"Hi. Ako pala po si Savannah Samonte. Iyong mag-aaply sana ng waitress," nakangiting saad ko sa manager ng restaurant.
ABALA ako sa pagpupunas ng lamesa nang bigla lamang may yumakap sa aking likuran.
PANAY ang hithit ko ng sigarilyo habang nakatingin sa matandang lalaki na masayang nakipagkuwentuhan sa isang napakaguwapong lalaki. Ang mag-amang Kayaki Shamiro at Kei Shamiro.
"Van, bakit nawala ka ng dalawang araw?" agad na tanong ni Cielo pagkarating ko sa restaurant. "Pasensiya na, umuwi kasi ako sa probinsya. Hindi nga rin ako nakapagpaalam sa manager," nahihiyang saad ko naman kay Cielo. "Ano ka ba! Malakas ka naman kay Sir Ross," hagikhik na saad ng dalaga. Napangiti naman ako sa tinuran ni Cielo. Hindi ko na rin nakita si Ross sa restaurant. Naging abala naman ang buong araw ko. Halos hindi ko na namalayan ang oras. Tamang-tama na alas singko sinundo na ako ni Kurt. "Lumipat ka na sa condo ko. Para magkasama na tayo araw-araw," aniya ng binata sa akin. "O-Okay lang ba? Ahmm.. Kurt? Paano si C-Cindy?" "Don't worry. Nakausap ko na siya at ang pamilya niya," nakangiting saad niya. Iniwas ko ang aking mukha at tumingin sa labas ng bintana. Sumilay ang ngiti sa aking
"Van, table number three!" sigaw ni Cielo sa akin. "Okay," saad ko naman at agad dinala ang order. Papunta na ako sa table number three at may isang nakatalikod na babae na nakaupo. "Here's your order, Ma'am," saad ko at hindi man lang tiningnan ito. "What's up, Van?" Napatigil ako sa pag-aayos ng plato at sabay tingin kay Z. Napangisi naman ako na tumingin rito. "Hanggang dito pa ba naman naaamoy mo pa rin ako?" nakangising tanong ko kay Z. "Iisa lang ang amoy natin, Van," ngising aso na sagot niya. Nanliliit naman ang mga mata ko na sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Captain Ziandra Athena Santiago. "Alam mo ba na inupahan ako ni Mr.Foller para ipatumba ka?" aniya na hindi tinatanggal ang tingin sa akin. "Nice! Hindi kita uurungan. Hihintayin kita,Z," kininditan ko sabay talikod. Seryoso ang mukha ko na bumalik sa kusina. Hindi na ako nagtataka na kumuha ng mas magaling at ekspe
Ayoko mabulyaso ang lahat ng plano ko. Habang abala kami sa aming pagkain, bigla na lamang may bumagsak sa aming mesa."Cindy?!" gulat na saad ni Kurt na napatayo pa ito."Siya ba?! Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin dahil sa waitress na iyan?!" aniya ni Cindy na galit na galit sa akin.Pasinmple naman akong napangisi."Damn, Cindy! Huwag ka dito mag-iskandalo!" mahina at diin na saad ni Kurt rito.Tumayo naman ako at humarap sa binata. "Akala ko ba wala na kayo. Ayusin mo ito Kurt, kung ayaw mong iwanan kita," saad ko at lumabas na ng restaurant.Sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad.Abot kamay ko na ang lahat. Si Kurt Fuentebella. Ang lalaking makakatulong sa mga plano ko.Ilang araw na iniiwasan ko muna ang binata. Pero araw-araw itong pumupunta sa restauran"Van, please. Kausapin mo naman ako," nakikiusap na saad ni Kurt sa akin.Humarap naman ako rito. "Nagtatrabaho pa ako, Kurt. Mamaya na tayo mag-usap.""Galit ka sa akin, right? Nakipaghiwalay na ako k
PARANG wala ako sa sarili habang nagtatrabaho. Iniisip ko pa rin si Kurt at ang pagtatapat ng pagmamahal niya sa akin."Okay ka lang ba, Ganda?" tanong ni Reese na kanina pa ito nakatingin sa akin.Napabuntonghininga naman ako. "Na-inlove ka na ba, Reese?" tanong ko sa dalaga. Hindi man masabing kagandahan si Reese pero ang ganda talaga ng mga mata niya. Medyo matangos ng konti ang ilong at makipot ang mga labi."Hindi pa pero alam kong walang magkakagusto sa akin," aniya na umiwas ito ng tingin.Humarap naman ako sa dalaga. "Why not?" "Eh basta. Huwag na lang natin pag-uusapan ang tungkol sa akin. So, inlove ka ba?" nakangiting tanong niya na sinundot ang aking tagiliran.Napapailing na nakangiti na lang ako sa reaksyon ng dalaga."I-I think, I'm in love," sabay kagat ko sa aking ibabang labi."Hala! Kanino?! Kay Sir Ross ba?!" impit na sigaw ni Reese.Napatawa naman ako."No. Kurt Fuentebella."Napatigil ito at nakanganga na nakatitig sa akin."K-Kurt Fuentebella? As in ang anak
"May problema ka ba sa akin, Sir Ross?'' diin na tanong ko rito. Kanina pa kasi ito panay utos sa akin.''Ayusin mo ang trabaho, Van,'' aniya na sobrang sama ng tingin sa akin.''Inaayos ko naman! Ikaw itong utos ng utos!'' inis na tumalikod ako rito pero agad niya hinila ang braso ko palapit sa kan'ya.''Sino ba ang pinagyayabang mo, si Fuentebella? Mayaman din ako, Van.''Lumiit naman ang mga mata ko nakatingin kay Ross. ''Hindi pa naman ako mukhang pera. And...you're nothing...kaya puwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagpapansin sa akin.''''Babawiin kita, Van. Ngayon na nagkita na tayo, kukunin kita kay Fuentebella.''Napasapo naman ako sa aking ulo. ''Kasal na ako kay Kurt. At hindi na kita mahal. Akala ko ba, pinupormahan mo si L.A.''''L.A? Sino yan?'' nakakunot ang kan'yang noo.So, hindi niya kilala si L.A? O dahil iba ang pangalan na ginamit ni L.A dito. Nalaman ko kay Nix na umuwi na si L.A galing ng US.''Nevermind. Uuuwi na po ako, Sir Ross. Hinihintay na ako ng asawa ko.
ISANG napakalakas na sampal ang dumapo sa aking magkabilang mukha."How dare you! Mas pinili mo iyon ang kalaban natin kaysa sa amin ng Mommy mo!" galit na sigaw ni Daddy sa akin.Napayuko naman ako. Nalasahan ko na rin ang dugo sa aking bibig."We both knew, General Fuentebella was innocent." diin na saad ko kay Daddy.Napabaling ulit sa kaliwa ang aking pisngi."Sergio! Tama na!" sigaw ni Mommy na hinila ako palapit sa kan'ya at niyakap ng mahigpit."Van, anak?" Umiiyak na saad ni Mommy."G-Gusto ko na magbagong buhay, m-mahal ko siya, M-Mom," mahinang saad ko habang pinupunasan ang luha na umaagos sa aking pisngi."Hindi puwede! Patayin mo si General Fuentebella! Patayin mo na rin ang mga anak niya!" nagwawala na sigaw ni Daddy."Sergio, tama na! Hayaan na natin maging masaya si Van. Marami na siyang nagawa para protektahan ang pamilyang ito!" galit naman na saad ni Mommy.Nanakit na ang lalamunan ko kakapigil ng iyak. Ayoko ipakita kay Daddy ang kahinaan ko."Huwag ka gumaya sa mg