Sa kadiliman ng lugar na iyon, ang mga mata ni Felix ay masama at mapanganib.Lumapit ito sa kanyang tainga at bumulong sa malalim na boses. "Pinsan? Gusto mo ba talagang makasama si Jhiro? Nakalimutan mo na ba kung paano ka pinahirapan ni Tita Linda noon na asawa pa kita? At nakalimutan mo na rin ba kung paano ka binu-bully at kinakamuhian ni Natasha? Nagiisp ka na Yuna?Ganito ka na ba ka desperada?" Paalala sa kanya ni Felix. Napayuko si Yuna ngaalala ang nakaraan sa buhay niya."Bakit hindi ka maghanap ng mas mabuting lalaki, naisip mo ba ang mararamdaman ko dahil sa paglapit mong ito kay Jhiro. Gusto mo ba talaga akong tuluyang magalit ha Yuna?Layunin mo na maging masama akong tao dahil sayo?" "Pakawalan mo ako Felix ano ba?" Ngunit hindi bumitaw si Felix. Hindi lang iyon, sadyang iniunat din nito ang kamay at idiniin sa dibdib niya."Nahawakan na ba niya ito?" sumilay ang kakaibang panibugho sa mata ni Felix ng sandaling iyon. Ibinaba nito ang kanyang ulo at mapanganib na tinan
Ang puso ni Yuna ay napuno ng sakit at hinanakit, na naging sanhi upang mahirapan si Yuna na huminga. Hanggang sa si Yuna ay tuluyang bumagsak at bisig ni Felix at lalo lamang umiyak at halos manghina.Tahimik na pinanood ni Felix ang pagiyak ni Yuna habang nasa bisig niya na parang latang lata. at bahagyang kumunot ang noo nito."Ano bang iniiyak mo?""Ano bang kinalaman nito sa iyo? Umiiyak ako sa sarili kong dahilan, hayaan mo lang ako..." Nabulunan si Yuna at tinulak si Felix palayo.Napilitan naman si Felix na ibaba na siya. Sa pagkakataong ito, sa wakas ay pinakawalan siya ni Felix ngunit hindi pa rin binitawan ang kamay niya. Niyakap siya ni Felix sa kadiliman at hinayaan siyang umiyak hangga't gusto niya.Halos isang oras siyang umiyak. Nagalit si Felix dahil hindi pa rin tumitigil si Yuna kaya ibinaba nito ang kanyang ulo at tinanong si Yuna."Bakit ka ba grabe umiyak? May nangyari ba sa iyo kamakailan?""Hindi ko alam?" Hindi naniniwala si Yuna na walang alam si Felix.Sin
Malayang nakatanaw si Yuna sa kalawakan ng golf course habang nakikinig sa payapang daloy ng tubig sa batis.Pagkaraan ng hindi malamang oras, nag-ring ang cell phone ni Yuna."Ms. Yuna, wala nang pera sa account ni Mr.Shintaru.Kailangan pongadagdagan ang deposit ninyo " sabi ng tawag na mula tauhan sa accounting office sa hospital.Saglit na natahimik si Yuna bago sumagot."Sige ho, pupunta ako dyan kaagad" Kailang ang deposito para sa mga pangunahing kailangan ng kanyang ama kaya kinakailangan ni Yuna na gumawa ng paraan ngayon. Malamang ay hinihintay na siya ng kanyang ama at kaiiangan niya aliwin ito.Inayos muna ni Yuna ang gulong buhok at sinipat ang sarili bago itinulak baukas ang pinto ng ward ng ama.Sinusuri ng doktor ang Tatay niya ng mabungaran ito ni Yuna. Umupo siya nang tahimil at nakipagtulungan sa doktor. Mula noong bypass surgery, ng kanyang ama ang utak nito ay naapektuhan na ng anesthetic. Hindi ito nakakakilala pero kapag si Yuna ang nagpupunta ay magiliw siyang
