lagi akong nagagalit sayo.”

“Loreen… hindi ko alam kung masyado pang maaga para sabihin ito pero mahal kita,” bulong ni Kael sa kanyang tainga bago siya nito hinaplos sa pisngi at nag-iiwan ng banayad na halik sa kanyang noo.

Napangiti si Loreen at  pinagdikit ang kanilang mga noo, “At mahal din kita, Kael.”

Habang patuloy na lumalalim ang ugnayan nina Loreen at Kael, ang mundo nila ay biglang nabago nang dumating ang isang pagsubok na hindi nila inaasahan. Hindi nila kayang itago ang pagmamahalan nila mula kay Don Emilio .

 Bilang isang makapangyarihang tao, ang mga mata nito ay matalim, at hindi nila nakaligtasan ang mga galaw ng kanilang relasyon. Mas lalo kasi silang naging sweet magmula nang magkaaminan sila ky marahil napansin na rin ito ng Dad ni Loreen.

Isang gabi, naghintay si Loreen sa sala habang ang kanyang ama ay nasa silid nito at kinakausap si Kael marahil patungkol sa trabaho. May balak naman itong sabihin sa kaniya pero humahanap lang siya ng tamang timing. 

Nabahala si Loreen nang nakita niyang unti-unting nawawala ang mga ngiti sa mukha ni Kael habang siya ay naglalakad papunta sa kanya. 

“Loreen, may nangyari.”

Tumingin siya kay Loreen, at makita ang takot sa mga mata nito. 

“Ano yun, Kael?” tanong ni Loreen, habang ramdam na niya ang kaba,. “Ano’ng nangyari?”

“Nalaman ng iyong ama.” Hindi niya kayang idaan sa madaliang salita. “Si Don Emilio … nagalit siya, Loreen.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   HOT NA BODYGUARD - FINALE

    Ngunit ang hindi alam ni Kael ay, sa kabila ng lahat ng kanyang pangamba, si Loreen ay hindi na natatakot. Napagdesisyunan niya na hindi niya pababayaan si Kael. Ang pagmamahal niya kay Kael ay kayang higit ang takot at kahit anong sabihin ng kanyang ama ay ipiaglalaban niya ito.“Loreen, hindi ko kayang hayaang maging pabigat si Kael sa pamilya natin.” Panimula ni Don Emilio dahil hindi nila namalayang bumaba na pala ito, “Alam mo kung gaano kahalaga ang ating pangalan at ang ating lugar. Kung magkakaroon tayo ng problema dahil sa relasyon niyo, hindi ko ito kayang tanggapin. Mabait si Kael pero para lng maging bodyguard mo. Ano nalang sasabihin ng tao kung malaman nilang ang unica hija ko ay nakapag-asawa ng bodyguard lang? Ang dami pa namang nirereto sa iyo ng mga Auntie mo na mayayamang business man.”Tinitigan niya ang ama at nagsalita ng may lakas ng loob. “Hindi ko kayang iwan si Kael, Dad. Mahal ko siya. Wala akong pake sa sasabihin ng iba.”“Loreen, hindi mo alam ang pinapa

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   HOT NA BODYGUARD - V

    Hanggang isang gabi, hindi na niya napigilan ang sarili.Kumatok siya sa kwarto ni Kael at hindi na naghintay ng sagot bago pumasok. Nakatayo ito sa tabi ng kama, waring nagulat sa pagdating niya.“Loreen, anong ginagawa mo dito?” tanong nito, napakunot-noo, halatang hindi handa sa pagpasok niya.“Alam kong natatakot ka. Alam kong iniisip mo kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng lahat…” Lumunok siya at marahang hinawakan ang kamay nito. “Pero ayokong matakot, Kael. Gusto kong sumugal.”“Loreen—” nagsimulang magsalita si Kael ngunit agad niyang pinutol ito.“Sabihin mong ayaw mo,” bulong niya, halos hindi na lumalabas ang tinig. “Sabihin mong wala kang nararamdaman. Sabihin mong pagnanasa lang to.”Sa loob ng ilang segundo, tahimik lang silang nakatinginan, at doon niya nakita ang pag-aalangan sa mga mata ni Kael. Parang may tinutulak itong emosyon, pero hindi nito kayang itanggi.At sa isang iglap, naglaho ang natitirang pagpipigil.Hinila siya ni Kael papalapit, at nagtagpo ang ka

