Share

CHAPTER 1

Author: ColaPrinsesa
last update Last Updated: 2025-10-23 01:17:02

“Stop hugging me!” asik ni Rafael kay Alessandra, mabilis naman siyang kumalas mula sa pagkayakap sa binata.

“Are you insane? How dare you touch me like that?” sabi pa nito habang pinapagpag ang polong suot na bahagyang nagusot.

“I’m so sorry, Rafi! I was just so happy to see you that I couldn’t help but hug you!” Nangingilid ang luha sa mga mata niyang sambit. Bukal iyon sa puso niya.

“Hah! Happy to see me? Did you forget you smashed my car just yesterday? And stop calling me Rafi!”

Nangatngat niya ang kuko sa hinlalaking daliri. Hindi niya akalain na ganoon kalala ang kanilang asaran na dalawa. Pilit na hinamig niya sa alaala kung ano ang nangyari, bakit niya nagawang sirain ang kotse nito? Pagkakuwa’y pumitik siya sa hangin nang maalala ang dahilan.

“Ah! It’s because you threw my luggage in the pool and stole my passport! My trip to Dubai is ruined because of you!”

Nag-iwas ito ng tingin, tumikhim.

“See? You’re guilty!” dagdag pa ni Alessandra.

“So what if I did? I told you, Ale . . . I won’t allow you to be happy. A trip to Dubai with Cortez? You really thought I’d let that happen?” He proudly smirked na para bang proud na proud sa ginawa.

From the past, gumawa siya ng paraan para matuloy iyon. It’s not really a happy trip. Iniwan siya ni Fredrinn mag-isa sa kanilang hotel room at hindi niya alam kung saan ito pumunta. Last day na ng vacation nila nang bumalik ito, sinabing may mga kinita siyang kaibigan.

Mahina siyang natawa at napailing. Pumalakpak siya sabay tapik sa balikat ng kaniyang stepbrother.

“You did a great job, Rafi! Keep it up! I’ll support you this time!” aniya bago patalon-talon na umalis.

Napakamot sa batok ang lalaki habang tinatanaw ang bulto nito na papalayo.

“She isn’t angry? Or is this just one of her wicked plans to get revenge on me? I know she’s planning now to get a new passport so their vacation can still happen.” Matalim itong tumingin sa kaniya.

Ngunit sa halip na gawin iyon, tinawagan niya ang kaibigan na si Shamy. Mas gugustuhin niyang makasama ang mga taong totoong may malasakit sa kaniya kaysa sa taong may binabalak sa kaniyang masama.

“Hello, Shamy! Let’s go shopping! It’s my treat!” aniya.

Takang hinagod siya ng tingin ni Shamy nang makarating ito sa usapan nilang lugar.

Pasimple niyang kinapa ang mukha.

“Why are you staring at me like that, Shamy? May dumi ba ako sa mukha?”

“No, it’s nothing. I just sense a different energy from you,” sagot nito.

Nangalumbaba siya sa harapan nito, pumikit-pikit para magpa-cute.

“Is it bad or good energy?”

Ikiniling nito ang ulo. “I can’t tell. Anyway, weren’t you supposed to be in Dubai with your boyfriend? What are you still doing here?”

Humagikhik siya. “Rafi ruined my things including my ticket. So, here I am.”

Tumaas ang kilay nito. “And you’re not mad? Tumatawa ka pa, eh! That was one of your dreams.”

Ikinibit niya ang balikat. “Forget about it! All I want today is to spend time with you. Let’s go!”

They started at Lumina Salon, which is famous for its excellent service and relaxing vibe. Pag-aari ang salon ng isa sa mga kaibigan ng kaniyang ama na si Romualdo Delos Reyes. Kilalang negosyante ang kaniyang ama dahil pag-aari nito ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, ang Delos Reyes Trading Company. At dahil siya ang nag-iisang anak nito, kilala rin siya ng ilang mga kaibigan nito. Isa na roon ang owner ng Lumina Salon.

“Good morning, Miss Delos Reyes! Welcome to Lumina Salon. It’s great to see you again. How may I help you?” magalang na bati at tanong sa kaniya ng isa sa mga staff nito na si Mariam.

“Me and my bestie want a new haircut!” Hinila niya si Shamy.