Si Jhiro ay matikas na nakatayo sa bumukas na pintuan. Matangkad at balingkinitan sa magara nitong coat. Isang malabong ngiti ang sumilay sa kaakit-akit na mga mata nito. "Bakit nagkakagulo kayo dito? Miss Yuna, Alam mo bang nagpunta ako dito upang mamuhunan sa iyong kompanya?kanina pa ako nanghijintay sa iyong opisina at nainip na lamang laya pinintahan na kita dito." Sabi ni Jhiro. Nagulantang ang lahat ng naroon."Ano ang sinabi niya?Tama ba ang narinig ko?" Bulong ng ilang mga namumuhunan."Siya daw at narito upang mamuhunan sa kompanya. Malinanw ang narinig ko!" Isang grupo ng mga tao ang tumingin kay Yuna, ngunit wala kibo si ito.Hindi niya alam ang sasabihin.Ngunit alam ni Ginoong Samuel kung ano ang nangyayari.Nagpunta na rin kase si Jhiro sa kompanya kahapon at sinabing gusto nitong mamuhunan sa kanilang bagong proyekto.Agad na tinanggap ni Ginoong Samuel ang proposal nito at ipinakita kay Jhino ang plano ng bagong proyekto.Sa ngayon siya ang tanging pagasa ng kumpany
"Bumalik ka kay Felix at hanapin mo ang dokumento ng proyekto ng fh221 at ibigay mo sa akin" sabi nito sa mensahe.Nanginginig na hawak ni Yuna ang telepono sa kanyang kamay nang dumating ang isa pang mensahe."Bibigyan lang kita ng isang linggo" halos manlamig si Yuna at napaupo na lamang at humagolhol ng iyak.Umihip ang malamig na hangin, at nanginginig si Yuna na parang na-freeze.Wala siyang magawa. Tulala lamang habang umaagos ang masaganang luha.Sa isang malalim na gabi ng taglamig, bumaba siya sa taxi at pumasok sa lumang Villa ng balisa at walang ekspresyon ang mukha. Ibinalibag lang niya ang hawak na bag at uumpo sa sofa na parang lutang. Hindi niya gustong manakit ng sinuman lalong lalo na, hindi niya kayang traidorin si Felix. Pero may mga taong masasama na ayaw siyang lubayan.Ipinikit ni Yuna ang kanyang mga mata habang iniisip ang mga problema. Sa wakas ay may naisip si Yuna kaya idinilat niya ang kanyang mga mata.Anuman ang sitwasyun, hindi siya maaaring sumuko
Ilang beses itinali ni Felix ang kanyang kurbata, ngunit hindi siya nasisiyahan dito at tumingin siya kay Yuna. "Bakit ka nakatayo dyan na parang tulala" sabi ni Felix.Sinulyapan nito si Yuna saka ibinaba ang tingin sa kurbata sa kamay nito.Naunawaan iyon ni Yuna, lumakad siya at kinuha ang kurbata sa kanyang kamay at tinulungan si Felix na itali ito.Sa buong sandaling iyon ay, tahimik na tinitigan lamang ni Felix si Yuna.Wala itong kibo at wlaa ring itinatanong. Pagkatapos itali ni Yuna ang kurbata, nagtanong siya, "Uuwi ka ba ulit dito ngayong gabi?"tanong niya.Ngumiti si Felix, hinawakan ang kanyang ulo at tahimik na umalis.Tumayo lamang sa bintana si Yuna at doon naghintay ng ilang sandali. Nang marinig niya ang tunog ng makina ng sasakyan sa labas, nagpalit siya ng damit at lumabas ng kwarto.Sa sandaling lumabas siya ng silid, naramdaman ni Yuna na may mali. May dalawang bodyguard na nagbabantay sa pintuan ng study room ni FelixNapakunot ang noo ni Yuna at bumaba ng hagd
"Nasa trabaho ako." Sagot ni Yuna sa tanong ni Jhiro."Kumusta na ang pinapagawa ko sa iyo?" Napahawak sa dibdib si Yuna at pinigilan ang galit."Sa ngayon ang bahay ni Felix ay napapaligiran ng mga bodyguard at hindi ako makalapit sa study room nito" sabi ni Yuna.Sa ganung sitwasyun ay parang mas ikinatuwa pa ni Yuna na may mga bantay sa bahay ni Felix.Sa ganung paraan, walang silbi para kay Jhiro na pilitin siya.Ngunit hindi pa nakuntento si Jhiro, Napaawang ang labi ni Yuna sa sinabi nito."Dahil hindi ka makalapit sa study room sa mansion, dapat kang magkusa. Makikipagkita si Felix sa taong namamahala sa proyekto ngayong gabi at tiyak na dadalhin niya ang mga dokumento. Sumama ka sa kanya at humanap ng pagkakataong lasingin siya" utos ni Jhiro."Hindi niya ako isinasama sa mga ganung lakad""Hindi ka sinasama, eh do ikaw ang mamgkusang sumama" giit ni Jhiro.Hindi nakakibo si Yuna."Yuna, hindi mo ako niloloko, 'diba? Ipinangako mo sa akin ang lahat, ngunit hindi mo ginagawa. Aya
