LOGIN
“Honey, where are you? It’s already late,” nag-aalalang tanong ni Alessandra sa kaniyang asawa mula sa hawak na cell phone. Wala siyang tigil sa pabalik-balik na paglalakad sa dining area ng kanilang mansyon.
Lagpas hatinggabi na ngunit wala pa ito. Dinig na dinig niya ang halakhakan at malakas na tugtog mula sa kabilang linya. Siguradong naglalasing na naman ito sa isang exclusive bar kasama ang mga kaibigan. “It’s just drinks with the guys, Alessandra. Seriously, don’t wait up. And please, no more calls!” Bakas ang pagkairita sa tinig nito. “B-but– ” Naputol ang nais niyang sabihin. “Ugh, Fredie, is that her again? Seriously, ditch the call and let’s play other game. Your boring wife can wait. I am more exciting than her.” Napakagat siya ng pang-ibabang labi nang marinig ang malanding tinig ng babae mula sa kabilang linya, at batid niya kung kanino iyon– kay Lillian na secretary nito, sumunod ay ang tunog ng pinatay na tawag. Hindi na lingid sa kaniyang kaalaman ang relasyon ng dalawa. Ilang beses na siyang pinadalahan ng mga pribadong litrato kung saan magkahalikan ang mga ito, o kaya’y magkayakap. Mayroon ding mga larawan na magkatabi ito sa kama na kapwa hubo’t hubad. Madalas mula iyon sa kaniyang stepbrother na si Rafael, para asarin siya at ipamukhang mali ang kaniyang mga desisyon. Paraan na rin iyon ng lalaki para pasakitan siya dahil masaya itong makita siyang nahihirapan. Nanlulumo habang lumuluha siyang napaupo sa harapan ng mga inihanda niyang pagkain. Today is their wedding anniversary. Sinadya niyang magluto ng mga paborito nito ngunit nasayang lamang ang kaniyang effort. Dinampot niya ang mamahaling relong pambisig na dapat sana ay regalo niya, ngunit tila wala iyon sa isip ng asawa. Mas pinili nitong samahan ang mga barkada kaysa sa kaniya na kabiyak nito. Ibang-iba na ito kumpara noon na dati’y hindi nakaliligtaan ang mahahalagang okasyon. Palagi rin nitong ipinaparamdam kung gaano siya kamahal at kaimportante. Hindi ito pumapalya sa paghahanda ng mga surpresa. “Hindi ka pa ba sanay?” sambit niya sa sarili kasunod ang pagpahi ng luha mula sa kaniyang namamaga na mga mata. Tumayo siya at sinimulang ligpitin ang mga inihandang pagkain sa hapag. Katatapos niya lang sa kusina nang tumunog ang kaniyang cell phone. Binuksan niya ang mensahe, kalakip niyon ay ang mga litrato kung saan gumigiling habang nakalingkis sa katawan ni Fredrinn si Lilian. Para siyang tinarakan ng punyal sa dibdib. Muling bumuhos ang kaniyang mga luha. Nag-ring ang kaniyang cell phone, Rafael is calling. She answered it. “What do you want?” garalgal ang tinig, pagod, at walang buhay niyang tanong. Wala siyang lakas para patulan ang mga kalokohan nito. The man laughed wickedly. “Let me guess, you’re crying right now, aren’t you? Like I said, I’ll never let you be happy while I’m still around.” Malaki ang galit nito sa kaniya, dahil sa paniniwala nito na silang mag-ama ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang pamilya. Sumama sa kaniyang ama ang ina nito nang malugi ang negosyo ng dating asawa. Iniwan daw nito ang sariling pamilya para sa pera. Hindi naman niya iyon pinapaniwalaan dahil batid niya kung gaano kamahal ng kaniyang stepmom ang kaniyang ama. “Yeah, I’m crying! Are you happy now? M-masaya ka na ba na malamang nagdudusa at nahihirapan ako ngayon?” Kasunod niyon ay ang malakas niyang paghagulhol dahil sa sakit na nadarama. Wala siyang pakialam kung marinig nito ang kaniyang pag-iyak, ang nais niya lang ay mailabas ang bigat na kinikimkim sa dibdib. Hindi na ito nagsalita hanggang siya na mismo ang pumutol ng tawag. “Bastard!” galit niyang sabi. Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang silid. Pasubsob siyang humiga at sa unan ibinuhos ang hindi maubos-ubos na luha hanggang sa gupuin siya ng antok. Naalimpungatan siya nang marinig ang ingay mula sa sala na tila may nabasag. Tumingin siya sa orasang nakapatong sa maliit na table na nasa gilid ng kaniyang kama. Pasado alas tres na ng madaling araw. Marahan siyang lumabas para silipin ang nangyayari sa sala. Una niyang napansin ay ang nabasag na bote ng alak sa sahig. Ngunit natuptop niya ang kaniyang bibig nang magbaling ng tingin, nanlalaki ang mga mata nang makitang umiindayog sa ibabaw ni Fredrinn si Lilian. Nakaangat ang maiksing bestida nito hanggang baywang, walang pang-ibaba na saplot. Nakatingala naman ang lalaki sa kisame, nakababa ang pantalon nito sa sahig. Panay ang ungol na tila nag-e-enjoy sa ginagawa ng babae. Paminsan-minsa’y pumipisil ito sa dibdib ni Lilian na sinasabayan ng pagsipsip at pagdila. Maya-maya pa’y nagpalit ng posisyon ang dalawa, inangat ni Fredrinn ang dalawang binti nito, saka mabilis na umulos nang umulos. Kitang-kita sa ekspresyon ng kaniyang asawa ang gigil at pagkasabik. Durog ang pusong patakbo siyang bumalik sa silid. Masakit ang kaniyang mga mata kinabukasan. Namumula at namamaga ang mga iyon. Inayos niya ang sarili bago bumaba sa kusina. Nasa sala na ang kaniyang asawa, prenteng nakaupo sa sofa. Ngunit ang nakaagaw ng kaniyang atensyon ay ang black eye nito sa kanang mata, at pasa sa gilid ng putok na labi. “Ano pa ang tinitingin-tingin mo riyan? Magluto ka na ng almusal! Damihan mo, Lilian is here,” paasik nitong utos. “W-what happened to your face? S-sino ang nakaaway mo?” Kahit nasasaktan, hindi niya pa rin mapigilan na mag-alala. “Who else would have the nerve to do this? It was your jerk stepbrother, obviously! And just stop talking, Alessandra. Do what I told you, now!” Ibinato nito ang throw pillow at tumama iyon sa kaniyang mukha. Kagat-labing pinulot niya iyon at ibinalik sa sofa. Mababa ang tinging tinungo niya ang kusina upang ipaghanda ang mga ito ng pagkain. “Fredie, I’m starving! Is our breakfast ready, hmm?” maarteng tanong ng secretary nitong si Lilian. Mahigpit siyang napahawak sa handle ng kawaling nasa kaniyang harapan habang pinapakinggan ang usapan ng mga ito. “Not yet. But if you’re really starving, maybe you could eat me. I’m quite delicious,” ganting landi ng kaniyang asawa. Aksidenteng natabig niya ang kawali dahil sa narinig. Napahiyaw siya nang mapaso ang kaniyang kamay ng mainit na mantika. Mangiyak-ngiyak siyang napaupo sa sahig. Salubong ang mga kilay ni Fredrinn nang pumasok sa kusina, kasunod si Lilian na nakapulupot sa braso nito. Angat ang isang kilay ng babae, pauyam na nakatingin sa kaniya. “Seriously, Alessandra? Are you stupid? How hard is it to do one simple thing right? Or is this just another one of your tricks to get my attention?” Galit na hinaklit nito ang kaniyang braso. Napaigik siya sa sakit. “W-why would I do that, Fred? B-bakit ko naman sasaktan ang sa– ” Naputol ang kaniyang katuwiran nang isang malakas na sampal ang kaniyang matanggap mula dito. Bumakat ang malaking palad nito sa kaniyang makinis na mukha. Nangingilid ang mga luhang nasapo niya ang pisngi habang nakatingala sa lalaki. “Alessandra, hindi mo kailangang saktan ang sarili mo para lang mapansin ka. T-no-torture mo lang katawan mo,” bait-baitang sabi ni Lilian, pagkatapos ay masuyo nitong hinaplos ang dibdib ng kaniyang asawa. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao dahil sa galit. “Fredie, your wife needs you. You should try to spare some time for her,” dagdag pa nito. Iniiwas ni Fredrinn ang mata sa kaniya at bumaling sa direksyon ni Lilian. “Ignore that trash. Go find something to wear in her closet. We’re eating outside.” “Okay!” Mabilis na tumakbo si Lilian patungo sa kaniyang silid, tinalikuran naman siya ng lalaki. Ni hindi nito sinulyapan man lang ang namumula niyang kamay, bagkus ay sinaktan pa siya nito. Ibinabad niya ang kamay sa tubig na may yelo para maibsan ang sakit. Pumasok si Lilian sa kusina, kusang dumako ang kaniyang mga mata sa direksyon nito. Nakangiting umikot ito sa kaniyang harapan. “Maganda ba, Alessandra? Bagay ba?” Napatiim-bagang siya habang sinusuyod ito ng tingin. Suot nito ang isa sa mga limited edition niyang dress at sapatos. Ngunit ang pumutol ng kaniyang pasensya ay ang suot nitong kuwintas na hugis tala. Kauna-unahang regalo iyon ni Fredrinn sa kaniya. “Bakit mo suot iyan? Ibalik mo iyan!” Lumapit siya sa babae, tinangkang hablutin ito ngunit bago niya pa ito mahawakan ay natumba na ito sa sahig. “Fredie, help!” sigaw nito. Patakbong tumungo sa kanila si Fredrinn. “What’s happening here, Alessandra?” madiing tanong nito. “I-I didn’t touch her!” aniya. “Liar! You pushed me! Galit ka dahil sinuot ko ang damit at alahas mo!” Umiyak si Lilian. Galit na itinulak siya ni Fredrinn. Sa lakas niyon ay sumalya siya sa mga cabinet na nasa ibaba ng sink. “Do that again, and you’ll face your consequences!” Inalalayan nitong makatayo si Lilian, nginitian naman siya ng babae na parang nakaloloko bago lumisan ang mga ito. Nanlalata na kinuha niya sa bulsa ang cell phone, itinipa ang numero ng kaibigan niyang si Shamy. “Hello, Shamy? Magkita tayo.” Kaagad naman itong pumayag. Pagkarating sa usapang lugar, hindi ito nag-atubiling sermonan siya. “Alessandra, are you out of your mind? Look at yourself! Ikaw pa ba ang Alessandra na kaibigan ko?” Napayuko siya at napaluha. Maga ang pisngi, may malaking paso sa kamay, malaking pasa sa braso gawa ng paghaklit sa kaniya ng asawa, at bukol sa ulo na tinamo niya mula sa pagkakatulak nito. “I-I’m tired . . . B-but I love him. H-he saved my life, at nangako akong sa kaniya ko lang iaalay ang buong buhay ko,” aniya na nangangatal ang mga labi. Napatingala at napatapik sa noo si Shamy. “My God, Alessandra! Kalimutan mo na ang pangako mong iyan! Martir ka ba, ha? Physical attack enjoyer ka ba, ha? Iyan ba ang love language para sa ’yo? Wake up!” Kulang na lang ay sampalin siya nito. “H-hindi ko na alam ang gagawin ko,” aniya. Naiiling na hinila siya nito patayo. “S-saan tayo pupunta?” “Sa clinic, malamang! Hindi ko masikmura na makita kang ganiyan,” dismayadong sabi nito. Pinayuhan siya ng doktor na magpahinga. Binigyan din siya ng ointment para sa kaniyang paso at pasa. Matapos iyon ay nagpaalam na siya kay Shamy. “Salamat, Shamy, sa pagsama sa akin. At sa walang sawa na pakikinig sa akin. S-sorry kung . . . nadismaya ka sa akin,” nakayukong sabi niya. Niyakap siya ni Shamy at masuyong hinagod ang kaniyang likod. “Huwag kang mag-sorry sa akin, say sorry to yourself. Alessandra, please . . . mag-isip-isip ka. I know love isn’t always easy, and sometimes it hurts. But if the pain is all you feel, and you can’t even find a reason to smile, it’s not love anymore. Trust me, sometimes you have to let go of what you treasure to find your real happiness.” Lalo siyang naiyak sa sinabi nito. Gabi na nang makauwi siya sa mansyon. Natigilan siya sa paghakbang nang makita si Lilian sa sala, kumakain habang nanonod