Share

Chapter 9

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-26 13:08:56
Luna’s POV

Pagkatapos ng masalimuot naming pag-uusap sa Los Angeles, nagpatuloy ang trabaho ko nang parang wala akong kinikimkim na emosyon. Isa itong pagtatangka na panatilihin ang propesyonalismo, pero sa loob ko, nagngangalit ang damdamin ko—halo-halo: lungkot, galit, at isang damdaming hindi ko kayang itanggi—ang tuwang nararamdaman ko tuwing nasa paligid si Alexus, kahit pa galit siya sa akin.

Ang flight namin patungong Mexico ay puno ng mga pasaherong masigla, karamihan ay pawang mga turista na excited sa kanilang bakasyon. Ginawa ko ang lahat ng makakaya upang mag-focus sa trabaho. Ngumiti ako sa mga pasahero, nag-alok ng pagkain at inumin, at sumagot ng may maayos na tono. Ngunit sa bawat saglit na tahimik ako, ang presensya ni Alexus ay parang anino na bumabalot sa akin.

Sa gitna ng flight, tumunog ang intercom. “This is your captain speaking. We are now cruising at 35,000 feet. Sit back, relax, and enjoy the flight to Mexico.”

Ramdam ko ang pamilyar na lamig sa boses
Deigratiamimi

Blessed Sunday! Don't forget to like, comments, gem votes, and rate this book. 💞

| 28
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po 🫶
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
para nawala ang bigay Ng damdamin m.. ipagtapat m nlng king Anu totoo.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 10

    Luna's POV Nakatayo si Alexus, ang mga mata niya ay diretso nakatingin sa akin, puno ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Ang malamig na hangin ay nagdala ng kakaibang tensyon sa pagitan namin. Napalunok ako at agad na ibinalik ang tingin sa dagat, pilit na hindi nagpapahalata na ang presensya niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. “Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka sumabay sa mga kasama mo?” biglang tanong niya, basag ang katahimikan. Ang boses niya ay mas malumanay kaysa kanina, pero may halong diin na parang alam niya ang lahat ng iniisip ko. “Ang ganda ng view,” sagot ko, hindi nilingon ang mukha niya. “Kailangan ko lang bigyan ang oras kong magpahinga.” Narinig ko ang mabigat niyang hakbang habang papalapit siya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na naupo siya sa batong katabi ko. Tumahimik siya, na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong magsalita, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Maya-maya, siya na ang nagsalita. “How’s your daughter?”

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 11

    Luna’s POV “Hindi mo obligasyon si Bella. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ’yo, Alexus. Masaya na ako sa buhay ko kasama ang aking anak. Sana ganoon ka rin. Kalimutan mo na ako at ang nakaraan natin,” mariin kong sabi habang pilit kong inilalayo ang puso ko mula sa alon ng emosyon na hatid niya. Ngumiti ako, pero ramdam ko ang panginginig ng labi ko. Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa kanya, ngunit sa pagbitaw ko ay tila may piraso ng puso kong naiwan sa kanya. Tahimik si Alexus, pero ang mga mata niya ay parang isang bagyong naglalaman ng galit, sakit, at pagkalito. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, pero sa segundong iyon ay parang napakabagal ng oras. Ang pag-ihip ng hangin ay tila nanahimik, at ang ingay ng alon ay nawala sa likod ng damdaming bumalot sa pagitan namin. “Masaya ka?” aniya sa wakas, may halong panunuya sa kanyang boses. “’Yan ang gusto mong paniwalaan ko? Na masaya ka nang wala ako? Na masaya ka habang—” Tumigil siya, pero halata sa mukha

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-27
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 12

    Luna's POV Magdamag akong nakatulala sa bintana ng hotel room ko sa Mexico. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa tubig sa labas, nagbibigay-liwanag sa madilim kong isipan. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga sinabi ni Alexus kanina. Ang sakit sa boses niya, ang tingin niyang puno ng galit at pagtataksil—lahat ng iyon ay parang pira-pirasong salamin na patuloy na bumabaon sa puso ko. “Sinubukan mo bang itago ito habambuhay?” Ang tanong niyang iyon ang paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko. Oo, sinubukan ko. Ginawa ko ang lahat para mapanatiling nakatago ang lihim na iyon, pero hindi ko aakalaing madadagdang problema dahil lang sa kasinungalingang sinabi ni Cara kay Alexus. Hindi ko maamin sa kaniya ang totoo dahil mas pinangunahan ako ng takot. Pero siguro ay tama rin ang ginawa ni Cara para tuluyan na akong layuan at kamuhian ni Alexus Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang susunod na araw. Alam kong hindi na magiging pareho ang lahat. Ngunit sa kabila ng sakit at ta

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-27
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 13

    Luna’s POV Habang papalapit ang eroplano sa runway ng Manila International Airport, naramdaman ko ang panginginig sa aking dibdib. Hindi dahil sa excitement na makabalik sa bansa ko, kundi dahil sa lamig na bumabalot sa akin sa bawat sandali sa loob ng eroplano. Tanging ang tunog ng makina at ang mahinang sipa ng mga ulap sa ilalim ng mga pakpak ang naririnig ko. Kasama ko si Alexus sa flight na ito, ngunit sa mga mata ko, parang magkaibang mundo kami. Hindi ko kayang tingnan siya ngayon. Masakit pa ang mga alaala, at alam kong pareho kami ng nararamdaman. Ngunit hindi ko siya kayang patawarin nang basta-basta—lalo na dahil sa ginawa niya sa akin noon. Ang sakit na iniwan niya ay tila wala nang katapusan. “Huwag mo na akong lapitan, Luna,” malamig na boses ni Alexus ang bumangon mula sa aking mga alala. Hindi ko kailanman iniiwasan ang mga titig ni Alexus, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko kayang makita ang galit sa mata niya. “Hindi ko kailangan ang mga pangako mo. Hindi ko n

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 14

    Luna’s POV Habang nakatayo ako sa gilid ng kalsada ng Manila International Airport, ang bigat ng katawan ko ay tila sumasabay sa bigat ng aking isip. Ang pagod mula sa mahabang flight ay ramdam ko hanggang sa buto, ngunit alam kong kailangan kong umuwi agad kay Bella. Apat na araw na kaming hindi nagkikita, at ang ideya pa lang na malayo ako sa anak ko ay tila tinuturok ang puso ko ng matalim na karayom. Pinagmasdan ko ang mga dumadaang taxi habang hinihila ko ang aking maleta. Pilit kong iniwasan ang malamig na simoy ng gabi, ngunit kahit ang init ng singaw ng mga sasakyan ay hindi kayang palitan ang lamig ng takot na biglaang dumating. Tumunog ang telepono ko. Nang makita ko ang pangalan ng Yaya ni Bella, parang may pumiga sa dibdib ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad kong sinagot ang tawag. “Yaya?” Nauutal kong sabi, hinahabol ang aking hininga. “Bakit po kayo tumawag?” “Ma’am Luna,” nanginginig ang boses niya sa kabilang linya, “nahihirapan pong huminga si Bella. Hi

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 15

    Luna’s POV Pagkatapos ng tatlong oras na parang buong buhay kong inialay sa paghihintay sa labas ng emergency room, sa wakas ay lumabas na ang doktor. Halos napatalon ako mula sa bakal na upuan, at kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko, pinilit kong maglakad papalapit sa kanya. “Dok, kumusta na po ang anak ko?” tanong ko habang pinipilit pigilan ang panginginig ng boses ko. Parang natutuyo ang lalamunan ko habang hinihintay ang sagot niya. Ngumiti siya ng pagaan sa loob ng sitwasyon. “Miss Reid, nasa mabuting kalagayan na si Bella. Nakahabol tayo sa tamang oras. Medyo mahina pa ang katawan niya ngayon, pero stable na ang kondisyon niya. Kailangan lang ng pahinga at masusing pagbabantay sa kanyang kalusugan.” Halos mawalan ako ng lakas sa ginhawang naramdaman ko. Parang bumalik ang hangin sa aking baga. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang paulit-ulit na nagpapasalamat. “Salamat po, Dok. Salamat sa Diyos…” “Pwede mo na siyang makita,” sabi ng doktor bago siya tumal

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 16

    Luna’s POV Tahimik akong nakaupo sa maliit na coffee shop sa harap ng ospital habang hinihintay ang Yaya ni Bella. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa mga bagong bilin ng doktor, pati na rin sa mga plano ko para sa schedule namin. Isang malaking paghigop ng kape ang ginawa ko, pero kahit ang pait nito ay hindi sapat para takpan ang mga iniisip ko. Buong umaga akong nag-iisip tungkol sa tawag ni Alexus kagabi. Sa bawat salita niya, parang may muling bumabalik sa akin—ang nakaraan, ang sakit, ang mga alaala. Paano mo nga ba iiwasan ang taong minsang naging mundo mo, lalo na kung patuloy siyang nagiging bahagi ng kasalukuyan mo? Mula sa labas ng glass wall ng café, bigla kong napansin ang isang pamilyar na pigura. Matangkad, maayos ang tindig, at pamilyar ang lakad na tila ba ang lahat ng nakapaligid ay kusang umaayon sa kanya. Si Alexus. Halos mahulog ang tasa ko sa lamesa. Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi pa man ako nakakagalaw, pumasok na siya sa café. Diretso ang tingin

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 17

    Luna’s POV Pagkatapos ng ilang araw na tila puno ng tensyon, napagpasyahan kong tumuon na lamang sa trabaho. Kailangan kong magpakatatag para kay Bella. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Alexus sa café. Para bang ang bawat salitang binitiwan niya ay nag-iwan ng bigat sa dibdib ko na hindi ko maalis. Nasa duty ako nang tumawag ang Yaya ni Bella para ipaalam na maayos ang lahat sa bahay. Habang naglalakad ako sa departure gate ng airport, nakangiti akong nagpasalamat sa kanya. “Thank you, Yaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan kayo, ha?” Mabigat pa rin ang pakiramdam ko, pero nagbigay ako ng ngiti sa mga pasaherong sumasakay. As a flight attendant, kailangan kong magmukhang kalmado at maayos kahit gaano pa kabigat ang mga iniisip ko. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. “Miss Luna, pwedeng pahingi ng tubig?” tanong ng isang pasahero habang papunta ako sa galley. Ngumiti ako at tumango. “Of course, Ma’am. I’ll

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29

Bab terbaru

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 50

    Bella's POV Nakangiti si Brent habang hawak ang cellphone, pero may bahagyang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng kama at bagong paligo. Mukhang nagmamadali."Who's that?" tanong ko, kahit alam kong hindi na ako dapat magtanong.“It’s Claudia,” sagot niya, iwas ang tingin. “She’s in the hospital. She said she needs someone to pick her up. Walang ibang pwedeng sumundo.”Tumango ako, pinipilit ang sarili kong huwag mag-react. Pero may kung anong kumirot sa dibdib ko—‘yung parang kinukurot na hindi mo maipaliwanag kung bakit.“She asked you?”“I guess I’m the only one she can call,” sagot niya, at muling kinuha ang jacket niya.“I see,” mahinang sabi ko.“I won’t take long,” dagdag niya. “Promise.”Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Ilang hakbang pa ay palabas na siya ng kwarto, at naiwan akong nakatayo lang roon.Pero sa totoo lang, hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang umupo lang dito at maghintay na bumalik

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 49

    Bella's POV Tahimik ang buong bahay habang naglalagay ako ng mga hinugasan sa dish rack. Naririnig ko pa ang patak ng tubig mula sa gripo, at ang mahinang huni ng radyo sa background. Ilang araw na rin simula nang alagaan ko si Brent matapos siyang mawalan ng malay. Sa bawat araw na lumilipas, tila unti-unti rin niyang binubura ang distansyang matagal ko nang inilagay sa pagitan naming dalawa.Kaya’t nang marinig ko ang tunog ng telepono niya sa living room, hindi ko inakalang babasag iyon sa katahimikan ng araw naming dalawa.“Hello?” tanong niya, medyo groggy pa ang boses dahil kagigising lang.Napalingon ako mula sa kusina. Tahimik akong nanood habang unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Brent. Mula sa pagiging walang pakialam, naging alerto siya. Nanlisik ang mga mata, at nanigas ang mga balikat.“What happened? Where is she now?” sunod-sunod niyang tanong.Napapitlag ako sa tono ng boses niya—halatang may urgency. Parang may masamang nangyari.“I’ll be there in twenty

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 48

    Bella's POV Tahimik kaming nakaupo sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA. Nasa passenger seat si Brent, nakahilig sa salamin, at tila ba sinasadyang magmukhang kaawa-awa. Wala pang limang minuto ang lumilipas, ay bigla siyang umubo, malakas, parang lalagnatin.Napalingon ako. “Are you okay?”“No,” aniya habang nakakunot ang noo. “I think I’m dying.”Napairap ako. “You’re not dying, Brent. You just fainted from drinking too much and not sleeping.”“But my head hurts, and I’m cold… and my chest feels heavy,” aniya pa, sabay buntong-hiningang para bang siya ay may taning na.Halos mapatawa ako. Kung hindi ko lang siya kilala, baka napa-praning na talaga ako. Pero malinaw ang intensyon niya—gusto lang niyang maalagaan.Pagdating namin sa bahay, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kinuha ko agad ang gamot na inireseta ng doktor at nagtimpla ng lugaw. Pagbalik ko sa kwarto niya, nakahiga na siya sa kama, may unan sa ilalim ng paa, at nakasiksik sa comforter na para bang g

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 47

    Bella's POV Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Parang biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa habang nakatitig ako sa lalaking ilang segundo lang ang nakalilipas ay mapusok akong hinalikan. Ramdam ko pa rin sa labi ko ang init ng labi niya, ang magkahalong alak at emosyon sa hininga niya. Hindi ko alam kung anong mas dapat kong maramdaman—galit ba? Pagkagulat? O… takot sa kung ano na ang nagiging lugar ni Brent sa puso ko. “I know I’ve been a mess,” bulong niya habang nananatili ang mukha niyang ilang pulgada lang ang layo sa akin. “But I’m trying, Bella. Even when I don’t know how.” Napakuyom ang mga palad ko. Ang tibok ng puso ko ay hindi na maipinta. Parang bigla akong nahulog sa isang bangin na wala akong ideya kung saan patutungo. “I like you,” dagdag pa niya, at sa mismong sandaling iyon ay nanikip ang dibdib ko. “I mean… I love you.” Parang sumabog ang isang kanyon sa utak ko. Sa gitna ng lamig ng hangin ay tila ako pinapawisan. Gusto kong magsalita. Gusto

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 46

    Brent's POV Mabilis ang takbo ng sasakyan ko habang binabaybay ang madilim na kalsada ng Maynila. Halos wala akong pakialam kung lampas na ako sa speed limit o kung may mga matang sumusunod sa akin. Ang tanging gusto ko lang sa mga oras na ito—ay ang makalimot.Makalimot sa mga mata ni Bella na kahit wala siyang sinasabi, ay tila paulit-ulit akong sinusumpa sa katahimikan. Makalimot sa paraan ng pagtitig niya sa akin, na parang hindi niya ako kilala tuwing bumibitaw ako ng mga salitang pinangungunahan ng panibugho. At higit sa lahat, makalimot sa takot ko… na baka isang araw, magising na lang ako at wala na siya.Huminto ako sa tapat ng pamilyar na bar—isang lugar na dati kong pinupuntahan kapag kailangan kong takasan ang ingay ng mundo. Ironikal, hindi ba? Dumidiretso ako sa lugar na puno ng ingay para tumakas sa ingay sa loob ng sarili kong ulo.Pagpasok ko, sinalubong ako ng mahinang tugtog ng jazz at masangsang na halimuyak ng alak at sigarilyo. Ilang beses na akong nakaupo sa pa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 45

    Brent's POV Nang iwan ko si Bella sa ilalim ng punong iyon, inaasahan kong hahabol siya. Na tatawagin niya ang pangalan ko at yayakapin ako mula sa likod, gaya ng sa mga pelikula. Na papawiin niya ang lahat ng hinala’t pag-aalinlangan na bumabagabag sa puso ko sa isang sulyap, sa isang pag-amin na walang ibang lalaking iniisip ang puso niya kundi ako lang. Pero wala. Walang boses na tumawag sa pangalan ko. Walang mga yabag na humabol sa akin. Ang nakuha ko lang ay katahimikan. Malamig. Malalim. At mas nakakatakot pa kaysa sa anumang sagot na maaaring ibigay niya. Pagbalik ko sa silid ko, sinarado ko ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Pinikit ko ang mga mata. Pero kahit pa pumikit ako, ang mukha pa rin niya ang nasa isipan ko—ang ekspresyon ng pagkabigla, ng pagtataka, at ng kung anong hindi ko mabasa. At sa ilalim ng lahat ng iyon, ang hindi ko matanggap… ay ang katahimikang pilit niyang sinagot ang mga tanong ko. She could've denied it with more fire. She could've screa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 44

    Brent's POV Umaga na nang maalimpungatan ako. Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso sa terrace ng villa. Natanaw ko mula roon ang tabing-dagat, kung saan unti-unti nang sumisilip ang araw sa likod ng mga ulap. Tahimik. Mapayapa. Pero hindi ako mapalagay. Sinulyapan ko ang phone ko. May isang mensahe mula sa investigator ko. "River Montemayor. Law graduate, UP Diliman. Cum laude. Currently employed at a mid-size law firm in BGC, but often freelances high-profile civil cases. Was in a relationship with a certain Dr. Bella Del Fuego during their third year. No criminal records. More to come." Napabuntong-hininga ako. So they were a thing... once. I shouldn’t be affected. I shouldn’t care. Pero ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ay hindi kayang itanggi ng kahit anong lohika. That man knew her long before I ever did. He had the privilege of knowing her when she was still young and untouched by the weight of expectations, before the burdens of medicine and legacy hardened her so

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 43

    Brent's POV Mula sa kinauupuan ko, damang-dama ko ang bigat ng katahimikan na sumisingit sa pagitan namin ni Bella habang tahimik naming inuubos ang huling bahagi ng dessert. Ramdam ko ang malamlam na haplos ng hangin mula sa dagat, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa mga sulyap ni River mula sa kabilang bahagi ng restaurant. Hindi iyon basta simpleng sulyap lang—iyon ‘yong uri ng tingin na may laman, na may alaala, na parang may tinatangkang balikan kahit matagal na itong lumipas. Hindi ko na kailangang tanungin pa si Bella kung napapansin din niya. Dahil sa bawat pagtikim niya ng pagkain, sa bawat pagkunot ng noo niya kapag nasasagi ng hangin ang buhok niya, alam kong aware siya. Hindi lang siya nagsasalita, pero hindi iyon nangangahulugang hindi niya nararamdaman. "He's still looking," bulong ko habang nagkunwaring abala sa pag-ayos ng table napkin. Napatingin siya sa akin, pero wala siyang sinabi. Matalim ang tingin niya sa kawalan, tila may iniisip na malalim. Ang daliri

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 42

    Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status