Itinirik naman ni Shamy ang mga mata sa kisame. “Oh God, Alessandra! Hindi ko type ang mga hairstyle mo!” tutol nito.

She looked at in the mirror. Tuwid na tuwid ang kulay itim niyang mahabang buhok na hanggang baywang. Hindi niya pinapagalaw iyon dahil iyon ang nais ni Fredrinn.

“How about a wavy long hair with curtain bangs?” nakangiti niyang suhestyon sa kaibigan.

Nanlaki ang mga mata nito. “Are you sure?”

Matagal na nilang plano iyon, gusto kasi nila ng twinning haircut pero palaging tinututulan ni Fredrinn. But now, she no longer cares.

“Sure!”

After pampering herself, umuwi na siya. Ngunit natigilan nang makarating sa kaniyang bahay.

“What the– ”

Isang bakanteng lote na lamang iyon na puro talahib. Natapik niya ang noo at napailing.

“Stupid, Alessandra! You forgot you’re from five years in the past. This house hasn’t been built yet!”

Nagdesisyon siyang umuwi na lang muna sa bahay ng mga magulang niya. Excited na rin naman siyang muling makita at makasama ang mga ito.

“Tita! Daddy!” patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ng mga ito saka mahigpit na niyakap. Takang nagkatinginan ang mag-asawa sapagkat hindi naman siya ganoon kalapit sa mga ito. Ngunit matapos ang mga nangyari sa nakaraan, ngayon niya napagtanto ang kahalagahan ng pamilya.

Matapos niya kasing makasal kay Fredrinn ay namatay ang mga ito sa isang car accident. Muling pumailanlang ang boses ni Fredrinn sa kaniyang guni-guni.

“Let’s bury her . . . Like what we did to her stepmom and dad.”

Doon niya napagtanto na hindi aksidente ang nangyari sa mga ito. Naikuyom niya ang mga kamao dahil sa sobrang pagkamuhi. Napansin iyon ng kaniyang ama nang mapatingin sa kaniyang mga kamay.

“Alessandra, are you okay?” Romualdo asked. Doon lang siya bumalik sa kasalukuyan.

“I miss you, Daddy . . . Tita Julie! I love you guys!” madamdamin niyang sabi, hindi napigilan na maluha. Hindi niya nagawang masabi iyon noon kaya ngayon niya iyon ipadarama sa mga ito, sa gayon wala siyang pagsisihan.

“Alessandra, anak . . . May nangyari bang hindi maganda?” nag-aalalang tanong ni Julie sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod.

Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap sa mga ito, umiling-iling. “W-wala po, Tita. Na-miss ko lang talaga kayo ni Daddy.” Pinahi niya ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

“Kung may problema ka, nandito lang ako, anak. Handa akong makinig.” Ginagap ng kaniyang madrasta ang kamay niya, marahang tinapik. Mabilis naman siyang tumango.

“Salamat, Tita Julie.”

“Bakit naisipan mong umuwi? Napagod ka na ba sa kakabuntot sa boyfriend mo?” seryosong tanong naman ng kaniyang ama bago kinuha ang tasa ng kape na nasa lamesa. Bahagyang humigop bago muli siyang binalingan.

Ngumiti siya sa ama, iniangkla ang braso sa braso nito.

“Sa ngayon, kayo muna ang gusto kong buntutan. Gusto ko kayong alagaan ni Tita.”

Tumikhim ang kaniyang ama at saka pasimpleng tinanggal ang kaniyang brasong nakapulupot dito.

“What’s your problem? Why are you so clingy today? Nauntog ba ang ulo mo sa kung saan?” Muli itong humigop ng kape at nag-iwas ng tingin.

Mahina na lang siyang natawa. Hindi kasi ito sanay na sweet siya, at hindi rin ito madalas nagpapakita ng emosyon ngunit batid niya kung gaano siya nito kamahal.

“From now on, expect me here every weekend. I’ll cook and spend time with you all. I want to cherish every moment with my family. I don’t want to have any regrets later on.” Napakibit na lang ng balikat ang mag-asawa.

“Wait, hold up! You can cook? Last time I remembered you were banned from the kitchen. May maids tayo na gumagawa noon. We only lost them when your Tita Julie came because she wanted to do the house chores herself. So, what are you planning to cook for us? Hard boiled eggs?” pasimpleng pang-aasar sa kaniya ng ama.

