Share

Chapter 14

SUMAKAY ako ng kotse niya, ganoon din naman siya. Buong biyahe ay wala sa aming umiimik. May mahinang tugtog mula sa kotse niya na ipinapagpasalamat ko dahil nabawasan ang awkwardness.

Napailing ako. Bakit kailangang mailang ako sa hunghang na ito? Siya lang naman si Angelo Francisco! Hindi siya dapat kinaiilangan. Tulad lang siya ng ibang mga tao! Anong nangyayari sa'yo Rose at nagkakaganiyan ka?

Tumigil ang kotse sa tapat ng isang cafe. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang cafe kung saan nakipag-meet itong si Angelo sa kapatid ko. Out of all places bakit dito pa?

"Malamig ang panahon ngayon, mukhang masarap din ang kape nila rito."

Napasinghal ako. Kape lang pala ang gusto niya edi sana ay nagtimpla na lamang kami sa bahay.

Pumasok kami sa cafe na iyon at inalok niya ako ng upuan na halos tanggihan ko pero hindi ko ginawa. Sayang naman ang effort niya kung tatanggihan ko.

"So anong gusto mong pag-usapan natin?" diretsahan kong tanong.

"Wala ka bang natatandaan sa cafe na ito?"

Pakunwari kong sinipat ang buong cafe at saka ibinuka ang bibig. "Dito kayo nagkita ni Sheena noon."

Tumango ang kausap ko. "Tama rin naman pero bukod doon, wala na?"

Blangko ang ekspresyon ko siyang tiningnan sa mga mata. "Pwede ba diretsuhin mo na ako?  Hindi ko ugaling magpasikot-sikot kaya sabihin mo na kung ano man ang sasabihin mo."

Tumikhim si Angelo saka nagpaalam na o-order muna. Naiwan ako mag-isa sa table habang pinapatama ang mga daliri sa mesa. Humikab pa ako at saka tumingin sa relos.

Nang makabalik si Angelo ay saka ako umayos ng pagkakaupo. "Inumin mo iyan." Hindi ko na tinanggihan ang kapeng ibinigay niya dahil inaantok na ako at gusto kong may mainom na pampagising.

"Gustong gusto ko talagang pumupunta rito sa cafe dahil naaalala ko 'yung isa sa mga nobela ni Cameyofan."

Napaubo ako nang biglang masamid sa iniinom. Agad naman akong nilapitan ni Angelo. "Are you okay?"

Maski pagtango o pag-iling ay hindi ko magawa. Nanatili ako sa pag-ubo. Hindi ko inaasahan ang pagpasok niya ng usaping iyon. Ano bang nakita niya sa akin bilang si Cameyofan? Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang ako at ang writer na gusto niya ay iisa? Baka masuka lamang siya.

"I already know the truth."

Naguguluhan kong tiningnan si Angelo nang sabihin niya iyon. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Anong ibig niyang sabihin?

"Ito ang gusto kong sabihin sa'yo. Sinabi ko na rin kay Sheena kanina na alam ko nang ikaw at si—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Tumayo ako at saka agad na naglakad palabas ng cafe. Alinsabay noon ay ang pagkulog at pagbagsak ng mga malalaking butil ng ulan.

Panay ang kabog ng dibdib ko habang tinatahak ang daan papunta sa labas ng cafe. Ikinagulat ko nang biglang may humila sa braso ko. Agad akong napaharap sa kung sino man ang humila sa akin. Napalunok ako nang makitang si Angelo iyon.

Naibaba ko ang paningin ko sa lupa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko o ano. Nilukuban ako ng hiya, pagkailang, at kaba. Panay ang nginig ng tuhod ko alinsabay ng panginginig ng mga daliri sa kamay.

"Alam ko nang ikaw si cameyofan." Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko marinig ang galit sa boses ni Angelo. Kalmado niyang sinabi iyon.

Hindi ba dapat ay magalit siya? Niloko namin siya. Niloko ko siya. Kay Sheena mang ideya ay hindi ko maitatangging pumayag pa rin ako.

"K-Kelan mo pa nalaman?" Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko matapos kong lumunok ng ilang beses.

"Hindi na mahalaga pa iyon. Gusto ko sanang hintayin na kayo mismo ang magtapat sa akin pero nainip na ako."

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko lubos na alam ang mararamdaman. Basta't gusto ko na lamang umalis. Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya ang kapit doon.

"Mag-usap na lang tayo sa ibang araw Angelo. S-Sorry." Patuloy kong hinila ang braso ko na masuwerte naman niyang nabitawan.

Tumakbo ako palabas ng cafe na iyon. Umuulan kaya't hindi ko nagawang tumakbo. Hindi naman ako tanga para magpaulan dahil lamang gusto kong takasan si Angelo. Pero anong gagawin ko?

Hindi na ako nagulat nang makita si Angelo sa tabi ko. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya ng maayos.

"You fooled me." Nang sabihin niya iyon ay saka ko lamang siya nagawang tingnan sa mga mata. "You fooled me in falling for you. Hindi ko alam kung ba't sa isang anonymous writer pa ako nagkagusto. The only thing I know is the fact that I'm falling deeply with that damn writer. I'm falling for you deeper than deep."

Nanlaki ang mga mata ko matapos iyong marinig sa kaniya. "H-Hindi mo naiintindihan. Hindi ito pwede. G-Gusto ka ng kapatid ko."

"Maglolokohan pa ba tayo rito? Si Cameyofan ang gusto ko at hindi siya. I-Ikaw ang gusto ko."

Hindi ako nakaimik. Pilit akong naghanap ng sasabihin sa kaniya. "I'm sorry." Sa loob ng ilang segundo kong pag-iisip ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

Tumakbo ako sa gitna ng ulan habang ang puso ay panay pa rin ang pagkabog. Nawalan na ako ng pake sa malalaking butil ng ulan na bumabagsak sa katawan ko. Basta't gusto kong makaalis sa lugar na ito. 

Naghanap ako ng traysikel at saka sumakay doon. Ni hindi ko namalayang nakarating na ako sa bahay sa sobrang dami ng iniisip ko. Maski pagbabayad sa drayber ay hindi ko na namalayang nagawa ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay habang ang katawan ay basa pa rin dulot ng malakas na ulan. Agad kong nasalubong si Sheena sa salas.

Wala na akong sinayang na panahon at saka siya niyakap. "I'm sorry." Walang habas na nagsipagtuluan ang aking mga luha matapos iyong gawin.

"S-Sorry." Paulit-ulit ko iyong binanggit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko iyong nabanggit. At kahit pa isang milyong beses ko iyong ulitin ay wala akong pakialam.

Ayaw kong masaktan ang kapatid ko. Kung kaya ko lamang utusan si Angelo na siya na lamang ang gustuhin ay gagawin ko.

"Bakit panay ang sorry mo? Natauhan ka na ba at nakonsensiya sa mga kalandian mo?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status