Share

Chapter 23: Better to Escape

Inilabas ni Zein ang kaniyang kamay mula sa bukas na bintana ng sasakyan ni Amos. Nabawasan ang bigat na naramdaman niya nang tumama sa kaniyang mukha at kamay ang hangin. Napangiti siya at napapikit.

Papunta sila sa bahay-bakasyunan na pag-aari ng binata sa Mabini, Batangas. Wala silang dalang mga damit. Tanging pagkain lang na niluto niya ang dala nila. Akala niya ay sa bahay na lang sila mananatili o kaya ay dadalhin lang siya ng nobyo sa isang park.

“Your beauty is incomparable, Zein.”

Lumingon si Zein kay Amos at parang tinunaw ang puso niya nang makita ang ngiti nito. Naka-shades ito pero alam niyang puno ng emosyon ang mga mata nito.

“Kanina mo pa ’yang sinasabi.” Ipinasok niyang muli ang kamay at sumandal.

“I’m just stating the fact. My girlfriend is beyond gorgeous.” Inabot nito ang kamay niya at marahang hinaplos ang mga daliri habang diretso ang tingin sa daan. Hindi niya maalis ang tingin sa binata lalo nang dalhin nito sa mga labi ang kaniyang kamay at ginawaran iyon ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status