Ang babaeng kausap niTuna ya tipa isang diwata sa ganda.Tahimik lamang ito na may isang pares ng mga mata na kasinglinaw ng tubig sa lawa, at siya ay kasing ganda ng isang diwatang naglalaro ng ibon sa dapit hapon.Pumupulot ang asawa nito sa bewang ng babae ar ang babse naman ay sinusubuan ng pa isa isa ng pagkain ang binig nitong kusang bubukas habang nakikinig sa mga salita ni Felix.Paminsan-minsan ay tatanungin siya nito kung masarap ba sng pagkain atvkung minsan naman ay suslypaaj lamang ang babae ng may ngiti. Ang dalawa ay puno ng pagmamahal ang mga mata para sa isat isa. Makikitang napakaganda ng kanilang relasyon."Medyo naiinip ka ba?" tanong ni Tamara kay Yuna.Tumango ito at sukulypa sa kay Felix na abala Napangiti sa kanya ang babae."Hindi mo naiintindihan ang sinasabi nila, tama ba?" Anito. Pasimpleng tumango ulit si Yuna.Nagulat si Yuna ng harap ang babaw sa lanya at nagsimula itong makipagkuwentuhan sa kanya sa mahinang boses.Doon napagtanto ni Yuna na ang babse at a
Isang araw, bigla siyang nakaramdam ng hindi komportable sa pakiramdam.Marahil nagsimula ito sa sandaling naramdaman niyang narating na ni Yuna ang isang destinasyon sa magkaibang landas.Nang makita ni Lester si Patrick, lumabas ito ng kotse, dire-diretsong naglakad palapit sa kanya at nagtanong,"Boss Patrick, maaari ba akong magtanong sa iyo?" Walang sinabi si Patrick kaya tinanong ito ni Lester ng deretso. "Ano ang relasyon mo ngayon sa asawa ng amo ko?"Itinaas ni Patrick ang kanyang mga labi at ngumiti, "Inutusan la na ni Felix para magtanong ng ganyan?""Hindi, gusto ko sanang itanong sa sarili ko." Tumayo ng tuwid si Lester at magiliw na nagpayo,"Si Boss Patrick ay isang matalinong tao. Dapat niyang makita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng aking Boss sa asawa niya. Kung si Boss Patrick ay may kaalaman sa sarili, dapat niyang layuan ang aming Madam. Pagkatapos ng lahat, ang sinumang makasakit sa aming Madam ay magdurusa." Sabi nito."Ang dapat na lumayo kay Yuna ngayo
Pero anumang pilit niYuna mapait talaga ang kape amerikani sa kanya epro hindi niya iyong iponahalata kay Felix. Sa harap nito ay hindi siya magpakita ng kahinaan at hinding-hindi siya dapat maakit sa kaguwapuhan nito ngayon.Dati siyang isang simpleng tao, kung saktan siya ng iba, nakakalimutan niya agad, at nagpapatuloy sa pagiging masaya. Dahil ayaw niyang parusahan ang kanyang sarili dahil sa pagkakamali ng iba.Pero simula nang maipasok ang kanyang ama sa ICU, at ayaw ni Felix na parusahan si Rowaena, nagpasiya si Yuna na parusahan ang kanyang sarili.Pinaparusahan niya ang kanyang sarili sa pagmamahal sa taong hindi niya dapat mahalin. Pinaparusahan din niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, dahil sa kanyang pagkamakatuwiran, nasaktan ng ganito ang kanyang ama. Mula noon, ayaw na niyang maging masaya.Parang naunawaan din ni Felix ang ibig niyang sabihin, at naging bahagyang malalim ang kanyang boses,"Ano ang gusto mong gawin?" Tumingin siya, at n
