Home / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 11: Kiss Mark

Share

Chapter 11: Kiss Mark

Author: Penmary
last update Last Updated: 2022-08-30 13:18:23

Kanina pang hinihintay ni Amos ang nobya sa labas ng gymnasium kung saan magaganap ang basketball game sa pagitan ng mga streets sa Kiki village. Tinawagan niya si Zein para siguraduhin ang pagpunta nito pero wala pa ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit big deal sa kaniyang nandoon ang babae sa laro niya pero isa lang ang sigurado niya. Gusto niyang lagi itong nakikita.

Two weeks pa lang ang relasyon nila at wala pa naman silang naging problemang mabigat ni Zein. Totoo ang sinabi niyang gusto niyang kalimutan si Zelda at malaking tulong ang kaniyang nobya para magawa iyon kaya nagkaroon siya ng mithiing mas makilala pa ito. Masaya siya sa piling ng dalaga. 

Hindi niya tuloy naiwasang magkumpara. Mas masayang kasama si Zein kaysa sa kapatid nito. Walang limitasyon o kahit na anong pumigil sa kaniya para ipakita kung ano siya kapag kasama ito. Natural lang lahat ng pinakita niya samantalang noong sila pa ni Zelda, magandang katangian niya lang ang pinakita niya rito dahil inisip niyang masyado itong perpekto para sa kaniya at iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit siya pinagpalit sa ibang lalaki.

“Amos, let’s go. Tinatawag na tayo ni Coach Ed,” imporma sa kaniya ni Barney na nasa likod niya na pala.

Kinusot niya ang ilong at nagpakawala ng hininga. “Wala pa ang girlfriend ko.”

Biglang ngumisi si Huge at pinaglaruan ang hawak na bola. “Si Batman, right? I want to know her. Gusto kong malaman kung paanong ang isang Amostacio Reolonda ay nababaliw dahil sa kaniya.” Napailing ito. “I can’t believe you. Hindi ka ganyan kay Zelda dati. If I will meet that Batman personally, for sure I will like her.”

Marahas niyang inagaw ang bola mula sa kamay nito at matalim na tiningnan ang binata. “Don’t you dare, Eugenio. She’s already mine so back off.”

Mahina itong tumawa. “The only successor of Reolonda’s Group of Companies is possessive to his woman. Ikaw ba ’yan, Amos?”

Natigilan siya. Tila may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung bakit siya naging ganoon. Pagdating kay Zein, ayaw niyang may kahati. Siguro ay nadala lang siya sa panloloko sa kaniya noon ni Zelda. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matanggap ng ego niya. 

Alam niyang komplikado ang sitwasyon nila ng bagong nobya at hindi niya alam ang mangyayari kapag nalaman ni Zelda na may relasyon sila ng nakababatang kapatid nito. Sinabi naman sa kaniya ng kasintahang hindi muna nito ipaaalam ang relasyon nila sa ate nito. May bahagi pa rin sa puso niya ang ex-girlfriend subalit handa naman siya kung malaman nito dahil naniniwala siyang makatutulong iyon para tuluyan niya na itong makalimutan.

“Let’s go,” pag-aya sa kaniya ni Barney. Inakbayan siya nito kaya wala siyang nagawa kundi magpatianod.

Sumalubong agad sa kanila ang malakas na hiyawan ng mga tao. Hindi pa man nagsimula ang game pero pinuno na agad ng ingay ang buong gymnasium. Pinagmasdan niya ang paligid. Ang daming may hawak ng banners para sa mga pambatong streets ng mga ito pero ang labis niyang ipinagtaka ay kung bakit ang daming supporters ng Gamski gayong kaunti lang naman ang mga residente sa street niya. Napatingin siya sa mga kababaihang tinawag ang pangalan niya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang hawak na banner ng mga ito na may picture at pangalan niya.

I hope my baby will also do that for me.

Biglang may gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa kaniyang naisip. Nawala ang ngiti niya nang mas lumakas ang tili ng mga babae. Tumalon ang mga ito na parang nanalo na sila sa game. Simpleng kinawayan niya na lang ang mga ito bilang pasasalamat at napailing na lang siya nang magwala ang mga ito. Halos mapunit na nga ang banner na hawak.

Mabuti sana kung si Zein ang magkakaganyan kapag kinawayan ko.

Pumunta siya kay Coach Ed. Binigyan lang sila ng instructions sa game. Pagkatapos ng meeting, pumunta muna siya sa isa sa mga bleacher para kunin ang cellphone sa bag niya. Nadismaya siya nang makitang wala pang reply si Zein sa kaniyang huling text. 

Nagtipa na lang siyang muli ng mensahe para sa nobya. I am waiting, baby. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago pumunta sa mga kasamahan niya.

Busy sila sa pag-streching samantalang si Huge ay kinausap ang muse nila. Hindi niya kilala ang dalagang iyon. Nabigla na lang silang magkakaibigan nang sabihin ni Huge na ang dalaga na lang ang gawing muse nila. Wala pang pinapakilala sa kanilang babae ang binata kaya naman nabigla sila at ang mas malala pa, kasama nito ang dalaga sa bahay. 

