"Ang bilis din nang panahon, parang kailan lang ng unang araw ko rito sa barko pero ngayon dalawang taon na pala akong nandito. Hindi ko namalayan ang panahon," bulong niya habang nakatanaw sa papalubog na araw while he's standing infront of his cabin.
"Yeah, Bro. Dalawang taon ka na rito subalit kailan man ay hindi pa kita nakitang nakipag-usap sa mga kalahi ni Eva samantalang napakarami lounge. May nagmamay-ari na ba sa puso mo, Bro? O baka naman ako ang type mo?" Napalingon siya dahil sa tinig and only to found out na isa ito sa mga kasamahan niya.
"Tsk! Tsk! Okay na sana kaso dinagdagan mo pa. Hsssh, anong ikaw ang type ko? Tsk! Anong akala mo sa akin bakla? No way! May napupusuan na ako kaya't huwag kang maingay kung ayaw mong ihulog kita sa tubig. Ikaw ang kakainin ng mga sharks upang mas maging mataba sila bago mailagay sa tuna in can na paninda nila sa Pilipinas. Idinadalangin ko ring ikaw ang makabili dahil ikaw din ang mahilig sa tuna." Nakangisi niyang iniumang ang kamao. He didn't mean it, alam naman niyang nagbibiro lang din ito kaya't sinabayan niya.
"Heh! Ang harsh mo ngayon, Engineer Saavedra. Sa ikli ng sinabi ko'y kasing-haba na ng California Bridge ang sinabi mo. Susme, hindi bagay sa tulad mo ang engineer kapag ganyan, Parekoy. Sa korte suprema ka nababagay," napailing nitong sagot.
Gano'n naman talaga sila, they are just the same as the others. They worked, they joke, they laughed and when the time come to be serious they do it altogether. Isa pa iyon sa nagugustuhan niya sa barko. Hindi lang magkakatrabaho ang turingan nila kundi magkakapamilya.
"Ano ba kasing nakain mo at napasugod ka rito ng wala sa oras?" sa wakas ay tanong ni Tommy dito.
"Pinapatawag ka ni Bossing at ang mga kasama natin. Nandoon din ang assistant captain niya pero hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan natin kaya't halika na puntahan daw natin sa private deck." Nakailing nitong itinuro ang tuktok ng barko.
Sa pagkakabanggit nito sa private deck ay agad niyang naisip ang pamilya nang Boss nila. Dahil ang private deck ay sa harap mismo ng cabin nito o ang boss nila kaya't napaisip siya kung ano ang gagawin nila roon samantalang private place iyon, gano'n pa man ay sumunod siya (Tommy) sa kasamang nauna na ring lumakad.
"Congratulations, Iho. You successfully passed your engineering examination. I can pass to you my place now," masayang sabi ni Clarence sa panganay na anak.
Nakapasa na ito sa board examination kaya't pinahatid niya ito sa kinaroroonan nila sa pamamagitan ng private chopper. Malakas pa naman siya, kaya pa niyang pamahalaan ang barko na itinatag niya mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan. Subalit gusto rin niyang ipasa ang trono niya sa anak dahil nais din niyang makapiling ng matagal-tagal ang asawa niya.
"Thank you, Daddy. Kaso hindi ba masyadong maaga para sa turned over? You're still alive and healthy kicking pero bakit mo ipapasa sa akin ang puwesto mo?" tanong ng binata sa ama.
"Naturally, Iho. Dahil miss ko rin ang Mommy ninyo. Kaya't oras na upang ipaalam sa mga kasamahan mo na bukas ay ikaw na ang bagong Boss ng barko. Malay natin dito sa barko mo makilala ang kapares ng puso mo, the same as I am way back then to your mother," wika ni Clarence na hindi mawala-wala ang ngiting nakapaskil sa labi.
Masaya siya dahil sa wakas ay natupad na ang pangarap niyang maipasa sa anak ang puwesto. Aalalayan din naman niya ito ngunit alam niyang kayang-kaya nito ang pamamahala sa barko. Naging saksi sila sa dedikasyon nito sa pag-aaral and his grades prove it all.
