Share

Chapter 3

Penulis: Avrin Keziah
last update Terakhir Diperbarui: 2022-05-25 17:21:42

Napapangiwi ako sa hapdi dulot ng bawat dampi ng bulak sa aking likuran. Nakadapa ako sa ibabaw ng aking kama habang pinapahiran ng gamot ni Mama ang aking likuran. Nag-iwan ng pasa at malalim na sugat ang bawat hagupit ni Garett ng sinturon sa aking likuran. Maging ang braso ko ay may sugat dahil sa mga tumamang bubog.

Ni minsan ay hindi ko naranasang mapalo. Wala rin akong naalalang napagbuhatan ako ng kamay ng aking magulang. Mahigpit ang aking madrasta. Madalas din kaming magkasagutan pero ni minsan ay di niya ako nagawang saktan ng pisikal.

“ Mama…ayoko na pong ituloy ang pagpapakasal kay Garett. Isa siyang demonyo! Hindi ko kayang makasama siya! Pakiusap…tulungan ‘nyo po ako!” pagsusumamo ko. Pinilit kong maupo kahit labis na nananakit ang likod ko.

“ Hindi pwede, Elora! Makapangyarihan ang pamilya Leviste. Mas masama ang maaari nating sapitin kapag sumalungat tayo sa kanilang kagustuhan!” bakas ang takot kay Mama at puno rin ng pag-aalala ang kanyang tinig.

“ Magandang umaga,” natigilan ako sa aking sasabihin ng pumasok si Garett. Nanginginig na napahawak ako kay Mama. “ Iwan mo muna kami, Miranda.”

“ Mama, huwag mo akong iwan sa kanya!” Ngunit tila wala itong narinig at nagmamadaling lumabas ng silid.

Nanghihina dahil sa sakit na nadarama pero pilit kong ibinangon ang sarili. Patagilid akong sumandal sa headboard ng kama.

“Huwag kang lalapit sa akin!” sigaw ko ng mapansin ang paghakbang ni Garett patungo sa akin. But he continue on his steps until he reach the far edge of my bed and sit on it.

“I’m done playing the part of a good guy, Elora. Nagawa kitang saktan. I will not ask for forgiveness because of it. Nagawa ko lang ‘yon dahil sa selos. Because I am in love with you Elora.”

Ikiniling ko ang ulo.

“No…true love will never hurt anyone. Isa kang demonyo, Garett! Kaya mo ako nagawang saktan!”

I am enraged and he could not stop me from saying what I want even if it means insulting him.

Pero ipinagkibit-balikat niya lamang ang lahat ng aking sinabi.

“Higit pa sa pagiging demonyo ang kaya kong gawin. Wala akong pakialam. Pakakasal ka sa akin kahit anong mangyari.”

Kalmado ang kanyang pagbikas pero may hatid na panganib.

“Hindi ako magpapakasal sa’yo!” pagmamatigas ko.

Garett stood up and with a dark expression he stared at me with his evil eyes.

“Don’t push me to the edge, Elora. Hindi mo pa rin ba naiintindihan? You have no power over me. At ngayong sinasagad mo ang pasensiya ko, pumili ka. Magpapakasal ka sa akin o mamamatay ang tarantadong kargador na ‘yon?”

Nanlaki ang mata ko at nanginig sa takot.

“No!”

Garett let out a menacing laugh that brought chills to my bones.

“ Say yes to me and I let that son of a bitch live. Maging akin ka lang Elora at ipinapangako ko sa’yong walang masasaktan kahit pa ang kapatid at madrasta mo.”

I gritted my teeth, trying my hardest not to look weak.

“Huwag mong idamay si Marcus! Wala siyang kinalaman dito!”

“Kapag umatras ka sa kasal ay talagang madadamay siya! Dahil ako mismo ang papatay sa kanya.”

“H-hindi…” ang tanging nasambit ko.

Ilang minuto na ang nakalipas ng lumabas si Garett ng aking silid. Pero patuloy pa rin sa panginginig ang aking katawan dala ng takot.

Napakahayop ni Garett. Nagawa niya akong saktan kaya malaki ang posibilidad na totohanin niya ang pagbabanta niya.

Kailangang may gawin ako. Hindi niya pwedeng saktan ang mahal ko.

Tumayo ako at nagpalit ng damit. Pupuntahan ko si Marcus. Kailangan niyang malaman ang lagay ko.

Sumilip muna ako sa labas ng bintana. Nakapagtataka dahil may mga armadong kalalakihan akong nakita na nakaposte sa ilang sulok ng mansiyon. Maaring tauhan sila ni Garett. Pinababantayan niya ako. Ang demonyong ‘yon. Pero hindi ako magpapasindak sa kanya.

Dahan-dahan akong lumabas ng silid. Walang ingay ang paa at palinga-linga na tinungo ko ang hagdan, Pero bago pa ako makahakbang pababa ay may humila sa braso ko par pigilan ako.

