"Mamshie, nand'yan pa na siya?" nag-aalalang tanong ko. "Oo, hija. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya."Hindi mapakaling napatayo ako. " Pupuntahan ko ho." Kanina pa siya naroon. Nakapagpalit na ako ng damit. Minungkahi rin ni mamshie na magpahinga muna ako. Pero nakahiga na ako lahat sa kama ko ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko. Sinubukan ko siyang dungawin sa bintana. Naroon pa nga siya. Kaya bumaba na ako para pakiusapan si Juancho na paalisin na ito. Pero hindi pa rin ito natitinag."Pupuntahan ko po." Tumila na ang ulan pero malamig pa rin sa balat ang hangin. Hinigpitan ko ang hawak sa balabal na nakapaikot sa balikat ko na nagtatagpo sa ibabaw ng dibdib ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa labis na pag-iyak. Tila may tinik na nakatusok sa ugat ng puso ko na natanggal matapos kong maisiwalat ang lahat sa kanya kanina. Pero sa nakikita kong reaksyon nito parang mas doble ang pumalit na nakatarak sa dibdib ko. "Marcus..." hindi ito kumibo. "Marcus, tumayo ka riyan
-Marcus-"Marcus...come on, ihahatid na kita pauwi."Napaahon ang ulo ko sa pagkakasubsob sa bar counter. I blinked my eyes. For a second I thought that's its her. I blinked again. The image before me became clearer. I chuckled with no humor. My eyes are fooling me again. Epekto na rin siguro ng sobrang dami ng alak na naubos ko. "Halika na, Marcus. Iuuwi na kita." Ngumisi ako. "Kaya kong umuwi mag-isa..." binawi ko ang braso kong hawak niya. Mabuway akong tumayo. Susuray-suray akong naglakad palabas ng bar. My feet struggles as I walked towards the exit. Despite my drunkenness, I still managed to reached my car in the parking area. "Marcus! Stop! Please...let me take you home. Lasing na lasing ka. Baka maaksidente ka pa."Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. At this moment, I don't really fucking cares what will happened to me. But maybe...if something really bad happens to me...I wished it would be as bad as what happened to Elora. O sana mas higit pa. After learning the t
We often gets blinded by love that we tend to commit mistakes and impulsive decisions. And as we go on the journey of fighting for everything we believe, we loose ourselves only to find out that love is always unconditional. It knows no boundaries and self-sacrificing. Behind all the unpleasantness of fate, love will always be the first to redeem us. Maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking akda. Natagalan man bago natapos, still, hindi kayo bumitaw. Sana ay may maiwang marka sa inyong puso ang kwento ni Elora at Marcus. Hanggang sa mga susunod ka pong mga akda. Mahal ko kayo. God bless us all! ☺️☺️☺️☺️☺️
“Kanina pa naghihintay ang customer sa’yo!” bahagya pa akong napaigtad sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng dressing room at pumasok ang manager nitong club.Tinapunan ko siya ng tingin bago nagpatuloy sa paglalagay ng lipstick sa labi. Maging ang ilang kasama ko sa silid ay halatang nabigla rin.“Ano ba? Ang tagal mo na rito, hindi ka pa rin tapos mag-ayos? Masyado kang makupad! Kung hindi lang malaki ang komisyon na makukuha ko, hindi na talaga kita tatanggapin pa ulit dito!” patutsada pa nito habang humihithit ng sigarilyo.Kung hindi lang ako sanay malamang ay naubo na ako ng ibuga nito ang usok sa mismong mukha ko.Ikinuyom ko ang aking kamao. Kailangan kong magtimpi.“Umakyat ka na. Room 305,” humalukipkip ito ng braso. Pagkatapos ng gabing ‘to magiging katulad ka na rin namin. Isang bayarang puta!” nangungutyang sambit nito bago humahalakhak na tinalikuran ako.Sinundan ko siya palabas at di nagpahalatang apektado ako sa pang-iinsulto nito. Medyo asiwa akong naglakad dah
"Saan po kayo pupunta, Nana Salve?” tanong ko ng makita itong naggagayak.“ Sa bayan, mamimili.” Si Nana Salve ang pinakamatandang kawaksi dito sa mansiyon. Maliit pa lamang ako ay naninilbihan na siya sa amin.“ Pwede po ba akong sumama?” tanong ko.“ Magpaalam ka muna sa Mama mo. Baka mapagalitan tayo ‘pag isinama kita ng walang paalam,” pagpaalala nito sa akin.Paniguradong tulog pa si Mama.Madaling araw na ‘yon kung umuwi mula sa pagsusugal sa casino kaya baka mabulyawan ako pag naistorbo ko. “Hindi na po! Akong bahala sa inyo!” Nakangiting sumampa ako sa unahan ng naghihintay na sasakyan. Pagdating sa bayan, naunang naglakad papasok sa pamilihan si Nana Salve.“Huwag kang lalayo, Elora. Bibilisan ko ang pamimili para makauwi tayo kaagad,” bilin nito sa akin ng mapansin ang nahuhuli kong paghakbang. Tinanguan ko ito bago ko hinayon ang eskinita patungo sa bilihan ng mga tela. Dikit-dikit ang mga tindahan sa gawi rito. Bihira rin ang namimili sa parteng ito. Isa-isa kong s
“Ano pong nangyayari?” tanong ko sa nakasalubong na kasambahay paglabas ng aking kwarto kinaumagahan.“Ang kapatid ‘nyo po kasi, Senyorita.”“Ha? Napa ‘no si Agatha,” natataranta kong tanong. Patakbong tinungo ko ang silid sa dulong pasilyo ng ikalawang palapag ng mansiyon.Abot-abot ang kabang aking nadama ng maabutan ang eksena sa loob. Mukhang kinakapos na naman sa hininga ang aking kapatid.Agatha is my younger sister. She is just three years younger than me and is suffering from a heart disease. Anak siya ng aking madrasta sa aking ama. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang salungatin ng husto si Mama.“Agatha is not getting better. Natatakot ako na baka hindi na sumapat ang pera natin para sa gamutan niya,” aniya sa akin ni Mama ng huminahon na ang lahat at kalmado nang natutulog ang aking kapatid.“ What do you want me to do then?” diretsang tanong ko.“Marry Garett Leviste and all of our problems will be solved,” may pinalidad sa boses ni Mama. And I don’t have a choic
Napapangiwi ako sa hapdi dulot ng bawat dampi ng bulak sa aking likuran. Nakadapa ako sa ibabaw ng aking kama habang pinapahiran ng gamot ni Mama ang aking likuran. Nag-iwan ng pasa at malalim na sugat ang bawat hagupit ni Garett ng sinturon sa aking likuran. Maging ang braso ko ay may sugat dahil sa mga tumamang bubog.Ni minsan ay hindi ko naranasang mapalo. Wala rin akong naalalang napagbuhatan ako ng kamay ng aking magulang. Mahigpit ang aking madrasta. Madalas din kaming magkasagutan pero ni minsan ay di niya ako nagawang saktan ng pisikal.“ Mama…ayoko na pong ituloy ang pagpapakasal kay Garett. Isa siyang demonyo! Hindi ko kayang makasama siya! Pakiusap…tulungan ‘nyo po ako!” pagsusumamo ko. Pinilit kong maupo kahit labis na nananakit ang likod ko.“ Hindi pwede, Elora! Makapangyarihan ang pamilya Leviste. Mas masama ang maaari nating sapitin kapag sumalungat tayo sa kanilang kagustuhan!” bakas ang takot kay Mama at puno rin ng pag-aalala ang kanyang tinig.“ Magandang umaga,”
Ate,” napalingon ako ng marinig ang malamyos na boses ng kapatid ko. May matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang namumutlang mukha. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang tulak-tulak ng personal nitong nurse.“Agatha, ba’t lumabas ka ng kwarto mo. Baka mapagod ka? Dapat ay nagpapahinga ka lang,” nag-aalalang bigkas ko hustong makalapit siya sa akin.“Okay lang ako, ate. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa suot mong traje de boda.” Mapait akong nangiti. Ngayong araw ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin ni Garett. Ang ibang babae ay labis ang nagiging kagalakan kapag dumarating sa ganitong pagkakataon ng buhay. Kabaligtaran iyong ng nadarama ko ngayon. Mas gusto ko pa ngang itim ang kulay ng wedding gown na suotin imbes na puti. Dahil ang puso ko ay mahahalintulad sa isang patay na naghihintay na maihatid sa kanyang libingan. Paulit-ulit akong nakiusap kay Mama pero nanatili siyang bingi sa aking hinaing. Ikinulong niya ako sa aking kwarto at ngayong araw na ito laman