Paulit-ulit na tinapik ni Zein ang lamesa gamit ang kaniyang mga daliri habang kausap si Lester sa cellphone. Wala silang gig sa araw na iyon kaya nabo-boring siya pero wala naman siya sa mood lumabas ng bahay.
“Come on, Zein. Come with me. I am going to Bicol,” pangungumbinsi sa kaniya ni Lester.
Ginulo niya na lang ang buhok niya dahil sa kakulitan nito. Matagal niya na itong kaibigan. High school pa lang sila nang magkakilala sila. Ito rin ang bassist nila kaya sa lahat ng mga kabanda niya, si Lester ang pinakamalapit sa kaniya.
“Then what? You will introduce me as your girlfriend? No way!”
“Please, gusto nila akong ipakasal sa kinakapatid ko. M*****a naman ang babaeng iyon. I can’t imagine myself building a family with her.” Nahimigan ni Zein ang kawalan ng pag-asa sa lalaki.
“Mag-isip ka nga. If you introduce me as your girlfriend to your parents, they will not like me for you. I swear, I am not the type of girl na magugustuhan nila.”
“Magugustuhan ka nga nila,” giit nito. “You’re beautiful inside and out, Zein.”
Umiling si Zein at humigop ng kape. “Kaya pala wala pa akong boyfriend hanggang ngayon?” sarkastikong tanong niya sa kaibigan. “Hindi nila ako magugustuhan. Wala nga akong boyfriend o manliligaw.”
Nagpakawala ito ng malalim na hininga at sandaling natahimik pero muli rin nagsalita. “Sabi ko naman kasi sa iyo, patulan mo na lang ako.”
Pumunta si Zein sa harap ng refrigerator para maghanap ng makakain pero wala na pala siyang pagkain. Ang kaniyang Ate Zelda ang namimili ng mga kailangan niya noon. Nang nasa Japan siya, hindi naman siya nahirapan dahil kasama niya sa bahay ang isa niyang kabandang babae na si Agnes. Ngayong siya na lang mag-isa sa malaking bahay na iyon, pakiramdam niya, nawalan siya ng isang paa. Kailangan niyang masanay na wala na si Zelda sa kaniyang tabi.
Kailangan ko na talagang mag-grocery.
“Zein? Are you still there?” untag ni Lester.
Nabalik ang kaniyang atensiyon sa binatang patuloy pa palang nagsasalita sa kabilang linya. “Oo, nandito pa ako. Sorry, naisip ko lang na kailangan ko palang mag-grocery.”
“Samahan na kita.”
“Tapos kukulitin mo na naman ako? Ayoko,” matigas niyang tugon dito.
Narinig ni Zein sa kabilang linya ang pagmamaktol nito. Kung hindi niya lang talaga matagal na kaibigan ang lalaki, hindi siya magtitiyaga sa kakulitan nito.
“Patulan mo na nga lang kasi ako para matapos na ang pangungulit ko sa’yo. Do you think that will be a great idea? You and me… in a relationship is not bad. Bakit hindi mo na lang ako gawing… boyfriend mo?”
“Sira ang ulo mo. Sagad!”
Natawa ang lalaki dahil sa sigaw ni Zein. Hindi naman kasi siya ganoon kadesperada na magkaroon ng boyfriend. Gusto niyang magkaroon ng karanasan pero hindi sa ganoong pagkakataon.
Matagal na siyang biniro ng ganoon ni Lester at wala siyang ibang magawa kundi ang mapikon na lang. Wala naman nga kasing nagkamaling pumatol sa kaniya. Hindi niya alam kung anong mali sa kaniya. Bata pa siya at hindi naman siya nagmamadali kaya lang ay nakapagtatakang kahit manliligaw man lang ay wala siya. Baka sa sobrang pagiging kampante niya, walang maging pagbabago sa buhay niya. Katulad ng iba, nangangarap din siyang bumuo ng pamilya sa tamang panahon.
“Basta pag-isipan mo ang suggestion ko. I am willing to be your boyfriend—” Pinatay niya na ang tawag. Siguradong namumula na ang lalaki sa inis. Natawa na lang siya sa naisip.
Nakakita si Zein ng cup noodles. Iyon na lang muna ang kakainin niya. Bubuksan niya na sana iyon nang marinig niya ang pagbukas ng gate. Kumunot ang kaniyang noo. Agad siyang naglakad palabas.
Ipapupulis ko na talaga kung si Mang Tasyo na naman. Ang aga-aga, binubwisit na naman ako.
Sabi sa kaniya ng lalaki, ang secretary nito ang magiging ka-areglo niya sa aksidente ngunit si Amos naman ang kausap niya. Maaari namang i-text na lang o kaya isang settlement na lang ang mangyari pero pinahaba pa nito. Ibinigay niya na nga ang buong bayad niya subalit hindi nito tinanggap. Katulad noong isang araw, busy siya sa kaniyang gig pero ang lalaki ay laging tawag nang tawag. Pinatayan niya ito ng isang beses at laking gulat niya na lang nang dumating ang isang pulis sa bar kung saan siya nagpe-perform at inimbitahan siya sa presinto dahil naghain ng kaso si Amos.
Sira talaga ang ulo!
Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya si Zelda na may mga dalang grocery bag. Ang kaninang mukha niyang hindi maipinta ay biglang umaliwalas. Dagli niya itong dinaluhan at kinuha ang ibang dala nito.
“Ate, bakit hindi mo pinasok ang sasakyan mo?” tanong niya pagkatapos nilang ilapag sa lamesa ang mga pinamili ng kaniyang ate.
“Saglit lang ako. Dumaan lang talaga ako kasi baka wala kang stock ng pagkain dito sa bahay.”
Napangiti si Zein sa sinabi ni Zelda. Kahit may asawa na ito, lagi pa rin siya nitong inaalala. Hindi niya talaga alam kung ano siya ngayon kung wala ang ate niya para gabayan siya.
Inabot nito ang supot ng paborito niyang bakeshop. Gumuhit pa ang mas malawak na ngiti sa kaniya. “Naks, alam mo pa rin ang paborito ko.”
“Ano ka ba? Nag-asawa lang ako. Hindi kita kinalimutan.” Natatawang kinuha nito ang mga pinamili at ito na ang nag-ayos sa kusina.
“Syempre, kailangan kong masanay mag-isa. You are now with Kuya Race. Soon, you will be a mother of your own children. Hindi na ako ang magiging priority mo,” paliwanag niya.
Umupo ulit siya at humigop ng kape. Kumagat siya ng Reo’s pandesal. Napapikit na lang siya sa sobrang sarap at tumango nang paulit-ulit. Hindi talaga siya nagsawa sa produkto ng mga ito. Lahat ay masarap. Pandesal lang naman iyon pero talagang kakaiba kumpara sa mga pandesal na kung hindi sunog ang ibabaw, puro hangin lang naman ang loob. Hindi na iyon kailangan ng palaman kasi nanuot na ang lasa sa dila.
“Zein, kahit may pamilya na ako, it doesn’t mean that you’re not my priority. You’re always be my priority.”
“Kikiligin na ba ako, Ate Zelda?” natatawa niyang tanong. Napailing na lang ito sa kalokohan niya. “Don’t worry. I can take care of myself. Besides, I am an adult now.”
“Adult, huh?” hindi makapaniwalang tanong nito. “I guess you are starving now that you have no food to eat. Kung hindi ako namili, baka kalimutan mo na namang mag-grocery.”
“Mamimili naman ako. Nawala lang sa isip ko.”
Bumuntong-hininga ito. “Find a person that will take care of you para hindi ako nag-aalala nang ganito,” suhestiyon nito.
Nilunok niya muna ang kinakain saka siya nagsalita, “Sino naman? Alangan namang kumuha ako ng katulong? Magastos iyon.”
“So what? Ako naman ang magpapasuweldo.”
“Nonsense lang. Lagi naman din akong wala sa bahay dahil sa mga practice at gigs.”
Natapos na ito sa pag-aayos sa kusina kaya lumapit ito sa kaniya. Umupo ang kaniyang kapatid sa kaharap niyang upuan. Nasa mukha nito ang pag-aalala ng isang nakatatandang kapatid.
Para pa rin siyang bata kung ituring nito. Kapag kinapos siya sa kaniyang budget, inaabutan siya nito ng pera pero ayaw niyang maging pabigat. May ipon naman siya pagkatapos ng kontrata nila sa Japan kaya ayaw niya na itong abalahin pagdating sa pera.
“Kung mag-boyfriend ka na lang kaya,” mungkahi nito na parang pupulot na lang basta sa kalsada ng boyfriend. “Yeah, you never introduce someone as your boyfriend.”
Napangiwi siya at ginulo ang buhok. “Wala ngang magkamaling pumatol sa akin.”
“You are beautiful, Zein,” nakangiting turan nito.
Pangalawa na talagang beautiful ngayong araw. Beautiful lang, walang jowa.
Pinasadahan siya ng tingin ni Zelda. “Just fix yourself. Look, ni pagsusuklay ay hindi mo magawa. Ang dami mo pang hikaw sa tainga mo.”
Hinawakan niya ang mahabang buhok ng kaniyang ate na lagi nitong kinukulot kapag umaalis ito. Natural ang kulay ng buhok nito. Hindi niya tuloy maiwasang ikumpara ang sarili niyang buhok na nakailang palit ng kulay.
“Ate, magkaiba naman tayo. Mahinhin ka. Mabait, maalaga at mapagmahal kaya maraming nagkakagusto sa iyo.”
Napangiwi na lang siya nang yakapin siya ni Zelda. “Ganoon ka rin naman.”
“Hindi ako mahinhin. Taklesa ako.”
“No, you’re not.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Kahit magsuot ka pa ng all black at lagi kang gumamit ng black lipstick, hindi mo maitatago sa akin na mahilig ka sa pink.”
“Ate naman! Secret ko lang iyon,” reklamo niya sabay gulo sa kaniyang buhok. Mahina nitong hinampas ang kaniyang kamay at inayos nito ang kaniyang buhok.
Kulang na lang ay lagyan niya ako ng clip.
“Huwag mong ikahiya ang bagay na iyon. It means that you are also soft even you always show to everyone that you’re strong. I know you. You are my sister.”
Parang hinaplos ang kaniyang puso sa sinabi ng kaniyang ate. Kilalang-kilala talaga siya nito. Wala na talaga siyang masabi sa binigay na pagmamahal ni Zelda sa kaniya.
“Tama na nga, nagkabolohan na tayo.” Pareho silang natawa. Bonding na nila iyon. Minsan na lang iyon mangyari kaya sinulit niya na.
“By the way, thank you.”
“Para saan?”
“For saving our reception. Salamat sa pagkanta mo. Napigilan mo si Amos na manggulo.” Napansin ni Zein ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Zelda.
Napailing na lang siya. “Why did you invite him, by the way?”
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. Ayaw niya talagang mamroblema ang kapatid. Marami na silang pinagdaanan kaya mas lalong nainis ang kaniyang kalooban dahil dinagdagan iyon ni Amos.
“I thought he already moved on. Hindi ko naman alam na may pinaplano pala siya. Hiyang-hiya ako sa pamilya ni Race.”
Inilagay niya ang dulo ng kaniyang dila sa loob ng kaniyang pisngi at mariing pumikit. Hindi niya na talaga alam ang gagawin kay Amos. Ayaw niyang makita ang ate niya ng ganoon dahil lang sa walang kuwentang lalaking iyon. Kung pwede niya lang na tirisin ito nang pinong-pino ay matagal niya nang ginawa.
“I let him baked our wedding cake. Nag-volunteer naman kasi siya. Syempre, pumayag ako. May kasalanan ako sa kaniya. Isa pa, magaling siyang pastry chef,” nagsisising sabi nito.
Natawa siya sa impormasyong iyon. Hindi siya makapaniwalang panadero pala ang lalaki. “Si Mang Tasyo, pastry chef? Hindi halata. ’Di ba, business administration ang kurso niya noong nililigawan ka pa lang niya? How come that he is a pastry chef now?”
“Don’t call him Mang Tasyo. That’s rude, Zein. He took culinary first. Pagka-graduate niya, nag-take siya ng business administration kasi siya ang magmamana ng businesses ng mga magulang niya.”
“Rude rin naman siya. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang yaman pala niya.” Sa halip na makipagtalo pa, kumuha na lang ulit siya ng pandesal at kumain.
Ang sarap talaga!
“Alam mo ba kung sino ang may-ari ng Reo’s Bakeshops?” bigla na lang tanong ng kaniyang ate.
Napatigil siya sa pagnguya. Hindi niya alam kung sino ang founder ng paborito niyang bakeshop. Wala naman kasi siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay ang mga tinapay at iba pang pastries na produkto ng mga ito. Mabuti na nga lang ay may branch din sa Japan ang mga ito.
“Hindi. Sino ba?”
“Sa Reolonda family nagmula ang kanilang recipes na napanatili nila hanggang ngayon.”
“Parang... narinig ko na ang Reolonda. Hindi ko lang alam kung kailan o saan.”
Kaya pala masarap ang mga produkto ng mga ito dahil talagang hindi nawala ang kalidad kahit lumipas ang panahon. Kahit yata mga tinapay lang ang kainin niya sa loob ng isang taon, hindi siya magsasawa. Salamat sa Reolonda family kung ganoon.
“Of course, you know Reolonda. Si Amos ay isang Reolonda.”
Natandaan niya na. Amostacio Reolonda nga pala ang pangalan ng binata. May masasabi talaga sa buhay ito katulad ng sinabi sa kaniya ni Yvette.
Nakinig lang siya sa paliwanag ng kaniyang ate habang humihigop ng kape. “Si Amos ang successor nila. For sure, siya ang nag-bake ng kinakain mo ngayon kasi sa Pasay ko iyan binili.”
Ilalapag niya na sana ang tasa sa ibabaw ng lamesa pero bigla na lang nanginig ang kaniyang kamay nang marinig ang sinabi nito. Agad namang nataranta si Zelda at tiningnan kung may paso siya.
“What? Paano? Hindi puwede!”
“Anong hindi puwede?” nakakunot ang noong tanong nito. Tumayo ito at kumuha ng basahan. “Kaya nga hindi ako nagtataka na nagustuhan mo ang wedding cake namin kahit ampalaya flavor.”
Tumingin siya sa pandesal na hawak niya. Pakiramdam niya ay hindi siya matutunawan sa nalaman. Bakit ito pa ang may-ari ng bakeshop na paborito niyang bilhan?
Dinudungisan lang ng lalaking iyon ang paborito kong pagkain!
Hinubad ni Amos ang kaniyang hairnet at apron pagkatapos niyang malagay sa oven ang mga tinapay na ibebenta nila sa araw na iyon. Ganoon lagi ang gawain niya tuwing umaga sa bakeshop dahil kadalasang umaga bumibili ng mga tinapay ang customers. Sinigurado nilang bago ang mga produkto nilang pagkain kaya busy talaga siya tuwing umaga at kapag busy siya, alam ng kaniyang mga tauhan na ayaw niyang may istorbo sa kaniya. Passion ang baking kaya dapat nandoon ang buong oras at atensiyon. Iyon ang palaging bilin niya sa pastry chefs sa ibang branches ng Reo’s Bakeshop para hindi mawala ang kalidad at lasang pinatatag ng iba’t-ibang henerasyon ng kanilang pamilya.“Adrian, ikaw na ang bahala sa mga tinapay,” bilin niya sa kaniyang assisstant chef.Pagkalabas niya ng kitchen, sumalubong sa kaniya ang kaniyang secretary. “Sir, your father wants to talk to you about the deal with Mr. Stewart.”Tumango si Amos. Mabuti na lang, nai-close niya na ang deal kay Mr. Stewart. Hindi siya pine-pressure
Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito. Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung b
Gusto pang matulog ni Amos sa kaniyang higaan dahil parang biniyak ang ulo niya nang umagang iyon. Nagtalukbong siya ng kumot ngunit hindi pa rin nawala ang ingay sa labas ng kaniyang silid. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kama pero pinagsisihan niya ang kilos na iyon nang bigla na namang sumakit ang ulo niya.Hindi na talaga ako maglalasing.Pumunta siya sa may pinto at agad na binuksan iyon. Parang gusto niyang manakal ng tao dahil sa nadatnan. Nagtawanan ang mga kaibigan niya sa labas.“Amos, what’s up?” nakangiting tanong sa kaniya ni Corn.“Nananadya ba kayo? Dito pa talaga kayo nagtawanan sa labas ng kuwarto ko!”“Don’t worry. Next time, sa loob naman ng kuwarto mo,” si Huge na sobrang lawak ng ngisi.“I have a living area in this house. Bakit hindi kayo roon tumambay?”“Isn’t it obvious? We are waking you up, sleepyhead!” asik sa kaniya ni Huge. Inakbayan siya ng lalaki at hahalikan sana siya sa pisngi pero agad niyang inilagay ang palad niya sa mukha nito. Nagtawanan ang iba
“What’s your plans for today, Bengut?” Iyon ang tanong ni Zein sa kaniyang kaibigan na si Yvette habang tumatakbo sa kahabaan ng Gamski street nang umagang iyon. Hindi niya naman nakahiligang mag-jogging. Talagang mapilit lang ang kaibigan niya at binulabog siya sa kaniyang bahay ng sobrang aga.“Mag-grocery,” tugon nito. “Ubos na ang stock sa bahay. Baka sabunin na ako ni Papsy.”“Sama na ako. Ubos na rin ang stock na binili para sa akin ni Ate Zelda.”“Binibisita ka pa pala ni Ate Zelda?” gulat nitong tanong.Tumango si Zein. Pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kaniyang noo gamit ang face towel na hawak niya. Bahagya na siyang hiningal at pawis na rin ang likod niya. Pakiramdam niya tuloy ay basang-basa na ang sando niyang itim.Kumunot ang noo niya nang maramdamang wala na sa tabi niya si Yvette. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa likod. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang kaibigan na parang stalker na sumilip mula sa isang malaking gate. Paatras siyang tumakbo. Hindi
“Who are you?” Iyon ang tanong ni Amos kay Lester. Pinaupo silang dalawa ni Yvette sa dining table pero parang hindi siya tatagal kasama ito. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zein, bugbog-sarado na ngayon ang lalaki.Ngumisi ito nang nakaloloko at bahagyang dumukwang sa lamesa. “Who are you too?” May bahid ng pang-uuyam sa boses nito.Umigting ang kaniyang panga. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki sa kaniyang harapan. “How rude.” Hinawakan nito ang tainga. Katulad ni Zein, marami rin itong hikaw sa tainga. Kapag kay Zein ay wala siyang problema sa bagay na iyon. Sa lalaking kaharap niya ay marami siyang problema.He looks like an addict! Ganito ba ang mga type ni Zeinab?“Ikaw ang bastos,” wika nito sabay duro sa kaniya. “Ikaw ang nagsimula ng away at hindi ako.”Kumuyom ang mga kamao ni Amos. Hindi niya kayang makihalubilo pa sa lalaking kaharap. Paano pa kayang mag-lunch kasama ito? Baka maitapon niya lang ang pagkain sa lalaki. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Zein at
Abala sa pag-strum ng strings ng electric guitar si Zein nang tinawag siya ng guard ng resto-bar. Bumaba siya agad sa stage at nilapitan ito. “Bakit po?”“May naghahanap sa’yo sa labas.”Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Wala naman siyang inasahang bisita. “Sino raw po?” muling tanong niya.Kinamot nito ang pisngi at ngumiwi. “Ayaw sabihin ang pangalan. Puntahan mo na lang daw siya.” Tumikhim ito at dumiretso ng tayo. “Manliligaw mo ba iyon, Zein?”Mariin niyang pinadaan sa buhok ang kaniyang mga daliri at umiling. “Wala po akong manliligaw.”“Hindi mo manliligaw ang batang iyon? Sayang, guwapo pa naman. Moreno at ang tikas ng katawan,” nakangising papuri ng guard. Ang mga mata nito ay parang nakakita ng mga sagot sa mga katanungan.Suminghap si Zein. Mukhang alam niya na kung sino ang tinukoy ng matanda. Mahigit dalawang buwan na ang nakaraan nang sinabi ng binata na liligawan siya nito at tinotoo nga ni Amos. Lagi siya nitong pinadalhan ng mga bulaklak sa bahay at ng kung ano-anon
Kanina pang hinihintay ni Amos ang nobya sa labas ng gymnasium kung saan magaganap ang basketball game sa pagitan ng mga streets sa Kiki village. Tinawagan niya si Zein para siguraduhin ang pagpunta nito pero wala pa ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit big deal sa kaniyang nandoon ang babae sa laro niya pero isa lang ang sigurado niya. Gusto niyang lagi itong nakikita.Two weeks pa lang ang relasyon nila at wala pa naman silang naging problemang mabigat ni Zein. Totoo ang sinabi niyang gusto niyang kalimutan si Zelda at malaking tulong ang kaniyang nobya para magawa iyon kaya nagkaroon siya ng mithiing mas makilala pa ito. Masaya siya sa piling ng dalaga. Hindi niya tuloy naiwasang magkumpara. Mas masayang kasama si Zein kaysa sa kapatid nito. Walang limitasyon o kahit na anong pumigil sa kaniya para ipakita kung ano siya kapag kasama ito. Natural lang lahat ng pinakita niya samantalang noong sila pa ni Zelda, magandang katangian niya lang ang pinakita niya rito dahil inisip niyan
Tawa nang tawa si Zein sa loob ng kotse ni Amos dahil kanina pa ito nakabusangot. Dapat ay nasa venue sila kung saan ginanap ang victory party para sa pagkapanalo ng Gamski street sa basketball game subalit nasa entrance pa lang sila, agad nag-ayang umuwi si Amos. Maganda naman ang salubong ng mga kaibigan ni Amos sa kanila pero nabigla na lang siya nang isa-isang sininghalan ng kasintahan ang mga kaibigan. Hindi nito matanggap na nabura ang kiss mark na ginawa niya kanina sa pisngi nito. Gigil na gigil ang kaniyang nobyo at gustong malaman kung sino ang may gawa ng bagay na iyon pero tinawanan lang ito ng mga kaibigan. “Tumigil ka na nga. Ang pangit mo na,” panunukso niya pero ganoon pa rin ang reaksiyon nito. Gusot na gusot ang mukha nito at diretso lang ang tingin sa daan. Mahina siyang tumawa. “Amos, kiss marks lang iyon. Para kang isip-bata.” Nanlaki ang mga mata nito na para bang isang napakalaking kamalian ang kaniyang mga sinabi. “Anong kiss mark lang? That’s the first time