“Daddy!” Ngumuso siya at nagpapadyak. Matipid itong napangiti, tumatawang hinampas naman ni Julie sa balikat ang kaniyang ama.

Kinabukasan, gumawi siya sa department store para bumili ng art materials. Matagal-tagal na rin noong huli siyang nakapagpinta. Hilig niya iyon bago pa man makilala si Fredrinn.

“Okay na siguro ito. Babalik na lang ako kapag may kulang.”

Akmang pupunta na siya sa counter nang banggain siya ng kasalubong. Sumabog sa sahig ang kaniyang mga pinamili. Mabilis siyang yumuko para damputin ang mga iyon.

“Are you blind? Nadumihan mo tuloy ang sapatos ko! Alam mo ba kung magkano ’to?” mataray at sunod-sunod na tanong ng babaeng bumangga sa kaniya. Natigilan siya dahil kilalang-kilala niya ang tinig na iyon.

“What’s wrong? Are you hurt?” tanong naman ng isang lalaki na kilalang-kilala niya rin kung sino.

Para siyang tinakasan ng dugo nang tingalain niya ang mga ito. Si Fredrinn, kasama si Lilian na nakalingkis sa braso nito.

“She ruined my shoes!” nakangusong sabi ni Lilian.

Napatingin sa kaniya si Fredrinn. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang mapagtantong si Alessandra ang tinutukoy ni Lilian. Mabilis na binaklas nito ang kamay ng babae at saka tinulungan siyang pulutin ang materials na nalaglag. Natauhan din si Lilian nang makilala siya.

“Kung ganoon, matagal na silang magkakilala,” aniya sa isip. Mapait siyang napangiti. Matagal na pala siya nitong niloloko kahit hindi pa sila kasal.

“H-honey . . . S-si Lilian pala, kaibigan ko. S-sinamahan ko lang siyang bumili ng mga gamit,” nauutal na paliwanag ni Fredrinn sa kaniya.

Ngumiti siya nang matamis, binalingan si Lilian. “Lilian? Hi, I’m Alessandra Delos Reyes. Sorry nga pala kung . . . nasira ko ang mamahalin mong sapatos.”

Sinulyapan niya ang paa nito. Lihim siyang natawa dahil mukhang hindi naman ito ganoon kamahal. Hindi ito sumagot, bagkus ay ngumuso at umirap sa kaniya.

“What are you doing here? You changed your hair?” Halata sa mukha ni Fredrinn na hindi ito masaya. Gustong-gusto kasi nito ang tuwid at mahaba niyang buhok na ngayon ay wavy at lagpas hanggang balikat na lang.

“Pretty, right? Hindi na kasi ako masaya sa dating buhok ko kaya pinalitan ko na. Ganoon naman, ’di ba? Pinapalitan kapag ’di na masaya?” nakangiti ngunit mariin niyang sabi.

Sunod-sunod na napalunok ang lalaki.

“W-why do you sound different now? T-tinatawagan kita kahapon but you are not answering. G-galit ka ba dahil hindi kita nasundo agad at hindi tayo natuloy sa Dubai? W-what do you want? I’ll make it up to you!” ani Fredrinn.

Lihim siyang napangisi sa isip.

“Fredie, may pupuntahan pa tayo, remember? You promised me!” kontra naman ni Lilian, hinawakan muli sa braso ang boyfriend niya.

“May plano pala kayo,” malamig niyang sabi.

Napatingin siya sa kamay ng babae. Mabilis naman iyong tinanggal ni Fredrinn.

“I want to treat my girlfriend today, Lilian. Let’s do it next time.”

Hinawakan siya sa pulsuhan ni Fredrinn at hinila patungo sa bag section ng store.

“Go, honey. Pick the bag you love. I’ll pay.”

Nahuli niya ang masamang tinging ipinupukol sa kaniya ni Lilian, kaya naman para maasar ito ay ang pinakamahal ang pinili niya.

“I like that one, Fred.”

Napalunok si Fredrinn pagkakita sa hindi mabilang na numerong nakalagay sa price tag nito.

“A-are you sure? M-may mas magaganda pa kaysa diyan,” namumutla nitong sabi.