“Saan ka pupunta, Elora?” ang nangangambang mukha ni Mama ang aking nalingunan.

Padabog na binawi ko ang aking braso.

“ Aalis ako, Mama. Ayoko na rito!”

  I turned around and continue on my steps.

  “ At saan ka pupunta? Sa lalaking ‘yon?”

    “ Papatayin ni Garett si Marcus, Mama! Kailangang may gawin ako!”

  Gusto kong magsisisigaw dahil sa takot at pangambang umiibabaw sa akin.

   “ Ang magpakasal kay Garett ang mainam mong gawin, Elora.”

   Napamaang ako at nagpakawala ng pagak na tawa. Is she for real? Nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Garett. Tapos ngayon ay nagbanta siyang papatayin ang lalaking pinakamamahal ko.

  “ I can’t believe you, Mama! Demonyo ang lalaking gusto mong pakasalan ako. What happened to you? I don’t know you anymore. Masyado ka ng nasisilaw ng kayamanan niya. Alam kong hindi mo ako tunay na anak at tunay na ina ang turing ko sa’yo. You should be protecting me. Pero ikaw pa mismo ang nagtutulak sa akin sa hayop na ‘yon. Hindi ba ako mahalaga sa’yo?”

   Garalgal na ang aking tinig dahil sa labis na pighating lumulukob sa akin.

  “ Mahalaga ka sa akin, Elora…kayo ng kapatid mo. Pero mas mahalaga para sa akin ang magkaroon ka Ng maayos na buhay at ang masigurong humaba ang buhay ni Agatha. Kahit kaninong demonyo pa ay makikipagkasundo ako masiguro ko lang na mangyayari ang gusto ko para sa inyo.”

   I laughed sarcastically that it sounded more like an insult after hearing her words.

   “Your not listening to me, Mama! Can’t you see? Nagiging makasarili ka na sa pagpipilit mong maikasal ako kay Garett,” I am getting impatient and hysterical at the same time. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sagot-sagutin ang aking madrasta. But Marcus life is at stake here and that’s what matters to me right now. Wala na akong pakialam kung masampal pa ako ni Mama sa klase ng pananalita ko sa kanya.

   “Makasarili na kung makasarili! Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama. Magpapakasal ka kay Garett, tapos ang usapan!”

  There is finality in her voice that made me feel more scared.

  Hinila ako ni Mama pabalik sa aking kwarto. Tinulak niya ako papasok  sabay hila pasara ng pinto ng aking silid.

  “Mama! Palabasin mo ako  dito. Kailangan kong puntahan si Marcus! Utang na loob, Mama! Tulungan mo ako! Ayokong makasal kay Garett!” sigaw ko habang malakas na kinakalampag ang nakapinid na pinto.

   Pero imbes na dinggin niya ako ay narinig ko ang paglock ng pinto mula sa labas. Paulit-ulit kong kinalampag ang pinto at pinihit ang seradura pero  nakakandado ito mula sa labas. Lumapit ako sa bintana ng aking silid pero kahit doon ay imposibleng makalabas ako.

   Malakas akong sumigaw. Inikot ko ang aking silid at inihagis ang lahat ng mahawakang gamit. I am frustrated and miserable all at once. I felt so helpless, too. Nang mapagod ay napasalampak ako sa sahig at humagulhol ng iyak. I let out all the pain in me through my tears.

   “Marcus…mahal na mahal kita,” sambit ko kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang lupit naman ng mama mo Elora nakikita na Niya sinasaktan ka ni Garett pero importante pa Rin sa kanya Ang Pera Wala siyang pakielam sa nararamdaman mo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Redeeming Elora    Author's Note

    We often gets blinded by love that we tend to commit mistakes and impulsive decisions. And as we go on the journey of fighting for everything we believe, we loose ourselves only to find out that love is always unconditional. It knows no boundaries and self-sacrificing. Behind all the unpleasantness of fate, love will always be the first to redeem us. Maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking akda. Natagalan man bago natapos, still, hindi kayo bumitaw. Sana ay may maiwang marka sa inyong puso ang kwento ni Elora at Marcus. Hanggang sa mga susunod ka pong mga akda. Mahal ko kayo. God bless us all! ☺️☺️☺️☺️☺️

  • Redeeming Elora    Epilogue

    -Marcus-"Marcus...come on, ihahatid na kita pauwi."Napaahon ang ulo ko sa pagkakasubsob sa bar counter. I blinked my eyes. For a second I thought that's its her. I blinked again. The image before me became clearer. I chuckled with no humor. My eyes are fooling me again. Epekto na rin siguro ng sobrang dami ng alak na naubos ko. "Halika na, Marcus. Iuuwi na kita." Ngumisi ako. "Kaya kong umuwi mag-isa..." binawi ko ang braso kong hawak niya. Mabuway akong tumayo. Susuray-suray akong naglakad palabas ng bar. My feet struggles as I walked towards the exit. Despite my drunkenness, I still managed to reached my car in the parking area. "Marcus! Stop! Please...let me take you home. Lasing na lasing ka. Baka maaksidente ka pa."Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. At this moment, I don't really fucking cares what will happened to me. But maybe...if something really bad happens to me...I wished it would be as bad as what happened to Elora. O sana mas higit pa. After learning the t

