LOGINHABANG tinuturuan ni Cassy si Layla na lumangoy, palihim siyang sumusulyap kay Keizer na noo'y kausap si Ronald. Nakatayo lang sila sa glass wall at parehong seryuso g nag-uusap."Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sa isip ni Cassy. "Ganito ba Ate Cassy?" tawag ni Layla. Kaya nawala ang pag-iisip ni Cassy tungkol kay Keizer. "Oo ganyan nga. Kapag kasi malalim, mas mabuti. Pagaanin mo ang sarili mo at dapat kalma ka lang. Kailangan makontrol mo ang balanse mo. Subukan mong magpalutang lutang at huwag kang matakot malunod. Nandito lang ako.""Oo nga, heto, medyo gumagaan ang katawan ko," natutuwang saasd ni Layla na para bang nae-enjoy na nito ang paglangoy."Good, good. Ayan nakukuha muna. Ngayon, kailangan mong makatawid sa kabilang side. Susundan kita.""Okey..." Nagsimula na ngang lumangoy si Layla sa kabilang side ng pool at di na nito gamit ang salbabeda. Nakatutok lang si Cassy upang si madisgraya si Layla nang walang anu-ano'y —"First time magpaturo ng kapatid ko. Thanks," an
**KEIZER's POV** PINANOOD ko lang si Cassy at si Layla na noon ay nasa pool. Iba ang saya ng kapatid ko. Nagkukwento siya na para bang, matagal na silang magkakilala ni Cassy. Natural na siguro sa kapatid ko na magtalambuhay sa mga taong komportable siya. Si Cassy naman, nakangiti. Yung ngiti na kapag kinausap mo siya, gagaan ang pakiramdam. Isa pa, yun yung mga ngiti na gusto kong masulyapan sa kaniya. Hinigop ko ang kape ko habang nakatutok sa kanila. Katabi ko si Ronald na ginagaya rin ako. Nakahawak ng kape at pinapanood ang dalawa. Pero mas okey na yun kaysa makahalata pa siya. "Sir, simula nang dumating si Cassy, parang napapansin ko na ingat na ingat ka sa kaniya. Your risking your life just for her lalo na noong kidnappin siya ni Don Alfonso." Kamuntikan ko ng maibuga ang kape ko nang marinig ko iyon kay Arnold. Kakaisip ko lang na hindi siya mag-iisip ng kakaiba pero nakakapansin rin pala siya. "Hindi naman. Simula kasi ng dalhin ko siya sa bahay, naging masayahin ni
HINDI gumising ng maaga si Cassy. Kasi hindi naman darating si Keizer. Nalungkot siya kahit papaano, kasi inaasahan pa naman niya na darating ito. Maging ang kaniyang mga trainor ay di rin matutuloy, ayun yun kay Ronald. Idagdag pa na, hindi pa ito tumawag sa kaniya noong isang gabe. Naiintidihan naman niya iyon, kasi baka may katransaction siya. Bilang isang Mafia Leader, kailangan naka secured lahat ng transaction niya upang di pumaltos. Para siyang na-drain na battery nang umagang iyon. Walang kagana-gana at walang kabuhay. Nakahilata lang siya sa kama habang nagmumuni-muni. May kumatok sa kaniyang pintuan. Alam niyang si Ronald iyon. Ipapaalam na naman sa kaniya na kakain na. "Lalabas din ako maya-maya," aniya sa kumakatok. "Ma'am, mainit pa po ang agahan kaya bumangon na po kayo." "Ayos lang. Iinitin ko nalang sa microwave." "Pero Ma'am, kailangan niyo na pong mag-agahan. Tumawag po kasi si Sir Keizer." "Tumawag siya?" tanong niya na para bang gusto niyang makasiguro kun
**KEIZER's POV**Pinalagitik ko ang aking leeg, matapos manggulo ang babaeng yun. Hindi ko alam kung anak ba talaga yun ng mayaman dahil parang hindi nag-aral. Ilang beses ng napahiya pero patuloy pa rin siyang gumagawa ng kaniyang kahihiyan.Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Layla. Nakangiti ito at alam kong may hihingin na naman 'tong pabor. May pahalik at yakap pa sa akin. Ganito naman lagi e. Nagtatampo ng malala pero agad rin nakikipag-bati."May kailangan ka na naman nuh?" sabi ko sa kaniya. Malawak syang ngumiti sa akin dahil nahalata ko siya."Kuya,puwede bang dalhin ko dito si Agnes?"My brows frown when I heard that. Akala niya ata, wala akong alam sa pagkatao ng kaibigan niyang iyon. "Nope."Mabilis nag-iba ang kaniyang timpla. From sweet and clingy temper to pouty childish irap girl ang atake. Yung tipong gusto niya akong sumbatan at hindi nga ako nagkamali. "Eh bakit si Ate Cassy, puwede rito? Allergy ka ba Kuya kay Agnes?" "Hindi lang allergy, magkakabu
HINDI maiwasan ma-excite ni Cassy sa tuwing tumatawag si Keizer. Halos araw-araw apat na beses itong tumawag. Daig pa ang mag-jowa na hindi matiis ang isa't isa. Pero sempre, ayaw magpahalata ng dalaga na hinihintay niya ang tawag mula sa telepono si Keizer. "Nakapagtanghalian ka na ba?" tanong ni Keizer sa telepono habang nakaharap sa kaniyang laptop. "Oo. Hinatiran nila ako kanina ng fastfood,. Baka nga tumaba na nga ako rito. Namimiss ko ng mag-training.," kaswal na sagot ni Cassy. "…is that so, magpapadala ako ng trainor dyan. You supposedly rest." "Pagod na pong mag-rest. Gusto ko pang matutong lumaban para maisalang na ako sa mga kombate." Nakagat ni Keizer ang labi. Kahit kagagaling lang kasi ni Cassy sa trauma, ang gusto pa rin nito ang iniisip. Tinatrato na nga siyang disney princess pero iba pa rin ang hanap. "Okey, maghintay ka lang dyan bukas. At mag-relax ka na rin." "Ahhh ano—" "What?" curious na tanong ni Keizer sa naputol sanang itatanong ng dalaga.
GUMALAW si Cassy kaya mabilis na umiwas si Keizer. Kinuha ang kaniyang cellphoe at kunwari ay nagtitipa. Pero tumagilid lang ang dalaga. Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil sa nangyari. Akala niya mahuhuli na siya ng dalaga. Baka mapagkamalan pa siyang child abuse. Pero… napaisip si Keizer kung bakit niya nagawa iyon. Gusto na ba niya ang dalaga? May gusto ba talaga siya rito?Hinawakan niya ang kaniyang dibdib na para bang pinapakiramdaman ang tibok ng kaniyang puso. Tinitigan niya ang dalaga at totoo nga, bumibilis ang kaniyang puso. "No, hindi ito puwede," aniya sa sarili. Pero huli na dahil nahulog na talaga siya sa dalaga. Nahiga siya sa couch at doon nahiha. Para kahit papaano'y mabantayan niyan ang dalaga.Kinabukasan nga'y nakita ni Cassy si Keizer na natutulog sa isang couch. Hindi niya naiwasan mapangiti. Uupo sana siya kaso naramdaman niya ang pananakit ng boung katawan niya. Naalala niya, kamuntikan na pala siyang mab*boy ni Don Alfonso. Kaya masuyong pinagmasdan