Gusto niyang humalakhak nang malakas sa nakikitang itsura nito.

“No. I like that one.” Lumapit ang saleslady sa kanila at ibinigay sa kaniya ang bag. Nanginginig pa ang kamay ni Fredrinn nang iabot ang card para magbayad.

“Thank you, honey,” malambing niyang sabi.

“I hate you, Fredie!” sigaw naman ni Lillian. Padabog itong umalis dahil sa inggit.

“Lilian, wait! I’ll call you later, Alessandra. Susundan ko lang si Lilian.” Patakbong sumunod ito sa babae. Napailing na lang siya.

“Here is your receipt, Ma’am!” sabi ng saleslady.

Hindi niya iyon tinanggap, bagkus ay ibinigay dito ang bag na binayaran ni Fredrinn.

“Take it. Regalo ko na lang sa ’yo!” Napanganga ang babae.

“Oh my! Thank you so much, Ma’am!” Halos magtatalon ito sa tuwa. Kaysa naman itapon niya lang iyon sa basura.

Malakas ang ulan nang makalabas siya ng department store. Wala din siyang dalang kotse dahil ayaw niyang mag-drive kanina, ngunit hindi niya inaasahan na uulan nang malakas.

“Ang malas naman!” bulong niya. Nababasa na ang pinamili niyang materials para sa pagpipinta, hindi magtatagal ay lulubog na ang lugar sa baha dahil mababa ang lugar na iyon.

Isang alaala ang nag-flash sa kaniyang isip kung saan na stranded rin siya sa lugar na iyon at napilitang maghintay ng magdamag. Napapitlag siya nang may tumigil na kotse sa kaniyang harapan, bumukas ang passenger seat nito.

“Sakay kung ayaw mong umagahin dito,” anas ng ma-otoridad na tinig. Sinilip niya iyon, at hindi siya nagkamali. Walang iba kundi ang kaniyang stepbrother.

“Maghihintay na lang ako ng taxi,” tanggi niya.

Umangat ang sulok ng labi ng lalaki.

“Sa tingin mo may maglalakas pa ng loob na bumiyahe sa ganito kalakas na ulan? Isa pa, nababasa ka na! Gusto mo bang magkasakit? Gusto mo bang buhatin pa kita mula diyan sa kinatatayuan mo?”

Tama naman ito, kaya no choice na sumakay na siya. Ngunit napatili siya nang magsarado ang pinto. Bigla kasi itong dumukwang sa kaniya at muntik na siyang mahalikan.

“Anong balak mo sa akin, ha?” sigaw niya.

Inis na kinatok ni Rafael ang noo niya na kaagad niyang ikinangiwi.

“Mag-seatbelt ka!” Sabay ikinabit nito ang seatbelt sa kaniya. Maingat na binaybay ni Rafael ang mahabang kalsada sa kabila nang malakas na ulan. Nakahinga siya nang maluwag nang makarating sila sa bahay na tinutuluyan niya. Isa iyon sa pag-aari ng pamilya niya. Wala namang naninirahan kaya nagdesisyon siyang doon na lamang mag-stay.

“Mataas na ang tubig at malakas pa ang ulan. Dito ka na matulog. I’ll prepare the spare room for you,” aniya kay Rafael.

Iniligpit niya muna ang pinamili bago inayos ang magiging pansamantalang silid ng lalaki. Nang maiayos iyon ay naghanap siya ng damit na pwedeng gawing pamalit ng lalaki.

“Pwede ka nang umakyat at magpalit. Ito lang ang available na damit na kasya sa ’yo.” Inabot niya ang mga damit dito na agad naman nitong tinanggap.

“Magluluto lang ako ng makakain natin,” aniya bago dumeretso sa kusina. Umakyat naman si Rafael sa second floor ng bahay.

Napangiti siya nang matapos sa kusina.

“Tinolang manok for today’s ulam!”

Naglagay siya ng dalawang plato sa lamesa para sa kanila ni Rafael. Pagkatapos niyon ay umakyat na siya sa silid para katukin ang lalaki.

“Rafi . . . are you done? The food is ready.”

Nakailang katok na siya ngunit walang sumasagot, kaya naman pumasok na siya sa kuwarto.

