LOGINHindi na nakatali ang modernong lipunan sa mga lumang tradisyon ng sinaunang panahon. Gayunpaman, para sa isang tanyag at iginagalang na pamilya, ang isang babaeng kumikilos nang ganito ay magiging tampulan pa rin ng tsismis at kapintasan kung sakaling malaman ng iba. Basang-basa ang polo at pantalon ni Conrad mula sa lawa, at ang basang tela ay dumikit nang hapit sa kanyang katawan na lalong nagpalitaw sa kanyang matipuno at magandang pangangatawan. Isang bahagya at makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Ganyan ka ba talaga kasabik na makasal sa Pamilya namin?" Hindi ito ikinaila ni Zaniah. "Sa palagay ko ay walang sinumang babae sa buong Cebu ang tatanggi na makasal sa iyo." "So, nag-aalok ka ng kasal sa akin dahil lang sa posisyon ko?" Sinalubong ni Zaniah ang mapanuring tingin ng lalaki nang may kalmado at tiyak na mukha. Bilang isang babae, malinaw niyang nararamdaman na si Conrad, sa kaunting antas, ay interesado sa kanya. Mayroon siyang napakagandang balat
Sino ang mag-aakala na makikita ni Zaniah si Conrad sa maliit na bangkang ito? "Salamat, Mr. Martin," magalang niyang sabi. Bahagyang paos ang boses ni Zaniah at medyo hinihingal pa dahil sa gulat, kaya hindi sinasadyang nagtunog malambing ito. Tinitigan siya ni Conrad ng mariin. "Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit tatlong taon kang nakasama ng pamangkin ko na parang isang tanga.” Nalilito naman agad si Zaniah. "Mr. Martin... anong ibig mong sabihin?" Dahan-dahang lumapit si Conrad at mas hinigpitan ang hawak sa kanyang baywang. Bago bumulong ito sa kanyang tainga, "Miss Javier... hindi ba ipinagbawal sa'yo ni Simon na makipag-usap sa ibang lalaki gamit ang ganyang boses?" Dahil sa sobrang lapit ng kanilang katawan, ramdam na ramdam ni Zaniah ang matitigas na kalamnan sa dibdib ng lalaki. Mabilis siyang sumimangot. "Mr. Martin, bitawan mo muna ako. Baka may makakita sa atin at magkamali ng isip." "Ano naman kung may makakita?" kalmadong sagot ni Conrad na parang laging siy
Kinaumagahan, bumaba si Zaniah na simple ngunit elegante ang suot. Sinalubong siya ni Darlyn nang may pilit na tamis. "Zaniah, halika at mag-almusal ka muna." Nilingon ni Zaniah si Denise na todo-ayos at naka-makeup. Lalong naging malinaw ang pakay nito nang magsalita ang kanilang ama. "Isama mo ang kapatid mo sa pagbisita mo sa mga Martin ngayon," utos ni Charles sa anak, "Gusto raw niyang matutong gumawa ng insenso." Alam ni Zaniah ang totoong dahilan—ayaw lang nilang maunahan niya si Denise sa pagkuha ng loob ng mga Martin. Ngumiti na lamang si Zaniah at sumang-ayon. Nang dumating ang kotse ng mga Martin, nagmamadaling sumakay si Denise sa unahan para mauna. Hindi ito pinansin ni Zaniah. Alam niyang ginagamit lang ng pamilyang Martin ang pagkakataong ito para timbangin kung sino sa kanila ang mas karapat-dapat na maging manugang. Pagdating sa mansyon ng mga Martin, namangha si Zaniah sa ganda ng tradisyunal na harding Tsino na may mga lawa, tulay, at sinaunang puno. Ngunit su
Tiningnan ni Conrad si Zaniah na pilit pa ring nakikipagtalo sa kanya. Seryoso ang kanyang boses ng magsalita. "Miss Javier, hindi ba't ikaw mismo ang nagsabi na hindi dapat sineseryoso ang panandaliang relasyon?" Hindi maintindihan ni Zaniah kung bakit biglang nagbago ang ugali ng lalaki. Magpapasya pa sana siyang kumbinsihin ito, ngunit huminto na ang kotse sa tapat ng mansyon ng pamilya niya. "Miss Javier, nandito na tayo," malamig na sabi ni Conrad nang hindi man lang siya nililingon. Dahil kasalukuyang pinag-uusapan ng kanilang mga pamilya ang kasunduan sa kasal, hindi magandang makita silang magkasama. Binuksan ni Zaniah ang p***o ng kotse. Bago bumaba, ibinalik niya ang kanyang eleganteng pustura. "Mr. Martin, seryoso ako sa kasunduan natin. Sana ay pag-isipan mo." Sumandal si Conrad sa upuan habang bahagyang nasisinagan ng ilaw ng poste ang kanyang dibdib, habang ang mukha naman niya ay nananatiling madilim. Palihim niyang inikot ang singsing sa kanyang daliri. Naalala