"Sasabihin ko rin, Daddy. I mean ipapaalam ko sa kanila sa maayos na paraan. Saka wala pa sina Engineer Saavedra at ang sumundo sa kaniya. About kapares ng puso ko, it's still early to decide about that, Daddy. I want to enjoy first myself as bachelor here in MARGARITA. But even you will stay at home, we will call you to come over wherever the ship is, kapag kailangan ka namin," pahayag ng binata.
"Sure, Iho, I will. But wait, how about your siblings? How are they doing now? Your Mom, how is she? Alam mo namang hindi ako nakatawag nitong mga nakaraang araw kaya't nagulat ako kaninang lumapag ang chopper," sunod-sunod na tanong ni Clarence sa panganay na anak.
"Well, both of them are doing good, Daddy. They still have three years to stay in the university. And Cassandra Keith, made up her mind already, she's an engineering student too and she said she will take over the Herrera Airlines right after her examination and Mariz Kaye will do the same in Herrera Theater so wala pa rin kayong choice ni Mommy kundi ang pamahalaan ang Mondragon Shipping Company." Hinirap ni Brian Niel ang ama na halatang masayang-masaya.
Alam niyang marami itong gustong itanong, malaman sa kaganapan. Specially to his mother, he know too that they are longing each other. Wala lang kasi silang pagpipilian dahil may kanya-kanya silang buhay. And besides MARGARITA is his father's life. Ayun dito ay ibinuhos nito sa barko ang pera noong kabataan. Akmang magsasalita pa sana ito ngunit dumating ang mga engineers na pinatawag nila.
"Ah pasensiya na po, Sir, kung natagalan kami. May bisita pala tayo, Sir," agad na sabi ni Tommy. Hindi nakaligtas sa kaniya ang hindi nalalayo sa edad niyang lalaki. Kung hindi iya nagkakamali'y ahead lang siya ng tatlo o dalawang taon dito.
"Yes, iho. Maybe you're not aware na siya ang panganay kong anak. Marahil hindi mo pa nakita kaya't hindi mo kilala kahit naikuwento ko na sa iyo dati pa. By the way let's go to the ground deck nang sa ganoon ay makapag-usap tayong lahat." Nakangiting bumaling ang Ginoo sa binata.
"Finally I met you in person, Sir Brian Niel. By the way I'll introduce myself personally, I'm Tommy Saavedra." Inilahad niya ang kaniyang palad para sa formal nilang pagkakilala. Tinanggap nito ang palad niya kaso napangiwi siya dahil sa isinagot nito.
"Please to met you, Engineer Saavedra. Hindi ko akalaing ang sinasabing poncios pilate ni Cassandra Keith na nakabanggaan niya three years ago ay nandito. Well nothing to worry about that dahil nakalimutan na rin niya ang bagay na iyan. Ang mahalaga'y naging maayos ang lahat dito sa MARGARITA. But wait, on my way to airport I mean habang nasa biyahe kami'y may nakilala akong mag-asawa I'm not sure of it pero Felimon Saavedra at Sandra Saavedra baka kakilala mo o kaparehas lang ng pangalan mo," anito.
"They are my parents, Sir," tipid niyang tugon dahil wala siyang balak palawigin ang usapan lalo at saklaw ang pinagmulan niya. Kahit anong uri ng usapan ang pag-uusapan nila huwag lang ang mga taong naging dahilan ng pag-alis niya sa bansang sinilangan.
Lihim ding nakamasid ang founder ng barko at sa mahigit dalawang taon nilang pagsasama ng binatang engineer ay masasabi na niyang kilala niya kaya't siya na mismo ang nagyakag sa anak upang ipagpatuloy ang pagpunta sa ground deck ng barko. Paraan na rin niya iyon upang maiwasan ang paglawak pa ng usapan. Halata naman kasing ayaw itong pag-usapan ni Tommy.
Three years later...
"Yehey! I made it! Lisensiyadong engineer na ako! Here I come Herrera Airlines!" Nagtatalon dahil sa kasiyahan si Cassandra Keith habang hawak ang certificate niya na nagpapatunay na isa na siyang certified engineer. She's certified flight engineer.
