Mag-log inBaby, my ass!
Nilayo ko ng bahagya ng ulo ulo ko sa kanya, “So in love ka na sakin niyan? May baby ka pang nalalaman.” Laglag panga niya akong tiningnan, magsasalita pa sana siya nang may kumalabog. Sa harap namin. “Moriah! Ito ba?! Siya ba dahilan kung bakit mo tinanggihan ang alok kong kasal?!” bumulaga sa harap ko si Raymond. Sa likod naman niya si Janessa. “Faundo, hold your temper. Baka nakakalimutan mo kung nakanino kang teritoryo?” banta ni Victorino sa kanya. Natawa si Raymond, “Shut the hell up, Tobias! Hindi ikaw ang kinakausap ko!” Nagulat ako nang kwelyuhan siya ni Victorino, “She's my date, stupid. So kung kakausapin mo siya, kakausapino din ako.” Umangat ng isang dangkal sa lupa ang mga paa ni Raymond. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad at malaki sa kanya si Victorino. “Toby, stop! Ibaba mo si Ray!” natatarantang sigaw ni Janessa. Pero di siya pinakinggan ng pinsan. “Victorino, put him down.” tikhim ko, at agad naman niyang sinunod. Tumawa si Raymond ng makawala kay Victorino, “Wow! I didn’t know you could be a loyal dog, Tobias. Congrats! May bago ka na namang title!” Nagtiim ang bagang ni Victorino sa narinig. “At ikaw, Riah. Bakit siya?! Kung ipagpapalit mo ako, bakit siya?” ako naman ang binalingan niya. “Bakit, Raymond? Di mo ba matanggap na karibal mo ang date ko ngayong gabi?” patuya kong sabi. Magsasalita pa sana siya nang inangat ko ang kamay ko, “Save it, Raymond. Nga pala, sabi sakin ni Victorino that you love playing games, lalo pag may pusta? Gaya ng pinagpustahan niyo akong dalawa? Mula pa highschool?” Nanlaki ang mga mata niya, “What?! No! That's not true! Wag kang maniwala dyan, Riah! Sinungaling yan. And he's a manipulative son of a b-ch!” “Oh? And you're not?” nagulat siya sa sinabi ko. “No! Of course not! Hinding hindi ko iyon magagawa sayo!” Sige. Ipagtanggol mo pa sarili mo. Bistado na kita. I can see your true colors, Raymond. Wala kang pinagkaiba sa pagiging manipulative. Sa lahat ng mga manloloko, ikaw ang pinaka demonyo! “Whatever that game is, allow me to join, Ray. Maglalaro din ako. Pupusta din ako.” Gulat silang tatlo sa sinabi ko. Ni isa ay hindi naka-imik. Ngumiti ako, “Pustahan tayo. Whatever it is you're planning, it won't see the light of day. Bet?” Naka-nganga siyang tumingin sakin, “Riah… What do you m—” “Caitlin, let's go. Hinihintay tayo ni Lolo. He really wants to see you.” putol ni Victorino. Naglakad kami palayo sa dalawa. Pagpasok sa main door ay namangha ako sa malaming chandelier nila. Iba talaga pag elite class! Lower upper class lang kasi kami. But I am still grateful for my parents, they gave me such a beautiful life. Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang p***o. At kumatok doon si Victorino. “Come in.” dinig kong sabi ng tao sa loob. Pagbukas nyon ay bumungad ang matandang Devereux. The founder and owner of Lumiere Hotels & Resorts. Ang lolo ni Victorino. “Hey, gramps!” nakangiting bati niya sa matanda. Ngumiti ito samin at pinilit ang sariling tumayo, “Victorino! Moriah Caitlin! You're finally here! Kanina pa ako naghihintay.” masayang bati niya samin. “Lolo Vic! Long time no see!” nagmano at yumakap ako sa kanya. Si Lolo Vic ay best friend ng aking Lolo Caesar. Sampung taon na mula ng mamatay ang Lolo ko. At sampung taon nadin ang lumipas sa huli naming pagkikita ng matandang Devereux. “Moriah Caitlin. You're as beautiful as your grandmother. And as stunning as your own mother. Di manlang nanlaban ang genes ni Caesar!” tawa niya. Nangiti ako, “Same naman po kami ng blood type ni Lolo at dad, Lolo Vic. Ayos na sakin yun.” Pinisil niya ilong ko, “Masaya akong makita ka, hija. At mas masaya ako dahil kasama mo apo ko.” Naglakad siya at humarap sa malaking frame nila ni Lolo Caesar. Sa baba ay may petsang 1950 at mga numerong 22-25. Na hula kong mga edad nila nung napinta ang larawan. Napatitig ako sa likod ni Lolo Vic. Malayo na ang hulma nito sa matikas at malakas na tindig ng batang Victor sa painting. “Lolo Vic, bakit mo pala nirequest kay Victorino na ako ang date niya?” “Ahh yes… You and Victorino… “ natahimik siya saglit na siyang pinagtaka ko. “I had a deal with your Lolo Caesar… more like a promise, really.” tumikhim siya. “Ano po yung promise?” tanong ko. Yumuko siya at may kinuha sa drawer ng lamesa niya. “Na hindi ako susunod sa kanya sa hukay hangga’t di ko nasisigurong ligtas ka at namumuhay ng masaya.” pagpapatuloy niya. Pinilig ko ang ulo ko at tiningnan ang papel na hawak na niya. Ano kaya iyan? “And to make sure that happens, i came up with a plan.” What plan? Nilingon ko si Victorino. Seryoso lang siyang nakatitig kay Lolo Vic. “I want you to marry Victorino, Moriah.” bumalik ang tingin ko kay Lolo Vic sa gulat. WHAT? ME? MARRY HIS GRANDSON?! “Lolo Vic… Wag ka naman magbiro ng ganyan.” kinakabahan kong sabi. Umiling ang matanda, “it is not a jest, hija. I want to see you married to him before i die. Gusto kung makitang hinahatid ka ni Chris at Meredith sa altar. Gusto ko iyon makita para may makwento ako kay Caesar sa kabilang buhay.” aniya sa isang seryoso ngunit nangungulilang tono. Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Victorino. “Did you know?” “Yup.” buntong hininga niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Alam niya? Kelan pa?! “And di mo ako sinabihan? Like maybe a little hint here and there? Di mo yun naisip?” galit kong tanong sa kanya. Umiling siya at tumingala, “Di ko kasi alam paano sasabihin sayo. Alam ko din na magagalit ka because i am your only academic rival mula grade school to college. So i assumed you'd hate the idea.” paliwanag niya. Of course i hate the idea! And no, it's not because academic rivals kami! I despise the idea of marrying the man who's on my list! Isa ka sa mga taong pinaglaruan ako noon! Nang dahil sayo… namatay ako. At… si mommy. Hinilamos ko ang aking mga kamay, “Victorino. You were right to assume that i hate the idea. Pero dapat sinabihan mo parin ako! Bakit di mo pinaalam?!” tumataas na ang boses ko. “Because… i wanted to marry you too.” aniya na mas nagpalaki ng mga mata ko.Huh? Tama ba ang narinig ko?! Gusto niya akong pakasalan? Why? Para ipagyabang kay Raymond na siya ang nanalo sa pustahan nila? Ano role ko dun? Trophy wife? Is marriage just a game to him?? Nagngitngit ang ngipin ko, “Why would you want to marry me? Parte parin ba ito ng pustahan niyo ni Raymond?” Halata ang gulat sa mukha niya. “Anong pustahan ang sinasabi mo, hija?” taka at nag-aalalang tanong ni Lolo Vic. Lumingon ako sa kanya, “Itanong mo po sa magaling mong apo, Lolo Vic. Dahil siya ang nakakaalam ng katotohanan.” “What is the meaning of this, Victorino? Anong pustahan?!” bulyaw ng matanda sa apo niya. Naguiguilty ako na dinamay ko si Lolo Vic dito. Pero buhay ko ang nakataya. Future ko yun! Alam ko ang pangako niya sa Lolo Caesar ko, pero… wala siyang alam sa pinaggagawa ni Victorino! “Gramps, let me explain.” may takot sa tono ng boses niya ngayon. Pilit na humakbang si Lolo Vic palapit ngunit napasapo siya bigla sa dibdib niya. Agad akong tumakbo sa kan
Baby, my ass!Nilayo ko ng bahagya ng ulo ulo ko sa kanya, “So in love ka na sakin niyan? May baby ka pang nalalaman.”Laglag panga niya akong tiningnan, magsasalita pa sana siya nang may kumalabog. Sa harap namin.“Moriah! Ito ba?! Siya ba dahilan kung bakit mo tinanggihan ang alok kong kasal?!” bumulaga sa harap ko si Raymond. Sa likod naman niya si Janessa. “Faundo, hold your temper. Baka nakakalimutan mo kung nakanino kang teritoryo?” banta ni Victorino sa kanya. Natawa si Raymond, “Shut the hell up, Tobias! Hindi ikaw ang kinakausap ko!”Nagulat ako nang kwelyuhan siya ni Victorino, “She's my date, stupid. So kung kakausapin mo siya, kakausapino din ako.”Umangat ng isang dangkal sa lupa ang mga paa ni Raymond. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad at malaki sa kanya si Victorino. “Toby, stop! Ibaba mo si Ray!” natatarantang sigaw ni Janessa. Pero di siya pinakinggan ng pinsan. “Victorino, put him down.” tikhim ko, at agad naman niyang sinunod. Tumawa si Raymond ng makawa
"Mori! Anak! May bisita ka!" dinig kong sigaw ni daddy mula sa garden kung saan siya nagdidilig ng flowers.Bumaba ako ng treadmill at nag punas ng pawis."Sino po, dad?" tanong ko.Sino naman bibisita sakin ng weekends?"Basta bumaba ka na lang dito!" si mommy naman ngayon.Sumimsim ako sa tumbler ko habang pababa ng hagdan.Muntik na ako maging water spray ng tumambad sa harap ko ang nag isang Victorino.Naka suot siya ng dark gray slacks, coffee brown shirt, at brown dress shoes.Naka sleek back din ang kanyang hanggang liig na curly black hair.Aba! Ano meron??"Good morning, Caitlin. Morning workout?" aniya.Kumunot ang noo ko, "Ano ginagawa mo dito?" Pinagplaplanuhan pa kita. Bakit ka nasa bahay namin?!Ngumiti siya, "Ayain sana kita ng date. Kung hindi ka busy?"Date? Ito ba yung karugtong ng 'pustahan' nila ni Raymond?!Hindi parin pala tapos?!"Busy ako." maikli kong sabi sabay lakad patungong kusina."No, you're not. Kasasabi lang ng parents mo." sumunod siya sakin."Yes, I
I fcking went back to the past! Or did I just time travel? Posible ba yun?? O time travel ang ginawa ko? Pareho lang ba iyon? Posible man o hindi, time travel man o hindi ang mahalaga pwede kong baguhin ang takbo ng buhay ko ngayon! "Uhmm... Riah?" bumalik ang tingin ko sa lalaking kanina pa nakaluhod sa harap ko. "Di mo ba narinig yung tanong ko?" takang sabi ni Raymond. Ngumiti ako, "Of course I heard you." Humanda ka ngayon. Napabuntong hininga siya at ngumiti ulit, "And? What's your answer? Naghihintay ang lahat." aniya. My answer? I said yes in the past. At ginamit mo lang akong panakip butas sa relasyon at mala demonyong plano niyo ni Janessa! Never again. Once is enough, Ray. "My answer is..." "Grabe naman. Pasuspense pa tong si Moriah, eh!" "Kaya nga, naiihi na ako sa kilig kanina. Ngayon naiihi sa kaba." "Same. Paano kung mag 'no' siya?" Dinig ko ang bulong-bulungan nila. Nilakihan ko ang ngiti sa asking mga labi. Kita ko ang hopeful look sa mukha ni Ray, "I'm
"Babe, kelan ba yan mamamatay? Isang buwan na yan sa ospital, buhay parin! Akala ko ba magaling yung hitman mo?! " matinis na boses ng isang babae ang narinig ko. At dahil sa kanya ay nagising ako."Hush, babe. Baka may makarinig sayo." boses naman ng isang lalaki ang narinig ko.Hindi ako pwede magkamali. Boses yun ni Raymond. Ang asawa ko. Sino kausap niya? Sino yung babae? At... babe?"VVIP room naman ito eh. Tyaka comatose si Moriah. So sino makakarinig satin?" sambit nung babae.Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko. Pero di ko sila maramdaman. Bakit di ako makagalaw? Kahit ulo ko di ko mapihit para lingunin kung saan nakatayo sila Raymond."I know, babe. Pero ingat parin tayo. Lalo na sa publiko. Di nila pwede malaman na tayo ang pasimuno ng lahat." mahinang sabi ni Raymond.Pasimuno? Ng lahat?"Oh, right! Before I forget pala," maarteng sabi nung babae.Dinig ko bawat hakbang ng kanyang high heels sa sahig. Sunod dun ay ang tunog ng mga papel na inabot niya kay Raymond."Cong







