Ngayon ang uwi namin pabalik ng Quezon. Tanging si Ate Rob at Ate Raf lang ang kasama ko dahil susunod na lang raw sa amin si Ate Ren. May inaasikaso pa raw kasi ito. Hindi naman niya nabanggit kung ano pero madalas talaga siyang may ginagawa na hindi namin alam.Naghahanda na ako nang mga dadalhin ko pauwi. Wala naman akong masyadong dadalahin dahil may mga gamit naman ako sa probinsya. Mga personal na gamit ko lang ang inihahanda ko.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang may nag-doorbell. Nagtungo ako sa bintana ng kwarto ko upang silipin kong sino iyon. Nakita ko ang kotse ni Kuya Nero. Nagtago ako sa likod ng kurtina habang nakatingin sa baba.Nakita kong may binigay itong paper bag kay Ate Rob. Pero ang nakaagaw nang pansin sa akin ay ang babaeng sakay nito sa passenger seat. Ibinaba kasi nito ang bintana at dumungaw bago kumaway sa kapatid ko. Bigla kong nahigit ang hininga ko nang makilala ko kung sino ito. Hindi ko alam kung anong sinabi nito pero kahit malayo ay kilala
Matapos ang holiday ay bumalik na rin kami ng Maynila. Naging abala na rin kaming muli. Kahit may holiday hangover pa ako ay kailangan ko na ulit gumising ng maaga para pumasok. "Nakakapagod makinig ng lecture buong araw gayong nakaupo lang naman tayo," reklamo ni Stella nang matapos ang huling klase namin. Kaya pala kanina malapit na bumagsak ang ulo niya. Para siyang manok na tutuka-tuka. "Sumakit pigi ko," saad ko naman na ikinatawa namin. Sabay na kaming lumabas ng classroom. Gaya ng dati ay naghiwalay kami sa sakayan pauwi. Pagod na naupo ako sa sofa nang makarating ako sa bahay. Pero muli akong napatayo nang my mag-doorbell. Tinatamad na lumakad ako palabas ng gate upang tingan kung sino iyon. "Ma'am, delivery po," ani ng lalaking nakasuot pa ng uniforme ng isang delivering company. "Wala naman po akong order," sagot ko. Tiningnan nito muli ang parcel na hawak at ang address namin na nakadikit sa gilid, "Tama naman po. Lot 22 Block 3 Phase 1, Ramona Escalante, hindi po b
Today is January 23, my birthday. It's Saturday kaya tinatamad akong bumangon. Walang pasok at wala rin akong party dahil nga tumanggi ako.Tinatamad na kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung may mensahe ba akong natanggap pero wala kaya muli ko iyong hinagis sa paanan ko at nagtaklob ng kumot. Wala man lang bang nakaalala ng birthday ko? Dati naman kapag nagising ako tadtad na ako ng mga pagbati. Maging si Stella na palaging may pa long messages pa kapag binapati ako wala.Mabilis na inalis ko ang kumot na nakatakip mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Gumapang ako para kunin iyon sa may paanan ko. Excited na tiningnan ko iyon habang nakadapa ako sa kama.Npakunot ako nang makita ko ang numero. Pamilyar na ako sa numerong ito dahil dalawang beses na akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.Agad na binuksan ko ang laman ng mensahe.'Happy Birthday.'Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabuti pa siya naalala ang birthday ko.This person is making me more curious about h
Nakapwesto ako sa pagitan nina ate Raf at Ate Rob, diretso lang ang tingin ko sa unahan hindi gaya ng dalawang kapatid ko na tila tuwang-tuwa pa na nasa himpapawid kami. "Ram, look!" Kinublit ako ni Ate Raf at may itinuro ito mula sa ibaba ng bintana. Napilitan akong siipin iyon at tila gusto kong maiyak sa nakita ko.Napatakip ako ng bibig ko habang hindi makapaniwala. Nasa ere kami ngayon sa mismong tapat ng farm na pagmamay-ari ng mga magulang ko. May mga taong nakataas ang kamay sa kanilang ulo at may hawak na cardboard na may nakasulat na, 'HAPPY 18TH BIRTHDAY, RAMONA!'Hindi ko na pigilang tumulo ang luha ko hanggang sa maglanding ang sinasakyan namin sa malawak na kaparangan at tumakbo ako sa mga magulang ko na naghihintay sa akin doon.Akala ko nakalimutan na nila ang birthday ko dahil wala kahit isa sa kanila ang nagawa akong batiin kahit sa text man ang pero mali pala ako. Malaking sorpresa pala ang naghihintay sa akin.Mabilis na yumakap ako sa mga magulang ko. "Stop cry