“Rafi. . .?” mahinang tawag niya. Walang tao. Hanggang sa . . .

“Do you enjoy being in someone’s room while they’re bathing?” boses ni Rafael mula sa kaniyang likuran. Mabilis siyang napalingon at ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang ayos ng lalaki.

Tanging ang nakatapis lamang nitong tuwalya sa baywang ang nagsisilbing tabing nito sa katawan. Ngunit ang pinakanakaagaw sa kaniyang atensyon ay ang malaking peklat nito sa bandang likod.

Napaatras siya. Ang tubig na nagmumula sa basa at medyo may kahabaan nitong buhok ay lumalandas pababa sa malapad nitong dibdib na sinundan niya ng tingin. Para siyang natuyuan ng laway at napalunok ng ilang beses, lalo nang dumako ang kaniyang mga mata sa bandang tiyan nito kung saan naroon ang nakahilerang anim na matitigas na pandesal na tila kaysarap hawakan.

“Rafi!” sigaw niya nang ipitin siya nito sa pader ng kuwarto.

“Stop staring at me like you want to devour me. You have no idea what I am capable of, but I guarantee you’d enjoy it. A lot,” saad ng baritonong boses nito habang titig na titig sa kaniyang mapupulang mga labi. Hindi sinasadya, nakagat niya iyon dahil sa kabang bumabaliw sa kaniya sa mga oras na iyon.

“Are you actually trying to seduce me right now, Ale?” mapang-akit nitong tanong.

“R-Rafi . . . y-you’re my stepbrother!”

Ngumisi ito sabay hapit sa kaniyang balakang. Nagdikit ang kanilang mga balat, kaagad niyang naramdaman ang init na hatid ng katawan nito.

“I don’t care.”

Unti-unting inilapit ni Rafael ang mukha sa kaniya. Puwede niya itong itulak, ngunit mas pinili niyang pumikit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Stepbrother’s Touch (Tagalog)   CHAPTER 15 (A)

    “A-anong ginagawa mo rito?” tanong ni Alessandra sa lalaki. Mula kasi nang tumungo ito noon sa bahay nila ay hindi na niya ito nakitang muli. Lihim siyang napangiti nang mapait nang maalala kung paano ito pinagselosan ni Rafael noong bigyan siya nito ng mga bulaklak.“Ano pa ba? E, ’di para makita ka.” Luminga-linga ito sa paligid. “Mag-isa ka lang?”“Yeah.” Taka niya itong tiningnan. “W-what can I do for you?”Nangalumbaba ito sa kaniyang harapan, tila isang batang nagpapa-cute.“I came to ask you something important, Sandy . . . I’m looking for a companion to my half-brother’s engagement party, and I was hoping you’d be my date. Would you be willing to come with me? I am sure na invited ka rin naman ng kapatid ko, ‘di ba?”Nag-iwas siya ng tingin at tumanaw sa malayo. Walang alam ang mga ito sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rafael, at ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Isang masalimuot na alaalang pilit niyang nililimot. Binigyan siya ng tadhana ng ikalawang pagkakataon pa

  • My Stepbrother’s Touch (Tagalog)   CHAPTER 14 (B)

    Mahigpit na hinawakan ni Rafael ang kamay ni Alessandra at tinanggal iyon sa pagkakahawak sa kaniya. Mabilis na lumabas siya sa kotse, iniwan mag-isa sa loob ang babae. Iniwasan ang kung ano mang bagay na maaaring mangyari sa kanila sa loob. Lalo pa’t malakas ang hatak sa kaniya ng tukso pagdating kay Alessandra.Dinukot niya ang sigarilyo at lighter na nakatago sa bulsa ng kaniyang jacket, at saka iyon isinubo at sinindihan. Pinakalma niya ang sarili. Nang muli niyang tingnan ang babae ay mahimbing na itong natutulog. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.“You’re beautiful, always have been . . . and even more so now that I'm seeing you again. I still love you more than anything. My feelings for you never really went away, I’ll admit that. But there’s a weight I’ve been carrying, something I haven’t told you yet . . . I don’t think I could ever bring myself to tell you what’s been weighing on me either. Some things are better left unsaid, even if it means c

  • My Stepbrother’s Touch (Tagalog)   CHAPTER 14 (A)