Sa katuwaan ay napatalon-talon siya. Pakiramdam niya'y nasa heaven siya ng mga sandaling iyon lalo at nasa top ten siya sa board examination result. Kaso sa kasiyahan habang tumatalon-talon siya ay hindi niya napansin ang daanan na kung hindi naging maagap ang nakabanggaan ay nagpagulong-gulong silang parehas!
"Hey, young lady, are you okey?" tinig ng lalaking sumalo sa kanya.
Agad siyang umayos dahil sa narinig, marahil ay na-excite siya masyado kaya't hindi niya napansin ang nakaharang sa dinaanan niya. Buong akala niya'y magpagulong-gulong na talaga siya pero ilang minuto siyang nakapikit dahil sa pag-aakalang sumimplang siya. Naging idol na yata niya ang alipores ng kalampahan!
"Sorry, Sir. Pasensiya ka na sa abala. Siya nga po pala salamat sa pagsagip mo sa akin." Hindi tuloy siya makatingin dito ng maayos. Nahihiya siya dahil masyado na yata siyang naging OA with the results of her board examination.
"Your welcome, young lady. By the way what's your name?" tanong nito.
"Cassandra Keith Mondragon, ikaw anong pangalan mo?" balik-tanong ng dalaga.
Napangiti tuloy ang lalaki, wala na yata siyang itinanong na hindi nito ibinalik. He's amused by innocence of her. Halatang newly passed sa board examination, ayun na lamang sa hawak-hawak nitong certificate. Nakauniform siya ng pang militar kaya't agad niyang tinakpan ang badge name niya kaso nabasa na pala nito.
"Roodney Guerrero, hmmm anong ginagawa ng high ranking official sa lugar na ito?" napapatangong sambit ng dalaga na para bang Inspector dahil pumaikot-ikot sa bagong kakilala.
"Kung hindi ako nagkakamali, Miss Cassandra. Nandito ka upang alamin ang resulta ng board examination mo last month? My youngest sister took exams too kaya't nandito ako upang sunduin siya. By the way mauna na ako diyan sa loob and hopefully magkikita pa tayong muli." Yumukod pa ito sa kaniya.
Hindi na siya nakasagot dahil hindi rin naman nito hinintay ang sagot niya. Ganoon pa man ay pinanood niya itong pumasok hanggang sa nawala sa paningin niya. Kaso napaismid siya dahil sumiphayo sa isipan niya ang huli nitong tinuran.
"Tsk! Anong akala sa akin ng taong iyon, bobo? Natural nakapasa ako kaya nga ako masaya, muntik nga akong sumemplang eh. Hmmm, Roodney Guerrero, sino kaya sa mga kasama kong nag-take ng exam ang kapatid niya? Ma-check ko nga mamaya sa bahay hindi na bale nasa list naman iyan---ahh marami pa namang Guerrero na magkakaparehas ng apelyedo huwag na nga lang. Anong pakailam ko sa herodes na iyon. Makauwi na nga!" animo'y isa siyang bubuyog na bulong ng bulong.
Kaya bago pa man siya matuluyang mabaliw ay hinila na siya ng kanyang mga paa patungo sa kaniyang sasakyan. She didn't want to waste her time in a nonsense matter. Kaya naman ay binuhay na niya ang sasakyan niya kaso natigilan dahil hindi niya alam kung uuwi na ba upang ipaalam sa nga magulang ang resulta o ang magtungo sa Herrera Ticketing Booth. But then, she smiled as she drove off her car. She made her way to the Herrera Ticketing Booth.
"You're finally here, Miss Cassandra Keith Mondragon," masayang salubong ng manager sa dalaga. Imbes na batiin ito dahil nakapasa sa exam ay iyon pa ang nasabi.