Hindi naman nila pinilit na magpaliwanag si Huge dahil magkukusa naman ang lalaki kung gusto nitong magkuwento sa kanila. Hindi na sila umapela pa dahil puro lalaki sila. May kapatid na babae si Barney pero hindi naman puwede sa ganoong klaseng patimpalak. Gusto niya sanang si Zein ang maging muse nila pero taga-Mapski naman ito.

“Kuya Bread!” Agad niyang hinanap kung saan nanggaling ang tinig na iyon. Ang kakambal lang ni Barney na si Detty ang tumawag sa kaniya ng Kuya Bread. Nasumpungan niya agad ito at natawa siya nang mahina nang makita ang hawak nitong banner na may picture nilang magkakaibigan. Hawak nito sa isang kamay ang teddy bear na lagi nitong dala. May special needs si Detty pero ni minsan ay hindi iyon naging kakulangan para rito. Napaka-sweet at maalalahanin nito kahit may sakit sa pag-iisip. Para silang nakahanap ng bunsong kapatid kaya pinangako nilang magkakaibigan na lagi itong poprotektahan.

Ibinaba ni Detty ang banner kaya nakita niya kung sino ang katabi nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Parang may lumipad sa sikmura niya na bago lang sa kaniya. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Wala pang espesyal na ginawa si Zein para sa kaniya subalit sobra na ang kasiyahang dinulot sa kaniya nang makitang nandoon ito at tahimik na nakaupo habang pinagmamasdan siya. Lakad-takbong lumapit siya sa mga ito. 

“Hi, Kuya Bread!” masiglang bati ni Detty. Ngumiti ito nang matamis sa kaniya kaya ginulo niya ang buhok nito. 

Dahan-dahan siyang lumingon kay Zein na nakasandal sa upuan. Nakahalukipkip ang dalaga at nakapatong ang isang hita sa kabila nitong hita. Namamangha siyang ngumisi.

Mayabang pa rin.

“Nandito na ako,” simpleng saad nito pero nagbigay sa kaniya ng kakaibang kilabot na gustong-gusto niya ulit maramdaman.

“What took you so long?” malambing niyang tanong. Hindi niya akalain na maglalambing siya sa babae. Ni minsan ay hindi niya pa iyon ginawa. Umupo siya sa paanan niya at kinuha ang kamay nito para ilapat sa pisngi niya. “I am happy now that my darling is here.”

Diniin ni Zein ang kamay nitong hawak niya sa kaniyang pisngi. Natawa na lang siya sa kilos na iyon. Hindi marunong maglambing ang dalaga kaya napilitan siyang maglambing. Baka sakaling mahawaan niya ito. “Nasiraan ako ng sasakyan. Ang kulit mo pa sa text. Kapag sinabi kong dadating ako, dadating ako, Mang Tasyo.”

“Saan ka sumakay? Nag-taxi ka ba?”

Inosenteng umiling ito. “Umangkas ako sa motor ni Lester.”

Umangkas? Saan umangkas? Kaninong motor umangkas?

Nagpanting ang mga tainga niya sa narinig. “What?!” pasinghal niyang tanong. Tumayo siya kaya tiningala siya ni Zein.

“Do I need to repeat myself?” kunot-noong tanong ng dalaga. “Umangkas ako sa motor ni Lester.”

“Why did you repeat it?!”

“Kasi baka hindi mo naintindihang umangkas ako sa motor ni Lester.”

“Damn! Why?” Hindi niya makontrol ang emosyon niya. Naglaro sa isip niya ang sinabi ni Zein. Ang kaniyang girlfriend na mahigpit ang yakap kay Lester habang nakasakay sa motor ay talagang nagpakulo ng dugo niya.

Tumayo ang kaniyang nobya at pinameywangan siya. “Bakit parang galit ka? Ayaw mo akong ma-late, hindi ba? Mabuti nga, dumating si Lester.”

“Pero hindi ko sinabing umangkas ka. You’re hugging him while I am waiting for you, Zein. That’s ridiculous!”

Inilagay nito sa sulok ng pisngi ang dulo ng dila pagkatapos ay mahinang tumawa. “You’re jealous,” siguradong-siguradong sabi nito.

Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang mukha. Umiwas siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang mga labi nito sa pisngi niya. Napahawak siya sa baywang ng dalaga. Simple lang ang halik na iginawad nito sa kaniyang pisngi ngunit milyong-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong sistema niya.

Hindi makapaniwalang lumingon siya kay Zein. Nakayuko na ito. “Why did… you do that?” Para siyang nakalutang sa ere.

“Good luck sa game mo,” mahinang bulong nito. Tumunghay ang dalaga sa kaniya at marahas siyang napalunok nang kagatin nito ang pang-ibabang labi. “There’s a mark… of my lipstick.”

