Share

13

Magsasalita pa sana si Kuya Nero pero bigla nitong itinikom ang bibig nang may dumating na kotse. Bumaba buhat doon si Ate Ren. Hindi ko alam pero palagi na lang saktong dumarating si Ate Ren kapag may kausap ako sa harap ng gate.

"Ram," napatingin naman kami kay Ate Ren na bagong dating. "Hey, Sandro," bati nito kay Kuya Sandro. "Anong ginagawa ninyo dito? Bakit hindi kayo pumasok?"

Umayos ng tayo si Kuya Sandro at binitawan ang kamay ko. "Hindi na, hinatid ko lang si Ramona."

Nakangiting itinaas ni ate ang kilay niya pero wala naman itong sinabing kakaiba. "Ganoon ba? Thanks for driving her home."

Tumango si Kuya Sandro bago nagpaalam, "Sige, mauna na ako. Ram, Ate Ren." Tumingin lang ito kay Kuya Nero at simpleng tinanguan ang huli bago bumalik sa sasakyan niya.

Kumaway pa ako sa kaniya bago siya tuluyang makaalis.

Wala na Kuya Nero sa may gate nang pumasok kami ni Ate Ren siguro ay nasa loob na siya ng bahay.

"He is cute," saad ni Ate sa akin habang binubuksan niya ang pinto
iamAexyz

Baka hindi ako makapag-upate this weekend. Need ko ipahinga kamay ko dahil namamaga. Kaya bawi na lang ako kapag okay na. Thanks for reading!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aliyah
HUWATTTTTT????magad miss A magtitiis n nmn ako nito huhuhuu, kahit once a day lang plsssss.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status