ng T.V. Nakataas pa ang mga paa nito sa sofa na para bang sarili ang bahay. Nagkalat din ang boxes ng pizza, cups ng mamahaling milk tea, at supot na may tatak ng iba’t ibang fast food chain. Napasulyap ito sa kaniya ngunit kaagad na umirap. “Ano ang tinitingin-tingin mo? Umalis ka nga! Nawawalan ako ng ganang kumain sa ’yo!” Napabuga na lang siya ng hangin bago dumeretso sa kuwarto. Nadatnan niya roon si Fredrinn, topless at mukhang katatapos lang maligo. “Hindi ka ba marunong kumatok!” Iritableng tanong nito, madaling nagsuot ng damit na para bang ibang tao siya. “Fred, I’m your wife. D-do I have to knock on the door now, even in our own room?” Hindi na ito umimik ngunit gusot pa rin ang mukha. Binangga pa nito ang kaniyang balikat bago lumabas ng silid. Nanlulumo na napaupo na lamang siya sa kama. Mariin siyang napapikit. “Kailan ba ito matatapos? Kailan ba tayo babalik sa dati?” Muli, lumandas ang luha mula sa kaniyang mga mata habang ginugunita ang masasaya nilang mga sandali ni Fredrinn noong wala pang Lilian sa buhay nila. Naalimpungatan siya mula sa pagkakatulog nang marinig ang mga tinig sa labas ng kanilang silid. “Fredie, ano bang ginagawa mo? Nakikiliti ako! Baka magising ang asawa mo,” mahina ngunit malanding sabi ni Lilian na sinasabayan nito ng pag-ungol. Sa himig pa lamang nito ay alam na niyang may ginagawa na namang kababalaghan ang dalawa. “As if I give a damn. Babe, your melons are so big and desirable! You’re so much hotter than that cheap woman.” Kasunod niyang narinig ay ang pagbukas ng pinto sa kabilang silid. Naikuyom niyang mariin ang kamao. Hindi na niya kaya ang ginagawa ng mga ito. Lumabas siya para silipin ang dalawa, at para siyang pinapatay habang pinapanood ang mga ito mula sa nakaawang na pinto. “Damn, babe! U-ugh! Y-you’re fucking huge!” halinghing ni Lilian habang inuulos ito ni Fredrinn mula sa likuran. Wala ring tigil ang kamay nito sa paglamas sa dalawa nitong dibdib. “You like it, huh?” tanong ni Fredrinn na mas bumilis pa sa pag-atras at abante. “Yes, o-ooh, please! Harder, babe!” Halos mayanig ang buong katawan ni Lilian sa pwersang ginagamit ng kaniyang asawa. Galit na pumasok siya sa kuwarto, mabilis na naghiwalay ang dalawa ngunit hindi inalintana ang kaniyang presensya. “Alessandra, wanna join us?” Lumuhod si Lilian sa harapan ng kaniyang asawa at walang hiyang nilamon nito ang lalaki nang buo, sabay nilaro nito ng dila ang pag-aaring iyon ni Fredrinn habang nakatingin sa kaniya. Nanginig ang kaniyang buong katawan sa galit. “Mga baboy! Papatayin kita!” hysterical na sigaw niya. Dinampot niya ang flower vase sa lamesa at akmang ipupukpok sa babae, ngunit mabilis siyang nasuntok ni Fredrinn sa mukha. Bumagsak at nabagok ang kaniyang ulo sa sahig. Kaagad na pumulandit at umagos ang dugo mula sa kaniyang ulo. “Oh my gosh, Fredie? Is she dead? You killed her,” tanong ni Lilian na tumatawa pa. Sinampal-sampal pa nito ang kaniyang mukha. “Then, let’s bury her,” kibit-balikat na tugon na tugon ni Fredrinn sabay hila sa babae. Siniil nito ng halik si Lilian, ipinagpatuloy ang kababuyan sa kaniyang harapan. Habang umuungol ang mga ito sa sarap, siya naman ay naghihingalo. Muling pumatak ang ilang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata habang inaaninag ang nanlalabong imahen ng dalawang taksil. Hindi niya batid kung ano ba ang nagawang mali, bakit humantong siya sa sitwasyong ganito? Sa kaniyang isip ay lihim siyang sumambit, “Kung bibigyan ako muli ng pangalawang pagkakataon, hinding-hindi na ako magkakamali sa pagpili ng tamang taong mamahalin. Hinding-hindi ko sasayangin ang buhay ko sa isang walang kuwentang lalaki na kagaya niya.” Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, natuod siya mula sa kinatatayuan. At ang unang bumungad sa kaniya ay ang gusot na mukha ng kaniyang stepbrother na si Rafael. Bakas sa guwapo at maangas nitong mukha ang matinding galit sa kaniya. “What’s happening? Am I . . . alive?” Dinama niya ang balat. “It’s warm. Hindi panaginip lamang!” Napangiti siya at napatitig sa mukha ni Rafael. “Buhay ako!” malakas na sabi niya. Lalong nagsalpukan ang makakapal na mga kilay nito. “Nabagok ba ang ulo mo sa kung saan at tuluyan ka nang nabaliw? Tandaan mo ito, Alessandra, I’m never going to let you and Fredrinn be happy! Even if you get married, I’ll destroy your lives, just like you destroyed my family.” Galit na hiniklas nito ang kaniyang braso na nagpabalik sa kaniyang katinuan. Na-realize niyang limang taon iyon bago ang kasal nila ni Fredrinn. Nanginang ang kaniyang mga mata. Nagtitili siya sa tuwa, wala sa isip na niyakap niya ang lalaking kaharap. Nanigas naman mula sa pagkakatayo si Rafael, naguguluhan . . .“R-Rafael, bumangon ka. H-huwag mo kaming iwan ng anak mo! P-please bumangon ka!” hysterical niyang sigaw habang niyuyugyog ang balikat ng kasintahan.Basang-basa ng luha ang kaniyang mga mata, sumisikip din ang kaniyang dibdib. Nilingon niya ang mga kasama, seryosong nakatingin lang ang mga ito sa kaniya.“D-dalhin natin siya sa hospital, tulungan niyo ako!”Sinubukan niyang buhatin si Rafael, ngunit ni isa ay wala pa ring kumikilos.“Huwag ka nang magsayang ng lakas, Alessandra,” mahinang sabi ni Enrico sa kaniya. Napayuko ito, umuga ang mga balikat. Tinakpan nito ang bibig at tila impit na umiyak.“N-no! No! H-hindi siya maaaring mawala!” Niyakap niya nang mahigpit ang kasintahan. Naramdaman niyang gumalaw si Rafael, nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa mukha ng lalaki.Nabitawan niya ito nang mapagtanto na dilat na dilat ang mga mata nito, kasunod ang pagkawala ng hagalpak na tawa. Ganoon din si Enrico na akala niya ay umiiyak, tinakpan pala nito ang bibig para pigilin ang
NAALARMA ang mga kasamahan nila pagkarinig ng mga ito sa sigaw ni Alessandra. Nang mapagtanto na nahihirapan na makaahon sa tubig si Rafael, madaling lumusong sa tubig sina Hector, David, at Enrico.“Alessandra, hold my hand!” ani Enrico sabay hawak sa kaniyang braso. Mahigpit siyang nangapit sa malaking braso nito. Si David at Hector naman ay pinagtulungang maiahon sa tubig si Rafael.Hapong-hapo ang lalaki nang tagumpay silang mailigtas.“Are you alright, honey?” aniya habang hinahaplos ang likod ni Rafael. Pilit itong ngumiti sabay tango. “I’m fine. T-thank you everyone for saving me.” Tumayo ito mula sa pagkakasadlak sa buhangin. Pagkasabi niyon ay tumalikod ito, laglag ang balikat na naglakad papalayo.Tahimik na tinanaw na lamang nilang apat ang likod nito. Naramdaman ni Alessandra ang isang kamay na lumapat sa kaniyang balikat. Tiningala niya ang may-ari niyon, si Enrico.“Matigas ang ulo niya pero alam ko na malalagpasan niya rin ang trauma na ’to. Sana bigyan mo ng mahabang
