Home / Romance / Rain on Your Parade / Chapter 9: Be My Girlfriend

Share

Chapter 9: Be My Girlfriend

Author: Penmary
last update Last Updated: 2022-08-30 13:13:52

“Who are you?” Iyon ang tanong ni Amos kay Lester. Pinaupo silang dalawa ni Yvette sa dining table pero parang hindi siya tatagal kasama ito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zein, bugbog-sarado na ngayon ang lalaki.

Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagyang dumukwang sa lamesa. “Who are you too?” May bahid ng pang-uuyam sa boses nito.

Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki sa kaniyang harapan. “How rude.” 

Hinawakan nito ang tainga. Katulad ni Zein, marami rin itong hikaw sa tainga. Kapag kay Zein ay wala siyang problema sa bagay na iyon. Sa lalaking kaharap niya ay marami siyang problema.

He looks like an addict! Ganito ba ang mga type ni Zeinab?

“Ikaw ang bastos,” wika nito sabay duro sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng away at hindi ako.”

Kumuyom ang mga kamao ni Amos. Hindi niya kayang makihalubilo pa sa lalaking kaharap. Paano pa kayang mag-lunch kasama ito? Baka maitapon niya lang ang pagkain sa lalaki. 

Ilang sandali pa ay lumabas na sina Zein at Yvette sa kitchen. Nang makalapit sa kaniya si Zein, agad niyang kinuha ang hawak nitong platong may lamang fried chiken. Siya na mismo ang naglapag sa lamesa at hinawakan  ang palapulsuhan nito. Bakas ang gulat sa mukha ng dalaga habang impit namang tumili si Yvette. Napalingon siya kay Lester na masama ang tingin sa magkahawak nilang kamay ni Zein. Ngumisi siya nang malawak para mas lalo pang inisin ang lalaki.

“Bakit?” mahinang tanong sa kaniya ni Zein.

“We must talk.” Inasahan niyang magpumiglas ito pero hindi nito ginawa. Hinila niya ang dalaga hanggang makarating sila sa garahe. Humarap siya kay Zein at sinalubong lang nito ang mga titig niya. Nabasa niya sa mga mata nitong marami itong gustong tanungin sa kaniya. Aalisin na sana nito ang palapulsuhan mula sa pagkahawak niya pero mas hinigpitan niya pa iyon. 

Umawang na ang bibig nito at sa pagkakataong iyon ay nagpumiglas ito. “Bitiwan mo nga ako!” 

“Sino ang adik na lalaking iyon?” 

Ginulo nito ang buhok at napasinghap. “He’s Lester, okay? He’s my friend and he’s not an addict!”

Mas lalong nagwala ang kalooban niya dahil sa ginawang pagtanggol ni Zein kay Lester. Hindi niya alam kung para saan ang damdamin na iyon pero isa lang ang sigurado niya. Ayaw niyang makitang magkalapit ang dalawa. Parang may warning sign na biglang lumabas sa noo ng lalaking mukhang adik nang  makita niya itong kasama si Zein.

“But he looks like a bad guy for me!” giit niya pa. “I thought he raped you inside your bathroom.”

Kumunot ang noo nito at marahas na inagaw ang palapulsuhan mula sa kaniya. “Are you crazy?” Pinameywangan siya nito. Katulad ng lagi nitong ginawa, inilagay na naman ng dalaga ang dulo ng dila sa sulok ng pisngi nito. “Mang Tasyo, nagkulay lang ako ng buhok. Kita mo naman, hindi ba?” tanong nito sabay turo sa buhok nitong dating ash gray na pula na. Binanlawan na nito ang buhok kaya mas lalo niyang nakita ang kulay nang matuyo.

Kinusot ni Amos ang kaniyang ilong at marahang tumango. Ibinaba niya na ang kaniyang depensa dahil alam niyang mali siya ngunit wala siyang balak magpakumbaba kay Lester dahil hinayaan siya nitong isipin iyon. “I had that wrong. I already know, Zein.”

Ilang sandali pa ay nagpakawala ito ng malalim na hininga. “You know what, Mang Tasyo? I don’t want any connection with you. I’m confused. Why are you keep bugging me? I don’t want to see you.”

Hindi niya alam subalit parang dinurog ang puso niya sa narinig. Ayaw siyang makita ng dalaga. Ayaw siyang makausap nito at parang hindi matanggap ng buong sistema niya iyon. “Please, don’t… say that.”

Nang makita niya si Lester na lumabas ng bathroom ni Zein, halos magwala na siya sa galit. Bumalik sa kaniya ang dinulot na sakit ni Zelda nang malaman niyang may iba na itong mahal. Alam niyang hindi niya pa lubusang nakalimutan si Zelda pero bakit ganoon ang damdamin niya para kay Zein? Bakit gusto niyang sa kaniya lang ang atensiyon ng dalaga?

Hindi ko na talaga alam.

“Nagbabayad ako nang maayos sa’yo dahil alam ko namang kasalanan ko kung bakit nabangga kita. Bakit hindi mo tinanggap? Lagi mo akong kinukulit. Hindi ka ba napapagod?” Bakas ang pagsuko sa mukha nito. “I don’t understand you. You’re just my sister’s ex-boyfriend. Dapat wala tayong ugnayan pero…  ano ’to?”

Napailing si Amos. “I also don’t know, Zein. Ang alam ko lang… ay gusto kitang kausap. Hindi ko naiisip si Zelda kapag kasama kita. Hindi ako nagiging bitter kapag napapansin mo ako.” Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Gusto niyang malaman ang nasa isip ni Zein ngunit hindi niya mabasa ang dalaga.

