“What’s your plans for today, Bengut?” Iyon ang tanong ni Zein sa kaniyang kaibigan na si Yvette habang tumatakbo sa kahabaan ng Gamski street nang umagang iyon. Hindi niya naman nakahiligang mag-jogging. Talagang mapilit lang ang kaibigan niya at binulabog siya sa kaniyang bahay ng sobrang aga.
“Mag-grocery,” tugon nito. “Ubos na ang stock sa bahay. Baka sabunin na ako ni Papsy.”
“Sama na ako. Ubos na rin ang stock na binili para sa akin ni Ate Zelda.”
“Binibisita ka pa pala ni Ate Zelda?” gulat nitong tanong.
Tumango si Zein. Pinunasan niya ang pawis na tumulo sa kaniyang noo gamit ang face towel na hawak niya. Bahagya na siyang hiningal at pawis na rin ang likod niya. Pakiramdam niya tuloy ay basang-basa na ang sando niyang itim.
Kumunot ang noo niya nang maramdamang wala na sa tabi niya si Yvette. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa likod. Umawang ang kaniyang bibig nang makita ang kaibigan na parang stalker na sumilip mula sa isang malaking gate. Paatras siyang tumakbo. Hindi man lang namalayan ni Yvette na nasa likod na siya.
Anong ginagawa ng Bengut na ito?
“Stalker,” bulong niya sa tainga nito. Agad namang lumayo sa kaniya si Yvette at sinapo ang dibdib.
Umirap ang dalaga. “Don’t do that again, okay? Kinabahan ako. Sapot ka.”
“Sino ba kasing sinisilip mo riyan?” tanong niya pero hindi sumagot si Yvette. Patuloy lang ang dalaga sa pagtingkayad. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ito sumilip kaya lumapit din siya sa gate at sumilip sa maliliit na butas doon kahit mataas.
“Ang tagal niya namang lumabas,” ang naisatinig ng kaibigan niya.
“Sino bang hinihintay mo?” Ilang sandali pa ay may napagtanto siya. Dagli siyang lumingon kay Yvette. “Wait, don’t tell me this was your reason why you invited me to jog with you.”
Agad itong tumango at parang teenager na kinilig. Sa hitsura naman nga nito, hindi aakalain na twenty-five na ito. Mestiza at maganda si Yvette pero kinulang lang talaga sa height. Idagdag pa ang buhok nitong itim na hanggang balikat at ang kanipisang bangs nitong tumakip sa noo.
Baby face talaga si Bengut.
“I am waiting for Marcus.”
Kumunot muli ang kaniyang noo. “Marcus? Sino naman iyon?”
Umirap ang dalaga at maarteng hinawi ang bangs. “Wala ka na talagang kilala rito sa atin.”
Inilagay niya ang dulo ng dila sa sulok ng kaniyang pisngi. “Sorry, ha? Nag-Japan kasi ako,” sarkastikong sabi niya. Aalis na sana siya at iiwan ang kaibigan sa ginagawa pero biglang bumukas ang gate kaya pareho silang napatili nang bumagsak sila sa lupa.
“Aray,” d***g niya at hinimas ang kaniyang tuhod. Inalalayan niya si Yvette na makatayo. Pinagpagan niya ang suot niyang pants pero ang kaibigan niya ay mas piniling bungangaan ang taong nagbukas ng gate. Siya na lang ang nagpagpag ng pants nito.
“Why did you open the gate?!” paasik na tanong ni Yvette. Saka lang tiningnan ni Zein ang mukha ng lalaki. Nasa mukha rin nito ang pagkagulat.
“Batman?” nakangiting tanong nito.
Seryoso siyang tumango. “Ikaw pala ’yan, Barney.”
Napatakip si Yvette sa kaniyang bibig at manghang-manghang humarap sa kaniya. “Kilala mo ang Violet na ito?”
Kumunot ang kaniyang noo. “Oo?”
Pumikit ito at umiling. Napaawang na lang ang bibig niya nang hampasin nito si Barney. “Bakit ikaw ang nagbukas ng gate?!”
“Of course, this is the place where I live. What kind of question is that?” naguguluhang tanong ng lalaki.
Umirap si Yvette at bigla na lang siyang hinila. Natanaw niya si Barney na naguluhan sa inasal ng kaibigan niya. “Akala ko ba ay gusto mong makita iyong Marcus?”
Mahina itong tumili. “Let’s go home. Sinira ni Violet ang umaga ko!”
Naguluhan siya sa nangyari pero hindi na siya masyadong nagtanong sa kaibigan. Isyu nito iyon kay Barney at mas lalo pang gugulo kung sasali pa siya. Kilala niya ang kaibigan. Padalos-dalos si Yvette magdesisyon pero kaya naman nitong lusutan.
Umuwi muna sila saglit at nag-ayos ng mga sarili. Sabay silang pumunta sa L Market na malapit sa village gamit ang sasakyan niya para hindi sila mahirapan sa mga bibilhin nila.
NAGLAKAD si Zein sa kahabaan ng market at nakakita siya ng hair dye. Matagal na siyang hindi nagpalit ng kulay ng buhok kaya naisipan niyang bumili.
“Bengut, anong magandang kulay? Red or blonde na—” Huminto siya sa pagsasalita nang mapagtantong wala sa tabi niya si Yvette. Sinuri niya ang paligid. Nasumpungan niya ang kaibigang naiwan sa meat section at may kinausap na lalaki. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang lalaki at lumapit sa kaniya ang kaibigang may malawak na ngiti.
Suminghap siya at pinanliitan niya ito ng mga mata. “Kahit hanggang grocery, ang harot mo.”
Nagkibit-balikat ito. “Syempre, nandito siya.”
“Siya iyong Marcus?” tanong niya.
Mas lalong lumawak ang ngisi nito at sunod-sunod na tumango. “Siya nga. He is the successor of L Market Corporation. Siya ang sinisilip ko sa magandang bahay sa Gamski kanina.”
Tumaas ang mga kilay niya. “Talaga? Bakit si Barney ang lumabas kanina?”
Pumikit ito at umiling. Huminga muna ito nang malalim na parang pinakalma ang sarili. “Personal Assistant lang iyon ni Marcus, my baby. Mabait lang talaga ang Marcus ko kaya pinapatira niya sa bahay niya.”
Nabigla siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya akalaing personal assistant si Barney. Nagtaka lang siyang kaibigan nito si Amos. Malamang ay friendly lang talaga ang lalaki kaya ganoon.
“Oo nga pala, how did you meet Barney?” Bigla siyang naalarma sa tanong ng kaibigan. Kilala nito si Amos. Siguradong aasarin lang siya nito kapag nalaman nitong madalas niyang nakikita ang lalaki.
“Nakasalubong ko lang…” Alam niyang hindi kumbinsido si Yvette kaya iniba niya na lang ang usapan. Agad niyang kinuha ang mga hair dye. “Anong maganda? Red or blonde?”
Tumili ito. “Bet ko iyong red.” Nakahinga siya nang maluwag nang mawala na sa isipan nito ang tungkol kay Barney.
Napagdesisyunan nilang bayaran ang mga pinamili nila. Pagkatapos niyang iabot ang bayad sa cashier, kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa nang makatanggap ng text message mula kay Lester. Where are you?
Kumunot ang kaniyang noo. Agad siyang nagtipa ng reply sa lalaki. Nasa L Market ako. Pauwi na rin. Naghintay siya ng ilang minuto pero hindi na ito nag-reply kaya ibinulsa niya na lang ang cellphone.
Nasa sasakyan na sila ni Yvette pauwi nang matanaw niya sa tapat ng gate niya si Lester na nakasandal sa motor nito. Tumigil siya sa tapat nito at ibinaba ang bintana ng sasakyan niya. “What are you doing here?”
“Visiting you,” tugon nito. Inihagis niya ang susi ng gate at bahay niya sa binata na agad naman nitong sinalo.
“Pumasok ka na. Ihahatid ko pa si Yvette sa kanila para ibaba ang mga pinamili niya sa bahay nila,” imporma niya sa binata bago nagmanehong muli.
Tinulungan niya si Yvette na magbaba ng mga pinamili nito. Pagkatapos nilang iwan sa mga magulang nito ang lahat ng iyon. Bumalik agad sila sa bahay niya. Balak kasi nilang mag-movie marathon dahil day-off ng kaibigan niya. Hindi niya inasahang pupunta si Lester kaya ang girl bonding nila ay hindi na matawag na ganoon pero ayos lang naman sa kaniya dahil kaibigan niya naman ang binata.
Tinulungan din siya ni Yvette na magbaba ng mga pinamili niya. Nagpresinta si Lester na siya na ang mag-aayos ng mga iyon kaya hinayaan niya na lang. Kinuha niya na lang ang hair dye at pumunta sa banyo.
Nabigla na lang siya nang sumunod sa kaniya si Lester sa loob. “Magkukulay ka ng buhok?”
Itinaas niya ang kahon ng biniling hair dye. “Sa tingin mo?”
“Sabi ko nga,” natatawang turan nito.
“Bagay ba sa akin ang red?” Tumango naman ang lalaki.
“Nasaan si Bengut?”
“Nagluluto ng lunch.” Tinitigan siya ni Lester mula sa salamin. Nakita nitong nahirapan siya sa pagkulay kaya inagaw nito sa kaniya ang brush.
“Anong ginagawa mo?” naiiritang tanong niya at inagaw sa lalaki ang brush.
Muli nitong kinuha ang brush mula sa kaniya. “I will help you.”
“Kaya ko naman—” Natawa na lang siya nang namantsahan ang laylayan ng puting damit nito dahil sa pakikipag-agawan nito.
“Mukha akong dinugo!” ang naibulalas nito.
“Ang kulit mo kasi. Ayusin mo na lang ang shower ko. Hindi pa kasi ako tumatawag ng maintainance.” Nagpakawala ito ng malalim na hininga at hinubad ang damit nito. Mahina niya itong sinuntok sa dibdib kaya tumawa ito.
“Kailangang sa harap ko maghubad?”
“Syempre, sayang ang pagkakataon. Baka sakaling maakit ka.” Isinabit nito kung saan ang damit at lumapit sa shower. Ilang sandali pa ay narinig niyang tumunog ang doorbell.
“Bengut, may tao sa labas!”
“Sandali!”
Inayos niya na ang buhok niya dahil tapos niya nang lagyan ng hair dye nang biglang sumirit ang tubig mula sa shower. “Lester!” Agad tinakpan ng binata iyon para mapigilan ang pressure at may pinihit ulit. “Anong ginawa mo?”
“Sorry, may mali yata akong napihit.”
“Lumabas ka na nga. Tatawag na lang ako mamaya ng tubero.” Isinabit nito ang damit sa balikat. Lumabas na ito ng banyo at naiwan na siya. Nakita niyang may tumalsik na kulay sa bandang dibdib niya kaya agad niyang ibinaba ang zipper sa bandang dibdib ng kaniyang itim na sando at binanlawan niya ng tubig. Isasara niya na sana ang zipper pero hindi niya maitaas dahil may sumabit na buhok.
“Ano ba ’yan?” Abala siya sa kaniyang zipper nang may marinig siyang ingay sa labas. Kunot-noong lumabas siya habang inaayos ang zipper ng damit niya. Sa wakas ay naitaas niya na iyon pero hindi niya inasahan ang nadatnan. Mahigpit ang hawak ni Amos sa kwelyo ng damit ni Lester na suot na pala ng binata.
Lumingon sa kaniya si Amos at hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang nang tumigil ang tingin nito sa kaniyang dibdib. Humalukipkip siya sa harap ng mga ito. “Anong ginagawa mo, Mang Tasyo?”
Matalim ang tingin nito. “What is the meaning of this?” gigil na gigil nitong tanong. Lumingon muli ito kay Lester at impit silang napahiyaw ni Yvette nang marahas na isinandal ni Amos si Lester sa pader. “Why there’s a freaking red stain in your shirt?”
Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s
“I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d
Dahan-dahang bumangon si Amos sa higaan niya. Ayaw niyang magising si Zein sa mahimbing nitong pagkakatulog. Napangiti siya at marahang hinalikan sa noo ang babae bago tumayo at lumabas ng kuwarto. Kahit gustong makasama ni Amos si Zein, kailangan niyang pigilin ang sarili. Kailangan niyang sanayin ang sarili na wala lagi ito sa tabi niya. Kaya ang mga panahong dapat katabi niya ito sa kama, ginugol niya sa pagtatrabaho sa study room. Kailangan niyang masanay para hindi sobrang hirap sa kaniyang iwan ang mag-iina niya. Hindi niya naman tatakasan ang responsibilidad niya sa mga anak niya. Sisiguraduhin niya pa rin na may magandang kinabukasan ang mga ito. Iyon nga lang, hindi niya kayang manatili hanggang ginugulo siya ng konsensiya niya. Para bang nag-set na sa utak niyang kapahamakan lang ang dulot niya sa pamilya niya sa dami ng pagkukulang at pagkakamali niya. Abala si Amos sa trabaho nang bigla na lang may kumatok sa pinto ng study room niya. “Come in.” Natigilan siya nang pum
Hindi na gaanong masakit ang sugat ni Zein. Nakakakilos na rin siya nang maayos kaya bumalik siya sa mga dating ginagawa. Kapag maaga siyang nagigising, siya na ang nagluluto para sa mag-ama niya. Hindi muna siya pinabalik sa shop para makapagpahinga siya nang maayos. “Zein, what are you doing?” Pinaglapat ni Zein ang mga labi nang kinuha sa kaniya ni Amos ang sandok na hawak. “Gusto ko lang namang magluto, Amos.” “Pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Isa pa, buntis ka. Huwag kang magkikilos. Baka mapaano kayo ni baby.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein. “Hindi naman nakakapagod ang pagluluto.” Tiningnan siya ni Amos ng masama. Napanguso si Zein at naglambing. Niyakap niya ito mula sa tagiliran. Naramdaman niyang natigilan ito saglit pero muli namang nagpatuloy sa pagluluto. “I… love you.” Bumuntong-hininga si Amos. “S-sige na, umupo ka na. Ako na rito. Dadaan pa tayo sa obgyne mo. Titingnan natin ang health ng baby.” Mas hinigpitan ni Zein ang yakap. Ayaw niyang komp
“Sir, your private investigator wants to talk to you.” Tumikhim si Amos at tumayo mula sa kaniyang swivel chair. Nang makapasok ang private investigator niya, mabilis niya itong pinaupo sa couch. Ito ang inutusan niya para mag-imbestiga sa nangyari kay Zein noon. Mukhang sa pagpunta pa lang nito, alam niya nang may impormasyon na itong dala. “Someone tried to kill your fiancée, sir.” Kumunot ang noo ni Amos. “What?” Ibinigay sa kaniya ng private investigator ang isang envelope. Bumilis ang paghinga niya. Namuo ang galit sa mukha niya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa CCTV footage. Kuha iyon nina Zein at Thea. Nakatutok ang baril nitong hawak sa fiancée niya. “Thea…” Nanginig ang mga kamay niya sa galit. Halos mapunit ang picture na hawak niya. Ang babae pala ang rason kung bakit nawala sa kaniya si Zein. Hindi niya inasahang aabot sa ganoon si Thea. Hinding-hindi niya talaga ito mapapatawad at ipakukulong niya ito. “On CCTV, the girl everyone thought was Miss Zein wa
Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo. Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya. “Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?” Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.” Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan. Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy