Wala na ngang choice si Felix kundi bumalik sa sasakyan para magpahinga. Pagkaalis niya ay nagong malapad ang ngiti ni Benjo, "Sa wakas ay wala na siya.Akala mo kung tumayo siya, parang diyos. Kaya niyang takutin ang lahat ng bisita dito"sabi ng binatilyo.Napangiti naman si Yuna, maliwanag ang kanyang mukha.Hindi maitayago ang ligaya sa puso niya." Napansin ni Benjo ang pagbabago sa kanya at itinaas ang kanyang kilay at sinabing, "Ate, napansin kong bumuti na naman ang mood mo ngayon ah.Mukhang nasuyo ng asawa mo eh?"Hindi noh, hiwa kang ano dyan. ph may mga costumer tayo, magbenta ka ng maayos dyan" sabi ni Yuna ngunit nalangiti. Makalipas ang kalahating oras, unti-unting nawala ang night market.Nagkanya kanyang sara ng mga Stall nila ang mga naroon. Pero bukas pa rin sina Yuna at nagbebenta pa rin si Benjo ng isang balde ng higit pang mga bulaklak at ilang prutas."Hayaan mo na kung hindi maubos. Magbenta tayo ng mga bulaklak para sa isa pang araw. Bukas ay Pasko na at Linggo
Sinibukan ni Felix na dalhin sa kandungan niya si Yuni ngunit ayaw ni Yuna, niyakap niya ang kanyang leeg at umiling"Kainin mo muna ang noodles, kung hindi ay lalabsa na ito"Ismid sa kanya ni Felix at sumulyap sa noodles, doon ay isang itlog ang sahog at nay mga gulay din. Si Felix ay maselan at may problema sa pagkain. Napakunot ang noo ni Yuna at masungit na sinabi,"Hindi mo kailangan kainin ang mga gulay, Felix pwede bang kainin mo na it ng mabilis."Sumulyap si Felix sa kanya at walang magawa kundi kainin ba lamang ang nilutong iyon ng asawa, at kinain naman ito nang may buong pagmamahal ni Felix ngunit may mababangis na nga mata ang nakabantay dito. Pagkatapos kumain, ngumiti si Yuna, nakakunot ang kanyang mga kilay habang nakangiti napaka kaakit-akit at kjng gumagalaw na parang rosas sa umaga. Pinanliitan siya ng mata ni Felix pagkatapos ay hinawakan siya sa kanyang kandungan at nakangiting nagtanong."Bakit bigla kang naging dominante aber...?"Possesive lang ako at d
"Sino ang nagsabi sa iyo na magmukhang bata ha? Tinatrato ka ng mga tao na parang isang batang babae, at kinakausap mo pa rin siya nang walang kabuluhan para kang tanga" Sumimangot si Yuna."Paano ako naging tanga, ano namang masama? Saka ang bata pa noong tao?"Bata pa? talaga lang?"Natahimik si Yuna, nakasimangot, at nagreklamo,"Felix, matanda ka na talaga sa panahon ngayon, nakatirintas lang ang buhok nagpapabata na agad.Hindi ba pwedeng ito kase ang uso ngayon.""Gusto mo lang mangakit ang mga lalaki kay ganun" sabi ni Felix na may malamig na mukha. Medyo nagalit si Yuna at binatukan ang asawa,"Hindi ako nang aakit ng lalaki. Ang batang iyon ay 13 taong gulang pa lamang. Bakit ko siya liligawan? Naghahanap ka talaga ng gulo." Si Yuna ay niyakap ni Felix bigla sa harap na publiko kaya si Yuna ay medyo nahihiya,"Huwag mo akong yakapin sa labas, nahihiya ako na ito ay isang maliit na bayan, at may mga taong mag-uusap tungkol dito. " pero walang pakialam si Felix sa sasabihin ng s
"Maraming salamat. Napakabuti mo at napakasuwerte ng prinsesa ng aking dating amo at ikaw ang kanyang asawa. Alagaan nyong mabuti ang isat isa" sabi pa ni Yaya Maria.Sa ganoong kapaligiran, hindi napigilan ni Yuna ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Noon nagpaalam na sila na babalik na sa San Andres ay pinilit ni yaya Maria na bigyan sila ng mga manok at pato, pati na rin ang isang bungkos ng mga lutong bahay na sili at specialty.Tinanggap naman lahat iyon ni Yuna.Lahat yun ay mula sa iisang lugar at nagustuhan ni Yuna ang mga lasa.Papunta sila ng sasakyan ay napansin niyang punong puno ang likod ng kotse at nailagay na rin ang lahst ng gamot ni Yuna."Okay na pala, maaari na tayong umuwi sa bahay natin" "Nang marinig ni Felix ang sinabi ni Yuna na "bahay natin" ay namula sa tuwa ang pisnge ni Felix at nagningning ang mga mata niya.Habang hinihintay na umandar ang sasakyan ay biglang sumigaw si Felix."Sandali lang" sabi nito."Bakit?" tanong sa kanya ni Yuna."May nakal
"Ganun din ang ginawa mo kay Yuna noon hindi ba? Noong naranasan niya ang mga hinaing na ito, humingi ka lang ng tawad at hinayaan mo na lang.Bakit?" Ngayon na nangyari ito sa iyo? Anong pakiramdam ngayon? Hindi mo na matatanggap?" nginisihan siya ni Felix pagkatapos sabihin iyon.Nakita ni Jessie ang kalupitan ni Felix sa unang pagkakataon, Kinagat niya ang kanyang labi at sinabing,"Pero hindi ka tumutol sa hype ko noon, di ba? Bakit okay lang noon pero hindi na ngayon?" biglang baba bg boses ni Jessie"Porke hindi ako kumikibo noon ay payag na ako.Bakit hindi ko ito pwedeng gawin ngayon? Malamig na sinabi ni Felix. "Dahil wala kang espiritu ng tiyaga kaya hindi siya maaaring maging tapat." "Bakit hindi ko iningatan ang espiritu ng pagpupursige? Kung hindi mo ako pakakasalan, hindi kita pipilitin, diba?""Bakit hindi ka nakinig noong sinabi kong huwag mong idaos ang kasal? Sinabi ko sa iyo na huwag kang magpadala ng mga tao para sumunod kay Yuna, bakit hindi ka nakinig? Ano ang la
Bumilis ang tibok ng puso ni Yuna nang hawakan ni Felix ang kanyang maliit na kamay at ipinatong ito sa kanyang balikat."Felix, hindi na ba tayo kukuha ng diborsiyo?" Tanong ni Yuna sa mahinahong paraan. Ang kanyang mga mata ay puno ng kainosentihan ngunit ang kanyang dibdib ay puno ng kaba.Lumalim ang titig sa kanya ni Felix at malambing na tinanong din si Yuna."Ikaw?gusto mo pa rin bang kumuha ng diborsiyo?" Balik tanong nito.Umiling ng ilang ulit si Yuna, inikot ang malalaking mata at sinabi."Gusto ko naman talagang makasama ka habang buhay eh" "Habang buhay?" Nagulat si Felix at inulit ang salitang iyon ng may masayang ngiti sa kanyang mga labi."Aba dapat ay maging mas masunurin ka pa sa mga darating na araw" sabi nito."Oo" sagot ni Yuna, lumapit na ito ng kusa kay Felix, tumayo sa harap ng asawa at niyakap ang malayang leeg nito."Magmula ngayon palagi na akong susunod sayo at sa iyo lamang aasa" pagkasabi niyon ay si Yuna na mismo ang nanguna sa isang malalim na halik s
"Ayoko nang malaman kahit ano pa yan" sabi ni Yuna."Ayaw mo talagang malaman?""Kung papayag si Felix na ipaalam yan sa akin, alam ko, sasabihin niya sa akin, at kung ayaw niyang malaman ko, ayoko namang pangunahan siya sa isang sekreto" sabi ni Yuna.Alam ni Yuna na gumagawa na naman ng gulo si Jessie. Alam na niya ngayon na hindi gusto at walang pagmamahal si Felix sa babae dahil kung mahal nga ni Felix si Jessie dapat noon pa pumayag na itong magpakasal sila at matagal ng ito ang pinili.Dahil siya ang pinili ni Felix, pinatunayan lamang nito na mas mahalaga siya kaysa kayJessie at sa bata sa kanyang tiyan. Kaya pabagsak na niyang ibinaba ang telepono.Samantalang halos magwala naman si Jessie sa galit at nagsisisigaw ito.Hindi nito matanggap na hindi siya gustong makita ni Yuna at wala itong pakialam sa kanya. Bilang resulta nang hindi siya pinuntahan ni Yuna, pumunta si Jessie sa mansion at tumayo sa pintuan ng bahay ni Felix at doon sumisigaw ng sumigaw."Yuna, hinihintay kit
Malakas ang tawa ni Jessie at tinawag si Yuna."Yuna.." tawag sa kanya ni Jessie habang hawak ng dalawang kamay ang bakal na pinto.Inaalog nito ang gate na tila gusto nitong sirain para lang makapasok sa loob.Pero hindi siya pinansin ni Yuna, mabilis na bumalik sa villa at umakyat, nakatayo sa harap ng bintana at tahimik na pinapanood si Jessie sa ibaba.Maya-maya, tumunog ang cell phone ni Jessie. Inilabas niya ito at hindi napigilang sumimangot,"Felix....""Bakit ka pumunta sa mansion para hanapin si Yuna?" Tanong ni Felix sa kanya."Gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya""Ako ang gumawa ang mga bagay na iyon sa online, bakit hindi ka sa akin pumunta at humingi ng tawad sa akin." Galit na sabi ni Felix."Oh, baka naman may iba ka na namang binabalak?" "Paano iyon posible? Ang gusto ko lang ay mapatawad ako ni Yuna at mamuhay tayo ng mapayapa sa hinaharap.""Naniniwala ka ba sa mga salitang mong ito?" Ngumisi si Felix."Alam mong buntis ka, ngunit lumuhod ka sa tarangkahan ng m
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p