Abala sa pag-strum ng strings ng electric guitar si Zein nang tinawag siya ng guard ng resto-bar. Bumaba siya agad sa stage at nilapitan ito. “Bakit po?”
“May naghahanap sa’yo sa labas.”
Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Wala naman siyang inasahang bisita. “Sino raw po?” muling tanong niya.
Kinamot nito ang pisngi at ngumiwi. “Ayaw sabihin ang pangalan. Puntahan mo na lang daw siya.” Tumikhim ito at dumiretso ng tayo. “Manliligaw mo ba iyon, Zein?”
Mariin niyang pinadaan sa buhok ang kaniyang mga daliri at umiling. “Wala po akong manliligaw.”
“Hindi mo manliligaw ang batang iyon? Sayang, guwapo pa naman. Moreno at ang tikas ng katawan,” nakangising papuri ng guard. Ang mga mata nito ay parang nakakita ng mga sagot sa mga katanungan.
Suminghap si Zein. Mukhang alam niya na kung sino ang tinukoy ng matanda. Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan nang sinabi ng binata na liligawan siya nito at tinotoo nga ni Amos. Lagi siya nitong pinadalhan ng mga bulaklak sa bahay at ng kung ano-anong regalo. Akala niya ay titigil na ito pero hindi niya akalain na aabot pa pala ang panliligaw nito hanggang sa trabaho niya. Iniwan na siya ng guard at bumalik na sa puwesto habang siya ay hindi mapakali. Nagdalawang-isip siya kung lalabas ba siya o hindi.
Hindi niya namalayan na inakbayan na pala siya ni Agnes. “You look tense. What’s wrong, Zein?”
“May bisita ako sa labas. Iniisip ko kung pupuntahan ko o hindi.”
Namamanghang tumingin ang dalaga sa kaniya. “Talaga? Lalaki o babae?”
Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam kung saan nakuha ng kaibigan ang tanong na iyon. “Lalaki?” nagtataka niyang sagot.
Suminghap siyang muli nang bigla na lang humarap sa kaniya si Agnes at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang mga balikat. “This is your time to shine.”
“Ha? What do you mean?”
Bumuntong-hininga ito. “NBSB ka, right? Grab this opportunity.” Inalog siya nito kaya bahagya siyang nahilo. Inalis niya ang kamay ni Agnes sa kaniyang mga braso.
Kumuha si Zein ng bubble gum sa kaniyang bulsa at isinubo iyon. Hindi niya lubos maisip ang mga sinabi ng kaibigan. Hindi niya pa nga sinabi kahit kanino ang panliligaw sa kaniya ni Amos pero ang kaibigan niya, bumuo agad ng konklusyon.
“Hindi ko manliligaw… iyong nasa labas, okay? Wala akong manliligaw.”
“Are you sure?” Matiim na tiningnan siya ni Agnes dahil duda ito sa kaniyang mga sinabi. “I know you, Zein. This is the first time that there’s a man in your life aside from our male bandmates.”
Nginuya niya nang mabilis ang bubble gum at umiwas ng tingin. “Anong tawag mo sa daddy ko?”
Bago ang lahat para kay Zein. Nakipag-chat siya noong college siya pero hanggang doon lang iyon. Walang nanligaw sa kaniya. Walang nagparamdam sa kaniya kung paano ang magustuhan. Walang nagparamdam sa kaniya kung paano ang habulin kaya naman nabigla siya sa sinabi ni Amos sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin dahil kahit saan tingnan, rebound girl ang ganap niya. Gusto niya ng experience sa isang relasyon pero hindi maganda kung sa ganoong pagkakataon niya hahanapin iyon.
“There’s a difference, okay? I just want you to explore new things.”
Kunot-noong tiningnan ni Zein si Agnes. Hindi niya alam kung ano ang pinaghugutan ni Agnes sa mga ideyang iyon. Ilang sandali pa ay hinila siya ng kaibigan palabas ng resto-bar. Nagpatianod na lang siya dahil kailangan niya rin namang harapin si Amos.
Nasa parking area na sila at napaawang na lang ang bibig niya nang makita si Amos. Pinasadahan niya ito ng tingin. Para lang itong simpleng college boy. Nakasuot ito ng hapit na black shirt na nagpakita ng muscles nito. Ngayon niya lang rin ito nakitang nakasuot ng cargo pants at rubber shoes. Ang shades nito at ang kuwintas na dream catcher ay mas lalong nagpalakas ng dating nito pero parang may mali sa lalaki.
Anong nakain niya at all black ang peg?
Nawala ang atensiyon niya kay Amos nang maramdaman ang kamay ni Agnes sa kaniyang baba. “Laway mo, tumutulo.” Pinalis niya agad ang kamay nito. Natawa ang kabanda niya sa reaksiyon niya. Kumunot ang noo niya nang marinig ang pagtawa ng lalaking kaharap.
Inalis nito ang shades nito at malawak na ngumisi. Parang nalaglag ang puso niya sa ngiting iyon at sa mga oras na iyon, inamin niya na ang pilit niyang itinanggi noon. Guwapo talaga ang lalaki!
“For you.” Inabot sa kaniya ng binata ang isang bouquet ng black roses. Kumunot ang noo niya at tiningnan nang maigi ang mga bulaklak na hawak.
Sinong matinong manliligaw ang magbibigay ng black roses?
“Ang haba naman ng hair. Ngayon mo sabihin sa akin na wala kang manliligaw,” nanunuksong bulong sa kaniya ng kaibigan.
Nakatulalang pinalobo niya ang bubble gum at hinayaan iyong pumutok. Narinig niya na naman ang pagtawa ng kaibigan.
Inabot ni Agnes ang kamay kay Amos. “Anyway, I am Agnes. I am Zein’s bandmate.”
Humigpit ang hawak niya sa bouquet nang ngumiti na naman ito. Kung wala lang ang mga ito sa harap niya, baka kinurot niya na ang sarili niya. Hindi niya maalis ang tingin sa mukha ng lalaki. Ang aliwalas ng hitsura nito kumpara nang mga nakaraang araw.
“I’m Amos. I am… Zein’s suitor,” wika nito at lumingon sa kaniya. Bigla na lang itong kumindat kaya napaiwas siya ng tingin. Mabilis niyang nginuya ang bubble gum.
“I’ll go inside. Ibalik mo na lang ang kaibigan ko mamaya kasi may rehearsal pa kami,” imporma ni Agnes sa lalaki. Pagkaalis ng kaibigan, inipon niya ang lahat ng lakas ng loob bago muling magsalita.
“What are you doing here?” tanong niya. Ibinalik niya ang bulaklak pero hindi nito tinanggap. Namulsa lang ito at ngumiti na naman.
“Darling, that’s yours. I’m here because I want to prove that I am serious about my proposal.”
Ginulo niya ang buhok niya dahil sa kakulitan nito. “Hindi nga ako pumapayag ’tapos itong bulaklak na ibinigay mo sa akin, bakit black?”
Bahagyang kinusot ni Amos ang ilong. “I thought you like black. You rejected those colorful things that I sent to your house so I assumed that you want something black. Nag-effort pa akong mag-black para match tayo tapos hindi mo pala nagustuhan.”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “You don’t know me.”
Tiningnan siya nito ng may pagsusumamo. “Then, let me know you.”
Hindi niya kayang tagalan ang titig nito. Hindi siya madaling magtiwala sa tao pero may bahagi sa kaniya na gustong isugal iyon. Gusto niyang ipagkatiwala kay Amos ang bagong damdamin na idinulot nito sa kaniya.
“Babalik na ako sa loob. May practice pa kami,” paalam niya. Tatalikod na sana siya ngunit hinawakan nito ang braso niya. Kung wala siyang hawak na bulaklak, napasubsob na siguro ang mukha niya sa dibdib nito. Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango na humalo sa natural nitong amoy. Napasinghap na lang siya nang lumapat ang kamay nito sa kaniyang ulo. Sinuklay nito gamit ng mga daliri ang kaniyang buhok. Bahagya niya itong tiningala at napigil niya ang kaniyang paghinga nang makitang seryoso ito sa ginagawa.
Ngayon niya lang ito napagmasdan nang mabuti. Hindi gaanong makapal ang mga kilay ni Amos pero ang ganda ng mga iyon na parang sadyang iginuhit. Ang mga mata nito ay hindi kalakihan pero may mahahabang pilik-mata. Napakatangos din ng ilong ng lalaki. Ang mga panga naman nito ay parang nanghalinang paglandasin ang mga daliri niya roon. Hugis pa lang ng mukha nito, nasabi niya na agad na hindi ito basta-basta natitinag. Dumako ang mga mata ni Zein sa mga labi nito. Medyo makapal iyon pero kitang-kita ang magandang hugis at ang natural na pagkapula.
Ilang sandali pa ay ibinaba na nito ang kamay at ngumiti sa kaniya. “I like the way you ruin your hair considering that I am the only one who can fix that using my fingers.”
Napalunok siya. Iyon lang ang mga sinabi ng lalaki pero may nagwala na sa dibdib niya. Parang may pilit na nagpumiglas ang puso niya dahil sa tuwa. “Amos…”
Napapikit ito at bahagyang humigpit ang hawak sa braso niya. “I also like the way you call me Amos.” Iminulat nito ang mga mata at sinalubong ang kaniyang tingin. Walang nagtangkang putulin iyon. Para bang sa pamamagitan ng simpleng kilos na iyon, naunawaan na nila agad ang kanilang mga damdamin.
“Let’s try this,” mungkahi niya. Bigla itong natigilan sa sinabi niya. Inalis nito ang pagkahawak sa kaniyang braso. Bumuntong-hininga siya. “Subukan natin, Amos. Kalimutan mo ang ate ko at huwag mo na siyang guluhin. NBSB ako at tulungan mo akong ma-experience kung paano ang magustuhan at—” Hindi niya naituloy ang kaniyang paliwanag dahil bumakas ang gulat sa mukha nito pero hindi maikaila ang kagalakan sa mga mata.
“Wait, Zein. What do you mean…?” nag-aalangang tanong nito.
Naghanap muna siya ng malapit na basurahan at idinura ang bubble gum. Huminga muna siya nang malalim bago humarap sa lalaki. “Oo na.”
“Oo na? Pumapayag kang manligaw ako?”
Hindi ba makuha ng lalaking ito sa isang sabi?
Inihampas niya sa dibdib nito ang bulaklak dahil sa inis. “Oo na. Pumapayag na akong maging girlfriend mo. Pumapayag na akong maging rebound —” Mahina siyang napatili nang yakapin siya ni Amos at bahagya siyang binuhat. Basta na lang nitong ibinagsak sa kalsada ang mga bulaklak. “Amos, ibaba mo ako!”
Humalakhak lang ito kaya hindi niya maiwasang mapangiti. Nang hindi sinunod ni Amos ang kaniyang sinabi, agad niya itong sinuntok nang malakas sa balikat. Nabitiwan siya agad ng lalaki. “Darling, ouch!”
“Hindi mo ako darling!” singhal niya rito pero tumawa lang ito.
Ilang sandali pa ay inabot nito ang mga kamay niya at ginawaran ng magaang halik. “Thank you.” Niyakap siyang muli ng binata.
Dahan-dahan siyang gumanti ng yakap kaya nahigit niya ang hininga nang mas higpitan pa nito ang yakap. “I know that you know that… I am not still over with my past relationship. Help me, Zein. Help me heal my broken heart. Can you do that for me?”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at marahang tumango. Alam niyang komplikado ang sitwasyon nila pero gusto niyang subukan ang mga iyon kasama si Amos. Gusto niyang maranasan ang mga bagay na ipinagkait sa kaniya tatlong taon na ang nakararaan at sa puntong iyon, sinunod niya na ang kaniyang damdamin.
Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s
“I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d
Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum
Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp
“Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa
Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy