Share

Special Chapter 4

Lakad takbo kong hinabol si Althea nang makitang papalabas na ito ng University. Habol-habol ang hiningang tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan nito.

"Althea.." Saka lamang ako huminto sa pagtakbo at pagtawag sa kaniya nang sa wakas ay tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa akin. Mukhang ngayon niya lang napagtanto na hinahabol ko siya. Napahawak ako sa aking dibdib nang makatayo ako sa harap niya. "Pwedeng ano.. pwedeng sumama sa bahay niyo?" Sambit ko na mukhang ikinagulat niya. Ito ang unang pagkakataon na magsasabi ako ng ganito. Alam na alam ni Althea na hindi ako mahilig sumama sa bahay o pumunta sa ibang bahay. "Wala kasi si Claw. May seminar siya sa Makati."

Laking pasasalamat ko nang tumango-tango siya, mukhang kumagat sa palusot ko. Well, totoo namang nasa Makati si Claw ngayon.

"Sige, tara.. naghihintay si Tita roon, ayun oh." Agad bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ang itinuturo niya. Isang itim na kotse na alam kong pagmamay-ari ni Ranya. Ilang beses ko na ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status