"Happy birthday." Napatingala ako sa kaniya nang bigla niya akong batiin. "Thanks?" hindi siguradong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong hilahin para lang batiin. Saka kung kailan tapos na ang kasiyahan saka lang siya babati. Masaya ako na binati niya ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. 'Kalma, Ramona. Kalma, huwag marupok.' Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko upang hindi ako mapangiti dahil sa sinabi niya. Simpleng pagbati lang naman iyon pero bakit paggaling sa kaniya iba ang dating? Bakit parang kinikiliti ako? Hindi ko mapigilang maasar sa sarii ko. Paano ko siya makakalimutan kong simpleng pagbati niya hindi ko na mapigilang kiligin. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot sa isipang iyon. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang may iabot sa aking maliit na box. Ikiniling ko ang ulo ko habang matamang nakatingin sa kaniya? "Ano iyan?" tikwas ang kilay na tanong ko habang mataray na nakatingin sa kaniya. "Gift? What do
"Why are you like this?" Nagsalubong ang mga kilay nito sa naging tanong ko. Umayos ako ng tayo at tumingin sa kaniya ng diretso. Hindi ba talaga niya alam ang ibig kong sabihin? Matalino siya hindi ba? Dapat gets na agad niya. " Why are you acting like this? Like you don't want me to avoid you, like you like me? You are confusing me!" hindi ko maiwasang maibulalas. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nag-uurong sulong ang nararamdaman ko sa kaniya dahil minsan pakiramdam ko gusto rin niya ako kahit alam ko naman na hindi iyon totoo. Hindi ko maiwasang umasa dahil sa mga kilos niya nitong mga nakaraan. "Ramona..." "Dati noong gusto kita iniiwasan mo ako ngayong ayoko na sa iyo, ikaw naman ang kusang lumalapit sa akin na para bang ayaw mong iniiwasan kita? Ano ba talaga ang gusto mo? Natutuwa ka ba tuwing naghahabol ako sayo?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ayokong ginugulo niya ang nararamdaman ko. Nagsisimula na nga akong mag-move on kahit hindi kami, e. Tapos ganito naman siya. S
Nakahawak ako sa labi ko habang nakangiting mag-isa. Hindi ko mapigilang mapatili nang walang boses at mapayakap sa pillow hotdog na hawak ko. Pinaghahampas ko pa iyon gamit ang kamay ko dahil sa nararamdaman ko. Iyong ayaw ko na kiligin pero hindi ko talaga mapigilan. "What is happening to you?" bigla akong napalingon sa pintuan ng kwarto ko at nagulat ako nang makita kong nandoon ang tatlo kong kapatid na parang nagtataka habang nakatingin sa akin. Nakahalukipkip nag mga braso ni Ate Ren habang nakatingin sa akin, salubong naman ang kilay ni Ate Rob habang malaki naman ang ngiti ni Ate Raf. "Bakit hindi kayo kumakatok?" tanong ko sa kanila at binitawan ang hawak kong mahabang unan. "Kung kumatok kami, hindi sana namin makikita ang kabaliwan mo. BAkit daig mo pa ang kinikili? Kinikilig ka ba?" Mariin akong umiling habang tikom na tikom ang bibig ko. "Then why are you smiling alone?" tanong naman ni Ate Ram na daig pa ang nag-uusig. "Masama bang maging masaya?" painosenteng ta
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay naming sinugod si Ate Ren. Hinila namin ito sa kama bago dinaganan. "GET OFF ME! YOU GUYS ARE HEAVY!!!" Pero walang nakikinig sa kaniya. Natatawa pa nga ako habang nasa pinkaibabaw ng mga kapatid ko. Napaayos ako ng upo nang biglang pumasok si Mama na tila nagmamadali. "What's happening? Dinig hanggang baba ang sigaw," hinihingal na tanong nito. SUmulpot din si Dad na tila sumunod sa ama namin. Nasa mukha nito ang pag-aalala. Umalis na ang dalawa kong Ate pagkakadagan kay Ate Ren pero nanatili pa rin itong nakadapa sa kama na para bang wala ng lakas. "Ate Ren gave Ramona's a gift," Ate Raf said habang inaayos ang buhok niya gamit ang kamay. "Oh, anong problema?" takang tanong ng ina namin. "It's a premium account for dating app," sagot ko at ipinakita ang card na hawak ko. Lumapit naman sa akin si Mama at tiningnan iyon. Nang makita niya iyon ay bigla siyang lumapit kay Ate at pinalo ito sa likod ng binti dahil nakadapa pa rin ito. Big