Share

RED ROSE XXXIII

Chapter 33

ROSA REYES

Buwisit! Buwisit! Buwisit!

Sabi ko na nga ba at mapapalya lamang ang walang kuwentang Penelope na iyon! Inutil talaga ang babaeng iyon kahit kailan. Sinasayang ko lang ang oras ko sa kaniya gayong hindi niya naman pala matutuluyan si Ericka.

"Nasaan ang putanginang iyon?!" Ito agad ang bungad ko kay Kuya Ry nang malaman kong kalat na ang balitang hinahanap si Penelope ng mga pulis.

Hinahanap ang babaeng iyon hindi dahil sa maaaring siya ang suspek kung hindi dahil sa "missing" ito at magdadalawang araw nang hindi umuuwi.

Talaga namang hindi nila isiniwalat na siya ay posibleng suspek sa pagkamatay ng mga estudyante–na siya namang kagagawan ko at ng aking mga kasabwat. Ayaw ng matandang Gatewood na madungisan ang pangalan ng skwelahan niya kaya iba ang lumabas na balita.

"Nasa basement," maikling sagot sa akin ni Kuya Ry na siya namang ikinataas ng kilay ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status