Nang maglapat ang kanilang mga labi, natulala si Zaniah. Hindi naman na ngayon lang siya nahalikan. Pero ang halikan ang tiyuhin ng kanyang dating kasintahan habang nasa malapit lang ang ama nito... pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Bago pa siya makabawi sa gulat, pinalalim pa ni Conrad ang halik. Dahil matagal na walang sagot mula sa likod, muling nagsalita si Brendon. "Anong klaseng babae ba ang makakapagpalambot sa matigas mong puso?" Natatarantang itinulak ni Zaniah ang dibdib ni Conrad. Kapag nagpatuloy ito, siguradong mahuhuli sila. Ngunit hindi natinag ang lalaki; tila mas natutuwa pa ito habang mas natatarantang si Zaniah. Gusto sanang kagatin ito ni Zaniah, pero nahulaan agad ito ni Conrad kaya hinawakan nito ang kanyang baba. Nang makitang hindi uubra ang dahas, nagbago ng taktika si Zaniah. Nagpalambot siya at yumakap siya sa leeg ni Conrad at tumingin dito nang may pagmamakaawa. Gaya ng inaasahan, mas madaling makuha ang lalaki sa lambing kaysa sa pilit. Doon lang
Walang lalaking makakatanggi sa ganda ni Zaniah—kahit si Conrad. Ngumiti nang bahagya si Conrad. "Huli na ang lahat. Anong gagawin natin?" Ipinikit ni Zaniah ang kanyang mga mata, handa na sa pinakamasama. Kung mahuhuli man sila, yayakapin na lang niya si Conrad para isipin ng lahat na may relasyon sila. Masira man ang reputasyon niya, ang mahalaga ay makapasok siya sa pamilyang Martin. Ngunit hindi sa backseat sumakay si Brendon, kundi sa tabi ng driver sa unahan. Bago pa makaupo si Brendon, mabilis na sumiksik si Zaniah sa makipot na espasyo sa pagitan ng mga binti ni Conrad at sa likod ng upuan sa unahan. Doon ay hindi siya makikita ni Brendon. Nakakahiya man ang posisyon niya, mas mabuti na ito kaysa mahuli. Tiningnan siya ni Conrad habang nakalumbaba. Ang supladang babae ay nakayuko na ngayon sa kanyang harapan na halatang takot na takot. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, tumingin si Zaniah nang may pagmamakaawa. Natawa naman si Conrad sa sitwasyon pero hindi siya nagsali
Pag-uwi niya ng bahay ay madilim ang buong paligid. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang mga talulot ng rosas sa sahig na patungo sa sala na puno ng kandila.Nandoon si Simon, nakasuot ng suit at may hawak na mga rosas. Nakaluhod ito sa harap ni Zaniah.“Zan, ako ang lalaki. Kung may magpo
“Ang tiyuhin niya?” Mahinang tinapik ni Zaniah ang manibela habang nag-iisip.“Oo. Matagal siyang nagtrabaho sa ibang bansa at binata pa hanggang ngayon. Nabalitaan kong uuwi na siya rito. Kung siya ang mapapangasawa mo, magkakaroon ka ng posisyon sa pamilyang Martin. Bata pa si Simon at hindi pa h
Biglang napaupo si Zaniah sa gulat at dahil sa biglaan niyang pagalaw, sumakit ang sugat niya at napangiwi pa siya. Sunod-sunod na bumalik sa isip niya ang mga nakakahiya at magulong alaala kagabi at ang lalaking kasama niya sa gabing iyon ay nakatayo ngayon mismo sa harap niya.Mas gwapo pa ito ka
Sa loob ng tatlong taon, hindi kailanman tinanong ni Zaniah kung saan siya pumunta. Kadalasan, kusa nitong sinasabi ang mga ginagawa niya.Ito ang unang beses na direkta siyang tinanong, at medyo kinabahan agad si Simon. “Kagabi, nakipaghiwalay si Clark sa girlfriend niya, kaya uminom kami. Nalasin