“I believe I deserve a substantial bonus for this work. I invested significant time and effort to track down these two,” proud na sabi ni Enrico nang mabitbit nito sa harapan ni Rafael ang dalawang salarin sa aksidenteng kinasangkutan ni Alessandra.Umigkas ang kaniyang panga pagkakita kay Fredrinn. Kwenelyuhan niya ito sabay ang pag-angat ng kaniyang kanan na kamay. Isang ubod nang lakas na suntok ang natamo ng lalaki mula sa kaniyang na halos ikatabingi ng mukha nito.“Alam mo bang nalagay sa alanganin ang buhay ng mag-ina ko dahil sa ginawa ninyong dalawa?!” matalim ang mga matang sabi niya sa lalaki. Takot na napasuksok sa isang gilid si Lilian.Matapang na sinalubong naman ni Fredrinn ang kaniyang nagbabaga na tingin. “Sa tingin mo ba ginusto ko iyon, ha? Kung hindi ko ginawa, ako ang papatayin ng ama mo! Pinagbantaan niya ang buhay ko, ano ang gusto mong gawin ko?! Tahimik na ang buhay ko, ayaw ko na ng gulo! Umiiwas na nga ako sa inyo, ’di ba? Kasalanan ko ba kung wala akong ka
“I’M fucking serious, bro. Wala talaga akong interes sa mga bagay na pinaghirapan mo,” nakataas ang kanang kamay na sabi ni Enrico na tila nanunumpa.May kinuha ito sa drawer ng table na mga folder at ibinigay iyon sa kaniya. Kinuha naman iyon ni Rafael mula sa kapatid.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita roon ang deed at affidavit of transfer ng kumpanya sa pangalan niya. Totoo nga ang sinasabi nito.“Ano ang kapalit ng mga ito?” Wala pa rin siyang tiwala rito. Hindi niya kasi mabasa ang iniisip nito. Hindi niya batid kung kailan ito nagsasabi ng totoo at kung kailan ito may binabalak na masama.“Wala nga. Akala ko ba matalino ka, bakit hindi mo maintindihan ang simpleng sinasabi ko? Ang nais ko lang, ituring mo akong kapatid mo.”May kinuha ito muli sa drawer na mga papel, inilapag nito iyon sa lamesa. Kinuha naman iyon ni Rafael para pasadahan ng tingin. “Ibinigay ko kay Liza ang mga kopya niyan para ibigay sa ’yo. Hindi ko batid kung nagawa niya ang ipinagagawa ko o hindi,
Nagsampa sila ng kaso laban kay Fredrinn at Lilian, ngunit naglaho na parang bula ang dalawa. Naging wanted ang mga ito, magbibigay rin sila ng malaking pabuya sa kung sino ang makapagtuturo sa dalawa.“You may not go outside without me or the bodyguards, is that clear? Lilian and Fredrinn are currently wanted by authorities, and we have no way of knowing when they could target us,” babala ni Rafael kay Alessandra habang nag-uusap sila sa pool area, kumakain ng breakfast. Mas mabuti na iyong nag-iingat kaysa mapahamak na naman ang kaniyang mag-ina.Tahimik namang napatango si Alessandra habang kumakain. Ramdam niya ang pananahimik nito kaya naman mabilis na kinuha nito ang kamay ng babae, kinintilan iyon ng magaan na halik.“I know you’re worn out from everything that’s been going on right now, baby. But I promise you . . . everything is going to be okay.”Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alessandra. “Totoo, nakakapagod. Bakit kasi ang hirap maging masaya? Bakit may
MABILIS na rumesponde ang ambulansiya para sagipin si Alessandra. “Maaaring tumabi muna kayo at bigyan ng espasyo ang pasyente!” sabi ng isa sa mga rescue.Sinuri nito ang mga mata ni Alessandra para tingnan kung mayroon siyang malay. Umiling ito. Sumunod nitong sinuri ay ang kaniyang pulso, pagkakuwa'y tumango-tango ito.“She’s still breathing. Tulungan niyo ako!” sabi nito. Matapos lagyan ng bandage ang kaniyang duguang ulo, tulong-tulong na binuhat ng mga ito si Alessandra para isakay sa stretcher. Nanlalamig ang mga kamay ni Rafael, butil-butil din ang pawis nito sa noo. “P-pakiusap, iligtas niyo po siya. N-nagdadalang-tao siya . . .” nanginginig ang mga labing pakiusap nito.“Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?”“F-fiancè niya ako,” mabilis na tugon ni Rafael.“Sumama ka sa amin at sagutin ang ilan naming katanungan.”Sumakay sila sa ambulansiya at dumeretso sila sa hospital. Kaagad na dinala ng mga ito si Alessandra sa emergency room para isalba.Walang tigil sa pag-usal ng t