Kung tutuusin ay ilang taon na itong nagpapaalam na magretire, hindi nga lang mabitaw-bitawan ng pamilya Herrera dahil sa mahirap makahanap ng taong mapagkakatiwalaan. Nakiusap lang sila na extend muna nito ang pasensiya at panahon hanggang sa makapagtapos ang dalaga. Kaya't hindi nila ito masisisi kung ito ang numero-unong natuwa sa kaalamang board passer na ang dalagang Mondragon.
"Congratulations, Ma'am Cassandra," wika naman ng isa kaya't napakamot sa ulo ang manager.
"Sa katuwaan kong sa wakas ay maipapasa ko na ang Herrera Ticketing Booth ay nakalimutan na kitang batiin, Miss Cassandra. My sincere apologies for you." Napakamot tuloy ito sa ulo.
"Ikaw naman, Sir Manager. No problem about that, it's not a big deal. Saka nararapat nga po na magpasalamat ako sa iyo dahil sa pang-unawa mo. You stayed with us up to the present kahit na kung tutuusin ay matagal ka ng namamahinga from your work. Maraming salamat po, Sir Manager." Lumapit siya rito saka walang malisyang ipinatong ang mga palad sa balikat nito saka bumaling sa mga nandoon.
"Thank you is not enough to express my gratitude of appreciation to all of you guys. Dahil sa pagtutulungan ninyo na pamunuhan ang HTB ay nanatili itong namamayagpag. Bilang pasasalamat ko sa inyo ay may kani-kaniyang kayong bonus mula sa akin sa katapusan. And additional, since na nandito na ako ay aanyayahan ko na kayong lahat na dadalo sa thanks giving namin ng kambal ko two days from now. At siyempre sagot ko na ang lunch natin ngayong araw," masaya niyang pahayag sa mga ito.
Kaya naman ay umingay ang paligid nila. Halo-halong emosyon ang lumukob sa bawat isa sa kanila. Money is important but the real happiness comes from the sincerity of their young Boss. Cassandra Keith Herrera Mondragon.
So it be!
Matapos niyang naipag-order ng lunch ang mga tauhan ng Herrera Ticketing Booth ay masaya rin siyang umuwi. Kailangang ipaalam niya sa mga magulang niya ang resulta ng exam niya. Nauna naman kasing lumabas ang resulta ng exam ni Mariz Kaye kaya't napagdesisyunan ng mga magulang nila na hintayin din ang sa kaniya upang minsanan ang pagod nila sa thanks giving party para sa maluwalhati nilang pagpasa sa board examination as engineers. She's flight engineer while her twin sister is theatrical engineer.
"Ilang taon na ang nakaraan simula umalis si Kuya Tommy, kumusta na kaya siya ngayon? Wala pa kaya siyang balak magbalik-bansa?" tanong ni Tan-Tan sa ina.Isang umaga na nadatnan niya itong naglilinis sa bahay ng young master nila. Kung tutuusin ay hindi ito marumi dahil wala namang gumagamit pero nakasanayan na rin nilang araw-arawin itong linisan. Ang dahilan nila ay hindi nila alam kung kailan ito darating. Kahit anong oras man na susulpot ito kagaya ng bigla nitong pagsulpot sa rancho ilang taon na ang nakaraan ay malinis ang kabahayan."Tama ka, anak. Isang taon pa ang bubuuin mo sa iyong pag-aaral, tangi kong dasal ay makauwi siya bago ka matapos. Kami ang magulang mo pero siya ang gusto naming kasama mo sa entablado. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi tayo sa kaniya," tugon naman ni Aling Tina."Opo 'Nay, alam kong matutuwa siya kapag malaman niyang malapit na akong magtapos. Ano pala ang balita sa Yaya ni Kuya?" muli ay tanong ni Tan-Tan."Bukod sa tumanda na rin ay
