Nagdilim ang mga mata ni Felix at ibinaba ang katawan pababa kay Yuna para halikan ito. Ang halik na dampit lamang ay nanalakay at naging mariin at mapusok. Nang biglang... Biglang nagising si Yuna at nakita niya ang gwapong mukha ni Felix, napakalapit nito sa kanya, napakagat labi..si Yuna. Nang makita ni Felix na nagising na si Yuna, diretso niyang hinawakan ang ulo nito para mas maibuka nito sng kanyang bibig at mas lalong pinalalim ang mgah halik. Pinilip niyong inabot at nilasap ang tamis ng dila ni Yuna. "Well..." Gusto niyang tumanggi, ngunit hindi siya makahinga dahil sa halik nito, kaya napabuka nalang ang bibig niya at napabuntong-hininga. Pagkatapos ay itinuloy na noto sng paghalik nito sa kay Yuna ng mas malalim. Tumagilid si Yuna at humiga si Felix sa tabi niya at idiniin siya sa sofa at hinalikan ng puno ng pananabik"Felix....!" Napabuntong-hininga siya, nakaramdam ng hindi maipaliwanag na masalimuot na emosyon sa kanyang puso, pare naalala ang sa ng loob, at galit
Hindi sumuko si Yuna, gusto lang niyang dumikit sa kanya, tumayo siya at umupo nang direkta sa kanyang mga binti, niyakap ang leeg nito, tinitigan ng may hamog sa kanyang mga mata si Felix, at muling nakiusap."Mr.Felix....."Si Felix ay hindi na mapakali nang umupo si Yuna sa kandungan niya at ngayong ay nakayakap sa leeg niya.May pagkainip na hinawakan niya ang beywang ni Yuna at hinila ito palapit lalo sa harapan"Sige magsalita ka" gustong marinig ni Felix kung ano ang sasabihin ng asawa.Natakot si Yuna sa kanyang ekspresyon, at bumagsak ang mga luha"Yung tungkol sa pagpayag mo sa diborsyo at hahayaan ang aking ama na lumabas.""Wala akong panahon makipagnegosasyon" sabi ni Felix."Nakikiusap ako sa iyo, alam ko may maling ginawa ang aking ama noon. Kinasusuklaman mo ang pamilya ko at naintindihan ko yun" Medyo hirap si Yuna na sabihin ang balak, pero kailangan niyang maglakas-loob para sabihin iyon."Okay lang ba kung matulog ako sa tabi mo at paligayahin ka ng ilang beses ha
Lalong nanikip ang dibdib ni Yuna at hindi na siya naglakas-loob na tumingin sa matanda, kaya inihakbang niya ang kanyang mga paa at umalis na lamang.Dumating si Yuna sa Civil Affairs Bureau ng alas nuebe y media at nakaupo sa pintuan habang naghihintay kay Felix Ngunit alas diyes y medya, ay hindi pa rin sumipot si Felix Boyan.Tiningnan ni Yuna ang oras at nag-alala na may nangyari kay Felix sa daab, kaya tinawagan niya ito. Gayunpaman, ay hijdi niya makontak sa telepono si Felix. Nag-alala si Yuna Kaya sinubukang tinawagan si Marlon."Madam, nasa isang meeting ho si Sir Felix sa ngayon" sagot nito sa kanya."Anong nangyayari? bakit nasa pulong siya? Pinaalala ko sa kanyana na ngayong ang araw na dapat kaming magpunta sa Civil Affairs Bureau para sa diborsiyo ngayon" dismayadong sabi ni Yuna."Madam walang naka schedule na ganyang sa kanyang logbook . Walang ganoong item sa itinerary ngayon," sagot ni Marlon."Bakit hindi niya tinupad ang kanyang mga salita? " May lungkot niyang sa
Binuhat ni Felix si Yuna kahit pumapalag pa ito at dinala ito sa kanyang kandungan.Umiling ng paulit ulit si Yuna at tinakpan ang kanyang dibdib gamit ang kanyang kamay, "Sinabi ko nsng ayoko eh" ulit ni Yuna" Pinanka syoko sa lahst ay yung mga taong hindi tutupad sa kanyang salita.Gusto mo ba tala akong inisin?" Pinisil ni Felix ang baba ni Yuna saka tumitig sa kanya ng malamig. Medyo natakot si Yuna at tumingin sa kanya ng malungkot, "Kung gayon, kung hindi ka pala magsasawa, ibig sabihin ay kailangan kong sipingan. Ka at makasama ka habang buhay ganun ba?" tanong ni Yuna. Nagtaas lang ng kilay si Felix."Siguro mga Isang buwan" "Isang buwan..!!?" Manghang tanong ni Yuna."Hmm mga ganun" Bahagya umungol nito."Tuparin mo ba ang iyong salita?" Paniniguro ni Yuna at tumingin kay Felix , nagtaning siya dahil natatakot na muli niyang pagsisihan iyon?""Narinig kong pwedeng pahabain pa ang panahon ng pagoobserba ng diborsiyo ng isa psng buwan at maaari pang mag-aplay para sa isang
