Share

Chapter Fifteen

Couple of weeks later...

"Bilisan mo, kambal. Nandiyan na ang sundo mo!" malakas na sabi ni Mariz Kaye sa kambal. Hindi naman niya kailangang gawin iyon kaso naaawa naman kasi siya sa nobyo nito na ilang minuto ng naghihintay.

"Haist! Saglit lang, bakit ka ba nagmamadali kambal?" tugon ni Cassandra sa kambal niya.

Kung tutuusin ay siya sana ang excited dahil siya ang may date. Sila ng nobyo niya, ngunit mas excited pa yata ang kambal niya. Kung ilang beses siya nitong tinawag ay hindi niya mabilang. Kaso ang akala niyang nanahimik na ay nasa tabi na pala niya.

"Kambal, hindi mo na kailangan ang magpaganda ng todo-todo. Dahil kung talagang mahal ka niya ay kahit kamukha mo ang ugly duckling ay hindi ka niya oobligahing magpaganda. Tama na iyan, aba'y hindi ka na naawa sa tao, kanina pa siya naghihintay sa iyo." Nakapamaywang ito sa tabi niya.

"Oo na, kambal. Tapos na ako, kaya't tara na sa baba baka itanan pa siya ni muning," tugon na lamang niya na ang tinutukoy niya ay ang pusa nila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status