Ilang sandali pa ay pumunta ito sa kotse nito at may kinuha sa dashboard. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay ang kuwintas niya sa palad niya. “That’s yours, right? My sister… gave that to you.”

Tumango siya. Ang kuwintas na iyon ay lagi niyang suot simula nang ibigay sa kaniya iyon ni Zelda. Isa iyon sa mga mahahalagang bagay sa buhay niya. Simple lang naman ang kuwintas pero pakiramdam niya, napakaraming emosyon na inilagay nang ginawa iyon.

“Thank you.”

“Kasal na si Ate Zelda. I want her to be happy and she’ll not be happy if you do not let yourself to forget.” Lumapit sa kaniya si Zein.

 Wala sa sariling pinigil ni Amos ang kaniyang paghinga. Nasamyo niya na naman ang amoy nitong gustong-gusto niya una niya pa lang itong makita. Inilapat nito ang kamay sa kamay niya kung nasaan ang kuwintas. Naramdaman niya ang panginginig at panlalamig ng kamay nito. Napansin niya rin na may kalyo ang mga daliri nito.

Is she nervous or what?

“Please, forget her. Stop bugging her. Stop… annoying me. Hanapin mo na lang ang peace of mind mo sa ibang bagay. Move on, Amos.”

Parang hinele siya dahil sa marahang pagbanggit ni Zein sa kaniyang pangalan. Hindi Mang Tasyo o Boy ang tinawag nito sa kaniya at nagbigay iyon ng kakaibang damdamin. Tinapik nito ang balikat niya. Tatalikuran na sana siya nito pero agad niyang hinila ang dalaga. Hinapit niya ito palapit sa kaniya at hinaplos niya ang pisngi nito. Napaawang ang bibig ng babae at hindi niya alam kung bakit naakit siyang padaanin ang daliri sa mga labi nito.

“Say my name, Zein.” mahinang usal niya. Napapikit ito at itinulak ang dibdib niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa baywang nito. “Baby, say it again.”

Huminga ito nang malalim at iminulat ang mga mata. “Amos…” 

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sinipit niya ang mahabang buhok nito sa tainga nito at pinakatitigan ang mukha ng dalaga. “Beautiful.”  

“Amos, let go of me.” Gusto nitong pakawalan niya ito pero hindi na naman ito nagpumiglas katulad kanina.

“Help me to move on, Zein.” Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at bumulong. “Be my girlfriend.” May ngisi sa kaniyang labi nang salubungin niya muli ang tingin nito. 

Natulala ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang kumunot ang noo nito at buong lakas siyang tinulak. “Anong gusto mo? Maging rebound girl ako? Gagawin mo akong panakip-butas sa sakit na dinulot ni Ate Zelda. I am not like a band aid that can cover your wounded heart, Amos. No! Not me!”

Hinawakan niya agad ito sa kamay. “It’s not like that, Zein. I know I still love… your sister but I have this feeling that I need you to be my girlfriend. Don’t you understand that?”

“Oo, hindi ko naiintindihan!” pasinghal nitong tugon.

“I’m attracted… to you,” pag-amin niya.

Suminghap si Zein. “What did you say? You’re attracted to me in a short period of time? I don’t believe you.”

Hindi niya kayang ipaliwanag sa dalaga ang gusto niya dahil kahit siya mismo, hindi niya kayang pangalanan iyon. Parang lagi na lang may kaguluhan sa isip niya. Tila hindi kumpleto ang isang araw ng walang Zein na nagpawindang sa buong sistema niya.

“I don’t know if that’s attraction or… what so please, do me a favor. Be with me while discovering what I really feel for you.” Hinawakan niya ang mga kamay ni Zein.

“Ano?”

“Okay, I will court you…” Napakamot na lang siya sa kilay niya.

Hindi niya na makontrol ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maging girlfriend si Zein. Hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon muli subalit hindi iyon ang ginawa niya. Pinilit niya ang dalaga. Ang malala pa, kapatid pa ni Zelda ang babae.

Simula nang makita ni Amos ang Lester na kaibigan nito, nawala na siya sa kontrol. Gusto niyang sa kaniya lang ang atensiyon ni Zein at sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoon. Kahit nang sila pa ni Zelda, hindi siya nagagalit kapag may nakikilala itong lalaki. 

Iyon siguro ang dahilan kung bakit naagaw ito ni Race sa kaniya. Sa palagay niya ay sobrang healthy ng relasyon nila pero sa sobrang akala, nawala ang dalawang taong pinagsamahan nila. Hindi siya madaling magselos. Hindi siya madaling magalit at hindi sila nag-away nang madalas noon ng dating kasintahan kaya hindi niya alam kung bakit naramdaman niya kay Zein ang mga hindi niya naramdaman noon kay Zelda.

Ginulo ni Zein ang buhok. “Bahala ka nga riyan,” naiiritang bulong nito at pumasok na sa bahay. 

Agad naman siyang sumunod. Buo na ang desisyon ni Amos. Wala siyang pakialam kung maging rebound girl ang tingin nito sa sarili. Ang gusto niya lang mangyari ay maging girlfriend ito kahit pa makulitan sa kaniya ang dalaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rain on Your Parade    Chapter 75: Last Chapter

    Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s

  • Rain on Your Parade    Chapter 74: Itatali

    “I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d

  • Rain on Your Parade    Chapter 73: Own Good

    Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum

  • Rain on Your Parade    Chapter 72: Childish

    Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp

  • Rain on Your Parade    Chapter 71: So Much

    “Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa

  • Rain on Your Parade    Chapter 70: No Hope

    Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status