Walang ekspresyon si Felix, parang ayaw siyang makita, ang babae king tutuusin. ibinaba niya ang ulo at tiningnan ang mga dokumentong nasa kamay.Alam ni Jessie na ang hindi pagimik ni Felix ay senyales na tapos na itong makipag usap at nais na nitong umalis na siya, ngunit tumanggi siyang umalis, hinawakan niya ang kanyang tiyan at sinabi kay Felix."Boyan, mahigit 3 buwan na ang sanggol ngayon. Magkakaroon ng genetic test bukas. Gusto ba sumama para makita ang ang sanggol?" malambing na sabi ni Jessie.Sa pagsasalita tungkol sa genetic test, umangat ang mukha ni si Felix at nagtanong."Bukas na ba ang test?"Napakaamo ng boses ni Jessie ng muling sumagot."Magkakaroon ako ng prenatal check-up sa clinic ng tita ko bukas pwede kang sumama para makita si Tita at ang kompanya na rin ""Sige" sagot ni Felix at muli nang yumuko..Si Yuna ay naroon at nagtatago sa lounge nang marinig ang mga salitang ito, ang kanyang puso ay parang tinisok ng mga karayom ng walbf patid hanggang maging m
"Masakit ba ang iyong tiyan? Maaga bang dumating ang iyong regla ngayon?" Tanong nito. Napasulyap si Yuna kay Felix"Paano niya nalaman kung kailan ang regla ko? ""Naaalala ko kase dinadatnan ka tuwing katapusan ng buwan diba?" Sabi ni Felix na nabasa ang pagtataka sa mukha ni Yuna."Bakit mo naaalala?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Kung naaalal mo dati, minsan noonng National Holiday, bumalik ako galing abroad, at iginiit mo na dalhin kita sa hot springs. Ang araw na iyon ay ika 28 ng Setyembre, at pagkatapos ay nagplani tayo magpunta, ngunit sa huli ay hindi ka pumunta, dahil gumulong ka sa kama dahil sa sakit." Kuwento ni Felix.Sa pakikinig niya sa kuwento nito ay naalala nito pati ang sandaling iyon.Bago ang Pambansang Araw noong nakaraang taon, iginiit niya na pumunta sa hot springs, na hindi raw umuuwi at hindi siya sinasamahan, at magagalit siya kung hindi siya pupunta, at patuloy siyang gumagawa ng mukha sa harap niya.Nainis si Felix sa kanya, kaya pumayag siya at nag
"Bakit mo gustong bumangon Hindi ka ba komportable?""May regla lang ako, hindi ako baldado." Naramdaman ni Yuna na masyado siyang kinakabahan, kaya umupo siya sa desk at inilabas ang kanyang telepono upang magpadala ng mensahe kay Myca."Ano bang pinagsasabi mo " tanong ni Felix sa kanya."Humingi ako ng leave kay Myca sa pagpasok sa opisina pero tuloy ang trabaho ko sa bahay magdo drawing ako sa bahay ngayon." Sinabi niya ito kay Myca sa messenger.Alam ni Myca na masakit ang tiyan niya kapag may regla siya, at malamig ang katawan niya, kaya pinahinga siya ni Myca na magpahinga ng maayos.May iba pang gustong sabihin si Felix, pero nagsimula na siyang magdrawing.Hindi siya nito ginulo, at nang ibigay ni Manang Azun sng maligamgam na tubig na may asukal, inilagay ito sa harap nito, sinabihan siyang inumin ito habang mainit, at umalis umalis na rin."Hmm", parang wala siyang isip. Pagkaalis ni Felix, tumigil siya sa pagsusulat at tiningnan ang bakuran sa ibaba sa bintana ng Mansion.
Bagamat siya nagpasyang pabayaan ito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kapaitan at hindi komportable matapos maging ganito ang kinalabasan nila.Siguro sobrang kumplikado lang ng mga tao. Kung gusto mo talagang bitawan ang isang relasyon, kailangan mong hikayatin ang iyong sarili ng libu libong beses na hayaan na ito.Kung hindi, hindi magtatagal ay magsisimula ka na namang makaligtaan ang taong iyon.Nang matulog siya sa gabi, mukha ni Felix ang nasa isip niya. Paulit ulit na umiikot sa kanyang isipan ang mga eksena ng kanilang mga nakaraang pakikipag ugnayan.Sinampal niya ang sarili at sinabi sa sarili na huwag na itong isipin at matulog na nang maayos at kalimutan ang masasamang bagay na nangyari...Papgkatapos ng gabing iyon, ay hindi sila nag contact ni Felix sa isa't isa sa sumunod na tatlong araw. Si Yuna ay nagsikap at nagpakaabala araw araw.Isang hapon, lumapit sa kanya si Lin"Boss, nandito po si Mr. Patrick pinatuloy ko na ho" sabi nito.Bakit nandito si Patrick? Magali
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p