Share

Chapter 2: Magnanakaw

Nakahinga nang maluwag si Zein nang marating niya ang Kiki village. Kagagaling niya lang sa kasal ng kaniyang Ate Zelda at talagang napagod siya dahil pagka-uwi niya galing Japan ay dumiretso agad siya sa isa sa pinakamasayang araw ng kaniyang ate. 

Wala pa siyang pahinga. Ang tanging pahinga niya lang ay nang kunin niya ang kaniyang sasakyan at magpalit ng damit sa kanilang bahay bago pumunta kanina sa kasal. Nakapapagod at idagdag pa ang lalaking bitter kanina na si Mang Tasyo pero palalagpasin ba naman niya ang pagkakataong makita ang kapatid na nakasuot ng traje de boda? Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay at hindi niya matitiis na hindi ito makitang naglalakad sa altar.

Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang ambush, si Zelda na ang tumayong kaniyang nanay at tatay. Tanging ang naiwan na lang sa kanila ng mga magulang nila ay ang bahay sa Mapski Street. Baon na pala sa utang nang mga panahong iyon ang pamilya nila.

Kaya ang ate ni Zein na si Zelda ang tumanggap ng lahat ng responsibilidad. Pinag-aral siya nito at nakatapos naman siya sa kursong BA Film and Audio Visual Communication. Kaya lang, hindi niya pa ito nagamit. Sa edad na dalawampu’t-apat, wala pa siyang trabahong akma sa kaniyang tinapos. Nakita niya ang iba niyang kaklase noong successful na sa larangang iyon pero siya, wala siyang balak. 

Kung tutuusin, madali siyang magkakatrabaho dahil maraming koneksiyon ang kaniyang ate subalit pinili niya ang musika. Nasa pagbabanda ang kaniyang passion at hindi iyon tinutulan ni Zelda kaya naman mahal na mahal niya ito. Ginawa ng ate niya ang lahat para maging masaya siya.

Ilang sandali pa, nakita niya sa path walk si Yvette. Ito ang kababata niyang matagal niyang hindi nakita. Agad niyang binusinahan ang dalaga dahilan para mataray na lumingon ito sa kaniyang sasakyan.

Natawa na lang si Zein sa reaksiyon ng kaibigan. Hindi pa rin talaga ito nagbago. Masungit at maarte pa rin ito. Agad niyang ibinaba ang bintana ng kaniyang kotse. “Bengut!”

Inaninag nito ang mukha ni Zein at biglang napaawang ang bibig nito nang makilala ang kaharap. “Agiw?”

Nakuha pa nitong tumili nang lumapit sa kaniya. Binatukan niya na lang ang dalaga nang halos hilahin na siya nito palabas sa bintana dahil sa yakap nito.

“Ano ba, Yvette?”

Binitiwan naman siya agad nito. “I missed you. Sorry na. Dalawang taon ka rin kasing nawala.”

“At sa dalawang taon na iyon, naglalakad ka pa rin papasok sa village,” pang-aasar ni Zein sa kaibigan. Maganda naman ang trabaho nito bilang accountant pero ayaw mag-taxi kapag nasa Kiki village na ito dahil pangmahirap daw.

“Yuck! So cheap.”

“Ang arte!” 

Umirap lang ito sa kaniya. “You know naman sa lugar na ito. Kahit saan ako lumingon, may discrimination. Nakahihiya naman kasi sa mga taga-Gamski at Mapski street na may mga sariling sasakyan.”

“Ikaw lang naman ang nag-iisip ng discrimination na ’yan.”

“Duh?” maarte nitong sabi. “Hindi lang kaya ako.”

Naalala niya pa ang kinuwento nito tungkol sa Kiki village. Ang founder kasi ng village ay ang kambal na sina Kian at Kianna kaya ang pangalan ng mga street sa lugar ay puro may “ki” sa huli. Hindi lang basta-basta ang lugar dahil doon matatagpuan ang mga tirahan ng mga successors ng ilang mayayamang pamilya sa bansa.