Tatanggalin sana nito iyon pero agad siyang umatras. “No,” madiin niyang tanggi. Tumalikod siya at doon pinakawalan ang kanina niya pang pinigil na ngiti. Nahagip ng mga mata niya si Detty na gumawa ng heart sign. Sa kabila ng ngiti, nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang namula si Corn.

“Mang Tasyo, tatanggalin ko,” pamimilit sa kaniya ni Zein. Nawala ang atensiyon niya sa dalawa at humarap muli sa kasintahan. Agad niya itong niyakap. Titingalain sana siya nito pero sinubsob niya ang mukha ng dalaga sa dibdib niya.

“I don’t want to remove your kiss mark. Kahit hindi pa ako maligo ng ilang araw, ayos lang.” Tumawa siya nang malakas nang marinig ang reklamo nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rain on Your Parade    Chapter 75: Last Chapter

    Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s

  • Rain on Your Parade    Chapter 74: Itatali

    “I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d

  • Rain on Your Parade    Chapter 73: Own Good

    Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum

  • Rain on Your Parade    Chapter 72: Childish

    Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp

  • Rain on Your Parade    Chapter 71: So Much

    “Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa

  • Rain on Your Parade    Chapter 70: No Hope

    Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy

  • Rain on Your Parade    Chapter 69: Hindi Niya na Alam

    Katatapos lang ng mainit na tagpo sa pagitan nina Amos at Zein nang magtanong sa kaniya ang dalaga nang saglit niyang ikina-estatwa. Sa daming maaalala nito, bakit iyon pa? Ayaw niyang maalala nito iyon. Malaki ang naging kasalanan niya sa babae noon. Humigpit ang hawak ni Zein sa kumot na nakatakip sa katawan niya. “Amos, I r-remember something. We had… s*x but you were… rough with me. I was crying because you… hurt me. H-hindi malinaw sa akin lahat pero… p-pakiramdam ko, you m-mistreated me.” Mabilis niyang sinapo ang mukha ng dalaga. “Z-zein…” “Tama ako, ’di ba? Nangyari sa atin iyon. You didn’t make love to me that time? I didn't remember love in your kisses and touches. You were mad.” Hinawakan ni Amos ang mga kamay ni Zein at hinalikan nang paulit-ulit. Nakatihaya ang dalaga sa kama, nakatulala sa kisame ng silid nila habang siya, panay ang paghingi ng tawad dito. Pinalambing niya ang boses sa pinakamalambing na magagawa niya. Ayaw niyang makahanap na naman ito ng rason para

  • Rain on Your Parade    Chapter 68: Nakaraan

    Natawa si Zein nang itinapat ni Sammy ang kamay sa sumisirit na fountain. Mabilis niya itong hinila mula roon at hinampas sa balikat. Alam niyang probinsiyano ang lalaki pero alam niya rin na hindi naman ito ignorante sa mga ganoong bagay. Trip lang talaga nitong patawanin siya, kahit mapahiya pa ito sa harap ng maraming tao. “Kapag nahuli tayo ng guard, paaalisin tayo sa mall.” Ngumuso si Sammy at inayos ang bag sa balikat. “Aysus, ipabili mo ’to sa asawa mo. Mayaman naman ’yon, e.” Napailing na lang si Zein at hinila si Sammy sa loob ng isang Japanese restaurant. Ini-order niya ang lahat ng klase ng pagkain. Natutuwa siyang makita ang curiosity sa mukha ni Sammy sa mga pagkaing bago sa mga mata nito. Kumakain sila ng tanghalian pero nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang makita ang isang lamesa malapit sa kanila. May grupo ng mga lalaki kasi doon at lahat naka-hoodie at naka-shades. Tinanaw niya ang isang lalaki dahil pamilyar sa kaniya ang porma ng katawan nito pero sabay-sabay

  • Rain on Your Parade    Chapter 67: Lalaking may Manok

    Pangarap lang ni Amos noong magkaroon ng masayang pamilya—katulad ng pamilyang pinaranas sa kaniya ng mga magulang niya. Ang kaso, hindi niya inakalang pagdadaanan niya ang lahat ng iyon. Nang minahal niya si Zein, nasira lahat ng plano niya sa buhay. Kung tutuusin, hindi maganda ang dulot ni Zein sa kaniya. Palagi na lang siya nasasaktan. Muntik na siyang mabaliw. Muntik na niyang bawiin ang sariling buhay para lang makasama itong muli. Palagi siyang nagmamakaawang huwag siya nitong iwan. Palagi na lang siya ang talo pero wala. Mahal na mahal talaga ni Amos si Zein. Kahit anong mangyari, hindi na magbabago ang pagtingin niya para sa babae. “I love you so much, Zein.” Mas hinigpitan niya ang yakap sa babae at hinalikan ito sa noo. Payapa ang kalooban ni Amos kapag nakikitang mahimbing na natutulog ito sa kaniyang tabi. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Pakiramdam niya kasi, aalis na naman si Zein. Baka iwan na naman siya ng babae. Nang imulat ni Amos kahapon ang mga mata ni

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status