Kinabukasan ay maagang nangtungo si Yuna sa Shop.Naabutan niyang abala si Myca sa pagpili ng ibat ibang sample ng tela. Pagbukas ng pinto ay nagtaas ito ng tingin at nakita siya .Nabakas niya ang kaligayan pero pagkagulat sa mga mata nito."Yuna...""Boss, nakabalik ka na!" Sabi naman ni Lin na katuwang ni Myca."Magandang araw sa lahat!" Bati ni Yuna sa ilang tauhan at ngumiti kay Lin, at pagkatapos makipag-usap ng sandali, inalalayan niya si Myca paakyat sa opisina sa ikalawang palapag.Namumula ang mga mata ni Myca habang tinitingnan siya, "Yuna, natutuwa akong makita ka, kakalabas mo lang mula roon, hindi ka ba magpapahinga kahit lang araw man lang ?" Sabi ni Myca. Labis nipang ikinalungkot ng makulong si Yuna."Hindi na, wala naman akong gagawin." Tumingin si Yuna sa matambok na tiyan ni Myca."Sino ba ang nahihirap ha, ilang linggo na lang ba bago lumabas ang baby pero nagtatrabaho ka pa rin?"Tumingin si Myca sa kanyang tiyan, at naglabas ng dila, "Ganyan din ang sinasabi n
Medyo natulala si Yuna, hindi niya maintindihan ang nababasa sa mga mata ni Patrick. Pero para kay Yuna dapat ay wala ng madamay pa, dapat ay siya ang gumawa upang mapanatag ang kalooban niya. Sa kanya may atraso si Rowena kaya dapat sa mga kamay niya rinamgbayad ang babae. Kaya sa huli ay umiling siya,"Hindi na, Kuya Patrick, alam kong hindi ka rin masaya sa pamilya mo at may mga sarili ka ring problema, ikaw at ang iyong kuya ay magkalaban din diba. Mahirap din ang iyong buhay."Sinabi na sa kanya ni Myca dati, na si Petrick ay dumating lang sa pamilya Perez, at parang anak lamang sa labas, ang kuya nito ang tagapagmana, kaya't si Patrick, ang bagong ikalawang anak na lalaki, ay hindi masaya sa pamilya Perez.Yumuko si Patrick na tila napahiya at nainsulto bago muling tumingin kay Yuna."Okay lang, kaya kitang tulungan." Pero ilang ulit pa ring umiling muli si Yuna, at bahagyang lumabas ang kanyang mga dimples, sinabi niya kay Patrick,"Kuya Patrick, ayaw kong maging pabi
"Yuna!" Nag-iba ang tono ni Felix, at hinabol siya."Mr. Felix, itigil mo yan, hindi na tayo ganoon na magkakilala pa baka nakakalimutan. Mo wala na tay9ng konektion pa, huwag mo akong sundan pewde ba?" singhal nibYuna.Nang makarating si Yuna sa gilid ng kalsada, huminto ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana, at muli niyang nakita ang nakakainis na mukha ni Patrick, binuksan nito ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Yuna,"Yuna, nandito ako para sunduin ka." Ngumiti si Yuna ngvubod ng tamis, at sasakay na sana sa sasakyan, ngunit hinawakan na naman siya ni Felix sa kamay, ang kanyang guwapong mukha ay parang isang walang buhay na estatwa,"Huwag kang sumama sa kanya Yuna." "Sino ka ba para bawalan ako?" Sarcastic na ngumiti si Yuna, garapal niyang sinabi, "Hindi tayo magkakilala, huwag kang kumilos na parang aso na palaging nakasunod sa akin, nakakainis na." Pagkatapos sabihin iyon, sumakay na si Yuna sa sasakyan.Ngunit bagi isara ang pinto ay tumingin ulit kay Felix, bakas ni Yu
Sa oras na iyon, ang dalawa sa dance floor ay nasa punto na ng pagsusuot ng singsing. Kukunin na ni Robert ang nakahandang singsing na nasa tray para ibigay kay Rowena, at isusuot na ito sa manipis na palasingsingan ni Yuna.Biglang nagdilim ang tingin ni Felix sa panibugho, binangga niya ang karamihan at pumasok sa gitna ng bulwagan at hinila ang kaliwang kamay ni Yuna.Gusto sanang isuot ni Yuna ang singsing, pero nang hilahin siya ay hindi na siya makagalaw, kumunot ang kanyang noo at tumingin sa taong humila sa kanya. Si Felix pala.Malamig ang kanyang mukha, at bigla siyang hinila patungo sa dibdib nito, parang isang ari-arian na kanyang pinoprotektahan. "Kuya, ano ba ang ginagawa mo?" Kumunot ang noo ni Robert, at hindi masaya ang hitsura, kakahawak lang niya sa kamay ng babae, ang kanyang kamay ay parang makinis na tofu, at hindi niya maibaba ang kanyang kamay. "Hindi siya ang kasintahan mo." Malamig na sagot ni Felix at pagkatapos ay tinanggal niya ang maskara ni
Doon sa gilid. Isang matangkad at matikas na anino ang tumambad sa paningin ni Yuna.Si Felix, Tumingin ito sa kanya, may bahid ng pagmamahal at paggaalala ang kanyang mga mata."Bakit ka napunta dito?" Tanong agad ni Felix "Kapag sinabi kong nandito ako para batiin si Rowena, maniniwala ka ba?" Hawak ni Yuna ang kanyang baso ng alak at nakangiti."Sa tingin mo ba maniniwala ako?" Tumingin si Felix sa kanya. "Yuna, ano ba talaga ang gusto mong gawin sa pagpunta mo rito?" Ayaw ni Felix na gumawa si Yuna ng mga bagay na pagsisisihan nito o pagdudusahan na naman nito, mahigpit niyang tinitigan, si Yuna sinusubukang makita ang nararamdaman nito sa kanyang mga mata.Pero bukod sa pagngiti, walang nakita si Felix na emosyon sa mga mata ni Yuna, tanging malamig at malayo mga mata lamang"Mr.. Felix, hindi naman tayo kinektado na diba kaya tawagin mo na lang akong Ms. Yuna." Pagkatapos sabihin iyon, nakita niya si Rowena na umakyat, ibinaba niya ang kanyang baso at nais na sanang umalis.Per
Ay ilang linggo ng nakakalaya si Yuna ngunit hindi pa ito nakakausap ni Felix Palagi kase itong umaalis kasama ni Patrick..Pagsapit ng gabi, nakaupo si Felix sa swivel chair sa kanyang opisina na nakapikit at may malungkot na ekspresyon. Siya namang pagdating ni Marlon.Itinulak ni Marlon ang pinto at lumapit kay Felix, "Sir, pumunta si Madam sa birthday party ni Miss Rowena." Bakits nito.Biglang iminulat ni Felix ang kanyang mga mata, madilim ang kanyang mukha, "Anong sabi mo?" Seryosong tanong nito."Kadadating lang po ni Madam sa birthday party ni Miss Rowena at pumasok na siya ngayon sa bulwagan" ulit nito.Itinikom ni Felix ang kanyang manipis na labi. Si Yuna ay may sama ng loob kay Rowena at may galit, at pumunta ito sa birthday party party ni Rowena sa sandaling makalabas ito sa bilangguan. Sigurado si Felix na may plano si Yuna kaya kinabahan si Felix.Naningkit ang mga mata ni Felix, kinuha niya ang coat sa tabi niya, isinuot, at malalaki sng hakbang na lumabas.Samanta
Dalawang araw pa ang lumipas, si Yuna ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakulong dahil sa injury na tinamo ng biktima. Nang mga panahong nanyayari ang lahat nakabalik na noon si Patrick mula sa ibang bansa. Bumalik si Patrick mula sa ibang bansa at narinig ang tungkol sa nangyari kay Yuna. Dumating siya upang bisitahin ito sa bilangguan sa lalong madaling panahon. Napatingin si Patrick sa babaeng nasa tapat niya na nakayuko, at nagtanong, "Bakit hindi mo piniling baguhin ang iyong pag-amin noong panahong iyon?" Narinig ni Patrick ang lahat tungkol sa nangyari at sa ginawa ni Yuna mula kay Myca. Bahagyang ngumiti si Yuna, "Dahil ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob sa kanya." "Nakita ko siya sa labas nung pumunta ako dito kanina lang." sabi ni Patrick Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yuna, "Hayaan siyang maghintay sa wala, wala na akong pakialam. Anyway, araw-araw siyang dumadating pero at araw-araw rin siyang nawawala" sabi pa niya "Yuna, Ikaw ay mayroon na sanang p