Hindi naman mayaman ang pamilya ni Zein pero mayroon silang bahay sa village. Kaya lang nagkaroon at naisip ng ibang residents na may discrimination ay dahil sa kinalalagyan ng mga bahay. Sa Gamski Street lang kasi matatagpuan ang mga matatawag talagang mansyon ng successors na sa pagkakaalam niya ay hindi lang basta mga tagapagmana kundi mga guwapo pa. Sa Papski at Mapski Street naman ang mga may masasabing may kaya lamang sa buhay.

Nakalulungkot lang na ganoon ang mindset ng mga tao kabilang na ang kaibigan niya. Hindi nila makita kung anong mayroon na sila. Kung tutuusin pa nga, isang pribilehiyo na ang magkaroon ng lupa sa village kahit maliit lang dahil hindi lahat ng tao ay afford ang lupa sa lugar na iyon. Ginto yata ang lupa kaya sobrang mahal ng presyo.

“Get in. Ihahatid na kita hanggang Papski Street.”

Pumikit si Yvette at umiling. “Oh my gosh! Don’t you ever mention that street again!”

Natawa na naman si Zein. Ayaw niya sa maaarte pero hindi niya alam kung paano niya ito nakasundo. Siguro ay kay Yvette niya lang nahanap ang mabuting kaibigan. Bukod kasi sa babae at sa mga kabanda niya, wala na siyang kaibigan. Mahirap kasing ibigay sa isang tao ang tiwala.

“Why? Doon ka nga nakatira,” nanunuksong sabi ni Zein kay Yvette. 

Umirap na lang si Yvette at sumakay sa kaniyang kotse. Pinaandar niya naman agad ang sasakyan. Sa dulo pa kasi ang street nito at unang nadaanan ang bahay niya pero ayos lang sa kaniya iyon.

“Nakakainis talaga! Alam mo ba iyon? Bakit ba kasi nasa bungad ang Gamski tapos kami ang nasa dulo. Ano kami, latak? Sila na nga ang may magagarang sasakyan, sila pa ang malalapit,” paghihimutok ni Yvette.

Ngumisi si Zein. “Sino ba kasing may sabing maglakad ka? Nag-tricycle ka na lang sana.” Natawa siyang muli nang bigla na lang itong nangisay.

“Taxi nga ay ayokong ibalandra sa lugar na ito, tricycle pa kaya!” Napailing na lang siya. Ilang sandali pa ay pinasadahan siya nito ng tingin. “Anong itsura ’yan? You’re wearing a light pink infinity dress but your lips tainted with black. Seryoso ka sa style mo na iyan?”

Napaisimid si Zein. “Galing ako sa kasal ni Ate Zelda,” tugon niya.

Napatakip ito sa bibig. “Oo nga pala. She invited me kaya lang hindi ako nakapunta kasi may pinaasikaso sa aking importante ang boss ko.”

“Okay lang.”

“So, how’s the wedding?”

“Masayang-masaya ang ate ko. She deserves to be happy. I hope Kuya Race will take care of her,” nakangiting tugon niya. 

Tumango si Yvette pero pinanliitan naman siya ng mga mata. “Pero alam mo, ang sayang lang…”

“Sayang? What do you mean?”

“Sayang ang relasyon nila ni Kuya Amos. Sayang, taga-Gamski pa naman. Big time na sana. Kung ako si Ate Zelda, pakakasalan ko agad.” 

Nabigla siya sa narinig. Hindi siya makapaniwalang sa Kiki vllage rin pala nakatira ang lalaki. Alam niyang may ex-boyfriend ang ate niya pero hindi niya na kinilala dahil dalawang taon din naman siyang wala sa bansa. Isa pa, noong mga panahong nanliligaw pa lang si Amos kay Zelda, hindi na siya nagpakita ng interes na makilala pa ito. Tanging ang kaniyang Kuya Race na lang ang kaniyang kinilala dahil ang binata ang pinakasalan ng kapatid niya.

“Si Mang Tasyo?” tanong niya.

“Oh my gosh again! He’s hot and so gwapo tapos tatawagin mo lang siyang Mang Tasyo?”

Siya naman ngayon ang umirap. “Paano ba namang hindi? He almost ruined the reception. Kakanta ba naman ng pangpatay? Nag-bake pa ng wedding cake na ampalaya flavor.”

Natawa si Yvette na may kasamang hampas pa sa braso niya. “Really? He did what? Sabagay, hindi naman kasi natin siya masisisi kung maging bitter siya kasi inagaw ni Kuya Race si Ate Zelda sa kaniya.”