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   HOT NA BODYGUARD - IV

    Dahan-dahan siyang muling lumapit, walang iniiwang espasyo sa pagitan nila. Manipis ang suot niyang na silk na nightgown kaya lalong nagbigay-diin sa lambot ng kanyang katawan. Alam niyang napansin iyon ni Kael nang bumaba ang tingin nito saglit sa kanyang damit bago muling iniangat sa kanyang mukha.Hindi sumagot si Kael. Tinitigan lang siya nito, ang mga mata’y puno ng init at pigil na pagnanasa. Ngunit nang maramdaman ni Loreen ang muling paghawak nito sa kanyang baywang ay napangiti siya. Kahit hindi sabihin ni Kael, alam na niyang hindi nito kayang itanggi ang nararamdaman.Bago pa niya namalayan, naramdaman niyang hinila siya nito palapit at muling naglapat ang kanilang mga labi.Nagsimula itong banayad, waring nag-aalangan kung dapat bang ituloy. Ngunit nang si Loreen na mismo ang humawak sa mukha ni Kael, pinalalim niya ang halik, at doon niya naramdaman ang unti-unting pagsuko nito. Lumalim ang kanilang paghinga, at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Kael na para bang

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   HOT NA BODYGUARD - III

    Isang araw, habang nasa isang event si Loreen, hindi niya maiwasang mapansin ang tingin ng mga tao sa kanya. Nakasuot siya ng isang pulang dress na nagpapakita ng kanyang mga balikat at legs. Ramdam niyang lahat ng mata ay nasa kanya, pero isang pares lang ng mata ang hinahanap niya at iyon ang kay Kael.Nakatayo ito sa gilid, pinagmamasdan siya mula sa malayo. Hindi niya alam kung naiinis ba ito o naaaliw, pero gusto niyang alamin.Lumapit siya rito at sinabing, “Kael, ano sa tingin mo?”“Sa alin?” tanong nito, kunwaring walang pakialam.“Sa suot ko,” aniya, sabay kagat sa labi. “Okay ba?”Sandaling tinitigan siya ni Kael, pero agad din nitong ibinaling ang tingin. “Kung ayaw mong makakuha ng atensyon, sana hindi mo ‘yan suot.”Napataas ang kilay niya. “At ano naman ang pakialam mo?”“Hindi ko gusto ang tingin ng mga tao sa’yo,” malamig nitong sagot.Nagulat siya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang kakaibang tono sa boses ni Kael, parang pag-aalala? Bago pa siya makasagot, hin

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   HOT NA BODYGUARD - II

    Pagdating nila sa bahay, agad siyang bumaba at dumiretso sa kanyang kwarto. Ngunit kahit na gusto niyang matulog, hindi niya maiwasang isipin ang si Kael.Ugh, ano bang meron sa lalaking iyon at masyado niyang ginagambala ang isip ko! Oo pogi siya pero duh?! Sa tanang buhay niya ay napapaligiran siya ng mga magagandang lalaki at sila p ang nagkakandarapa para sa kaniya kaya hindi na ito dapat bago!Tumingin siya sa bintana at nakita niya itong naka-duty pa rin sa labas. Ito ay nakatayo sa gilid ng kanilang gate na parang isang estatwa. “Bakit kaya ang suplado nun?” bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin dito. Hindi niya namalayang nakangiti na siya.Humiga siya sa kama at pumikit, subalit may kakaibang excitement siyang nararamdaman.Para sa kanya, si Kael ay isang bagong challenge at gusto niyang malaman kung paano ito masusubok.Sa mga sumunod na araw, walang ginawa si Loreen kundi asarin si Kael. Sanay siyang ang mga bodyguard niya ay madaling kausapin, madaling utuin, mad

  • RED ROOM: Tagalog SPG Hot Stories   HOT NA BODYGUARD - I

    “Loreen, ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na ayusin ang sarili mo! Napaka-pasaway mo! Para sayo rin naman ang sinasabi ko, para sa kaligtasan mo!”Napairap si Loreen habang nakasandal sa pintuan ng kanyang silid. Pinagmamasdan niya ang ama niyang si Don Emilio na halatang iritado na naman sa kanya. Nakakunot na naman ang noo nito kaya naman litaw na litaw ang wrinkles dahil sa edad niya.Kadarating lang niya mula sa isang party kagabi at tulad ng dati, napagalitan na naman siya. Hindi na ito bago sa kanya.Ang sabi kasi ng Daddy niya ay umuwi ng maaga, eh mali yata ang pagkakarinig ni Loreen kaya umuwi siya ng umaga.“Dad, ang OA mo naman,” sagot niya sabay tapon ng bag sa kama. “Umuwi naman ako nang maayos, ‘di ba?”Huminga nang malalim si Don Emilio at tinitigan siya nang matalim. “Loreen, hindi mo naiintindihan kung gaano ka delikado ang buhay mo. Ang buhay natin. Alam mo naman tumatakbo ako para Mayor! Marami tayong kaaway at hindi kita kayang bantayan palagi.”Napataa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status