Beranda / Romance / RUTHLESS HUSBAND'S REGRET / Chapter 7-Their memories

Share

Chapter 7-Their memories

Penulis: Yeiron Jee
last update Tanggal publikasi: 2026-09-08 20:47:08

"Mukhang nauhaw ang mahal niya kaya kumuha ng tubig."

Naipilig ni Amelia ang ulo upang iwaksi ang laman ng isipan. Bubuka na sana ang bibig niya upang sagutin ang asawa pero naudlot nang mag salita ito.

"Itimpla mo na rin ng gatas si Leslie at ihatid ko lang itong tubig sa kaniya.

Parang nalaglag ang panga ni Amelia at napasunod na lang ang tingin sa tumalikod ng asawa. Ang akala pala nito ay iinum siya ng gatas kaya nag iinit ng tubig. Parang gusto niyang maiyak dahil sa sama ng loob. Hindi man lang siya kinamusta ng asawa kung ano na ang pakiramdam niya, lalo na kung kumain na ba siya. Nagawa pa siyang utusan para sa kaibigan nito na para bang karulong siya sa bahay. Ano ba ang tingin sa kaniya ni Liam? Bato na walang pakiramdam? Natigil lang siya sa pagmamaktol sa sarili nang marinig ang tunog ng heater hudyat na kumulo na ang tubig.

Matapos lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay naipahid ni Amelia ang likod ng palad sa mga mata. Lumuluha na pala siya kaya parang nanlabo ang tingin niya. Naiiayak siya at naawa sa sarili. Nang sumipa ang anak na nasa loob ng tiyan ay napabuntong hininga siya. Hindi siya dapat umiiyak at kumain na dahil gutom na rin ang anak niya.

Natigil si Liam sa paghakabang papasok ng kusina nang makitang kumakain ang asawa. Nang makita kung ano ang kinakain nito ay saka lang niya naalala na wala siyang nabiling pagkain para rito.

Nag angat ng tingin si Leslie nang maramdamang may nagmamasid sa kaniya. Parang dinadaya siya ng sariling paningin at nabanaag niya sa mga mata ng asawa ang guilt pero dagli lamang iyon.

"Bakit iyan ang kinakain mo gayong maraming karne na puwedeng iluto? Alam mong hindi healthy sa anak natin ang ganiyang pagkain." Sita ni Liam sa asawa nang mahamig ang sarili.

Hindi na dapat siya magulat at malungkot sa narinig mula kay Liam pero nasasaktan pa rin siya. "Kagigising ko lang at ang akala ko ay e take out mo na lang ako ng pagkain kaya hindi ako nag luto."

Natigilan si Liam at napahiya sa sarili. Tumikhim siya bago nag salita. "Alam mong walang kasiguradohan kung anong oras ang uwi namin kaya sana ay naniguro ka na para sa sarili mo."

Parang may pumiga na naman sa puso ni Amelia at nasasaktan sa sinabi ng asawa. Sa halip na mag sorry ito ay siya pa ang pinalalabas na irresponsible and unreasonable.

"Ako na ang mag titimpla ng gatas ni Leslie." Pagka sabi niyon ay kumuha na ng baso si Liam.

Nag yuko ng ulo si Amelia upang hindi makita ng asawa ang mukhang naiiyak niyang mga mata. Pilit niyang pinipigilan ang pag tulo ng mga luha. Parang may bumabara din sa lalumunan niya at halos hindi malunok ang noodles kahit malambot iyon. Hindi manlang siya inalo ng asawa upang hindi na sumama ang loob. Sa halip na pagaanin ang loob niya ay dinagdagan pa iyon. Si Leslie pa rin ang iniisip nito at hindi manlang siya idinamay na timplahan ng gatas.

"Huwag mo na akong hintayin sa pag tulog dahil gusto pa ni Leslie na mag movie marathon sa silid niya."

Nanatili siyang naka yuko at nagsubo ng noodles kahit hirap na lunukin iyon. Kung ganoon ay madalas na nagmo movie marathon ang dalawa noon at binabalikan na ngayon. Ramdam niyang tumingin sa kaniya ang asawa dahil walang reaction na nakuha mula sa kaniya. "Ok." Maiksi niyang sagot at hindi nag abalang mag angat ng tingin.

