Home / Romance / RETURN TO ME / Chapter 11

Share

Chapter 11

Author: JET HERRERA
last update publish date: 2026-09-17 21:09:57

“Gusto mo ba ng litson baka, sir? Sasabihan ko si Leon, sir,” sabi ni Thirdy. “Pupunta tayo doon.”

Naku! Nagsalita pa ang bisaya! sa isip ni Jazz. Baka ipa-produce sila ng litson baka at mabawasan ang savings niya!

“Bakit naman ako pupunta? Hindi naman ako imbitado,” sagot ni LT Calumpang.

“Sabi nga ni Leon pwede kang sumama, Sir,” sabi ni Thirdy.

“Ayaw ko. Kayo na lang. Umuwi kayo agad,” sabi ng opisyal.

Ngumisi silang tatlo. “Yes, sir! Thank you, sir!”

They quickly saluted and r
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fushiguro
ito na yta mghiwalay na sila
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • RETURN TO ME   Chapter 15

    HINDI makatulog si Meg. Kahapon pa kasi siya tumatawag kay Jazz pero hindi nito iyon sinasagot. Alam niyang wala itong lakad kahapon, sinabi nito iyon sa kanya. Kaya hindi niya maintindihan bakit noong tumawag siya ay hindi nito sinagot iyon. Kahit text ay wala siyang natanggap mula rito. Hindi naman sa first time na nangyari iyon. Dahil sa trabaho nito, expected na niyang may mga pagkakataon na hindi ito makatawag o maka-text sa kanya. Baka pagod at nakatulog lang, pangungumbinsi niya sa sarili pero hindi pa rin siya mapakali. “Hindi kaya may kinalolokohang babae `yang boyfriend mo? Kanina ka pa hindi mapakali diyan sa cell phone mo,” sabi ni Quish na nasa kabilang kama. Katrabaho niya ito sa law firm. Nakituloy siya sa boarding house nito at nakikihati siya sa bayad. Malapit lang kasi iyon sa opisina nila. “May inutos lang sa kanya at nagdrive siya papunta sa bayan,,” tugon ni Meg. Iyon kasi ang sabi ni Jazz kanina sa chat. Mamimili ito ng supply ng base sa bayan pero ga

  • RETURN TO ME   Chapter 14

    AKALA NI JAZZ ay nagbibiro lang si LT Calumpang nang sabihin nitong may lakad sila para bigyan sila nito ng leksiyon. Iyon pala ay may misyon talaga sila. Pati si Leon na nakabakasyon ay biglaang na-recall.Mabuti na lamang at sa gabi pa sila lalarga. Isang oras lang ang naging tulog ni Jazz matapos silang ipatawag ni LT Calumpang. Umikot-ikot siya sa kanyang maliit na kama, hindi makatiis sa init dahil limitado ang kanilang kuryente kaya hindi na siya dinalaw ng antok.Bumangon na lamang siya at lumabas sa kubo. Pagdaan niya sa kubo ni LT Calumpang ay nakita niya itong nakaupo at parang may pinag-aaralan. Sigurado siyang terrain iyon.Bilang designated marksman ng squad, kailangan niya ring maghanda. Kaya kahit walang inutos sa kanila si LT Calumpang na gagawin, binitbit niya ang kanyang rifle at pumunta siya sa firíng range nila para i-zero iyon. Naabutan niya roon si Corporal Dimaala, ang scout sniper na naka-attach sa kanilang squad sa misyong iyon. Naroon din sina Leon at Thirdy

  • RETURN TO ME   Chapter 13

    Pakiramdam ni Jazz ay tumahip ang dibdib niya. Hindi naman siya bobo. Kapag ang babae ay nag-alok na samahan ang lalaki sa banyo, alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon. “Let’s go.” Kumapit ito sa braso niya nang mahigpit. Ramdam niya ang init ng palad nito sa kanyang balat. Ang pagkakahawak nito ay mapang-akit, at walang bakas ng pag-aalinlangan.Rinig na rinig niya ang sariling tibok ng puso. Zypher was beautiful, bold, and giving him a green light most men would kill for. Sa ganda nito, sigurado siyang maraming lalaki ang nagkakagusto rito.Hinila siya nito. Ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito ay tila isang hamon na imposibleng tanggihan. “`W-wag na,” nagawa niyang tumanggi. Ngumiti siya at sumimangot ito. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa tuluyang nitong inalis ang kamay sa kanyang braso. “Babalik ako agad,” sabi na lamang niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Sh—t! Parang hinihingal siyang napasandal sa dingding. Nag-iinit siya

