Share

Best friend

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng aking report nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko na nakacharge, 'di kalayuan. Binalewala ko muna ito at nang muli itong tumunog ay doon ako tumayo at tinungo ang kinaroroonan nito.

Laking pagtataka ko nang mabasa ang nakarehistrong pangalan ng bestfriend ko sa screen. Si Jem. Siya ang nag-iisang kaibigan ko, ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko. Ang tanging babae na nais kong makasama sa bawat gala o pamamasyal na ginagawa ko.

Inalis ko muna ang pagkakacharge ng aking phone bago ko binuksan ang message mula sa kaniya.

[ Punta ka sa condo ko, may importante akong sasabihin sa'yo. ]

[ Punta ka sa condo ko, may importante akong sasabihin sa'yo. ]

Lalo akong nabalot ng pagtataka nang mabasa ko na ang laman ng message niya. Ano naman kaya ang importante nitong sasabihin sa akin at hindi niya kayang sabihin sa text o sa tawag. Hindi na ako nag-abala pang magreply dito, dire-diretso na akong tumungo sa lagayan ko ng damit upang magpalit.

Sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status