Share

Chapter 3: The Accident

“Yaya, aray!” Hindi mapigilan ni Amos na mapadaing habang nilalagyan ng ointment ng kaniyang Yaya Tasing ang mga sugat niya sa likod. Gasgas lang naman kung tutuusin ang mga iyon. Talagang masakit lang dahil marami siyang natamo.

“Saan mo ba nakuha ang mga sugat na ito? Ikaw talagang bata ka! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” tanong nito sa tono nang panenermon.

“I don’t know. Ouch! Dahan-dahan naman.”

Inabot sa kaniya ng matanda ang ice pack at idinampi niya iyon sa bukol ng kaniyang noo. Hindi lang iyon, pagkatingin niya sa salamin kanina, nakita niya ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.

Where did I get this wounds?

Pilit inalala ni Amos kung ano ba ang nangyari sa kaniya pero ang huli niya lang natatandaan ay nang dalhin siya ni Barney sa bahay ni Zelda. Alam niya ng mga oras na iyon na may tama na siya ng alak kaya pinabayaan na lang siya ng kaniyang kaibigan sa gusto niyang gawin, tutal ay safe naman sa village.

“Bakit ka ba naglasing, Amos?”

“Just to escape…”

Bumuntong-hininga ang matanda. “Alam ko naman na hindi mo matanggap ang paghihiwalay ninyo ni Zelda pero sana naman kalimutan mo na ang batang iyon. Kasal na siya sa iba. Maging masaya ka na lang para sa kaniya.”

Kinuha ni Amos ang kaniyang puting shirt at sinuot iyon. Kailangan niya pang pumunta sa bakeshop. Wala siyang ibang pinagkakabalahan kundi ang mag-bake sa isa sa mga branches ng Reo’s bakeshop sa Pasay. Siya ang magmamana ng lahat ng businesses nila pero malakas pa ang kaniyang daddy. Napakasuwerte niya sa kaniyang mga magulang dahil hindi siya binigyan ng pressure ng mga itong patakbuhin ang kompanya.

Talagang bumukod na lang si Amos dahil gusto niyang magkaroon ng sariling bahay. Ang pagbili niya ng lupa at pagpapatayo sa kaniyang bahay sa village ay galing sa kaniyang ipon nang siya ay nagsisimula pa lamang bilang pastry chef. Nadagdagan lang ang kita niya nang maging entrepreneur siya.

“Yaya, paano ako sasaya kung niloko nila ako?”

Napailing ang matanda. “Hindi ka talaga sasaya kasi hindi mo matanggap ang lahat.”

Hindi na lang siya nagbigay ng komento. Tama ang yaya niya. Hindi niya matanggap ang panloloko ng mga ito. Masaya ang mga ito samantalang siya ay miserable. Sino bang lalaki ang matutuwang lokohin ng babaeng karelasyon niya? Hindi lang damdamin niya ang nasaktan kundi ang pride niya bilang lalaki.

Ilang sandali pa, dumating na ang kaniyang driver na si Kuya Nelson. “Sir Amos, nakuha ko na po ang kotse ninyo sa Saranico Hotel.” Kinuha niya ang susi sa lalaki at nagpasalamat.

Humarap siyang muli sa kaniyang yaya nang may maalala. “Paano ako nakauwi?”

“Hinatid ka ng guards ng village na nagroronda tuwing gabi. Nakita ka raw nila sa tapat ng bahay ni Zelda. Doon ka pa talaga tumulog.”

Nanlaki ang mga mata ni Amos sa gulat. “What?” 

Kinusot ni Amos ang kaniyang ilong. Hindi niya maalala kung anong nangyari pero tiyak na malapit lang sa bahay ni Zelda o mismong sa loob ng bahay may nangyari kaya siya may mga sugat at pasa. Kailangan niyang maalala ang nangyari sa kaniya para hindi na maguluhan ang kaniyang isip.

“Naisip ko nga na baka nanakawan ka kaya lang bakit naman sa lugar na ito? Mahigpit ang security dito, hindi ba?”

Tumango siya at nagpakawala ng malalim na hininga. “Yaya, I have to go.”

“Kumain ka ng almusal mo, Amos. Lagot ka na naman sa mommy mo,” paalala sa kaniya ng matandang babae. 