"Ano ba, kambal! Sasama ka ba o hindi?!" malakas na tawag ni Cassandra sa kambal niya.Sumubra naman yata ito sa pagkamahinhin sa araw na iyon. Dinaig pa ang alaga nitong pusa na naglilihi. Halos hindi na makagalaw! Mamatay yata ang langgam na maaapakan!"Why you're screaming out loud, young lady? Aba'y hindi naman kayo nag-aaway ng kapatid mo sa pagkakaalam ko," paninita tuloy ni MaCon."Sorry naman po, Mommy. After almost four years na hindi umuwi si Kuya, tapos ngayong nandito na..." nakangusong sagot ng dalaga.Excited lang naman siyang muling makita at makasama ang panganay nilang kapatid. Mahigit tatlong taon na simula ng ipinasa ng kanilang ama ang pamamahala sa MARGARITA, ganoon na rin katagal na hindi ito umuwi. Naging busy din naman kasi silang magkambal sa kanilang pag-aaral kaya't hindi sila nakasama noong nagtungo ang mga magulang nila."Nauumawaan naman kita, anak. Dahil kami rin ng Mommy mo ay sabik ding makita ang Kuya ninyo. Ganoon pa man, dahan-dahan lang. Mamaya niy
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Engineer Saavedra?" tanong ni Mariz habang nasa daan sila pauwi."Tsk! Eh, paano sa tuwing nagsasangga ang landas nami'y puro na lamang banggaan. Hindi ba kamalasan ang tawag doon?" Napaismid siya dahil sa tinuran ng kambal."Kaya nga sinabi kong accidentally, twin sister. He accidentally bumped at you. No, I'm wrong. You and him accidentally bumped to each other, that's the right words to say. Oh...baka naman..." pabitin pa nitong wika.Kaya naman ay hinarap niya ito. Magkatabi lang naman sila sa back seat dahil ang marino nilang kapatid ay nasa harapan. Katabi ng driver, ang tagamaneho ng abuelo nila na nagrereklamo na wala raw ginagawa kaya't kahit sino sa pamilya nila ay tinatawag ito. Iyon ay kung may deperensiya ang mga sasakyan nila dahil lahat sila ay may wheels."Kapag ako ang mainis sa iyong babae ka ay ipapaiwan kita kay Manong sa tabi. Kumpletuhin mo ang sinasabi kung gusto mong makauwi ngayong gabi." Napahalukipkip siyang humarap dito. Ka
Sa kabilang banda, hindi mawala-wala ang ngiting nakabalot sa mukha ng opisyal na si Rodney Guerrero. Dahil bukod sa isa siya sa mga kandidato for promotion ay nakapasa din ng walang aberya ang kapatid niya. May tiwala naman siya rito kaso minsan palpak din dahil spoiled ito sa kanya. Ito ang bagay na hindi nagagawa ng mga magulang nila bagkus ay puro sermon ang naririnig nilang magkapatid. Kahit hanggang sa kasalukuyan na isa na siyang opisyal sa militar ay nakakarinig pa rin siya ng sermon mula sa kanilang ina."Kuya, malalim na ang gabi pero mukhang nauuna ang dreaming kaysa matulog?" Kalabit ni Imelda sa kapatid. Kaso nababantutan siya sa buong pangalan niya kaya't pinauso ang Imie. Hindi pa nga ito natutulog kaso mukhang nananaginip na."Ikaw nga itong gising pa, Aling Imelda. Aba'y hindi mo pa ako inililibre kahit isang burger man lang sana simula nang pumasa ka sa board examination ah." Nakangisi namang pang-aasar ng binata."Heh! Grave offense iyan, Kuya. Una, tinawag mo akong
Sa uri ng trabaho niya (Tommy) sa barko ay nasanay siyang tulog manok lang ang pagtulog kahit pa sabihing may kanya-kanya silang cabin. Natutulog sila ng maayos pero para sa kaniya ay mababaw lang ang tulog niya. Madali siyang magising kahit kaunting kaluskos lang. Maaga siyang nagigising sa barko hindi upang maiwasan ang mahuli sa trabaho dahil maari naman silang papasok anumang oras basta ang mahalaga'y may naiiwang tao sa main monitor ng barko. He's on his vacation and supposedly nag-eenjoy siya, maaring matulog kahit tanghali kaso bago pa man mabulabog ang mag-asawang katiwala'y gising na siya at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito, kung paano nababahala ang Ginang, kung paano nito pinapahalagaan ang seguridad ng rancho na iniwan niya sa pangangalaga nila mahigit anim na taon ang nakalipas n"Hindi pa rin sila nagbabago. Alam ko namang walang ibang makakapasok dito ng walang bakas. Ako lang naman ang bukod tanging nakakalabas-masok dito dahil nasa akin ang access code, ako l