  • Redeeming Elora    Chapter 50

    "Mamshie, nand'yan pa na siya?" nag-aalalang tanong ko. "Oo, hija. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya."Hindi mapakaling napatayo ako. " Pupuntahan ko ho." Kanina pa siya naroon. Nakapagpalit na ako ng damit. Minungkahi rin ni mamshie na magpahinga muna ako. Pero nakahiga na ako lahat sa kama ko ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko. Sinubukan ko siyang dungawin sa bintana. Naroon pa nga siya. Kaya bumaba na ako para pakiusapan si Juancho na paalisin na ito. Pero hindi pa rin ito natitinag."Pupuntahan ko po." Tumila na ang ulan pero malamig pa rin sa balat ang hangin. Hinigpitan ko ang hawak sa balabal na nakapaikot sa balikat ko na nagtatagpo sa ibabaw ng dibdib ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa labis na pag-iyak. Tila may tinik na nakatusok sa ugat ng puso ko na natanggal matapos kong maisiwalat ang lahat sa kanya kanina. Pero sa nakikita kong reaksyon nito parang mas doble ang pumalit na nakatarak sa dibdib ko. "Marcus..." hindi ito kumibo. "Marcus, tumayo ka riyan

  • Redeeming Elora    Chapter 49

    Wala akong pagpipilian. 'Yon ang tumatak sa isip ko. Piliin ko si Marcus, itatakwil ako ni Agatha. Piliin ko si Agatha, mawawala sa akin si Marcus. Either way I will still loose any of them. Kaya mas maigi ng lumayo ako. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib at malalim na napabuntong-hininga. May kung anong nakatusok sa puso ko na nagdudulot ng labis na kirot. Kahit anong gawin kong haplos at buga ng hangin ay hindi naaalis. Humigit bumuga muli ako ng hangin. It's still there. "Hija, mukhang uulan! Pumasok ka na sa loob. Malamig ang simoy ng hangin. Baka sipunin ka pa!" Mula sa pagtanaw sa maalon na dagat ay nalipat ang tingin ko kay mamshie. Naglalakad siya papalapit sa kinauupuan kong duyan. "Masama sa buntis ang magkasakit," dagdag paalala pa nito. Napahaplos ako sa maumbok kong tiyan. Tipid ko siyang nginitian. "Susunod na po ako." Tinanguan ako nito bago ako tinalikuran. Nandito na ulit ako sa Romblon. Akala ko ay hindi na ako makakabalik pa rito. Pero

  • Redeeming Elora    Chapter 48

    Nang makidnap ako ni Garreth...nang piliin kong lumayo...nang gustuhin kong magtago...iniisip ko ginagawa ko ang lahat ng 'yon dahil sa pagmamahal ko para kay Marcus. All those years of being away...suffering, pained and emotionally tortured. Kinaya ko. I surpassed the darkness that once tried to consumed me. Dahil umaasa akong darating din ang panahon na makakasama ko ulit si Marcus. Na muli kong maipapadama sa kanya ang pagmamahal ko. The hope in me almost died. At ng akala ko tuluyan ng mawawala ang katiting na pag-asang meron ako ay saka muling dumating ang pagkakataon na hinihintay ko. It's like coming from the ashes that had long burned me. Pero simula ng bumalik ako...galit at poot na sinasamahan ng pasakit ang hinarap ko. Agatha loves her. I pleaded for him to choose. Her over me. Never did I thought of him still loving me. When we met each other again, he ambushed me with a kiss. Followed by hatred and unruly insults. We had sex. First, out of my bruised pride. Second

  • Redeeming Elora    Chapter 47

    Titig na titig ako sa natutulog na katabi. Nakadapa siya at nakatagilid. Ang mukha niya nakaharap sa akin. His bare back is exposed to my eyes. I shamelessly ran my fingers to it. His eyelids fluttered. Pero hindi dumilat. Pero gumalaw ang braso niyang nakapatong sa tiyan ko at hinigit ako palapit sa kanya. Isinubsob niya rin ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Hmmm..." the corner of my lips rose when he made a purring sound. I pulled up the sheets to cover our both naked bodies before hugging him back.Putok na ang araw sa labas. Pumapasok na ang sikat nito sa mumunting singaw ng kurtina. Everything ended up sweetly and unexpectedly last night. But it's morning already and we're still cuddling in my bed. This is too much. Ang sabi ko ay pagbibigyan ko lang ang sarili ko. Isang gabi lang. This is wrong. Dapat ay bumabangon na ako at pinapaalis na siya pero hindi magawang tapusin ang pagyakap sa kanya. Hindi ko magawang bumitaw sa mainit na balat niya. Ibang-iba ang p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status