Napabuntong hininga si Liam at mukhang nairita sa ugaling ipinapakita ng asawa. "Amelia, huwag mo akong pakitaan ng ganiyang ugali mo. Bisita natin si Leslie at obligasyon ko siya."

Napilitang nag angat ng tingin si Amelia at malamig ang mga titig na ipinukol sa asawa.

Natigilan si Liam nang masalubong ang tingin ng asawa. Parang may biglang may bumagabag sa puso niya nang hindi mabanaag sa mga mata ng asawa ang nakasanayang makita mula rito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lorna Grabio
magandang kwento pero need magbayad ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 99-Deserve

    "Ano na ang gagawin natin?" Kabadong bulong ni Danica kay Leslie. Mananagot din siya sa kapatid kapag nakita ang footage dahil kabilang diya sa nang aalipusta sa pagkatao ni Amelia. Mariing nag lapat ang mga labi ni Leslie at hindi rin alam kung anong excuses ang gawin upang mapigilan ang panood sa footage. Ngunit sukol na sila at lalo lamang magagalit sa kanila si Liam kapag pinigilan niya.Nanghihina ang mga tuhod na napahawak sa isang estante ang supervisor nang ma play na ang footage. Kitang kita roon at dinig fin ang boses nila. Ang pag utos niya sa isang staff na itago ang ang new arrival na alahas at kung paano maliitin ang nag rereklamo ngayon.Napayuko ng ulo si Danica nang maiita na rin sa video kung paano siya tumulong upang ipahiya si Amelia.Nasampal ng manager ang supervisor dahil sa ginawa nito ay maraming costumer ang nawala nang araw na ito. "You are fired!'"No, please no ma'am!" Pagmakaawa ng supervisor ngunit ayaw pakinggan ng manager. Sunod na lumuhod sa harapan

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 98-Tunay na status

    Nagmamadaling lumabas ng opisina ang manager lalo na nang mabanggit kung sino ang may gustong makausap siya. "Mr. Liam, nice to see you again. May gusto po ba kayong bilhin? May new arrival po kaming alahas at—""Hindi maganda ang naging service ng supervisor mo sa aking asawa." Putol ni Liam sa pagsasalita ng manager.Sandaling napipilan ang manager at napatingin sa babaing katabi ng binata. Bago ang mukha nito at ngayon niya lang nakitang kasama nito. Napatingin siya sa isa pang babae at iyon ang madalas na kasama noon ng binata at binibilhan ng alahas. Pakiramdam ni Leslie ay nanliit siya nang mapatingin sa kaniya ang manager. Ang alam kasi nito noon ay fiancee niya si Liam. "Sir, sorry po at ang akala ko kasi ay si Miss Leslie ang inyong fiancee kaya siya ang inaasikaso ko." Pagsisinungaling ng supervisor at paliwang kay Liam.Lihim na napangiti si Leslie dahil maganda ang dahilan ng kaibigan. Sampal din iyon sa mukha ni Amelia at hindi siya masisi ni Liam sa ganitong sitwasyon

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 97-Eskandalo

    "Bakit kailangan mo pa ng managet? Narito ako at hindi humaharap o nag aaksaya ng oras ang manager namin sa isang tulad mo. Its a no, kung may problema ka ay sa akin mo sabibin." Mataray pa ring ani ng supervisor. Nakagat ni Leslie ang ibabang labi at hindi magawang pigilan ang kaibigan sa pag salita nang hindi maganda kay Amelia. Kasalanan niya at nasabi niya sa message na isa lamang hamak na plain housewife si Amelia at gold digger na walang sariling pera."Ikaw ang problema ko." Simpleng sagot ni Amelia sa babae.Natigilan ang babae at nabawasan ang kayabangan. Tumingin siya kay Leslie upang mag pasaklolo at pigilan nito ang babaing kasama. Kahit kasi mahirap ito ay wala silang karapatang maliitin o pakitaan ng hindi magandang ugali. Dapat fair ang trato nila sa lahat ng costumer nila. Kapag nakarating ito sa manager nila ay mananagot siya."Amelia, puwede bang huwag ka nang feeling high mighty dito? Alalahanin mo na pera ng kapatid ko ang gagastusin mo dito kaya huwag kang maart

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 96-Napagkamalang katulong.