  • RETURN TO ME   Chapter 12

    Hindi siya pinansin si Tikboy. Ngumisi lang ito saka sumubo ng pancit. Ipinakilala na lang ni Jazz sina Thirdy at Leon kay Zypher. Ipinakilala naman sila ni Zypher sa mga kaibigan nito. Iyong isa yata ay type pa si Tikboy kasi nahuli niyang palaging tinititigan si Tikboy. It was his turn to tease Esteban. “Type ka yata no’ng isang babae. `Yong naka-mini dress,” pabulong na kausap niya kay Tikboy. Nasa lababo sila at naghuhugas ng kamay dahil tapos na silang kumain. “Mukhang mga wild,” komento ni Tikboy. “May boyfriend na kaya `yon?” “Gusto mong itanong ko?” “Sira! Baka kasi wala pa. Pupunta ba `yon na mag-isa rito kung meron?” Winisikan siya ni Tikboy ng tubig. Umiwas siya. “Bakit parang may balak ka?” Nginisihan niya ito. “Kung makadilat ka sa akin kanina, daig mo pa ang nanay ko. Ikaw naman pala `tong may balak.” “Kung magpaka-wild siya, magpapatalo ba ako?” Nagpatiuna na si Tikboy na bumalik sa mesa. Napailing na lang si Jazz na sumunod. Nagkuwentuhan sila na

  • RETURN TO ME   Chapter 11

    “Gusto mo ba ng litson baka, sir? Sasabihan ko si Leon, sir,” sabi ni Thirdy. “Pupunta tayo doon.” Naku! Nagsalita pa ang bisaya! sa isip ni Jazz. Baka ipa-produce sila ng litson baka at mabawasan ang savings niya! “Bakit naman ako pupunta? Hindi naman ako imbitado,” sagot ni LT Calumpang. “Sabi nga ni Leon pwede kang sumama, Sir,” sabi ni Thirdy. “Ayaw ko. Kayo na lang. Umuwi kayo agad,” sabi ng opisyal. Ngumisi silang tatlo. “Yes, sir! Thank you, sir!” They quickly saluted and retreated before the lieutenant change his mind. Pero napatigil sila sa paghakbang nang magsalita ulit ang opisyal. “Hindi kayo pupunta sa bayan para makipag-party. You are going there on an official mission,” seryosong sabi nito. What? Muntikan nang magreklamo si Jazz. Litson na naging misyon pa! “May asset tayo sa area na kailangan ninyong i-pull out nang tahimik. I want a clean extraction,” patuloy ng tinyente. “May nakatunog daw sa kanya sa area kaya kailangan nating makuha bago pa may

  • RETURN TO ME   Chapter 10

    “Nahawaan ka na yata ni Leon,” komento ni Jazz sa sinabi ni Tikboy. “Hindi ako sasama kapag may babae,” sabi naman ni Thirdy. “Siguradong may babae doon,” sabi ni Tikboy. “Pero alam naman namin na hindi mo papatulan.” “So ano na nga? Pupunta ba tayo? Naghihintay si Leon ng reply ko,” sabi ni Thirdy. “Punta na tayo. Nabuburyong na ako rito,” yakag ni Tikboy. Tila hindi kumbinsido si Thirdy. “I-text ko na lang kaya si Leon na i-remind 'yong girlfriend niya na mag-balot ng pagkain para sa atin.” “Nakakahiya naman mag-sharon ng pagkain,” ani ni Jazz habang maingat na binabatak ang huling linya sa letter 'G' ng apelyido ni LT Calumpang. “Pero 'yong labas natin sa bayan? Delikado 'yan kung walang pirma ni Sir. Parang ayaw ko nang sumama.” “KJ mo naman,” reklamo ni Tikboy habang nakasandal sa posteng kahoy. “Isang oras lang naman tayo sa bayan. Saka malapit lang 'yon, hindi makaubos ng singkwenta pesos na gasolina.”“Sira ka talaga, Tikboy,” sabi ni Thirdy sabay tingin sa direksyon ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status