Share

Chapter 15

Penulis: Gray
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-24 08:26:18

"BAKIT naman kasi nagpaulan kang bata ka? Ano bang pumasok sa isip mo? Alam mo namang malamig ang panahon ngayon at uso ang mga nagkakasakit."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka ko nakita ang alalang-alalang mukha ni Tita Divine— ang mama ni Sheena. Anong nangyari? Ang naalala ko lang ay umuwi akong basang-basa at saka ko kinausap si Sheena. "A-ano pong nangyari?" dahan-dahan kong tanong.

"Nawalan ka ng malay, hija. Nakita ko na lamang ay nakabulagta ka sa sahig diyan sa salas." Pinunasan ni Tita ang mga braso ko ng malamig na bimpo.

Nagpalinga-linga ako at napatingin sa orasan. Alas-singko na ng umaga. Sinubukan kong bumangon pero dulot ng panghihina ay hindi ako nagtagumpay.

"Magpahinga ka na lamang, Rose. Huwag ka nang pumasok tutal naman ay Biyernes na ngayon."

"S-si Sheena po?"

"Nandoon sa baba kumakain na. Bakit, may kailangan ka sa kapatid mo?"

Napaiwas ako ng tingin saka umiling. "Pakisabi na lamang po ay mag-ingat siya pagpasok."

Tipid akong nginitian ni Tita saka iniwan sa kwarto ko. Nang masarhan ang pinto ay saka ako bumuntonghininga ng ilang beses. Malinaw na malinaw sa alaala ko ang sinabi ni Sheena sa akin kagabi.

"Bakit panay ang sorry mo? Natauhan ka na ba at nakonsensiya sa mga kalandian mo?"

Hindi ko maintindihan.

Galit ba siya sa akin? Halos tampalin ko ang noo nang mapagtantong halata na naman ang sagot sa tanong ko.

Galit siya sa akin dahil nalaman na ni Angelo ang totoo? Ganoon ba? Hindi ko maintindihan kung bakit magagalit siya sa akin kung 'yun nga ang dahilan. Wala naman akong ginawa para malaman ni Angelo ang totoo. Kinunsinti ko pa nga siya sa panloloko niya sa inosenteng tao.

Bumigat ang talukap ko at hindi ko na namalayang nakatulog na ulit ako. Naimulat ko na lamang ang mga mata ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Rose, may bisita ka!"

Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig iyon kay Tita. Nagtalukbong ako ng kumot sa sobrang kaba. Sino naman ang bibisita sa akin? Hindi kaya...

Si Onyx?!!

Nagsalubong ang mga kilay ko. Tinanggal ko ang nakataklob sa aking kumot saka tiningnan ang taong bumisita kuno sa akin. Handa na sana akong tapunan ng masamang tingin ang bisita pero natigilan ako nang makitang hindi si Onyx iyon.

"A-angelo? Anong g-ginagawa... mo rito?"

Lumapit siya sa akin dala ang basket ng mga prutas ata at isang boquet ng daisy. Ipinatong niya iyon sa aking study table saka umupo sa silya din malapit doon. Pinakatitigan niya ako habang ako ay nanlalaki pa rin ang mga mata.

Tumingin ako sa orasan at nagulat nang makitang alas siyete na ng gabi. Pero diba't Biyernes ngayon at may acquaintance party?

"Anong ginagawa mo rito?"

"Bumibisita, hindi ba halata?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong mahanap na salita. Napaka-insensitive niya. Ano na lamang ang iisipin ng kapatid ko? Alam niyang gusto siya ni Sheena tapos gan'to?

"Ba't hindi ka um-attend ng acquaintance party? Kailangan ka roon dahil SSG officer ka," tanong ko. Kung wala lamang akong modo ay kanina ko pa siya pinaalis. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pahirapin pa niya ang sitwasyon para sa akin.

"Mas gusto ko rito."

Mata sa mata ay tiningnan ko siya. Natigilan ako nang makita roon ang sinseridad. Hindi ko maintindihan.

"Galit na sa akin si Sheena. Galit na sa akin... ang k-kapatid ko." Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pagdaloy ng luha sa pisngi.

"Anong gusto mong gawin ko? Magpanggap na gusto rin siya? Mas lalo yata siyang masasaktan kung ganoon ang gusto mong mangyari."

Sinamaan ko ng tingin si Angelo. "Alam mo kung anong gusto kong gawin mo? Tigilan mo ang nararamdaman mo para sa akin. Hindi totoo iyan. Hindi totoong magmamahal ka ng isang anonymous writer. Hindi 'yun posible."

Kita ko ang pagkabigla sa hitsura ni Angelo. Sumobra ba ako? Pero tama lamang ang sinabi ko. Hindi posibleng magmahal siya ng taong ni hindi niya kilala at maski anino ay hindi pa nakikita.

"Naiintindihan kong hindi mo ako gusto, but don't invalidate my feelings. Please, just let me show you that I'm sincere."

Nagtalukbong ako ng kumot. "Iwan mo na ako, Angelo. Gusto ko nang magpahinga."

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagtunog ng mga hakbang. Nang marinig ang pagsara ng pinto ng kwarto ko at saka ko lamang tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko.

Kinuha ko ang nakapatong na cellphone sa lamesang malapit din sa akin saka iyon kinutingting. Bakit hindi pa ako tinatawagan ni Nanay? Araw-araw ay tumatawag siya sa akin pero ikalawang araw na itong wala siyang paramdam. Napailing na lamang ako. Baka naman busy na pag-aalaga ng mga anak ng amo niya.

Sinubukan kong tumayo pero panay ang nginig ng tuhod ko. Hindi ako makakilos ng maayos dahil panay ang pagsakit ng mga braso ko pati na rin ang likod. Nahirapan mang bumangon ay nagtagumpay pa rin ako.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang ang mga braso ay iniyayakap sa sarili. Saktong pagtuntong ko sa huling baitang ng hagdanan ay siyang pagbukas ng pintuan. Iniluwa nito si Sheena. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang makita ako.

Napakaganda niya sa suot niyang pulang dress at sa kaniyang make-up. Ang kaso ay bakit maaga ata siyang umuwi? Hindi ba't hanggang alas diyes ang acquaintance party?

"Sheena..."

Inirapan ako nito saka ako nilampasan paakyat ng hagdanan.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko. Sinundan ko siya paakyat ng hagdan. Hindi ko siya mahabol dahil sa panghihina pero pinilit ko pa ring abutin ang braso niya.

"Sheena, pag-usapan naman natin kung galit ka. Hindi ko gustong magka-away tayo." Panay ang hila ko sa braso niya pero panay din ang hila niya rito pabalik.

"Pagod ako. Huwag mo 'ko guluhin, please lang."

Hindi pa rin ako natinag. Patuloy kong hinila ang braso niya.

"Tumigil ka na." May halong pagbabanta ang tinig nito. Pero hindi ako natatakot. Mas lamang sa akin ang kagustuhang magkaayos kami. Inaamin kong minsan ay hindi maganda ang tabas ng dila ko pati na rin sa kaniya pero...

...ayoko ng ganito.

"Sheena..."

"Sinabi nang tama na!" Humarap si Sheena sa akin at saka itinulak ang kamay kong panay hila sa braso niya. Napalakas ang pagkakatulak niya kaya agad akong nawalan ng balanse. Sinubukan kong humawak sa railings pero dumulas lang ang kamay ko.

Napapikit na lamang ako nang maproseso ang nangyayari.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 50 [ Last Chapter ]

    ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 49

    "SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 48

    "A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 47

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 46

    NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 45

    NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status