Napangiwi na lang siya. Baby talaga siyang ituring ng kaniyang mommy kaya nga nang bumukod siya sa kanila, umiyak ito nang todo. Gusto pang ipasama kay Amos ang limang katulong sa bahay nila dahil wala raw mag-aalaga sa kaniya. Ayaw niya sanang tanggapin pero mapilit ang mommy niya. Mabuti na lang, pumayag ito na si Yaya Tasing kasama ang dalawang katulong at ang driver na si Kuya Nelson lang ang isama niya. Malaki ang bahay para sa kaniya at mahihirapan siya kung siya lang ang tao roon.

Habang nagmamaneho papuntang Reo’s bakeshop, bumalik sa alaala niya si Zelda. Dalawang taon na ang relasyon nila. Alam niyang hindi siya nagkulang dito. Lagi niya itong binigyan ng sapat na panahon kahit busy silang pareho kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagawa nitong lokohin at iwan na lang siya.

Sinabi ni Amos sa mga itong tanggap niya na ang lahat pero hindi siya manhid para hindi makaramdam ng sakit. Hindi niya napigilang manggulo sa reception ng mga ito dahil may galit sa puso niyang hindi niya alam kung kailan maghihilom. Akala ng kaniyang dating kasintahan na ayos lang sa kaniya ang lahat pero hindi. Alam niyang masama pero nang tumagal ang pangungulila sa babae, nagkaroon siya ng kagustuhan na bawiin ito mula kay Race. Wala siyang pakialam na kasal na ang babae. Kung bibigyan siya ng pagkakataon, tatanggapin niya pa rin si Zelda kahit ilang beses nitong tinapakan ang pride niya.

Ilang sandali pa ay tumawag sa kaniyang phone ang kaniyang ina. “Baby!”

“Mommy, bakit ka napatawag?”

“I just want to know if you’re okay. I missed you, Amos.” Nahimigan niya sa tono ng ina ang lungkot.

“Para namang hindi ko kayo binibisita ni Daddy,” natatawang sabi niya.

Narinig ni Amos ang pagmamaktol nito. Minsan, isip-bata talaga ang kaniyang mommy kaya kinakain siya ng konsensiya kapag napasama niya ang loob nito.

“You should live here again. Mga maids lang ang kasama ko. Kailan mo ba kami bibigyan ng apo? I want a baby girl pero kung hindi kaya, kahit baby boy na lang,” nasasabik nitong wika.

Napangiti si Amos. Kahit siya, gusto niya na talagang magkaanak at bumuo ng pamilya pero hindi niya naman inakalang masisira ang lahat ng plano niya.

“Dadating din tayo riyan, mommy. Alam mo naman kabe-break lang namin ni Zelda, right?”

“Hay naku, find a new girl. Mag-asawa ka na. Gusto ko ng apo.”

Iyon ang isa sa mga dahilan niya kung bakit gusto niya nang bumuo ng pamilya. Hindi nga siya nakatanggap ng pressure sa trabaho pero binigyan naman siya ng pressure ng kaniyang parents na magkaroon ng asawa at mga anak. Perfect si Zelda para maging asawa at maging ina ng mga anak niya. Maganda, mapagmahal at maaalaga ito.

Sayang lang talaga…

Magpa-park na sana si Amos sa parking lot ng bakeshop nang biglang may umurong na sasakyan sa harapan niya. “What the—” Napapalatak na lang siya nang mahina.

“What happened, anak?” nag-aalalang tanong ng kaniyang ina.

“Mommy, I’ll just call you later. Bye.” Agad niyang pinatay ang tawag. Bumaba siya at tiningnan ang sasakyan niya. Yumupi ang kaliwang bahagi ng harapan ng sasakyan niya. Napatunghay na lang siya nang makita niya ang itim na boots ng isang babae.

“Kuya, sorry. Sorry talaga. Hindi ko naman—” Tumigil ito sa sasabihin nito nang makita ang mukha niya.

“Nananadya ka ba, Zeinab?” naiinis niyang tanong sa babae.

Katulad ng lagi nitong ginagawa, inilagay na naman nito ang dulo ng dila sa loob ng pisngi bago magsalita. Mayabang na tumingin sa kaniya ang dalaga. “Sa tingin mo ba, sinadya ko ’yan? Sana ay hindi na ako nag-sorry. Ayaw na nga kitang makita, Mang Tasyo. Malas ka sa buhay ko.”