Kumunot ang noo ni Zein sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya pa lubos na kilala si Race pero mukhang mahal na mahal naman ng kaniyang ate ito kaya hindi na siya tumutol pa. Ibig sabihin, may pinaghugutan pala talaga ang Mang Tasyo na iyon para maging bitter. Hindi na lang siya nagbigay ng komento.

“Thank you sa paghatid, Agiw!” Idinikit nito ang pisngi sa kaniyang pisngi.

“Sige, pasok ka na sa bahay ninyo, Bengut. Bagay na bagay ka talaga sa Papski.” Parang batang nagmamaktol itong bumaba. Natawa na lang siya.

Binagtas niya ang daan pauwi. Hinayaan niya lang na patay ang ilaw sa sala at pumasok sa kaniyang kuwarto. Kasal na ang kaniyang ate kaya mag-isa na lang siya.

Pagkatapos niyang magbihis ay nakaramdam siya ng gutom. Naisipan niyang kainin na lang ang cake na lasang ampalaya na inuwi niya kanina. Hindi iyon nagustuhan ng kapatid niya subalit gusto niya ang lasa. Siguro ay mahilig lang talaga siya sa mga pastries. Hindi niya alam kung bakit siya adik sa mga cakes lalong-lalo na sa mga tinapay. Isa lang ang binibilhan niya ng tinapay at iyon ay ang Reo’s Bakeshop. Kuripot siyang tao pero walang kaso sa kaniya pagdating sa paninda ng mga ito kahit pa mahal.

Bumaba siya para kumuha ng tinidor at platito sa kusina ngunit laking gulat niya nang matanaw niya ang bulto ng isang lalaki malapit sa liquor cabinet. Kahit madilim, nakita niya pa rin ang lalaki pero hindi niya naaninag ang mukha dahil nakatalikod ito.

Mahigpit ang security sa village na ito, ah? Paano nakapasok ang magnanakaw dito?

Dahil sa pagkataranta, kinuha niya na lang ang walis-tambo sa gilid niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito at pikit-matang hinampas ito nang sobrang lakas sa likod.

“Magnanakaw ka!”

“Aw!” d***g ng lalaki.

Napadilat na lang siya nang abutin nito ang switch ng ilaw dahilan para makita niya ang lalaking nasa kaniyang harapan ngayon.

“Ikaw?!” sabay pa nilang sigaw.

Siya ang unang nakabawi sa gulat. “Anong ginagawa mo sa bahay ko, Mang Tasyo?”

“Bahay mo?” tanong nito. Bahagyang napalayo si Zein sa lalaki nang maamoy niya ang alak sa hininga nito. “This is my girlfriend’s house.” Tumawa pa ito.

Lasing talaga ang lalaking ito!

Kanina pa siyang iritado sa lalaki pero hindi niya maikaila ang sinabi ng kaibigan. Guwapo ang binata. Magulo ang buhok nito pero hindi iyon nakabawas ng dating nito. Wala ang tangkad niya sa taas nito. Hanggang leeg lang siya ng binata. Hot nga ito kung maituturing dahil sa maskuladong mga braso na humahapit sa puting polo nito. Mas lalo pang nakadagdag sa kakisigan nito ang tatlong butones na nakabukas sa bandang taas ng polo nito dahilan para makita ni Zein ang malapad na dibdib ng binata. Hindi niya tipo ang mga moreno pero hindi niya naman maalis ang titig niya sa lalaking nasa harap niya.

“Enjoying what you see?” naaaliw na tanong sa kaniya ni Amos. May gana pa talaga itong mang-inis kahit lasing na. Hindi niya namalayan na tinitigan niya na pala ang binata.

Umirap siya at mayabang na tumingin sa lalaki para pagtakpan ang ginawa niyang pagtitig dito. Inilagay niya ang dulo ng kaniyang dila sa loob ng pisngi bago magsalita. “Ang kapal!”

“But you... liked it.”

Iniba niya na lang ang usapan. “Ano bang ginagawa mo sa bahay ko, Mang Tasyo?” tanong niya ulit. “Paano ka nakapasok dito?”

“Because my girlfriend is here.” Bumingisngis pa ito dahilan para lalong mag-init ang ulo niya. Parang gusto niya na lang isupalpal sa mukha nito ang wedding cake na ito mismo ang nag-bake. Simula nang matikman niya iyon, nagustuhan niya ang lasa. Nagtaka nga siya sa kaniyang sarili dahil alam niyang mga tinapay at cakes mula sa Reo’s Bakeshop lang ang gusto niya.

“My sister married Kuya Race! Tumigil ka na!” singhal ni Zein sa lalaki pero ang walang hiya, nilagpasan siya at may balak pa talagang umakyat sa ikalawang palapag.

“Zelda? Zelda!” Napaawang na lang ang bibig niya. Gusto nitong umakyat sa hagdan pero pasuray-suray na ito maglakad. Nauntog pa ang noo nito sa barandilya. Natawa siya nang tumawa pa ito gayong nasaktan na nga.

Ang lakas ng tama!

“Zelda? Your boyfriend is here. Sweetheart, come on. Come to Amos.” Para itong tatay na itinaas ang kamay sa tapat ng hagdan at parang hinintay ang baby nitong bumaba.

“Hoy, Mang Tasyo, lumayas ka na nga sa pamamahay ko.” Nilapitan ito ni Zein at hinila sa braso pero nagpabigat ito. “Ano ba? Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka pa umalis. Trespassing ka!”

Namumungay ang mga matang lumingon ito sa kaniya. Kahit madilim, nakita niya ang pagngisi nito. Bigla na lang siyang kinabahan sa hindi niya malamang dahilan. Parang may ibang kahulugan ang ngising iyon. 

“Zelda!” Napigil niya na lang ang hininga nang yakapin siya nito. Napakabigat ni Amos. Halos gawin na siyang kama nito.

“Bumitiw ka nga. Hindi ako si Ate!” Itinulak niya ito pero nagbigay sa kaniya ng kakaibang damdamin ang mahina nitong paghagikgik sa gilid ng kaniyang leeg. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan niya. Nang mga sandaling iyon niya lang naramdaman ang ganoong klaseng pakiramdam. Nakatatakot pero ang sarap damhing muli.

Tumunghay si Amos at hinawakan ang kaniyang magkabilang pisngi. Mukha na siyang isda dahil naipit na ang kaniyang mga labi dahil sa mga palad nito.

“Sweetheart, I love you,” pumipikit-pikit ang mga matang sabi ng binata. Ngumiti pa ito at halata sa ngiting iyon na lasing na talaga ito. “Ako dapat ang pinakasalan mo.”

Nakaramdam ng pagkahabag ang puso ni Zein sa sinabi ng binata. Hindi niya alam ang mga nangyari sa pagitan ng kaniyang ate at ni Amos. Wala siyang karapatang manghusga pero hindi niya maiwasang maawa sa sitwasyon ng lalaki. Mukhang mahal na mahal nga ni Amos ang kapatid niya. Masuwerte ang ate niya dahil may nagmamahal dito nang labis.

“I should be your groom. Bakit ka nagpaagaw sa Race na iyon?” Parang batang nanunumbat si Amos sa kaniyang harap. Walang luha pero malungkot ang mga mata.

Pero ang lahat ng awa na naramdaman niya sa binata ay biglang nawala nang mabilis nitong inilapat ang mga labi sa kaniya. Hindi niya iyon napigilan dahil masyadong mabilis.

Ang first kiss ko!

Agad niya itong tinulak at sinuntok sa mukha. Napahiga na lang ito sa sahig at tumawa. Wala na siyang pakialam kung masaktan ito. Hinawakan niya ang dalawa nitong paa. Hinila niya ito habang nakahiga palabas ng gate niya. Hindi niya na alintana kung hiningal man siya. Ang mahalaga ay mapalayas niya lang si Amos.

“Diyan ka na!” Hinayaan niyang matulog ang lasing na iyon sa kalsada. Dagli siyang pumasok at isinarado nang malakas ang gate. Napasandal siya roon. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang maramdaman ang paglakas ng tibok ng kaniyang puso. Ilang sandali pa ay napahawak na lang siya sa kaniyang mga labi. Napapikit siya at ginulo ang buhok. Nagmamaktol na pumasok siya sa bahay at sumigaw.

“Magnanakaw ng halik!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status