    Halos hindi na maipinta ang mukha ni Danica pagka upo sa tabi ni Leslie. Nasa unahan si Amelia at feeling reyna. Sumunod pa sa kanila ang driver nito na para bang takot na makidnap nila. Pag tingin ni Amelia sa front mirror ay nakatingin sa kaniya ang dalawang babaing nasa likod. Nang aasar ang ngiting pumaskil sa mga labi niya upang lalong galitin ang mga ito. Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Liam sa asawa habang nakatutok ang tingin sa unahan ng daan."Jewellery shop." Kinabahan si Danica nang marinig ang sagot ni Amelia ay hamig sa tinig nito ang excitement sa pagpunta sa shop ng mga alahas at gold."That bitch, siguradong mamili siya ng mamahalin na alahas, anobna ang gagawin natin?" naiinis at pabulong na tanong ni Danica kay Leslie."Don’t worry kilala ko ang supervisor sa shop na gusto niyang puntahan. Kontakin ko na siya ngayon at padalhan ng message."Biglang natuwa si Danica at masaya dahil nabawasan na ang alalahanin nila. Maraming pera ang kapatid niya at siya ang ma

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 95-Pagsita sa ina

    Tumayo na si Amelia at pumasok sa loob ng bahay upang magpalit ng damit. Hinayaan niya ring malaman nila Danica st Leslie."Kuya, maari ba kaming sumama?" Masiglang tanong ni Danica sa kapatid. Hindi niya hayaang mag solo shopping ang hipag at baka kung anong mamahaling gamit ang bilhin."You can ask my wife." Sagot ni Liam at tumingin sa asawa na pababa sa hagdan. Ang ganda nito sa suot na dress at parang hindi nabuntis at nanganak dahil sa pigura ng katawan nito. Above the knee ang haba ng dress na hapit sa katawan nito kaya kita ang mahahaba at mapintog nitong mga binti. Tama lang ang puti ng asawa niya na nagustohan niya sa isang babae. Napabuntong hininga siya at naalala na same ang kulay ng balat nila Leslie at Amelia. Wala naman sigurong mali kung ganoong kulay sa babae ang gusto niya? Isa pa ay hindi lang naman sa panlabas na anyo ang dahilan kaya minahal niya ang asawa.Napasimangot si Danica at kailangan pa ang permission ni Amelia. Pag tingin niya kay Leslie ay alam niyan

  • RUTHLESS HUSBAND'S REGRET   Chapter 94-Kaagaw

    "Ano ang pinag uusapan ninyo?" tanong ni Amelia nang maka lapit sa dalawa. "Ah nothing, nagkamustahan lang bilang bagong magkakilala." Sagot ni Tristan sa dalaga. "Ah, yes." Nakangiting ani Joel sa dalaga. "Maiwan ko na muna kayo rito." Paalam niya at bumalik sa loob ng bahay. Tinanguan ni Amelia ang binata saka naupo na. Ok na ring naiwan sila ni Tristan dahil may kaklangan silang pag usapan na sila lang maaring makaalam. Mabilis na hinila ni Liam ang kaibigan sa isang tabi at ayaw niyang makita sila ni Amelia na nag uusap ng pasekrito. "Hey, what's wrong?" tanong ni Joel sa kaibigan. "Tell me the truth, sino si Tristan?" Napabuntong hininga si Joel saka ipinatong ang kamay sa balikat ng kaibigan. "Siya ang tao na hindi mo dapat kinakalaban at maliitin." Seryuso niyang sagot dito. "What do you mean?" Nangunot ang noo ni Liam. Huminga nang malalim si Joel saka ibinaba ang kamay na nakahawak sa braso ng kaibigan. "Hindi siya ordinasyong mamayan. Hindi ko alam kung nakit siya n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status