"Parang namukhaan ko ang kaibigan natin noong isang araw mga 'Tol," wika ni Samson. Isang gabi na magkakasama sila."Ha? Saan, Pare? Nilapitan mo ba?" sa narinig ay sunod-sunod ang tanong ni Anjo."Huh! Kako namukhaan ko 'Tol. How I wish na nalapitan ko." Nakailing siyan humarap dito.Anim na taon na ang nakalipas, ganoon katagal na rin na hindi nila nakasama, nakausap ang kaibigan nila. Nakahiyaan din naman nila itong itanong sa amo nito lalo na ng ipinasa sa batang Mondragon ang barko."Seriously speaking mga 'Tol, kumusta na kaya siya?" aniyang muli."Bakit ngayon lang natin naisip ang rancho? Tama! Kung nabanggit mo lang sana dati iyan ay baka may nalaman tayo tungkol sa kaniya. Ano kaya kung puntahan natin sila sa rancho?" wika naman ni Romy.Kaso napailing ang dalawa. Salungat sila sa usapang rancho. Kabilin-bilinan ng kaibigan nila na pakaingatan din nila ang rancho. Hindi sila bawal dumalaw pero siguraduhing walang matang nakasunod."Kung noon pa sana iyan 'Tol Romy, baka ora
"Kumusta naman daw si Tommy, anak?" tanong ni MaCon sa panganay na anak."Nandito yata sa centro, Mommy. Nakapag-isip-isip na yatang magapakita sa mga magulang niya," tugon ng binata saka naupo sa tabi ng ina."Maaring kinausap din siya ng mga katiwala ng rancho niya. Kaya naliwanagan ang pag-iisip niya. Pero sa totoo lang ay hindi ko akalaing hindi pa siya nagpakita sa Yaya niya hanggang sa kasalukuyan." Ibinaba naman ni Clarence ang hawak na pahayagan saka humarap sa mag-ina."Opo, Daddy. Masasabi kong kilala ko na siya dahil magkasama kami sa barko ng mahigit tatlong taon. Para sa akin ay hindi ko siya masisisi kung bakit ngayon lang niya naisipang magpakita sa kanila. Malalim ang sugat sa pagkatao niya dulot ng pinagmulan niya." Tumango-tango rin ang binata sa pagsang-ayun sa ama."Pero para sa akin ay magulang niya pa rin sila. Tama malalim ang idinulot nilang sugat sa katauhan niya. Ngunit wala siya sa mundong ibabaw kung wala sila. Kaya't sana ay maayos pa nila ang bagay na iya
"Yaya, sigurado ka na darating ang magaling mong alaga? Aba'y ilang araw na pala siyang nandito sa bansa pero hindi man lang nagawa ang magpakita rito sa bahay?" iritableng tanong ng panganay na kapatid ni Tommy."Oo, Sir. Siurado ak dahil nakausap ko siya sa telepono. Hintayin lang natin na kakatok siya sa main gate," sagot ng Yaya nila na panay ang tingin sa labas ng gate.Labis-labis ang panalangin na sana ay hindi nagbago ang isipan ng mahal niyang alaga. Kulang ang salitang masaya upang ilarawan ang sayang lumulukob sa kaniya ng bigla itong tumawag. Umiyak siya na halos hindi makapagsalita dahil dito. Anim na taon niya itong hindi nakita, biglang tatawag ng Yaya. Maaring hindi niya ito dinala ng siyam na buwan, hindi siya ang nagsilang, pero kung pagmamahal, respeto lang ang pag-uusapan, higit pa sa isang anak ang naibibigay, naipaparamdam nito sa kaniya. Ang bukod tanging hindi nagpapatawag ng Sir sa mga alaga niya."Kapag ako ang mainis sa inyo ng magaling mong alaga ay malilin