    Sa isang sikat na nightclub dinala ni Shamy si Alessandra.“May I see your I.D. ma’am?” sabi ng security sa entrance ng club na iyon. Kaagad naman silang pinapasok nang makita ang kanilang pagkakakilanlan.“S-sure ka ba na ayos lang suot nating dalawa, Shamy?” Nag-aalangan siyang pumasok. She’s wearing a short, form-fitting midnight blue dress with tiny shiny threads that sparkle under the lights. It has thin straps and a lace-trimmed V-neck. Habang black shiny platform heels na may straps naman ang suot sa paa. She also carries a small silver crossbody bag, wears a thin crystal choker, and silver hoop earrings. Makapal na makeup at pulang-pula rin ang kaniyang nguso.“Oo naman! Ganiyan talaga ang usually sinusuot ng mga pumupunta rito!” Palibhasa’y hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig mag-party. Bukod kasi na wala siyang mga kaibigan bukod kay Shamy, aksaya lamang din iyon ng oras.Malakas na tugtog ang sumalubong sa kanila. Katulad ng sinabi ng kaibigan, ganoon din ang mga

  • My Stepbrother’s Touch (Tagalog)   CHAPTER 13 (B)

    Lumuhod si Rafael sa harapan ng ama. Mawala na ang lahat . . . wag lang ang taong mahal niya. Batid niya kung gaano kahalang ang kaluluwa nito; wala itong sinasanto. “No, please. D-don’t harm her. G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo, h-huwag mo lang saktan si Alessandra,” pagmamakaawa niya. Nakangising itinago nito ang maliit na remote control. Prenteng umupo ito sa harapan niya, tila isang hari na nasa trono. “Umalis ka sa poder ng mga Delos Reyes. Nais kong pamunuan mo ang mga negosyo ko. Dahil kung hindi mo gagawin, titiyakin kong mawawala ang lahat sa ’yo . . . Kasama na ang taong mahal mo.” Mabigat man sa dibdib, sinunod niya ito. Kinagabihan, nadatnan niya ang babaeng hinihintay siya sa sala. Malalim na ang gabi ngunit gising pa ito. Napatayo ito mula sa kinauupuan nang makita siya. “Rafi! Mabuti naman at nakauwi ka na! Kumain ka na ba?” Mabibilis ang hakbang na lumapit ito at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “I miss you. Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko.”

  • My Stepbrother’s Touch (Tagalog)   CHAPTER 13 (A)

    After two weeks, nag-decide silang bumalik muna sa Manila dahil sa mga trabahong naghihintay. Magkasabay na silang umuwi sa bahay kaya nagulat pa si Julie nang makita silang magkasama.“Oh? Bakit napaaga yata ang uwi mo, hija? Magkasama ba kayo?”Nagkatinginan silang dalawa. Senenyasan niya si Rafael na ito ang sumagot.“H-hindi. S-sinundo ko lang siya sa terminal.”Mabilis naman siyang tumango. “O-opo! Nagpasundo ako sa kaniya. A-ayaw ko na po kasi kayong abalahin.” Nakumbinsi naman kaagad ng mga ito si Julie.“Ganoon ba? Sige na . . . Rafael, tulungan mo na si Alessandra na itaas ang mga gamit niya sa kuwarto.” Sumunod naman agad ang lalaki.“Kumain ka muna bago umakyat, Alessandra. Malapit nang maluto ang pananghalian natin, hintayin mo na.”“Salamat, Tita . . .”Hinintay lang nilang makauwi ang amang si Romualdo bago kumain. Maselan sa pagkain ang kaniyang ama, gusto nito ay sa bahay lamang kakain.“How’s your vacation, Alessandra? Bakit umuwi ka kaagad?” tanong ng kaniyang ama ha

  • My Stepbrother’s Touch (Tagalog)   NOTE FROM THE AUTHOR

    Hey everyone! Could I ask you all for a little favor, pretty please? 🥺 If you’ve got a moment to spare, would you consider leaving a comment or giving my story a rating? It would mean the absolute world to me and help get it out there to more readers! Help me promote my story, jebaaallll 🙏 I’d be so incredibly grateful for your support! Thank you all so much in advance, you’re the best! ❤️✨ God Bless you all 💋

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status