Iritado siya sa hitsura nito. Ang nakalugay nitong buhok kahapon ay nakapusod na. Ripped jeans na itim at puting panloob na pinatungan ng denim jacket ang suot nito. Ankle boots naman ang suot nito sa mga paa. Marami rin itong accecories sa kamay. Ngayon niya lang napansin na hindi lang pala isang pares ang butas sa tainga nito dahil sa dami ng hikaw. Nandoon pa rin ang mga labi nitong kinulayan ng itim.

Ayaw niya sa pananamit nito. Napakaruming tingnan. Mas gusto niya ang mga mahihinhin at mga glamorosang manamit katulad ng ate nito pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili na laging pasadahan ng tingin ang dalaga. Para bang may magnet na humila sa kaniya para tingnan ito. Baka nga, ang maayos lang nitong pananamit ay nang pumunta ito sa kasal ni Zelda.

I don’t like this woman!

“Nagsawa ka na ba?” pang-uuyam ni Zein. Iyon na naman siya. Nawala siya sa kaniyang sarili sa harap ng babae. Hindi niya gusto ang damdaming dinulot sa kaniya nito.

“What did you say?”

“Titig na titig ka sa akin. I’ll melt, you know.”

“Excuse me?” Namangha siya sa sinabi ng babae. Napakataas ng kumpiyansa sa sarili. Sabagay, talagang magmamayabang si Zein dahil nahuli siya nitong tumititig pero hindi niya aaminin iyon.

Magkamatayan na.

Nang-uuyam itong ngumisi at sa pagngising iyon, isang alaala ang bumalik sa kaniya. Tila isang video ang bumulusok sa isip niya at napagtanto niya na ang nangyari sa kaniya nang gabing iyon.

“You!” biglang sigaw ni Amos.

 Napairap na lang ang dalaga. “Yes, me.”

“I remember now. Kinaladkad mo ako palabas ng bahay ng girlfriend ko!”

Pinameywangan nito si Amos. “Reality check tayo, ha? Ex ka na.” Binigyang-diin pa talaga nito ang salitang ex. “Isa pa, that’s my house so I have the right to dispose you.”

Nauubos na ang pasensiya niya sa dalaga. Ito lang ang babaeng nagpalabas ng kasamaan ng ugali niya. Siguro ay ampon lang ito dahil iba ang ugali nito kay Zelda. “What do you think of me? A trash that need to dispose immediately?”

Suminghap ito at pinanliitan siya ng mga mata. “Parang oo, e. Ampalaya ka, hindi ba?” Nakuha pa nitong ngumiti samantalang siya ay parang umusok na ang ilong sa sobrang inis.

“Bagay na bagay ka sa biodegradable…” pamimitin nito. “Nabubulok!”

“Sumusobra ka na!”

“Kasi naiinis ako sa’yo! You bastard! You stole my first kiss and I really hate you for that!” 

Naalala na ni Amos. Napagkamalan niya itong si Zelda kaya n*******n niya ito. Kung nasa matinong pag-iisip lang siya ng mga panahong iyon, hindi niya hahalikan ang malditang babae.

Oh, really?

Nakusot na lang ni Amos ang ilong niya. Aminin niya man o hindi, alam niyang may atraksiyon siyang naramdaman kay Zein. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ayaw niya sa kaniyang ginawa pero bakit may munting kasiyahan siyang naramdaman nang malaman niyang siya ang first kiss ng dalaga?

“Give me your phone number,” utos ni Amos.

“Why?”

“So, my secretary can talk to you para ma-settle natin ang nangyari sa sasakyan ko.” 

Kahit nagtataka, ibinigay pa rin nito ang phone number. Maganda kung ipakausap niya na lang ito sa secretary niya para maayos ang sasakyan niya. Isa pa, tiyak na magsasabong lamang sila ng babae kapag nagkita o nagkausap na naman sila.

“Okay na? Aalis na ako. May pupuntahan pa ako,” matabang nitong pamamaalam. Tatalikod na sana ito pero hindi niya alam kung bakit niya hinawakan ang braso nito para pigilan.

Why are you doing this, Amostacio?

“Ano?”

“Ah…” Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Bakit niya nga ba pinigilan ito?

“What? Nagmamadali ako,” naiiritang turan ni Zein. Tinanggal nito ang pagkahawak niya sa braso nito. Naikuyom na lang ni Amos ang kamay at ibinaba.

“I just want to…” Nakataas ang isang kilay na tumingin sa kaniya ang babae. Hindi niya alam kung anong sasabihin basta ang alam niya lang, ayaw niya muna itong umalis.

“I just want to… bring you to the police station. Oo, tama. Dadalhin kita sa police station!” pangungumbinsi niya sa kaniyang sarili. 

Napapikit na lang siya nang makita ang gulat sa mukha ni Zein. “Sira ang ulo mo!”

I’m sh*t!

“Bakit mo ako dadalhin sa police station, Mang Tasyo?” hindi makapaniwalang tanong ni Zein. “Akala ko ba, okay na? Kinuha mo pa nga ang number ko.”

“I will report you…”

“For?” 

Bigla niyang naisip na gantihan ang babae. Mukhang ayaw nitong madala sa police station. Tatakutin niya lang naman ito. Hindi niya tototohanin.

“Marami kang kasalanan sa akin.”

“At ano naman?”

Siya naman ang mayabang na tumingin dito. Itinaas niya ang mukha niya kaya nakatingala ito sa kaniya. Lihim siyang napangiti.

“Nakatanggap ako ng physical abuse mula sa iyo nang kaladkarin mo ako palabas ng bahay ninyo.” Umirap lang ito at humalukipkip. “Kanina naman ay verbal abuse. Tinawag mo akong basura.”

“Ang arte mo. Ikaw na nga ang tresspasing. Na-ospital ka ba? Na-ICU ka ba? Higit sa lahat, namatay ka ba? Hindi naman, ah? You’re unbelievable,” naiiling nitong sabi at diniinan pa ang pagbigkas sa salitang namatay na parang gusto nitong mangyari sa kaniya.

“Maarte ako para sa’yo dahil masama ang ugali mo.” Itinuro niya rito ang kaniyang bukol. “Kita mo ba? This is bukol.”

Natawa ito nang mahina. “I am not sorry for that. That’s your fault, okay?” 

Umayos nang tayo si Amos dahil sa pagkapahiya at itinuro niya naman ang sugat sa gilid ng labi. “How do you explain this?”

Napaatras siya nang bahagyang tumalim ang tingin ni Zein sa kaniya. “You deserved that. You kissed me!”

Tumikhim na lamang si Amos. Hinawakan niya ang laylayan ng damit niya para itaas. “Paano naman itong sugat ko sa—”

“Rape! Rape! Help me! Rapist ang lalaking ito!” biglang sigaw ni Zein. Agad niyang inabot ang bibig nito para matigil ito sa pagsigaw. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.

“This is my girlfriend. We had a misunderstanding. Sorry, people.” Nawala na ang atensiyon ng mga tao sa kanila. Humarap siya kay Zein. “Hindi ba, Honey?” Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinalikan niya ito nang mabilis sa pisngi na ikinalaki ng mga mata nito.

Bigla na lang siyang tinapakan ni Zein sa paa dahilan para mabitiwan niya ang bibig nito. Matulis pa naman ang takong ng ankle boots nito. Napatalon siya sa sobrang sakit habang sapo ang paa. “Why did you do that, witch? You’re a scandalous woman. I’ll report you!”

“I should be the one reporting you to a police man. That is your punishment for kissing my cheek… and my lips!” Napaupo siya sa kalsada kasasangga sa bawat hampas ni Zein. Nang makontento ay sumakay na ito sa sasakyan.

Sumilip ang dalaga mula sa bintana. “Alisin mo ang sasakyan mo riyan!” pasigaw nitong utos.

Sumakay agad si Amos sa kaniyang sasakyan at inurong iyon. Nakaalis na ang babae nang magpakawala siya ng malalim na hininga. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya natawag na rapist. Hindi nga siya marunong mang-manyak at mambabae man lang, ’tapos ay tinawag siyang rapist. Hinalikan niya ito pero hindi aabot sa puntong maging manyak na siya.

Wala pang twenty-four hours pero sobra na ang idinulot niya sa aking sakit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status